KITY'S POINT OF VIEW
For those seven years that I was away, my family didn't mention any single word about what happened seven years ago. I tried to ask, of course, but they're always diverting the topic.
Marami akong nilapitan na mga eksperto, kahit ang pinsan kong IT expert slash hacker din na si Porter ay nilapitan ko na pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Sa unang taon ko sa Germany ay marami akong sinubukan para malaman kung sino ang nasa likod ng scandal video na 'yun na nagset up sakin pero hindi ako nagtagumpay dahil palagi akong nablock-block.
Kaya nung pumunta si Dave sa Germany ay nabuhayan ako ng loob dahil sa wakas ay may mapagtatanungan na 'ko tungkol sa nangyari pero ang sabi niya lang sa akin ay napakulong na daw ang nasa video at hindi niya daw kilala kung sino 'to.
After that, namuhay na 'ko ng normal sa ibang bansa at nagfocus sa pag-aaral ko. Tuluyan ko ng kinalimutan ang nangyari pitong taon na ang nakakaraan. Maging ang taong unang kong minahal ay tuluyan ko na ring binura sa aking puso't isipan. Pero pagkatapos ng pag-uusap namin kagabi, bakit ganito na naman? Bakit parang bumalik na naman ako sa araw kung saan nagsimulang umusbong ang nararamdaman ko sa kaniya?
I experienced my first cloud nine as well as my first heartbreak through him. And I don't want to experience it again because I saw myself being broken into pieces because of him. Ayaw kong masayang ang lahat ng pinaghirapan ko para lang makalimutan ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko.
"Are you okay sis?" I turned back to reality when I heard Kuya Kyrus' voice.
I nodded, "Yes, Kuya, I just can't believe that I'm finally back here in Bicol," I said.
We're currently sitting in our mansion's living room. Kaninang umaga pa kami nakarating dito, nakapagpahinga na rin ako buong araw dahil napuyat ako kagabi. Ngunit kahit na alam kong nakapagpahinga na 'ko buong araw ay pakiramdam ko ay pagod pa rin ako mentally.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng living room. Malinis na malinis pa rin ito kagaya ng dati, wala ka talagang makikitang kahit na isang dumi. Pansin ko din na mas dumami ang kasambahay namin unlike before.
Next week na ang birthday ni Mamita at dito 'yun gaganapin sa mansion kaya ganon na lang talaga ang pagkaabala ng mga kasambahay namin ngayon pa lang. Lahat kasi ng anak at apo ni Mamita ay dadalo.
Bali ang nandito pa lang ngayon bukod samin ay sina Tito Frank, Tito Gabriel, Tito Julius and Tito Marco pero hindi pa nila kasama ang mga pinsan namin dahil hindi pa daw ang mga ito nakakapag file ng leave nila sa trabaho. Samantalang sina Tito Diego at Henry naman ay bukas ang dating kasama sina Kuya Lennox and Kuya Caleb.
"How's Kuya Gideon? Is he going to attend?" nag-aalalang tanong ko.
Kuya Kyrus nodded, "He said that family is more important than his mourning."
I took a deep breath, "I hope Kuya Gideon will be fine," I muttered.
"I hope too..."
It's been five years since Kuya Gideon got married, but unfortunately, Ate Presley, his wife, died last year due to a car accident. Kuya Gideon was devastated by his grief to the point that dad and mama brought him to the hospital kasi pinabayaan niya na ang sarili niya.
Tita Emilia and Tito Julius were extremely worried about him back then, kaya umuwi sila ng Philippines just to take good care of him, hanggang sa maging okay ulit siya. And base sa mga kwento nina Tita pag uwi nila, Kuya Gideon changed a lot after his wife died. He became stricter and silent like the unusual.
Bandang alas-syete ng gabi ng tawagin na kami ni Tita Esther, Tito Frank's wife, dahil kakain na daw. Sa malawak na garden gaganapin ang dinner namin dahil hindi kami magkakasya sa dinning dahil sa dami namin.
Malayo pa lang ay dinig na dinig na namin ang tawanan ng elders sa garden. Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa hapag.
"Halina kayo mga bata, kakain na tayo," yaya sa amin ni Tita Quinn, Tito Gabriel's wife.
