Chapter 13: I like her before I knew her name

“Ah! Gusto ko na mamatay! Saksakin mo na lang ako please! Please lang!”

Pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko sa sobrang kaba. Puno naman ng pagtataka ang mga mata ni Ravenne habang nakatingin sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan nang makita ko si Landrice sa amin. Akala ko ay babatiin niya kami pero nilagpasan niya lang kaming dalawa ni Ravenne.

Baka sinabi sa kanya ni West—ni Ameer! Paano kapag ayaw niya na akong kaibigan dahil hinalikan ko ‘yung kapatid niya? Kyah! Mas okay pa sigurong maging baliw para may lusot ako sa ganito! Hindi naman okay ang palusot ko na lasing din ako kasi ‘yon ang sober thought ko!

Muli kong niyugyog si Ravenne. Parang gusto ko siyang sabunutan dahil sa kaba ko.

Tinanggal niya ang kamay ko na nakalagay sa magkabilang braso niya. Ngayon ay ang dalawang kamay niya naman ang nasa magkabilang braso ko.

“Ano ba kasing meron?” tanong niya tsaka tumingin kay Landrice na nangungulangot lang doon sa gilid habang nakatapat sa electric fan. “Mukhang bad mood ‘yan tol, nangungulangot eh,” ngumiwi siya.

“Naririnig kita ah!” sigaw ni Landrice sa kanya. Binigyan pa siya nito ng masamang tingin. “Bad mood ako pero kapag may chika pwede naman natin ‘tong pag-usapan.” Lumapit pa siya sa akin ngayon ay nasa harapan ko na silang dalawa.

Kumuha ng upuan si Landrice at binuhat ‘yon papunta sa harapan ko. Gawa pa sa bato ang upuan na ‘yon kaya sigurado akong mabigat ‘yon! Plus, ang laki-laki pa no’n!

“So, anong meron?” humawak din sa braso ko si Landrice. Ngayon ay magkabilang braso na sila ni Ravenne.

“Wala!” tumakbo ako roon papunta sa higaan ko at nagtalakbong. “Bahala na nga,” bulong ko.

Maloloka na talaga ako.

Iniba ko na lang ang topic. “Anong mga nangyari sa inyo bago kayo naging vampire?” tanong ko. “Totoo ba ‘yung hindi kayo tumatanda, gano’n?”

Nagsalubong ang kilay nilang dalawa. “Huh?!” sabay pa silang lumapit sa akin.

“Tumatanda rin kami ‘no, kaso 10 times na mas mabagal sa pagtanda ng mga tao,” sagot ni Wendy. “In short, matetegi rin kami someday pero atleast nakapag-extend ka ng life mo sa Earth, ‘di ba?”

“Hala gusto mong magpa-extend ng life sa Earth? That’s not me talaga. I really want to die and I keep wishing to die every fucking day,” bumuntong-hininga si Ravenne. “About doon sa bago kami naging vampire, nakakalimutan namin ang memories namin kapag naligtas ang kahit isang family member. Kaya nga gustong-gusto ng Ridge na patayin ‘yung pamilya ng newborns kasi alam nilang mawawasak ‘yung puso.”

“Pwede ba magtanong ng… about sa parents mo?” tanong ko.

“Oo nga, wala kang sinasabi sa amin tungkol sa family mo. Paano ka ba napunta roon sa impyernong ‘yon? Magk-kwento rin ako.” Singit pa ni Wendy.

Nagbago ang mukha ni Ravenne kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Wendy. “Wag na lang pala! Okay lang! Private syempre…” sinubukan kong pagaanin ang hangin. Mukhang maling spot ‘ata ang nagalaw ko.

“Gagi okay lang, wala pa naman akong napagk-kwentuhan bukod kay Lester,” bumuntong-hininga siya.

“Sure ka ba? H’wag na lang kaya natin ituloy?” nag-aalalang tanong ni Wendy.

“Wala na ‘kong parents or kahit anong myembro ng pamilya noong naging bampira ako. Twelve year old ako noong naaksidente kami habang dinadala namin ‘yung mommy ko sa Ospital dahil manganganak na siya. Ako lang ang nagpapaaral sa sarili ko.” Simula niya. “Iyong kaibigan ko noon na si Cessie, wala rin siyang pamilya. Nagkasakit siya tapos kailangan niya maoperahan agad. Siya ang pinaka-importanteng tao sa akin noon kaya napilitan akong magtry maging… prostitute.”

“Ay…” bulong ko.

