Chapter 11: Maybe I like him
Pare-parehas kaming nakatulala habang pinagsasabihan ni Ameer si Wendy. Padalos dalos daw kasi kaming nag-iisip. Kung hindi pa raw nila kami pinuntahan kaninang umaga ay baka patay na raw kaming lahat ngayon.
“I told you! We’re going to find a way!”
“Stop being stubborn, Landrice,” saway ni Ameer sa kanya. “Gusto niyo bang mawalan na naman tayo ng kaibigan?”
Nagpapadyak-padyak si Wendy papunta sa hagdanan. Umakyat siya sa taas.
Nang mawala si Wendy ay kami naman ni Farrah ang pinagsabihan niya. Ang sabi niya, kung may binabalak man kaming gawin ay matuto rin daw kaming kumonsulta sa kanya.
“Hay na’ko, eabab moments,” bumuntong-hininga sa likuran si Lycus. “Hindi manlang kasi marunong humingi ng tulong. Kababae niyong tao, padalos dalos kayo sa mga desisyon.”
Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Farrah sa sinabi niya. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
“For your information, we can think straight and I don’t need your fucking help. Ano naman kung babae kami? Hindi porket babae kami kailangan na namin lagi ang tulong niyo.” Inis na sabi ko. “Hindi naman kayo ang umiiri kapag may pinapanganak na sanggol,”
Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Ngayon ko lang nalabas ang inis ko sa lahat ng nangyayari. Ang pagkawala ng magulang ko, ‘yung secret nila tungkol sa pagiging bampira nila at ang pagtatago nila mula sa akin.
Walang sumubok na magsalita. Tanging ang pagtunog lamang ng ringtone ng cellphone ni Ameer ang bumasag sa katahimikan naming lahat. “Excuse me,” he said.
Nang umalis siya ay si Lycus na lang ang natirang lalaki sa harapan namin. Hindi dumating si Lester kanina dahil may demo raw sila ngayon sa school. Graduating na kasi siya.
“I don’t mean it that way, I’m sorry,”
I rolled my eyes. “I don’t think so.”
“Tara na nga, iwan na natin ‘yan. Hindi ko nga kilala ‘yan eh biglang nakikipasok sa may bahay nang may bahay. Tch.” Inis na sabi ni Farrah tsaka tiningnan si Lycus mula ulo hanggang paa para maasar siya.
Hindi pa kami nakakaalis sa pwesto namin ni Farrah nang bumalik si Ameer. Para siyang iiyak kasi nagtutubig na ang mata niya. Nakayuko rin siya nang kuhanin niya ang mga gamit niya na nasa harapan namin.
“I’ll make a plan. We can do the plan that’s on your mind. Just don’t do this your own,” kalmadong sabi niya habang nakayuko pa rin at naglalagay ng sapatos.
Nagkatinginan kami ni Farrah. Sa palagay ko ay parehas kami ng iniisip pero ni isa sa amin ay walang nagsalita.
“May pupuntahan lang ako. Babalik ako,” paalam ni Ameer tsaka lumabas.
Buong araw lang akong nakahiga sa kama ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin. Paano kapag buhay pa talaga ‘yung parents ko at hindi talaga ‘yon kayang gawin nila Shivani? Pero paano naman kung nagawa na nila ‘yon at kami na lang ang umaasa?
“Rackhie sa baba raw sabi ni Landrice,” sabi ni Ravenne na nasa labas ng kwarto ko. Base sa boses niya ay mukhang badmood siya.
Bumaba na ako. Pagewang-gewang pa ako da hagdan dahil nakaramdam ako ng kaunting hilo. Nakita ko roon si Ameer na galing sa pag-iyak. Medyo namamaga kasi ang ilalim at taas ng mata niya.
“We found a way,” panimula ni Landrice. “We’re going to use Lester’s power to open the portal.”
“Lester?” tanong ni Ravenne sa boyfriend niya. Ngayon niya lang din ‘ata niya ‘yon nalaman.
Nagkibit-balikat si Lester. “That’s the only way,”
Bumuntong-hininga si Ravenne at tumingin sa kawalan.
“Puntahan natin bukas. Pagkatapos magpahinga nila Lycus, Renzo at Rackhie. Kailangan nila ng mahaba-habang tulog.” Wika ni Landrice.