"Wow, muka tataba ako dito," biro ko at saka umupo sa katabi ni Mama. Tumawa naman sila dahil sa sinabi ko.
"Mabuti nga iyon, Kity dahil tingnan mo ang laki ng pinayat mong bata ka," segunda ni Mama. Ngumuso na lang ako dahil totoo naman siya.
"Tama ang Mama mo Kity. Damihan mo ang kain mo dahil patatabain ka talaga namin habang nandito ka," ani Mamita na ikinatawa ng iba.
"Wag naman Mamá pano makakapag-asawa si Kity niyan, 'di ba iha?" sambit naman ni Tita Iris, Tito Marco's wife.
I chuckled, "Wala pa po 'yan sa isip ko Tita Iris I want to focus on my work po muna," I politely answered.
"Naku magkapatid talaga kayo nito si Kyrus. Masyado ring workaholic ang isang 'to," ani Tita Esther.
Mahinang tawa lang ang naging tugon ni Kuya. Nagdasal muna kami bago kami nagsimulang kumain puro tawanan at kwentuhan lang ang umakupa sa buong garden habang kumakain kami. Hindi naman ako sumali sa usapan nila dahil inabala ko ang sarili ko sa masasarap na pagkain na nasa harap ko.
Hindi ko na alam kung ilang taon na nung huli akong kumain ng ganito karami at ganito kasarap na mga putahe. Simula kasi nang maging legal na doctor na ako ay puro trabaho na lang ang inatupag ko. Ang tanging kinakain ko na lang ay mga ready-to-eat foods na mabibili sa mga convenient store o kaya dumadaan ako sa mga restaurant para mag take out dahil wala na talaga akong oras para magluto lalo na nung bumukod ako kina Tita Emilia.
Sumapit ang umaga which is ang uwi nila Tito Diego and Tito Henry, alas-diyes na ng umaga nang bumababa ako. Tulog pa rin hanggang ngayon ang mga kapatid ko sabi ng pinagtanungan kong kasambahay.
Umalis na sina Mamita kasama si Tita Iris at Mama dahil susunduin na nila sina Tito sa Airport. Hindi na kami sumama at ang iba dahil hindi kami magkakasya sa sasakyan. Pumunta ako sa kusina para mag breakfast.
"Good morning po, Ma'am kakain na po ba kayo?" tanong sa akin ng hindi pamilyar na kasambahay nang mapansin niya akong pumasok ng dining.
I nodded. Umupo ako sa harap ng hapag habang pinapanood siya na ipaghanda ako ng almusal. Kumunot ang noo ko ng may maalala ako.
"Um, can I ask?" agaw ko sa atensiyon niya.
Tumingin naman siya sa akin at tinuro ang sarili niya kaya tumango ako.
"A-ah ma'am pwede pong pakitagalog? Hindi po kasi ako marunong umintindi ng English," aniya at saka yumuko na animo'y nahihiya.
"Oh, pasensiya na hindi ko alam," nakaramdam naman ako ng kaunting awa sa kaniya, "Gusto ko lang sanang magtanong."
"Sige po, ano po 'yun, ma'am?"
"Nasan si Manang Ninita at Margarita? Hindi ko pa kasi sila nakikita simula nung dumating ako," turan ko.
Natigilan naman siya at astang nag-isip, "Si Aling Ninita po? 'Yung dati pong kumadrona?" I nodded, "Ang alam ko po ay umalis na siya dito sa mansion niyo kasi po matanda na po siya masyado na pong mahina ang katawan ni Aling Ninita para magtrabaho pa."
Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. So, that's why I didn't see Manang Ninita all along.
"What about–I mean pano si Margarita? Umalis na rin ba siya?"
Tumango siya "Opo, si Ate Margarita naman po ay guro na sa elementarya kaya umalis na din po dito para po ituon ang atensiyon sa trabaho niya pero po kapag sabado at lingo ay pumupunta po siya dito para turuan kami magbasa ng libre pagkatapos po ng trabaho namin."
"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Po?"
"I mean talaga ginawa niya 'yun?"
Nakangiti siyang tumango, "Opo marami nga po siyang kinekwento tungkol sa inyo. Ang bait niyo daw po kasi po ikaw po ang dahilan kung bakit po siya naging guro."
Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko. Hindi ko inaasahang hindi pala ako nakalimutan ni Margarita kahit pitong taon na ang nakakalipas. Alam ko namang magtatagumpay siya at maabot niya ang pangarap niya kaya namin siya tinulungang mag-aral. And I'm happy because she already knows what she wants.
Naalala ko kasi dati na hindi niya alam kung anong gusto niyang maging, ang tanging gusto niya lang daw ay maangat sa kahirapan ang pamilya niya na ngayon ay nagagawa niya na.
*****
Lumipas ang mga araw at kumpleto na kaming lahat. Bukas na ang birthday ni Mamita kaya abala na silang lahat sa mansion. Tapos na silang kumausap na mga coordinator at caterer para bukas. Gusto naming special ang birthday na 'to ni Mamita kaya todo effort talaga kaming lahat especially sina Tita at Mama na siyang hands on sa mga details ng party bukas.
I took away my sunglass nang may matanaw ako na mamahaling gown na nakadisplay sa loob ng isang boutique. It was a long black heart-shaped strapless gown with a long narrow opening on its right leg.
Muli kong sinuot ang sunglass ko at saka nagtungo sa boutique na 'yun. Kanina pa ako naglilibot dito sa mall para bumili ng gown na susuutin ko bukas sa party pero ito pa lang ang unang nakakuha ng pansin ko. Naubusan na kasi ako ng oras dahil hindi ko nagustuhan ang pinatahi nila saking gown na dumating kahapon kaya no choice ako kung hindi ang bumili ng sarili ko.
Masyado kasing masikip sa may bewang ko ang pinatahi nila plus masyadong kita ang cleavage ko at ang likod ko. Maganda sana ang design nun kaso hindi naman 'yun kasya sa katawan ko. Hindi naman ako mataba hindi rin naman ako payat masyado lang talaga siguro silang nagexpect na kagaya pa rin ng dati ang sukat ng bewang ko.
Pagpasok ko sa loob ng boutique ay umakupa sa mata ko ang mga mahahaling men and women apparel.
"Good afternoon, Ma'am. Welcome to Aqualine Boutique," the boutique personnel greeted.
"Good afternoon," I greeted back.
Naglakad ako patungo sa mannequin na may suot nang nagustuhan kong gown. Tinawag ko kaagad ang boutique personnel na bumati sakin.
"Yes, Ma'am how may I help you po?"
"I want to have this," I said and pointed to the gown that I want.
"Sure po, Ma'am sige po ipapatanggal ko lang po sa isang staff," aniya.
Tumango ako. Nang makabalik siya ay may kasama na siyang lalaking staff. Binuksan nila ang glass na nagse-sealed sa mannequin at saka sinumulang tanggalin ang damit dito.
"This is what I want–oh my god what are you doing?!" sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas na boses na 'yun.
"Ma'am bakit po?" tanong ng staff na katabi ko.
Umusog ako ng konti para makita ko kung sino ito. Medyo nagulat pa ako ng makilala kung sino ang babaeng sumigaw. It was Yolan, she looks furious as she looked at the guy personnel who are currently taking off the gown to the mannequin.
"Who told you to take that gown off? Wala pa kong sinasabi na tanggalin mo 'yan. Hindi mo ba alam na ako ang bibili niyan?!" galit nitong turan.
Tumingin sa'kin ang lalaki na bakas ang takot sa muka.
"E-excuse me po Ma'am nagkakamamali po kayo meron na pong bibili ng gown," magalang na tugon ng staff na katabi ko.
"What? Who?! Ako ang unang nakakita sa gown na 'yan kaya ako ang bibili niyan!" sigunda ni Yolan.
I cleared my throat and take off my sunglass. Yolan's eyes widened when she saw me. I looked at her from head to toe and arched my right eyebrow before I speak.
"Correction, nakita mo lang pero hindi mo direct na sinabing bibilhin mo, so technically ako pa rin ang nauna kasi ako ang unang nagsabing biblhin ko. Naiintindihan mo?" ilalabas ko na sana ang credit card ko sa pouch ko ng magsalita na naman siya.
"How dare you, Barrameda! Ako nga ang nauna diyan! Marami naman diyang iba bakit ba aagawin mo na naman ang sakin?!" sigaw niya habang nakakunot ang noo at masama ang tingin sakin.