“Magk-kwento pa ako pagkatapos ni Landrice,” tumawa si Ravenne sa mukha ni Wendy na nakasimangot. “Anong mukha ‘yan? Hindi naman heavy drama ‘yung buhay ko.”

“Anong nangyari kay Cessie noong nawala ka?” Tanong ko.

“Sadly, noong saktong pag-alis ko pala noong gabing ‘yon, kinuha na siya ni Lord…” mapait siyang ngumiti.

“Okay! Alis na natin ang vibes na ganyan, ako na lang ang magk-kwento,” sabi naman ni Landrice. “Noong mga panahong ‘yon, ‘yung mom ko is focus sa career ni kuya—para maging artista siya. Ayaw kong maging pabigat at kailangang-kailangan ko ng pera noon dahil may nagustuhan akong regalo para sa bf ko that time. May nag-alok sa’kin na kaklase ko. Ang sabi niya, malaki raw ang sweldo roon sa pinagttrabahuan niya. Hindi niya sinabi kung anong trabaho, tanging address lang binigay eh,” panimula niya. Tahimik naman kaming nakikinig ni Ravenne sa kanya.

“Pagkapunta ko roon sa lugar, nagkakagulo na pala. Tapos doon ko unang nakita si Ravenne at ‘yung iba pa na pinipilit ipasok sa loob ng van. Doon ko lang nalaman na ‘yung mga babaeng ‘yon ay bayaran para sumayaw at—magpasaya ng mga ganoong customer. Akala ko nga noon makakatakas ako kung magtatago ako, kaso hindi, nahuli rin,” pagpapatuloy niya.

“Kasama mo si Ameer? Bakit siya naging bampira?” tanong ko pa.

“Uhm… Ang hirap ipaliwanag kasi nung time na ‘yon nawalan din ako ng ala-ala kaya kahit ako naguguluhan din sa dahilan kung bakit siya naging ganoon. Hindi ko alam kung okay lang sa kanya na sabihin ko sa iba kaya… secret muna. If gusto mo talagang malaman, sa kanya ka magtanong. Introvert kasi ‘yon tapos ayaw na magsh-share ng past.” Sagot niya.

“Ganoon ba…” pabulong kong tanong. Tumango lamang siya sa akin.

Natahimik kaming lahat. Mabuti na lang at nakarinig kami ng katok kaya nabasag ang katahimikan namin. Binuksan ni Ravenne ‘yung pinto.

“Ano na namang ginagawa mo rito, Pythos?” tanong ni Ravenne dito.

“Pythos amp,” boses iyon ni Lycus. “Nasa’n si Rackhie? Hiramin ko muna,” tanong niya at sumilip sa loob para hanapin ako. Nang magtagpo ang mata namin ay napangiti siya. Dire-diretso siyang pumasok sa loob kaya sinabunutan siya ni Ravenne.

“’Yung sapatos mo! Ang dumi-dumi!” saway nito kay Lycus.

Nang maalis na ang kamay ni Ravenne sa ulo ni Lycus ay nagkamot siya ng ulo. “Ay sorry sorry, teka lang,”

“Anong meron? Ba’t ka nandito?” tanong ko sa kanya.

“Busy ka ba?” tanong niya.

Sasagot na sana ako nang sabay magsalita sina Ravenne at Landrice, “Oo, busy siya,” sagot nilang dalawa.

“Grabe,” tumawa si Lycus. “Saglit lang naman sana, may gagawin lang tayo saglit. May ita-try lang kami ni Siquiera tapos isasama ka namin. Pagkatapos ibabalik ka na namin dito.”

“Ano naman ‘yon?” tanong ko pa.

“Basta,” umupo siya sa sahig. “Sumama ka sa ‘kin tapos gagawin mo lang ‘yung gusto ko,”

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. “Ano? Ayoko. Hinding hindi ako susunod sa gusto mo.” Umirap ako.

“Luh,”

“Ang kapal ng mukha nito,” sabi ni Ravenne.

“Totoo,” gatong pa ni Landrice.

“Hindi naman ako gagawa ng para sarili ko! Para kay Rackhie rin ‘to! Ang sama talaga ng tingin niyo sa akin. Kahit mukha akong perfect, hindi pa rin ako perpekto! May character development din ako, ‘no! Grabe talaga sa ‘yo sa’kin,” kunwari pa siyang nagpunas ng luha.

“Ano ba kasing gagawin mo?” tanong ni Ravenne.