“Pupunta na tayo bukas agad?” Tanong ko pa. “Wala manlang ba tayong ibang plano? Paano kung hindi madaan sa pakiusap sila Sunny?”
“Hindi naman nila kayang saktan si Renzo kasi kasama ang pamilya niya sa Ridge. Siya lang ‘yung naging anak ng myembro ng clan pero hindi naging bampira.” Paliwanag niya. “Sa ngayon, matulog muna kayo. Kami na ang bahalang magplano nitong lahat kaya bukas na lang tayo mag-usap ulit. Pinaalam ko lang ‘to sa inyo.” Dagdag pa niya.
-
“Ang layo naman no’n naiihi na’ko,” reklamo ni Lester habang tumitingin sa paligid.
Huminto ang van na sinasakyan namin sa gilid. Nasa gubat kami ngayon at hapon na rin kaya medyo dumidilim ang paligid. Tanging huni lamang ng ibon ang naririnig namin. Napakalakas ng hangin.
“Dito na ba ‘yon?” Tanong ko.
“Oo,” sagot ni Ameer dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakatingin siya roon sa malaking puno pero nang mapansin niyang nakatingin ako ay nag-iwas ako ng tingin.
“Paano ang gagawin mo? Wala tayong susi, ‘di ba?” tanong ni Lycus na nakaupo pa roon sa driver’s seat.
“Nakakapagbasa ng utak si Lester. Kaya niya ring magpagalaw ng bagay gamit ang isip niya. Kailangan niya lang ng kaunting panahon para hintayin ang dadaan sa portal mula sa loob at gagamitin niya ‘yung kapangyarihan nung taong ‘yon para buksan ‘yung portal.” Sagot ni Ravenne.
“What makes you sure that’ll work? What if he mess up?” Tanong pa ni Lycus.
“Magtiwala ka na lang.” Iritadong sabi ni Ravenne.
“Okay sabi mo eh,” sagot ni Lycus na nakababa na sa van.
Pumwesto sa harapan nung puno si Lester. Pinakiramdaman niya ‘yon hanggang sa bigla na lang umilaw ‘yung labas ng puno at higupin kami papunta sa loob.
“What was that?” gulat na tanong ni Lycus.
“Hindi ba obvious? Hinigop tayo.” Pati ako ay naiinis na rin sa kanya.
“Woah,” manghang sabi niya nang makita ang paligid.
Nakapasok na kami sa loob. Ang akala namin ay magiging marumi ang paligid dahil gustong sirain nila Sunny ‘yon pero nagkamali kami. Napakalinis ng isla. Wala kang makikitang kahit anong kalat. Mas malinis pa sa dati.
“Parang may mali…” bulong ni Ravenne.
“Tingin mo?” tanong ko sa kanya.
Hindi pa kami tumatagal sa kinatatayuan namin ay biglang may lumabas ulit sa portal. Isang babae na kulay pula ang kulot na buhok. Hanggang pwetan niya ‘yung buhok niya at naka-itim siyang jacket—pa-dress na jacket. Nakabota siyang itim at pulang-pula ang mga mata. Ang hoodie niya ay nakalagay pa rin sa uluhan niya kaya hindi gaanong kita ang mukha niya.
“Sino ka?” Pasigaw na tanong ni Ravenne. Tinutukan din siya ng baril nina Wendy, Lester at Renzo. Ngayon ko lang napansin na nagdala pala sila ng mga ganoon.
Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko para pakalmahin siya.
Itinaas nung babae ang dalawang kamay niya.
“H-Hey… Please calm down. I’m not here to hurt anybody. Please lower your guns,” nanginginig ang boses niya. Tinanggal niya ang hoodie na nakalagay sa ulo niya para makita namin ang buong mukha niya. Iyong kilay niya ay makapal at itim na itim. May peklat doon na parang hiwa.
Umikot siya para ipakitang wala siyang dalang kahit anong armas. Nakataas pa rin ang kamay niya. “M-My name is Siquiera. I’m also… a vampire like you—some of you. I work for Ridge —” agad na naputol ang sasabihin niya nang tinutukan ulit siya ng baril ni Ravenne. “Dude! Hey! Calm down! I’m not finished yet! I swear I didn’t came here for them! I escaped!”
