KITY'S POINT OF VIEW
"Oh my god Kity, hindi ka na berhen! I'm so proud of you!" inilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa tiling 'yun ni Maya mula sa kabilang linya. Shit, kinakabahan ako sa kakatili niya baka magmana sa kaniya ang inaanak ko.
"Manahimik ka nga buntis!" pabulong na saway ko sa kaniya at saka medyo lumingon sa pinto ng banyo.
Mas nilakasan ko ang gripo para mas mangibabaw ito kaysa sa boses ko. Para na rin hindi ako marinig sa labas. Baka kasi biglang dumating si River tapos bigla akong marinig dito.
Alas-dos nang hapon na ko nagising kanina at paggising ko ay wala si River dito sa condo niya pero may hinanda siyang pagkain at nag iwan nang note. Hindi niya sinabi kung san siya pupunta at wala akong pakialam.
Akala ba niya hahanapin ko siya dahil may nangyari sa'min kagabi?! Akala niya lang 'yun! Kahit wag na siyang bumalik wala akong pakialam!
"Bakit ba? Kinikilig ako sainyo, e. Akalain mo 'yun? Yung isang linggong pag-ibig niyo nag bunga ng ganito? Omg siguro kung hindi lang ako buntis nagpainom na ko."
Ang kapal talaga ng muka ng lalaking 'yun! Nakakainis! Pagkatapos kong isuko ang dignidad ko sa kaniya iiwan niya na lang ako dito. Damn him! Pinuntahan niya baa ng fiancé niya? Akala ko ba mahal niya pa rin ako pero bakit nandoon agad siya?!
Akala ko ba wala kang pakealam?
"Wala nga!"
"Anong wala? Wala siyang abs?"
"Meron syempre–I mean anong abs ang sinasabi mo diyan?!" huli ko nang narealized kung anong unang sinagot ko.
She suddenly laughed out loud on the other line. Ramdam ko ang pag init ng muka ko dahil sa lumabas sa bibig ko.
"But seriously, I really can't believe that you gave your vCard to your ex, I thought you didn't love him anymore," aniya, "Tsaka 'di ba sabi mo may fiancé na siya? Pano na 'yan kahit saang anggulo mo tingnan kabit ka ni River."
I took a deep breath and smiled wryly, "Alam ko. Ewan ko ba tanga na siguro talaga ko. I felt no remorse or guilt for Yolan, for what River and I had done."
Natahimik siya, "Ibig sabihin ba niyan mahal mo pa rin si River hangang ngayon?"
Hindi ako nakasagot. Tinitigan ko ang muka ko sa salamin dito sa loob banyo. Muli kong inalala ang nangyari kagabi. Alam kong malaki ang ambag ng alak kaya ako nagpadala sa emosiyon ko pero gaya nga sabi ko, wala kong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil alam kong mahal ko ang pinagbigyan ko ng pinakaiingatan ko.
"I still love him, Maya..."
*****
Pagkatapos kong maligo ay dahan-dahan akong lumabas sa banyo. Pinakiramdaman ko kung nandito na ba si River. Panay ang baba ko nitong suot kong maluwag na t-shirt ni River dahil hindi sa akin kasya ang iniwan niyang padjama kaya t-shirt lang niya ang sinuot ko na hanggang kalahati ng hita ko ang haba. Hindi rin ako kumportable dito sa suot kong boxer short.
Nang masigurong wala pa rin siya ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kasi alam kung pano ako haharap sa kaniya. Gusto ko nang umuwi pero pinapatuyo ko pa ang damit ko sa banyo. Hindi naman pwedeng ganito ang suotin ko pauwi sa'min dahil baka ipatapon na 'ko agad ni Mamita sa Germany habang hindi pa tapos ang leave ko.
Hindi ko mapigilang igala ang paningin ko sa kabuuan ng condominium ni River. Napaka-manly ng kulay at interior ng condo niya. Kumpleto ang furniture at napakalinis ng paligid.
Sa sobrang pagkawili ko sa kakatingin sa mga kung ano-ano dito sa condominium ni River ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatulog pero pag gising ko ay madilim na sa labas. Dali-dali akong bumangon at inayos ang buhok ko.
"Shit, I need to go home," I murmured.
Patakbo akong pumasok sa banyo dahil doon ko pinapatuyo ang damit ko. Pero napatili ako dahil isang pagkakamali pala na pumasok ako doon ng basta-basta. Agad kong ipinikit ang mata ko at saka tumalikod.
"What are you doing?" River asked while chuckling.
"What else? Edi pumipikit!" inis na sabi ko at mas diniinan ko ang pagpikit ng mata ko.
"Why? You already saw this last night, why are you still closing your eyes?" He teased.