“Secret nga okay! May secret ba na sinasabi?” inis na sagot ni Lycus. “Kalbuhin niyo na lang ako kapag may ginawa akong masama kay Rackhie! Hindi ako ganoon, ‘no! Ayoko ring makalbo. Alam niyo naman kung gaano ko kagusto ang buhok ko,”

“Oo nga naman Ravenne baka makalbo ang mala-bunot niyang buhok,” natatawang sabi ni Landrice kaya napahalakhak kaming dalawa ni Ravenne. Para nga naman kasing bunot ang buhok ni Lycus. Pero bagay naman sa kanya.

“Oh! Napaka-harsh niyo,”

“Anong meron sa inyo ni Siquiera?” tanong ko.

Agad na namula ang pisngi niya kaya mas lalong lumakas ang halakhakan namin nina Ravenne at Landrice. Confirmed! May gusto siya kay Siquiera.

“Sumusunod lang ako sa plano niya!” depensa niya sa sarili.

“Utot! May gusto ka lang sa kanya eh!” pang-aasar ni Ravenne na halos maglupasay na sa tuwa. Hindi na rin makita ang mga mata niya sa sobrang pagka-pikit ng mata niya.

Naghampasan pa silang dalawa habang tumatawa. Napatakip na lang ako ng bibig dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang ngala-ngala ko sa sobrang tuwa. Nakaaaliw kasi ang mukha ni Lycus. Hindi mapakali ang mata.

“Umamin ka na?” tanong ulit ni Ravenne nang matapos siyang tumawa.

“Umamin saan?” tanong niya pabalik.

“Ay wala ‘to pare,” pang-aasar ko. Sinamaan tuloy ako ng tingin ni Lycus.

“Bahala na nga kayo! Basta pumunta kayo mamaya sa bahay ni Siquiera, aalis na ako!” Nakayukong tumakbo palabas si Lycus. Iniwan niya kaming tatawa-tawa rito nina Ravenne at Landrice.

“Sana all…” bulong naming tatlo.

“Sana all—ay, may asawa na pala ako, tsk tsk,” bawi agad ni Wendy dahilan para mapangiwi ako. Pakiramdam ko kasi ay lahat ng nakikita kong nakakakilig sa iba ay cringe. Kahit ako rin naman, may crush.

Tumingin ako kay Ravenne para sana magpaalam na lalabas na ako.

“Ay may bebe rin ako ineng, ‘wag mo akong tingnan,” Naghairflip pa ang gaga.

“Walang nagtanong!” Nagsitawanan kami. “Aalis na muna ako. Baka kasi talagang kailangan ako roon, kitakits mamaya,” paalam ko sa kanila.

Tumango lang sila kaya dumiretso na ako sa cr para magpalit ng damit. Nagpalit ako ng mas presko kasi ang init ng panahon ngayon. Kahit naman kaya kong humiling kila Wendy na palamigin ang klima ay hindi ko na ginawa. Nakakahiya kasi.

About naman doon sa position, pumayag na ako. Gusto ko ring maging part ng Duressa at hindi ko hahayaang lait-laitin lang ako ng ibang bampira. Marami pa akong hindi alam. At siguro, mas marami pa akong malalaman kung makapasok din ako sa taas.

Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay rinig ko na ang bulungan sa labas.

“Have you seen Carmen? She’s missing for almost 2 days. Do you think she’s dead?”

“I don’t know, maybe. Lower your voice, someone might hear us.”

“Yeah of course. But why does fundadora didn’t even do anything? She’s really useless.”

“Agreed. I deserve her position, she’s just a low class. Didn’t even know why Celine chose her! She even made that human-Rackhie her left-hand! Yucky!”

Pakiramdam ko ay gumagalaw ang tenga ko habang nakikinig sa kanila. Kung sino man ang bumulong no’n ay mataas ang level ng kakapalan ng mukha nila. Gusto ko man silang patulan ay hindi ko na ginawa. Ayokong makipag-away sa mga ‘low class’.

Nang makarating ako sa sinabi ni Lycus ay nakasalubong ko agad si Ameer. Nakasunglasses siya, putting sando at beach shorts. Nakalagay ang dalawang braso sa taas ng binti niya. Nakatingin lang siya diretso sa dagat. Nakaupo siya sa may buhanginan. Hinahangin ang dark brown niyang buhok.

Lalapit na sana ako sa kanya nang maalala kong hinalikan ko siya noong nakaraan! Shit!

Umatras agad ako.

“Hi, Rackhie,” bati niya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong nagbow sa harapan niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa ‘yon pero ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Siguradong galit siya sa akin. Kung hindi naman bigdeal sa kanya ‘yon, nakakahiya pa rin kasi humalik ako.