“Escaped?” Tanong ni Wendy. “Tumakas ka? Saan? Sa Ridge?”
Tumango si Siquiera. “Oo.” Bumuntong-hininga siya at isa isa kaming tiningnan. “Tumakas ako roon dahil ‘yung mga kaibigan ko, nandito sila sa isla. Tumakas din sila sa Ridge at alam kong papatayin din nila ako kapag nalaman nilang kaibigan ko ‘yung dalawang tumakas. Higit isang linggo na akong nag-aabang sa magbubukas nitong lagusan pero walang nagbubukas. Nung dumating kayo tapos binuksan niyo ‘to, sumama na ako kasi kailangan kong iligtas ang mga kaibigan ko.”
“May kaibigan kang Duressa?” Tanong ko.
Tumingin siya sa akin at tumango. “Oo. Dalawa sila. Galing din sila sa Ridge katulad ko pero noong ipinadala sila sa misyon dito, hindi na sila bumalik kaya hinahanap na sila ng Ridge clan. Kaya kung kasama kayo sa Duressa o konektado kayo sa kanila, may babala.”
“Anong babala?” tanong ko.
“Tinutukoy na ng Ridge ang ibang paraan para makapasok sa isla. Kapag nangyari ‘yon, isa-isa nila tayong papatayin. Katulad niyo, galing pa kayo sa labas at sa palagay ko kayo ang tinutukoy nilang mga nakatataas.”
“Si Landrice,” mahinang tinulak ni Ravenne si Landrice kay Siquiera. “Fundadora.”
Napaawang ang bibig ni Siquiera nang sabihin ni Ravenne ang salitang ‘yon. Agad siyang lumuhod sa harapan ni Landrice.
Pinatayo agad ni Landrice si Siquiera mula sa pagkakaluhod. Tiningnan kami ni Landrice upang tanungin kami kung tama ba ang iniisip niyang pagkatiwalaan ‘yung Siquiera na ‘yan. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo dahil diretso ang tingin niya sa amin sa mata.
Walang katao-tao rito sa isla. Ang dating mga gusali na gumuho ay muling itinayo. Nakapagtataka sa akin dahil sa loob lang ng halos tatlong buwan ito naayos kahit higit walong bahay ang tumumba.
“Sino ang dalawang kaibigan na ‘yon?” tanong ko. Baka kilala ko ang tutukuyin niya.
“Midnighte… at Shivani,” sagot niya.
Agad na nanlaki ang mga mata ko. Kaibigan niya rin sina Sunny at Aia?!
“B-Bakit?” tanong niya pa. Walang ideya kung bakit gulat na gulat ang mga reaksyon namin ng mga kaibigan ko. “Kilala niyo rin ba sila? Alam niyo ba kung nasa’n sila ngayon?”
“Paano ka nakatakas?” Mahinahong tanong ni Landrice sa kanya habang naglalakad kami at tinitingnan ang mga gusaling naglalakihan.
“Alam kong marami kayong tanong para sa’kin pero sigurado akong ganoon din ang tanong ng dalawang kaibigan ko. Kapag nakita ko na sila tsaka ko ipapaliwanag lahat ng alam ko—”
“Alam mo ba ang ginawa ng mga kaibigan mo sa islang ‘to?” Tanong ni Ravenne sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Diniinan niya pa ang pagkakasabi sa, ‘kaibigan mo’. Namumula na rin ang mga mata ni Ravenne kaya hinila siya ni Lester at agad na pinakalma sa pamamagitan ng paghalik sa nuo.
Bumuntong-hininga si Siquiera. “Nasa kalagitnaan kami ng paghahanap sa inyo noong nakatakas ako. Higit isangdaan ang mga kasama kong naghahanap sa inyo. Pare-parehas kaming nakasuot na jacket na itim. Noong may dumating na pusa at mga leong nagsasalita sa harapan namin ay palihim akong tumakbo at naglaho.”
Pusa? Parang pamilyar sa akin ang nagsasalitang pusa na ‘yon. Parehas lang ba kami ng tinutukoy?
“May kilala kang pusang nagsasalita, Rackhie?” tanong sa akin ni Lester. Oo nga pala, nakalimutan kong marunong siyang magbasa ng mga utak.