Ramdam ko ang pag-init ng buong muka ko dahil sa pang-aasar niya. Kung pwede ko lang talaga siyang hambalusin dahil sa mga sinabi niya ginawa ko na.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, "T-tumahimik ka nga! Ang bastos ng bunganga mo. Tawagin mo na lang ako kung tapos ka na," sabi ko at dali-dali lumabas.
Narinig ko naman siyang tumawa ng malakas sa loob ng banyo pagkalabas ko.
Pinagmumura ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko. I learned something today and that is to learn to knock to avoid this kind of situation. He was fully naked, for Pete's sake! Bakit ko ba kasi nakalimutang may kasama nga pala ako at hindi ko bahay 'to. Ramdam ko pa rin ang pammumula ng buong muka ko dahil sa nangyari.
Kahit na alam kong may nangyari na samin kagabi ay nahihiya pa rin ako. Letche, gusto ko nang umuwi.
"I'm done," naramdaman ko ang mainit na boses niya sa kanang tenga ko.
Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa batok at nanlaki ang mga mata ko dahilan upang mapalayo ako sa kaniya. Ganon na ba 'ko kalutang para hindi ko mamalayang tapos na siya.
I glared at him but he just laughed at me. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Tanging tuwalya lang kasi na nakapalibot sa bewang niya ang tanging tela sa katawan niya. Wala siyang suot na pang-itaas na damit dahilan upang tumambad sa harap ko ang abs na sinasabi ni Maya kanina.
Shit!
"Mag damit ka nga!" pagalit kunyaring sabi ko.
"Why are you distracted by my abs?" he teased.
"Distract my ass!"
"Yes, I know you have a nice and delectable ass baby."
"River!" I could feel the heat on my cheek because of what he was saying.
He suddenly laughed out loud while shaking his head.
"Huwag ka nang tumawa. Uuwi na ko, magbibihis lang ako," akma na sana ako aalis para kuhanin ang damit ko sa banyo pero pinigilan niya ang kaliwang braso ko.
"Wait up."
I frowned, "What? Why?"
Ngunit hindi niya ako sinagot. Pumasok siya sa kwarto niya at pagbalik niya ay may dala na siyang pink na paper bag na may tatak na mamahaling brand. He handed it to me.
"Here," aniya at nag-iwas ng tingin.
Kinuha ko 'to, "What's this?"
"I didn't mean to ruin your bra last night so I bought you a new one. I also bought you a clot–ouch!" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil pinaghahampas ko na siya ng paper bag na binigay niya.
Walang hiya talaga ang lalaking 'to kaya pala hindi ko makita ang bra ko kanina. Mabuti na lang at maluwag itong t-shirt niya kaya kahit hindi magbra ay hindi mahahalata.
"Why are so vulgar?! Saan mo nilagay ang bra ko?!" galit na tanong ko habang pinaghahampas pa rin siya.
"I won't tell you–ouch baby, stop it! It hurts," daing niya.
"Masasaktan ka talaga. I won't stop unless you tell me where you put my bra! You asshole!"
"Okay, I'll tell but in one condition."
I stopped and glared at him, "What condition?"
"Kiss me," he said, and pouted his lips.
My eyes widened, "River!" bulyaw ko sa sa kaniya.
"Then I won't tell you where I put it," he said teasingly at saka kumaripas ng takbo.
Kulang na lang ay maging kulay pula ako ngayon dahil malapit ko nang maging kamuka si Angry Bird dahil sa sobrang lapit ng kilay ko sa isa't-isa. Sa halip na habulin siya ay pumasok na lang ako sa loob ng banyo dala ang binigay niyang paper bag.
Pagpasok ko sa banyo ay isa-isa kong nilabas ang laman ng paper bag. Mayroon doong kulay black na lace undies at bra.
"What the hell?" bulalas ko. Bakit ganito ang binili niya?! I don't wear sexy undies.
Sunod ko namang nilabas ang kulay puting damit na nakatiklop. Sana naman maayos na 'to. Pero halos umusok ang ilong ko nang makita kong ano ang tabas ng damit na binili niya. Isa 'yong kulay puting turtle neck long sleeve dress na sa tingin ko kapag sinuot ko ay lagpas sa tuhod ko ang haba.
Salubong ang kilay na pabato kong binalik sa loob ng paper bag ang mga damit maging ang undies. Isusuot ko na lang ang sinuot ko kagabi. Mas fashionable pa 'yun kesa sa binili nang lalaking 'yun.
Naglakad ako patungo kung saan ko sinampay ang nilabhan kong damit kanina pero natigilan ako nang makita kong wala iyon doon. Sinuyod ko na ang buong banyo pero hindi ko makita ang damit ko.
"Damn you River! Damn you!" sigaw ko at siniguro kong maririnig niya 'yun.
