CHAPTER 36

KITY'S POINT OF VIEW

Days had passed and all I could do was to think about what happened that night. Hindi na ulit nagcross ang landas namin ni River pagkatapos no'n. No'ng bumisita rito sina Tita Nyssa at Tito Russel ay wala siya at sinabi lang ni Tita Nyssa na nandoon daw si River sa bahay ng fiancé niya.

Of course I was hurt when I heard that pero hindi ko pinahalata. Kasalanan ko naman, eh. Handa siyang bumalik sa'kin at saktan si Yolan pero anong ginawa ko? Mas pinili kong ipagtabuyan siya at iparaya siya sa iba kahit na ang kapalit nun ay masasaktan na naman ako.

Minsan iniisip ko. Kung hindi kaya ako bumalik rito mangyayari pa rin kaya 'to sa'kin? Kung mas pinili ko kayang mag-stay sa Germany at mamuhay ng mapayapa mararamdaman ko parin kaya 'tong nararamdaman ko ngayon? Babalik pa kaya ang matagal ko nang kinalimutang damdamin sa kaniya?

Lumingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Niluwa no'n si Mamita na bakas ang pagaalala sa muka.

"Mamita is there a problem?" tanong ko at saka dali-daling tumayo mula sa pakakaupo.

"Nothing hija. Nag-aalala lang ako sa'yo akala ko may nangyari nang masama sa'yo rito dahil kanina pa 'ko kumakatok pero hindi mo naman ako pinagbubuksan," aniya.

Nagitigilan ako. I bit my lower lip and then apologized to Mamita.

"It's okay, apo," she said. "Puwede ba akong umupo?"

"Sure po."

Hindi ko alam kung bakit nag-iba bigla ang awra rito sa loob ng kwarto ko nang umupo si Mamita. Apart from the fact that I'm not really used to Mamita coming into my room, it looks like there's someone else with her now.

"So, how are you?"

"I'm good Mamita," I said. "Actually, plano ko pong mamasiyal sa ibang bahagi nang Pilipinas para naman maging worth it ang leave ko." Para na rin makaiwas sa sakit na maari kong maranasan rito.

She slowly nodded. "Is that so? Good to hear that. I also want you to do that. I want you to relax while you're here." Ngumiti ako. "How about you and River? Nagkausap na ba kayo?"

Natigilan ako sa tanong niya. I didn't expect Mamita to ask me that thing. Simula nang umuwi ako rito ay walang ni isang bumanggit nang pangalan niya sa pamilya ko.

I cleared my throat. "W-we're good Mamita," tanging sabi ko.

"Nakamove-on ka na ba sa kaniya?"

That caught me off guard more, though I still acted normally, even though I was getting nervous about the next question that Mamita would ask. Why is she asking this to me?

"Y-yes Mamita, of course, c'mon it's been seven years," ani ko at saka medyo tumatawa pa.

Ngunit wala man lang nagbago sa reaksiyon ni Mamita, nanatili lang siyang seryoso habang nakatingin sa akin na para bang inaalam kung nagsisinungaling ako, kaya tumigil ako sa peke kong pagtawa. Huminga siya nang malalim at saka may kinuha sa loob ng dala niyang bag. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya 'yon.

Hindi nagtagal ay may inabot siya sa akin na isang maliit na brown envelope. I frowned and confusedly looked at her.

"Open it," she calmly said when she noticed my reaction.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko habang tinatanggal ko ang magandang pagkakasara ng envelope. Halatang pinaghandaan ang bagay na 'to. I took a glance first at who was just looking at me bago ko nilabas ang laman ng envelope.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mabasa kung anong nakalagay doon. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatuon ang paningin sa laman nang evelope. Iba't-ibang emosiyon ang nararamdaman ko ngayon ngunit isa lang ang nangingibabaw doon.

"Mr. Valbuena's daughter personally handed their wedding invitation to one of our maids to give to you," Mamita worriedly said. "They want you to attend their wedding apo."