Nakaharap na pala siya sa akin ngayon at nakataas ang sunglasses niya sa taas ng buhok niya kaya kitang-kita na ang brown na mga mata niya. Natatamaan pa ‘yon ng araw kaya parang kumikinang.

“Are you mad?”

“Ha?” balik tanong ko sa kanya.

“Galit ka ba?” Ulit niya. “Sa ‘kin? May nagawa ba ako? Bakit mo ako iniiwasan?”

“Huh? Anong galit? Hindi ah! Baka ikaw ‘yung… galit.” Hindi siya mukhang galit. Pero bakit naman? Ay, kahit na! Nakakahiya pa rin kasi hinalikan ko siya. “Wala kang ginawa kaya hindi kita iniiwasan.”

“I don’t think so…” humina ang boses niya. May iba pa siyang sinabi pero hindi ko marinig. Nag-iba rin siya ng direksyon ng tingin kaya hindi ko mabasa ‘yung mga binibigkas niya.  “Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.

“Ah… Pupunta lang sana ako kila Siquiera. Sabi ni Lycus may gagawin daw kasi kami.”

“Lycus? Anong gagawin?”

Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam, eh,”

“Hi Rackhie,” biglang may nagsalita sa gilid kaya parehas kaming napatingin ni Ameer doon. Napatayo si Ameer mula sa pagkaka-upo at nagpagpag ng shorts. “Tara na?”

“Saan kayo pupunta?” lumipat ulit ang tingin ko kay Ameer na nakataas pa ang kilay kay Lycus.

“Pake mo?” Tumaas din ang kilay ni Lycus sa kanya. Binalik ni Lycus ang tingin sa akin tapos bigla siyang ngumiti. Naweweirdohan tuloy ako sa kanya. Sinapian ba ‘to? “Hi bebs,” bati niya ulit.

Ngumiwi agad ako. “Bebs? Yuck!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dati pa niya ako hinaharot pero ngayon ko lang sinabi ‘yon. Gusto kong ipaalam sa kanya na hindi ako interesado sa kanya. Sa isang tao lang ako interesado…

Madramang napahawak sa dibdib si Lycus. “Grabe ka talaga sa’kin, yuck talaga?” tila ‘di makapaniwala ang mukha niya. Inabot niya ang kamay ko. “I have a surprise for you,”

Tumingin ako kay Ameer na nagsasalit-salitan pa ang tingin sa amin. Ni hindi malaman kung sino ang titingnan.

Ibinalik ko ang tingin kay Lycus nakatingin kasi siya sa likuran niya. Pasimple. Biglang nahagip ng mga mata ko sina Sunny, Aia at Siquiera na inaambahan pa ng suntok si Lycus kaya napabalik ng tingin niya rito sa amin.

Muling ibinalik ni Lycus ang tingin sa harap tsaka niya ako gamit ang, ‘please tulungan mo ako o mabubugbog ako ng bebe ko’ na tingin. May something nga siguro sa kanila. Pero labas na naman na ako roon.

“Surprise? Ano?” Tanong ko sa kanya. Makikisabay na lang ako sa agos.

“Tara,” hinila niya pa ang kamay ko.

“Pero si Ameer—” natigil ako nang makita kong naglalakad na palayo si Ameer. Nakahawak pa rin ang kamay ni Lycus sa kamay ko at nakatingin din siya kay Ameer na naglalakad palayo.

“Hindi ko inaasahan na bibigay agad siya,” bulong niya.

“Bibigay saan ba?” nakatingin pa rin ako sa papalayong anino ni Ameer.

“Wala wala, tara na,”

Sumunod na lang ako sa kanya. Saan niya ba ako dadalhin?

“Oh? Nasa’n ‘yung isa?” bungad na tanong ni Siquiera kay Lycus. Magkasalubong pa ang kilay. Napansin niya ako kaya agad siyang nagwave para mag-hi. “May sinabi ba sa ‘yo ‘tong si Lycus?” tanong niya tsaka binigyan ng nagbabantang tingin si Lycus.

“Huh? Wala naman. Ano ba meron? Naguguluhan kasi ako. Ano bang gagawin natin?” tanong ko ulit.

“Mamayang gabi may bonfire tayo,” sagot niya. “Ise-celebrate ka namin kasi bago kang member ng duressa. Pwede mo kaming tanungin kung ano ang gusto mong itanong, alam kong marami kaya maaga mamaya. After no’n, magsasabi tayo ng pangarap natin sa isa’t isa.” Dagdag niya pa. Nakangiti na.

