KITY'S POINT OF VIEW
Nagpupuyos ako sa galit na lumbas ng EmpeBar. Kahit na pagiwang-giwang na 'ko habang naglalakad dala ng kalasingan ay patuloy pa rin ako sa paglalakad para lang makalayo sabar na 'yon. Hindi ko na mapigilan ang galit na nararamdaman ko ngayon. Bakit ba hindi napapagod ang tadhana na paglaruan ang buhay ko simula noon hanggang ngayon?! Maayos at tahimik na ulit ang ako ng bumalik ako dito tapos magugulo na naman?!
Ginawa ko na ang lahat para hindi na ulit mag cross ang landas namin ni River kahit nandito pa ako. Ginawa ko ang lahat para hindi ko na ulit siya makita hanggang sa matapos ang pananatili ko dito sa Pilipinas dahil sa bawat pagkikita naming dalawa ay bumabalik na naman ang damdaming matagal ko nang ibinaon sa kaibuturan ng puso ko.
Alam kong mali. Alam kong hindi dapat. At hindi ko nakakalimutang may fiancé na siya. Pero hindi ko mapiglan ang sarili ko na kapag nakikita siya ay bumalik sa mga panahong masaya pa kaming dalawa.
"Kiely!" hinubad ko ang suot kong ankle strap heels at mas lalo pang binilisan ang palalakad nang marinig ko ang boses ni River.
Natigilan ako sa paglalakad at muntik nang mabuwal sa kalsada dahil ramdam ko na umiikot ang paningin at ang sikmura ko. I can't hold myself from vomiting anymore kaya tuluyan na akong mapasuka sa daan.
"Kiely damn it!" River rushed towards my direction and caresses my back. Naririnig ko siya na paulit-ulit na pabulong na nagmumura habang hinahagod ang likod ko.
"I don't need you here, leave me alone!" pangtataboy ko sa kaniya at saka bahagyang tinulak siya subalit hindi naman siya nagpatinag.
"I won't leave you in this situation Kiely whether you like it or not," pagmamatigas niya at saka bahagyang lumayo ng tumayo ako.
"Hindi ka aalis? Fine! Ako ang aalis at wag kang susunod!" nakakunot noong bulyaw ko at saka tumalikod.
Kinalkal ko sa loob ng bag ko ang lagi kong dalang mouth wash at saka nagmumog habang naglalakad. Akala ko ay hindi niya talaga ako susundan ngunit nagkamali ako. Hindi siya nagsasalita pero patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin.
Inis ko siyang hinarap, "Pwede ba hindi mo ba talaga ako titigilan?!" sigaw ko wala na akong pakialam kung nage-eskandalo ako dito sa kalagitnaan ng gabi.
"I told you–."
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang bigla ko siyang batuhin ng bag na hawak ko. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sobrang galit na nararamdaman ko ngayon.
"I hate you! I hate you fucking much," I exclaimed, "Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba napapagod na paglaruan ang nararamdaman ko? Hindi ba pwedeng pabayaan mo na lang ako kasi 'yun naman talaga ang dapat mong gawin 'di ba? Nananahimik ako tapos dadating ka na naman at mangugulo. Guguluhin mo na naman ang buhay ko gaya nang ginawa mo noon, wawasakin mo na naman ako. Aarte ka na naman na parang may pakialam ka pero 'yung totoo wala naman talaga," hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tumulo mula sa mata ko habang sinasabi ko ang lahat nang 'yon.
Dala na rin siguro ng kalasingan kaya ko nasasabi ang lahat nang 'to.
Bakas ang sakit at pagsisi sa mata niya habang diresto siyang nakatingin sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin pero hindi ako nagpatinag dahil nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
I was stunned when he wiped my tears using his thumb, "I care for you baby," he sincerely said, "And I know what I feel for you wasn't right because I'm engaged, but I can't hold myself anymore Kiely. I want you to know that I still love you. I want you back. Kaya kong putulin ang engagement namin ni Yolan bumalik ka lang sa'kin ulit. Kaya kong maging gago maging akin ka lang ulit. I know that I'm already an asshole for wasting and hurting you back then but I regret all decisions that I made. Masyado akong nagpadala sa emosiyon ko. Kung pwede lang sana akong bumalik sa nakaraan para baguhin ko 'yung maling desisyon ko, ginawa ko na para hindi ka nawala sa akin."