Hindi ko na malayang unti-unti na palang tumulo ang mga luha mula sa mata ko. So, nakapagdesisyon na pala siya? Hindi na ako nagabalang punasan ang luha ko dahil parang nanghina ang buong katawan ko dahil sa nabasa ko. Unti-unti lumapit sa'kin si Mamita at saka niyakap ako. Ang tanging nagawa ko na lang ay umiyak sa balikat nang lola ko.

"Iiyak mo lang apo. Nandito lang si Mamita," she said and slowly caressing my back.

"Nakakainis Mamita... bakit parang sobrang hirap maging masaya?" humihikbing tanong ko. "Bakit... bakit parang lagi na lang hindi puwedeng maging masaya?"

"Shh, Kity hindi totoo 'yan. Alam kong nasasaktan ka pa rin. Siguro hindi lang talaga kayo ang nakatadhana sa isa't-isa. Maaring ngayon hindi ka masaya pero alam kong dadating ang panahon na mararanasan mong maging masaya dahil deserve mo 'yon."

"If I deserve it why can't I be happy now?" ani ko at saka kumalas ng pagkakayakap sa kaniya. She wiped my tears using her thumb.

I took a deep breath. "Alam mo kasi apo ang buhay ng tao ay para lang 'yan pagdevelop nang isang itlog para maging paru-paro," panimula niya.

"Paru-paro?"

She nodded and continued. "Ang isang paru-paro ay nagsisimula sa itlog na walang muwang sa mundo. Hanggang sa ito maging caterpillar na naranasang maging masaya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong maging malaya. Pagkatapos niyang maging malaya sa panandaliang panahon ay magiging isa itong pupa na makakaranas ng pagsubok na magkukulong sa kaniya sa madilim na lugar at doon siya matuto at mamumulat sa tutuong mundo.

"Sunod ay ang tinatawag nating emerging butterfly na magdadala sa kaniya sa totong tagumapay at kaligayahan. At higit sa lahat ay ang fully developed butterfly na malayang makakalipad at makakaranas ng totoong kaligayahan pagkatapos ng kaniyang mga pagsubok na naranasan sa pagiging pupa. Naiintindihan mo ba ako apo?" Mamita asked.

I nodded slowly. "Sa madaling salita Kiely, kagaya ka rin ng isang paru-paro, makulong ka man sa isang madilim ng lugar at umabot ka sa puntong nawawalan ka na ng pag-asa na katulad ng pagiging pupa ngunit lagi mong tatandaan na dadating rin ang puntong mararansan mong maging masaya. Mararanasan mong lumaya at makahinga kagayang isang paru-paro."

*****

One of the best things I've experienced now that I'm on my leave is being able to help others. To apply what I have learned abroad in my home country is a great honor and achievement for me. Hindi ko inaasahan na ang pagiging medical volunteer pala ay masaya at hindi masiyadong nakakastress dahil nakikita mong masaya ang mga tao na ginagamot sila. Nalilibang ko rin ang sarili ko dahil rito.

Isang buwan na lang ang natitira sa leave ko kaya gusto kong sulitin 'to. Hindi ko namalayang isang buwan na pala ako rito dahil sa dami ng nangyari this past few weeks. Narealize ko na sa loob ng isang buwan kong 'yon ay wala pa akong naging memorable na nagagawa kaya naisipan kong mag volunteer sa libreng medical mission rito.

Malapit na rin akong umalis para magsimulang mag travel sa ibang lugar rito sa Pilipinas kaya naman hanggat maaari ay gusto kong makatulong sa nangangailangan dahil 'yon naman talaga ang purpose kung bakit ako nag doctor.

"Salamat po, Doc ganda," nakangiting sabi ng batang lalaki na kakatapos ko lang check-upan.

"You're welcome magpagaling ka okay. Lagi kang makikinig sa Mama mo at lagi mong iinumin ang binigay kong gamot sa'yo." Pangaral ko sa kaniya.

Sunod-sunod naman siyang tumango at saka muling isinubo sa bibig niya ang ibinigay kong lollipop.

"Maraming salamat po doktora hulog po kayo nang langit sa'min," sinserong turan ng ina ng bata sa'kin

"Wala pong anuman 'yon Ma'am basta kung may kailangan po kayo puwede po kayong bumalik rito, ang mga volunteer po ang bahala sa inyo," wika ko.