Tumango ako. “Oo. Noong sinundan ko si…” Napatingin pa ako kay Landrice upang malaman kung okay lang ba na sabihin kong siya ang sinundan ko noong araw na ‘yon.
“Sino..?” tanong ni Landrice sa akin.
“Ikaw. Sinundan kita noon tapos muntikan na akong makita noong babaeng kasama mo. Parang nanay mo siya—parang nanay niyo ni Ameer. Muntikan niya na akong makita pero itinago ako nung pusang ‘yon at bigla siyang nawala noong lumabas ako.”
“Pamilyar din ako sa mga leon. Kilala niyo ba ang Einar? Clan din sila katulad ng Ridge pero mga leon sila. Mga tao sila sa unang tingin pero sa isang iglap kaya nilang maging hayop.” Sabi pa ni Ravenne na kumalma na ngayon.
“Rackhie?” biglang sumikat ang araw kasabay nang pagkarinig ko noon. Napatakip tuloy ako ng mata dahil nasisilaw ako.
Nang tumingin ako sa likod ko ay nakita ko si Sunny at Aia na nakatago roon sa isang puno. Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla nila akong niyakap. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko dahil hindi ko malaman ang gagawin at ire-react ko.
Sana wala silang kinalaman sa pagkawala ng mga magulang ko…
Hindi tumagal ang pagkakayakap nilang dalawa sa akin dahil ihiniwalay agad sila ni Ravenne sa akin. Malakas na sinampal ni Ravenne si Midnighte, sunod si Shivani na napaupo sa sahig sa lakas no’n.
“Anong ginawa niyo rito? Ha?” Galit na sigaw ni Ravenne sa kanila.
Napatakbo rin si Siquiera kila Midnighte at Shivani. Tiningnan niya kung may sugat ba ang mga kaibigan niya at tinanong kung okay lang sila. Tumango naman agad si Shivani at nagpilit ng ngiti.
“Muntikan mo na kaming mapatay! Nasaan si Celine? Ha? Pinatay mo na rin?!” Tanong pa ni Ravenne sa kanila. Napatingin ako sa likod niya. Nandoon si Ameer at nakatingin din sa akin.
“Rav…” bulong ni Lycus na natatakot na rin sa ginagawa ni Ravenne.
“Wala kaming pinapatay, Farrah! Kilala mo kami! Hinding hindi namin ‘yon magagawa sa inyo!” Sigaw ni Midnighte—Aia.
“Don’t you dare call me Farrah!” galit na sigaw nito sa kanila. “Where’s Celine? I saw her! She’s alive! Where did you hide her? Huh?”
Hindi pa nakatatapos magsalita si Ravenne ay agad na may yumakap sa kanila. Si Celine. Nandito si Celine! Buhay siya!
Agad din akong napayakap sa kanya. Tatlo na kaming magkayakap ngayon. Napahinto si Ravenne noong niyakap siya ni Celine at hindi na nakapagsalita pa. Yumakap din si Landrice.
Dahil nasa likod ni Ravenne si Ameer, nagtama na naman ang tingin namin.
Parang pigil ang hininga niya dahil napahinto rin siya nang makita niya si Celine.
“Ravenne… calm down. She didn’t do anything bad. I promise. She didn’t kill anything. Illusion lang ang pinapakita niya noon. Itinago niya lang lahat ng myembro ng Duressa. Buhay kaming lahat.”
“Paanong—” hindi makapaniwala si Ravenne.
“We’ll tell everything to you later. Okay?” nakangiting sabi ni Celine tsaka kumalas sa yakap kay Ravenne. Niyakap niya ako, sunod si Landrice. “I missed you all.”
Tumingin siya sa likod ni Ravenne kaya tumingin din ako roon. Nakatingin pala siya kay Ameer na nakatingin naman sa akin. Anong meron? May something ba sila?
Baka nga…
“West…” Niyakap niya si Ameer. Alanganin pa ang mukha ni Ameer kung yayakap ba siya pabalik o magpapayakap na lang siya. Hindi naalis ang tingin niya sa akin, eh. Napatingin tuloy ulit sa akin si Celine. Nagtataka kung bakit nakatingin sa akin si Ameer. “Oh, sorry,” agad na humiwalay sa pagkakayakap si Celine sa kanya.