Iba't-ibang emosyon ang nakikita ko sa mata niya habang sinasabi niya ang mga 'yun. Pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang tuhod ko at mas lalong umikot ang paningin ko dahil sa mga sinasabi niya. May parti sa utak ko na gustong maniwala sa kaniya pero may parti rin sa utak ko na sinasabing wag akong maniwala dahil may posibilidad na masaktan na naman ako.
Mapakla akong tumawa, "Nagbibiro ka ba? Lasing ako pero hindi ako tanga! Akala mo ba mapapaniwala mo na naman diyan sa mga sinasabi mo? Hindi na ako 'yung dating Kiely na kilala mo. Hindi na ako 'yung dati na basta-basta na lang maniniwala sa mga sinasabi mo. Sinayang mo na 'yung tiwala ko sayo dahil diyan sa mga iniisip mong wala namang kasiguraduhan!"
Hindi siya nakasagot. Aalis na sana ako ngunit may tumigil na sasakyan sa tabi namin ni River. Pagkatapos ay bumaba ang driver nito. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino 'yun. Pabato niyang ibinigay kay River ang susi ng sasakyan.
"You own me for this, Piencenaves," seryosong ani King.
"I know, Madrigal."
"Let's go," sabi ni River at saka hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ako sasama sayo. Bitawan mo nga ako!" padabog kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.
Narinig kong sumipol si King habang nang-aasar na nakatingin kay River.
"Fine!" aniya.
Halos mapatili ako ang bigla niya akong kargahin na parang sako ng bigas sa balikat niya. Nagpupumiglas ako at saka pinagpupukpok ang likod niya.
"Ibaba mo 'ko!"
"Huwag kang malikot baka mahulog ka," tumatawang sabi niya na para bang hindi kami nagsagutan kanina.
"Ibaba mo sabi ako!" bulyaw kong muli. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa loob ng sasakyan. Akma sana akong baba palabas ngunit mabilis niyang naisara ang pinto at nilock. Kulang na lang ay may lumabas na usok sa ilong ko para masaing naiinis na talaga ako.
Pilit ko paring binubuksan ang pinto ng sasakyang nakalock kahit na alam kong imposible. Nang makapasok na siya sa sasakyan ay patuloy ko siyang kinukulit na itigil ang sasakyan pero parang kumakausap lang ako ng hangin. Nang mapagod ay nanahimik na lang ako dito sa passenger seat habang masama ang tingin sa labas ng bintana.
Hindi ko alam kung saan niya nilagay ang bag ko kaya wala akong matawagan para mag pasundo.
Letche, bakit ko pa kasi sa kaniya binato ang bag ko? Nakakainis!
Tumigil ang sasakyan sa parehong condominium building kung saan siya naghanda ng dinner date noon at kung saan ko siya sinagot. Ito ang building na pag-aari ni King.
Great, just great!
"Nananadya ka ba?!" inis na anong ko sa kaniya pagbaba namin ng sasakyan.
"What?" he frowned, but smiled after realizing what I meant "You still remember, aren't you?"
Natahimik ako at nag iwas ng tingin, "A-ano bang ginagawa natin dito? Uuwi na 'ko!"
"Hindi ka pwedeng umuwi ng lasing ka Kiely," medyo nagulat pa 'ko ng biglla syang sumeryoso.
"Hindi ako lasing!"
"I will believe you if you could walk straight for one minute without lurching."
"What?!" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at muli na naman akong hinatak. Mas lalo lang akong nahihilo dahil sa kakahatak niya. Pumasok kami elevator at pinidot niya ang star button doon na ang ibig sabihin ay residence floor. In short mayayaman lang ang nakaka-afford
Lumayo ako sa kaniya at humalukipkip sa kanto ng elevator. Ipinikit ko ang mata ko at saka sinandal ang ulo ko sa dingding ng elevator dahil kapag hindi ko ginawa 'yun ay baka dito pa ako magkalat. Ngayong kalmado na ako ay para namang unti-unting bumabalik ang epekto ng alak sa sistema ko.
Minsan na nga lang uminom ng marami tapos ganito pa ang mangyayari. Kung hindi sana nakialam ang lalaking 'to sa pagsasaya ko kanina siguro hanggang ngayon ay nagsasaya pa rin ako. Muli na namang bumalik ang inis ko nang maalala kung pano niya pagsusuntukin si Michael kanina.
Nang tumunog ang elevator ay muli kong iminulat ang mata ko. Sumunod ako sa kaniyang nagtungo sa isang VIP residence condo. Binuksan niya ito gamit ang key card na hawak niya.