Pagkatapos nun ay nagpatuloy ang pagche-check-up ko sa mga bata. Karamihan sa mga nakikita ko sa kalusugan nila ay ang pagiging malnutrition kaya binibigyan namin sila ng libreng gamot. Ang iba naman ay sipon, ubo at lagnat ang dahilan ng pagpunta rito. At ang iba ay malulubahang sakit na kailangan nang pangaraw-araw na gamot ngunit walang pangbili kaya nagbabakasakali sila na pumunta rito.

"I'm just going to the restroom," pabulong na sabi ko sa isa kong kasamang doctor.

Ngumiti siya at tumango kaya naman ay umalis na ako doon para mag banyo. Muntik pa nga akong maligaw dahil hindi ko alam kung saan ang banyo rito. Sa isang barangay covert court kasi nagaganap ang medical mission kaya talagang tago ang restroom rito.

Pagkalabas ko ng cubicle ay halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat nang makita kong nakasandal si River sa pader na katabi ng sink habang nakacross ang kaniyang dalawang braso sa ibabaw ng matipuno niyang dibdib. Nang mapansin niya akong lumabas ng cubicle ay kaagad niyang tumayo ng tuwid.

Anong ginagawa niya rito? Restroom 'to ng babae, for heaven's sake!

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko, sumulyap ako sa pinto ng banyo dahil baka biglang may pumasok doon.

"I missed you," he said sincerely, making my heart beat so freaking fast again, kagaya nang laging reaksiyon ng puso kapag nandiyan siya sa paligid ko.

I badly wanted to tell him that I missed him too, so freaking much pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong bumigay. Alam nang diyos kung gaano ko siya kamahal at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang hindi magkasala ulit kapag tuluyan na akong bumigay.

Aalis na saka ako pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit mula sa likod. Pinigilan ko ang hininga ko at nanigas ako sa kinatatayuan ako.

"Why are you always driving me insane, huh?" tanong niya sa nanunumbat na tono. "I fucking want to let you go because that's what you want... You begged me not to hurt Yolan and marry her but I can't... I can't, baby please take back your request from me. I can't do it. I'm begging you, take it back..."

Parang libu-libong palaso ang tumama sa puso ko habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon. Ngayon ay hindi ko na maipagkakailang umiiyak siya dahil ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya dahil sa pagpipigil ng hikbi. Kinagat ko ang pangibabang labi ko at pigilan ang sarili na tuluyang mapaiyak.

Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya sa bewang ko pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya doon. Hindi ko kayang makita siyang nagmamakaawa sa'kin. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya ng dahil sa'kin.

"I-I won't..."

"K-Kiely please, ikaw ang mahal ko."

Pilit kong inaalis ang patalikod niyang pagkakayakap sa'kin. Nagtagumpay naman ako. Pagharap ko sa kaniya ay mas lalong nadurog ang puso ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya dahil hindi ko kayang nakikitang nasasaktan siya.

"P-pano ni Yolan, ha? Pano siya?!"

"I don't love her. I love–."

I didn't let him finish what he was going to say because I suddenly pulled his clothes so that he would bend down and our lips would touch. My heart beat faster and faster as his lips touched to mine. His eyes were wide open in surprise. I closed my eyes to feel the sweet kisses that we shared.

I could no longer control myself. Bahala na kung anong mangyari. Gusto kong sarili ko naman muna ang isipin ko. Tama na ang puro sakit na naranasan ko. I love him and he loves me too. Kahit na paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na hindi tama ang ginagawa ko gusto kong pairalin naman ngayon ang puso ko.

"I'm sorry for forcing you to love Yolan even if you can't. I'm taking back what I said baby because I can't bear to see you being happy with someone," I said after our lips parted.

*****

After that incident in the restroom, I felt even better. Pinangako niya sa'kin na tatapusin niya na ang koneksiyon niya kay Yolan. Kakausapin niya si Yolan at sasabihin rito na ako talaga ang mahal niya. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni at ng mga kapatid ko kapag nalaman nilang nagkabalikan na kami ni River pero alam ko naman maiintidihan nila ako.