I remained calm, "Wala akong inaagaw sayo kasi hindi mo naman pag-aari and why don't you tell that to yourself? Marami namang ibang damit diyan bakit hindi ka na lang diyan pumuli?"
Mas lalong tumalim ang tingin niya sakin. Pinapakalma siya ng kasama niyang staff ngunit tinabig niya lang ito dahilan upang mapaatras ito.
"Iyan nga sabi ang gusto ko! Kaya kong bayaran kahit ilang milyon pa ang halaga niyan! I want that fucking gown to be mine!" she exclaimed she looks desperate, "Bakit ba gusto mong bumili ng gown na 'yan? Hindi naman 'yan bagay sa maduming kagaya mo!"
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya, "Why are you bring that up, huh? Alam naman natin pareho na hindi totoo 'yun 'di ba?"
"Anong nangyayari dito?"
"M-manger..." sambit ng staff na nadito ngayon habang nakatingin sa medyo matabang babae na kakarating lang.
"And who the hell are you?" bastos na tanong ni Yolan.
"Ako po ang manager ma'am, pwede ko po bang malaman kung anong nangyayari dito?" tanong niya at tumingin sa aming dalawa ni Yolan.
"Gusto kong bilhin ang gown na 'yan. Tell me the price," ani Yolan at saka nakangising tumingin sakin.
I raised my right eyebrow and turned to the manager, "Ask you personnel kung sino ang nauna saming dalawa."
Tinanong naman nito ang mga staff na tinuro ako. Binalik ko ang sunglass ko at saka kinuha ang credit card ko sa pouch ko.
"How much?" I asked and handed her my credit card.
"750 000 pesos ma'am," she was about to take my credit card but Yolan spoke again.
"Wait, I'll double the price!" she said confidently.
Hindi na natuloy ng manager ang pagkuha sa credit card ko nang marinig niya 'yun.
"Triple," I muttered kaya napabaling naman sakin ang manager.
"Quad–," hindi na natuloy ni Yolan ang sasabihin niya pansin ko na mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag niya "I-I quadruple the price."
I smirk, "Quintuple," I said and waved my credit card.
"What?! Saan ka naman kukuha ng ganon kalaking pera!"
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya kaya medyo napaatras siya.
"Don't underestimate me, Miss Valbuena," sabi ko at saka nginisihan siya.
"Tandaan mo hindi pa tayo tapos, Barrameda!"
Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka inabot ko na sa manager ang credit card ko kaya umalis na sila. Inasikaso naman ng iba ang gown na gusto ko.
"Yolan!" natigilan ako sa akmang pag-alis nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun.
"Love," naging mahinhin ang boses ni Yolan, ibang-iba sa boses niya kanina.
"What took you so long? May nabili ka na ba?" anito.
"Wala pa love e. Ang papanget pala ng mga damit nila dito!" malanding anito. I rolled my eyes because I know na ako ang pinariringgan niya.
"What? I thought this was your favorite boutique?"
"No, hindi na pala. Masyadong cheap ang mga damit dito."
Hindi ko na lang sila pinansin. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng bigla akong tawagin ng isang staff. Halos mapapikit ako dahil doon.
"Yes?" I asked.
"Gusto niyo daw po muna itong sukatin?" nakangiting sabi nito at inangat ang malaking paper bag na may lamang gown.
I shook my head, "No, it's fine."
"Okay po. Eto na po pala Ma'am, salamat po," she politely said and handed me the paper bag together with my credit card.
"Thanks."
Aalis na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko. Pinigilan ko ang hinihinga ko dahil alam ko kung sino 'yun.
"Yes?" I respond flatly and turned to River.
"Hmmm, I didn't expect to see you here," he said with amusement through his eyes.
"Same here," I said and took a glance to Yolan who was furiously looking at me, "I gotta go. Bantayan mo 'yang fiancé mo baka mangagat 'yan," sabi at saka tumalikod na.
Hindi na ulit ako lumingon sa kanila hanggang sa makalabas ako ng boutique. Nakahinga ako ng maluwang pagkalabas ko. Alam kong dahil sa sagutan naming 'yun ni Yolan ay lalala na naman ang galit niya sakin.
Well, I'm not scared though, dahil hindi naman ako magpapatalo sa babaeng 'yun.