*****
Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa patay si River na nasa harap ko. Madiin kong hiniwa gamit ang table-knife ang steak na niluto niya. Simula kaninang paglabas ko nang banyo ay hindi na siya tinatantanan nang masamang tingin ko.
Napansin ko kasi kanina marami pala akong mga hickey sa malapit sa batok ko kaya hindi ko kaagad napansin kanina nang maligo ako. Kaya kahit ayaw ko talagang lumabas suot ang pesteng damit na 'to ay wala akong choice dahil kailangan kong takpan ang mga hickey ko.
"H-hey, I'm sorry," ulit na naman niya pero hindi ako nagsalita, "What do you want me to do para hindi ka na magalit?"
Pabagsak kong nilapag ang kubyertos sa lamesa, "Uuwi na ko."
"Wait!" pigil na naman niya pero hindi ako nagpapigil.
Kinuha ko ang bag ko na nasa ibabaw ng center table sa sala niya at saka ito sinukbit sa balikat ko. Kailangan ko nang umuwi dahil baka nag-aalala na si Mamita sa mansion. Sina Kuya ay bumalik na sa Manila three days ago dahil hindi sila pwedeng mag-leave ng matagal. Governor si Kuya Kyrus at Chief naman si Kuya Kendrick hindi nila pwedeng pabayaan ang trabaho nila.
Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas ngunit naunahan ako ni River. Magsasalita sana ulit ako pero hindi natuloy dahil napansin kong iba na ang damit niya.
My eyebrows arched, "Wag mong sabihing sasama ka sa'kin," hindi makapaniwalang sabi ko.
"Then I won't tell you."
"River!" he looked at me, "Pwede bang pabayaan mo muna ako gusto ko nang umuwi. Just... just forget what happened last night that was just plain sex and no string attached," I lied.
Liar! Liar! Liar!
He took a deep breath, "I know but didn't I tell you that I still love you, Kiely. I thought you already understand."
"Pero mali kasi 'tong ginagawa natin. Maling-mali. Kahit mahal mo 'ko gaya ng sabi mo hindi pa rin pwede River kasi malapit ka nang ikasal! Kaya hanggat maaari gusto kong huwag ka nang lumapit sakin o kaya magpakita pa!"
"Do you really think I can do what you ask? Seven years Kiely, seven fucking years that you are far from me. Sa tingin mo ba talaga hahayaan na naman kitang makalayo? Hahayaan na naman kitang iwan ako? Fuck it! I don't want to waste this opportunity. I don't want to waste the years that I've been waiting for you. Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na pagbalik mo ay may iba ka na. Yet I still waited."
"Wait?" peke akong tumawa, "Naghintay ka ba talaga? Kasi kung talagang naghintay ka at mahal mo ko bakit hindi mo magawang makipaghiwalay kay Yolan nung wala pa 'ko? Bakit hindi mo siya kayang saktan pero kapag ako ang dali-dali mo lang gawin?"
"Kiely..."
"Nakakapagod na kasi. Lagi na lang tayong ganito kapag nagkikita tayo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na isumbat sayo lahat. Kapag nakikita kita lagi kong naalala 'yung ginawa mo sa'kin noon. Kung paano mo 'ko husgahan sa harap ng maraming tao. Kung pano mo tapusin 'yung relasyong kakasimula pa lang natin. Kung pano mo pinamuka sakin na ganon lang ako kabilis palitan!"
"Kiely..."
"At gaya nga ng sabi ko kanina what happened last night was just a plain sex and no feeling attached kasi hindi porket may nangyari sating dalawa ay babalik na tayo sa dati dahil kahit pagbalibaliktarin mo man ang mundo hindi na ko babalik sayo," I said, "At nakikiusap ako sayo huwag mong sasaktan si Yolan gaya ng ginawa mo sakin. Ituloy mo ang kasal niyong dalawa dahil siya 'yung totoong nagmamahal sayo."
Hindi ko na hinintay na sumagot siya dahil agad akong umalis doon. I wanted to congratulate myself because for the first time after seven years, I didn't cry in front of him as we talked about our past. Alam kong hindi tama na paulit-ulit ko na lang isumbat sa kaniya ang nakaraan pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko pagdating sa bagay na 'yun.
Papara na sana ako ng masasakyan pero natigilan ako ng may pumigil sa kamay ko. Kumunot ang noo ko. Hindi ba talaga siya marunong makaintindi?!
"Ano–."
"Hush, please just this one. Let me take you home ayaw kong may mangyaring masama sayo," aniya.
Hindi ko mapigilang tumitig sa mata niya iba't-ibang hindi mapangalanang emosyon ang nakikita ko doon. Huminga naman ako ng malalim bago dahan-dahang tumango.
I want to protect myself this time. Kahit gaano ko man siya kamahal ayaw kong sumugal ulit dahil baka sa pagkakataong 'to ay hindi ko na kayanin ang sakit.