Sana talaga kung hindi niya ako papauwiin ay bigyan niya man lang akong maayos na tulugan dahil kung hindi, siya talaga ang papalabasin ko.
Wala na rin akong lakas na makipag-argumento sa kaniya dahil nararamdaman ko na talaga ang pagod ko dahil sa pagpapalipat-lipat namin ng bar kanina. Bukas ko na lang iisipin ang maaring isipin ni Yolan kapag nalaman niyang nandito ako sa condo ng fiancé niya dahil wala naman akong pakealam sa kaniya. Isipin niya ang gusto niyang isipin.
Pinaupo siya ako sa bachelor's couch niya at saka siya umalis. Pagbalik niya ay may dala na siyang tubig.
"Here," aniya at inabot sa akin tubig.
Kinuha ko naman ito agad at ininom. Pagkatapos at hinilot ko ang sintido ko. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko.
"Wala ba si Yolan dito? Kasi hanggat maaari ayaw ko ng gulo," seryosong sabi ko.
He cleared his throat, "She actually, don't know that I have a condominium here."
Natigilan ako ng bigla dahil sa sinabi niya.
"Why?"
"She doesn't need to know everything about me."
"She need! What the fuck? She's your fiancé, for Pete's sake!"
Biglang sumeryoso ang muka niya, "Let's not talk about her. I told you I'll cancel the engagement kaya wala nang dahilan para malaman niya pa."
"What if I told you na wala ka nang babalikan kahit pa icancel mo ang engagement niyo ni Yolan?"
Natigilan siya. Alam kong hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"I don't care. I don't want to hurt her anymore. Ayaw ko nang patuloy niyang paniwalaan na mahal ko siya kahit alam niyang hindi naman talaga."
"W-what do you mean?"
"She wants to marry me so that she was the one who proposed to me two years ago," bumilis bigla ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang sunod na sasabihin niya, "I said yes because I was devastated that day and then I just realized that what I did was a very big mistake."
"W-what? Kung siya ang nagpropose sayo bakit ayaw niya pa ring magpakasal gaya ng sabi mo?"
"That wasn't true, the truth is I was the one who delaying the wedding because I'm sure that you'll come back..." pumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko, "And I was right."
"H-how can you be sure that I'll come back?"
"Because this is your home and this is where you belong. Kahit saang bansa ka pa dalhin ng mga paa mo alam kong babalik ka pa rin dito..."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil tama siya. Binalot kami ng katahimikan, nanatili lang akong nakatingin sa basong wala nang laman habang siya naman ay ramdam kong nakatingin sa akin.
"Kiely..." pabulong lang 'yon ngunit narinig ko pa rin kaya lumingon ako sa kanina.
"Hmm?"
"I badly want to kiss you," he whispered huskily.
Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa sinabi niya. Hinigit ko ang hininga ko ng unti-unti niyang nilapit ang muka niya sa muka ko. Nang ilang pulgada na lang ang layo ng muka namin sa isa't-isa ay nagsalita na naman siya.
"Will you allow me to kiss you?" wala sa sarili akong tumango. Para akong hinihipnotismo ng mga mata niya.
Naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa labi ko. Hinalikan ko siya pabalik. I closed my eyes to feel his sweet kisses on mine. His hand was starting to caress my back with passion and gentleness. I put my hand around his nape to make our kiss deeper; his kiss made me weak, and all I could do was to let him do whatever he wanted. He slowly slid his tongue inside my mouth. From my lips, River started to kiss me down to my neck and heat was starting to flow through my body.
Dahan-dahan niya inalalayan ang likod ko pahiga sa sofa as he continuedkissing my neck, back to my lips and down again to my neck. Hindi ko na kaya pang pigilan ang init na nararamdaman ko ngayon. Parang may sariling isip ang kamay ko dahil namalayan ko na lang ang sarili ko na dahan-dahang tinatanggal ang bawat butones ng soot niyang puting long sleeve polo.
He was uttering sweet words that made me crave for more of his touch. We're both naked and filled with so much desire.
"Kiely..."
"River..."
My body arched when I felt his hand roaming around my body. A soft moans suppressing come from my lips due to the pleasure that I am feeling right now.
And I know before this night ends. Alam kong isusuko ko na ang pinakaiingatan ko sa taong nanakit sa akin na siyang hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin. Tanga na kung tanga pero hindi ko pagsisisihan 'to dahil alam kong sa taong mahal na mahal ko isusuko ang buong pagkatao ko.
"I love you, Kiely..."