“Nasa’n pala si Celine?” tanong ni Sunny sa likuran.

Hinanap agad ng mga mata ko si Celine. Magkakasama pala sila. Saan siya nagpunta?

-

-Celine’s Point of View –

Nang makita kong umalis sa tabi nina Rackhie at Lycus si West ay agad akong naglaho para sundan siya. Papunta na naman ‘ata siya sa kung-saan. Mahilig siya maglakad hanggang sa magpagod siya, doon niya lang nailalabas ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.

Kaya sa tingin ko, may gusto talaga siya kay Rackhie.

Nasa harapan ko na siya. Agad kong kinuha ang kamay niya at iniharap sa akin. “West,”

He looked back at me. I never expected his gaze to become colder. He don’t use the same gaze he used to give me when we were together. He changed… after he changed.

“Celine,” tumingin siya sa paligid. “What are you doing here?” tanong niya sa akin.

“I… I want to ask you something…” I gulped. I know I moved on already but we still used to love each other. It’s kinda hard to ask this question, I’m nervous.

“By a-any chance… do I still have a space in your heart..?” pahina ang boses ko. Ni hindi nga iyon ang balak kong itanong. Gusto kong malaman kung gusto niya ba si Rackhie. “I-I’m sorry for breaking you…”

“Celine,” he called. “I know it’s very difficult to think how we went from that to this. I never imagined us being like this. It never disappeared, Celine.” Diretso lang siyang nakatingin sa akin.

All the butterflies in my stomach flew away. I know him, I know what he’s trying to say. I’m not ready to hear it. I don’t want to hate my bestfriend, I need to hear this. For the sake of our friendship.

“It never disappeared because it never happened. We were friends at the start and I know you’re confused that time when you asked me to date you. I’m your friend and I want to help you. I thought it was love, too…”

Tumingin ako sa itaas, pilit na pinipigilan ang luhang patulo na sa pisngi ko. Dito na magtatapos ang lahat. Dito na kami magtatapos. Finally, may closure na kami. Hindi ‘yung sigawan kami nang sigawan.

“I know I’m a jerk because I said yes even though I already knew myself that I don’t feel any romantic feelings for you. I know it hurt you so much and I want to be there for you. I don’t want to fix you, to heal you—I-I… I want you to fix yourself. I want to show you you’re your own hero and you don’t need anyone else. You’re one of the girls I love the most.” Tumulo rin ang luha niya.

“W-West…” pakiramdam ko ay nanghihina ang mga paa ko. “I already knew you don’t have any feelings for me. You didn’t say ‘yes’, to me. I forced you to. Kinonsensya kita noon. It’s my fault. You don’t have to feel bad,” natawa pa ako habang pinupunasan ang luha ko. Para akong bride na nagpupunas ng luha dahil ikakasal na ako. Pero kabaliktaran, hihiwalay na ako sa kanya.

“I want to thank you for everything,” he said.

“I want to thank you, too. Thank you for being with me. Thank you for the unforgettable moments. Thank you for everything, Celine. I will always treasure every memories we had.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko siyang niyakap.

Finally. May closure na. I can now sleep peacefully every night without thinking every ‘what if’s’ and I’m now at peace.

Umiiyak ako habang nakayakap ako sa kanya. Samantalang siya ay nakapagpunas na ng luha. Nakangiti siya ngayon at bahagya pang natutuwa. I like seeing him smile so much.

Papahiwalay pa lang ako sa pagkakayakap ko sa kanya ay nakarinig kaming dalawa ng parang natapakang tuyong dahon. Nang tingnan namin kung sino ‘yon ay bumungad si Rackhie na nakasilip doon sa gilid.

Iba ang tingin niya. Alam kong may gusto siya kay West kaya baka kung ano ang isipin niya.

“R-Rackhie… It’s not what it looks like,” bulong ni West sa tabi ko. Hindi siya makapagsalita ng maayos at sa palagay ko ay hindi pa ‘yon narinig ni Rackhie.

Nanlalaki ang mata ni Rackhie. Kumikinang pa ‘yon kaya alam kong paiyak na siya. Shit, kailangan naming magpaliwanag.

Bago sundan ni West si Rackhie ay pinigilan ko siya gamit ang isang tanong.

“Do you like her?” I asked.

“I… I liked her before I even knew her name,” he said and immediately left me there.

-

Author’s Note: Celine’s pov is for this chapter only since I’m inactive and haven’t published any updates for the past few weeks so here it is! Celine’s Story will be published soon after I finish the Duressa Series #2! Thank you for reading!