We decided not to tell everyone about us because he hasn't fixed his problem with Yolan yet. So, technically, kabit pa rin ako.

This is my last day here on the medical mission as a volunteer. Limang araw lang kasi ako rito dahil sa ibang lugar naman sila magco-conduct ng medical mission lalo na doon sa mga lugar na wala talagang kakayahang makapunta ng pinakamalapit na hospital and unfortunately hindi na ako makakasama sa kanila.

"Huwag kang iiyak okay? Hindi 'to masakit," sabi ko sa batang babae na tuturukan ko ngayon ng anti-rabbis dahil nakagat raw 'ito ng aso kahapon.

Tumango naman ito at humigpit ang hawak sa kamay ng Mama niya. Mabilis ko lang tinurok ang gamot para hindi 'to umiyak. Bahagyang nanubig ang mata niya ngunit hindi natuloy dahil inabutan ko kaagad ito ng chocolate na para talaga sa mga bata.

"Ayan very good big girl ka na talaga," sabi ko sa kaniya at bahagyang ginulo ang buhok.

"Naku doktora. Maraming salamat po kayo pa lang po ang unang doctor na hindi siya napaiyak kapag tinuturukan siya," masayang sabi ng Mama nito.

Ngumiti ako. "Nasanay lang po ako Ma'am. Nakapa ko na po kasi kung pano turukan ang mga bata na hindi nila nararamdaman ang sakit."

"Sana po ay rito na lang kayo kailangan po kasi namin ng isang doctor na kagaya niyo."

"Susubukan ko po."

Sa kaunting panahon ko rito ay unti-unti na naman akong napapalapit sa puso ng mga tao. Ganito rin ang naramdaman ko no'ng unang beses kong pumunta rito. Akala ko no'ng una ay magiiba ang tingin nila sa akin dahil nga sa nangyari seven years ago kung saan kumalat ang scandal video ko raw dahilan upang husgahan ako ng ibang tao pero hindi ko inaakalang mabilis lang nilang makakalimutan 'yon.

At 'yong tungkol sa likod ng scandal video hindi ko pa rin nalalaman kung sino 'yon o nasan na siya. Ang pinanghahawakan ko lang ay ang sinabi ni Margarita sa akin na hindi raw nakulong ang nasa likod no'n. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay bakit sinabi sa'kin ni Dave na nakakulong na 'to gayong hindi naman talaga?

I tried to reach Dave from Germany this past few weeks to ask, but I couldn't contact him. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Dave gusto ko lang magtanong kung bakit 'yon ang sinabi niya sa akin.

"Doc Barrameda para sa'yo daw ho," sabi ni Pie, isa sa mga nurse volunteer, sabay abot nito ng isang styro food container at isang bote ng soft drink sa akin.

"Asus ikaw doc ah, nacu-curious na kami kung sino 'yang bigay ng bigay sa'yo ng lunch," tuya ni Doc Farah.

"When kaya may maghahatid ng lunch sa'tin no," segunda naman ni Doc Gwen.

"Mga sira baka pinabibigay lang 'to ni Mamita," pigil na ngiting sabi ko.

Pero ang totoo talaga niyan ay kay River galing ang lahat nang lunch na dumadating sa akin.

"Sus."

Umiling-iling ako habang nakangiti pa rin. Magsisimula na sana akong kumain ngunit napaiktad ako ng biglang may kumalabit sa akin. Pagbaling ko kung sino 'yon ay bahagyang nanlaki ang mata ko nang makitang batang lalaki 'yon.

"Puwede pong makahingi ng pagkain?" aniya at saka humawak sa tiyan nito.

"S-Sige, sa'yo na 'to," sabi ko. Inabot ko sa kaniya ang lunch ko sana.

"Salamat po." Malawak siyang ngumiti at akmang aalis na sana pero pinigilan ko siya. "Bakit po?"

"Ilang taon ka na?"

"Malapit na po akong mag-seven."

"Puwede ko bang malaman kung anong pangalan mo?"

"Jorge!"

Sabay kaming napalingon ng batang kausap ko nang biglang may matinis na boses na sumigaw sa gawi namin. Muli na naman akong natigilan nang makita kung sino 'yon.

"Olivia..."