Bumuntong hininga si Ameer nang humiwalay na si Celine sa pagkakayakap sa kanya. Hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa akin. Magsasalita na sana ako nang biglang gumalaw ang bibig niya.
“Papahangin lang ako,” paalam niya sa amin pero nasa akin pa rin ang mga mata niya.
Tumalikod siya at pumunta roon sa tabing dagat tsaka umupo roon sa may buhanginan. Nagpaalam din si Renzo na magpapahangin siya. Tinabihan niya si Ameer. Nagsimula silang mag-usap pero hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko rinig.
Nginitian ko muna si Celine bago ako umupo rin sa tabing dagat—sa buhanginan, ‘di kalayuan sa pwesto nina Ameer at Renzo na nakangisi pa habang pinagsasalit-salitan ang tingin sa amin ni Ameer.
Nakita ko ang pag-irap ni Ameer kaya palihim akong napangiti. Bakit ba ako ngumingiti?
Malala na ‘ata ako. Hindi naman ako ganito dati.
Tumabi si Celine sa akin. Tapos na pala silang mag-usap nila Landrice at Ravenne. Nakangiti siya habang nakatingin sa paa niyang hinahampas ng alon.
“Namiss kita talaga. Kumusta na?” tanong niya sa akin kahit hindi niya ako tinitingnan.
“Hindi ako okay…”
Tumingin siya sa akin. “Huh? Bakit naman?”
“About sa parents ko…”
“Hindi ko rin alam kung nasaan ang parents mo. Sana lang ay ligtas sila ngayon. Alam naman nating lahat na puno ng ilusyon ang plano ng Ridge.”
Bumuntong hininga ako. “Hays… sana nga.”
“Do you like Duressa?”
“Oo naman,” sagot ko sabay ngiti. “Saya nga eh kahit na minsan ang seryoso niyo masyado. Kung hindi lang sana ako tao eh…”
“Hoy ‘wag ka ngang ganyan,” nagsadface siya bigla.
“Bakit? Tatanggalin mo na ako?” Biro ko.
Nataranta agad siya sa sinabi ko. “Huh? Gaga hindi naman sa gano’n! May itatanong lang sana ako sa ‘yo kaya ko tinanong,” paliwanag niya.
“Ano naman?”
“Gusto mong maging left hand?”
“Huh? Kaliwang kamay?”
“Oo,” sagot niya.
“Ano?” Takang tanong ko. Tinanong ba naman ako kung gusto ko maging kamay?
“Ay gagi mali… Mali pala pagkaka-intindi mo. I mean, do you want to be… like… an officer.”
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Baka may nakarinig noon! “Huy! Seryoso ka ba? Ang daming mas nauna pa sa ‘kin! Tsaka isa pa, tao ako!”
Nagtaka siya sa sinabi ko. “Ano naman kung tao ka?” tanong niya.
“Hindi ko deserve ‘yan. Sa iba mo na lang ibigay. Salamat sa offer.”
“Rackhie, I know you can help us rebuild. So please, accept this. You deserve a title.”
“Tsaka na natin pag-usapan. Medyo pagod na rin kasi ako hays. Usap tayo bukas nila Landrice. Pag-iisipan ko muna ha…”
“Sige,” nakangiting sagot niya.
Natahimik kami saglit. Hanggang sa binasag niya muli ang katahimikan.
“May gusto ka ba kay Ameer?” biglang tanong niya habang nakatingin ulit sa paa niya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na itatanong niya ‘yon sa akin.
“Huh? W-Wala,” sagot ko.
Tumawa siya. “You know what? Nevermind.”
“Wala nga!” Nagpilit ako ng tawa.
Ako? May gusto kay Ameer? Psh.
Nang umalis si Renzo sa pagkakatabi kay Ameer ay nagpaalam na rin si Celine na pupuntahan niya muna si Ameer para tabihan at makipagkwentuhan.
Baka nga may something talaga sila.
Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Ameer nang makita niyang papalapit sa kanya si Celine. Hanggang sa tumabi na si Celine sa kanya ay nakatingin pa rin siya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin tsaka tumayo na.
Maybe… I like him. A little ‘like’ won’t hurt, right..