KITY'S POINT OF VIEW
"Kity iha, bilisan niyo na riyan magsisimula na ang pictorial natin," sabi sa akin ni Tita Elizabeth, Tito Henry's wife, habang nakasilip ang ulo nito sa pinto ng kwarto ko.
I looked at her, "Yes po, Tita. I'll be there in a minute."
"All right," she uttered.
Mas binilisan pa ng mga stylist ang pag-aayos sa sakin nang marinig nila ang sinabi ni Tita Elizabeth. Isang oras na lang kasi ay magsisimula na ang party kaya marami na agad tao sa baba kung saan gaganapin ang celebration pero bago 'yun ay kailangan muna naming mag-family pictorial dahil 'yun ang gusto ni Mamita.
"Tapos na, Madame," nakangiting turan ng make-up artist habang pumapalak.
Unti-unti nilang pinaikot ang upuan ko paharap sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang repleksiyon ko sa salamin. Hindi ko inaasahang babagay pala sa akin ang ganitong ayos ng muka at buhok ko.
"Ang ganda niyo po Madame," sabi ng manicurist.
"Thank you," I said and genuinely smile at them.
Pagkatapos nila akong ayusan ay lumabas na sila. Inayos ko ang gown ko na medyo nagusot at saka kinuha ang pouch ko na nasa ibabaw ng dresser. Tumingin muna ako sa salamin sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Paglabas ko ay dumiretso ako sa pictorial hall nitong mansion kung saan laging ginaganap ang mga family pictorial namin kagaya nalang ngayon.
Maraming nag kalat na mga photographer at videographer sa hallway nitong second floor. Ang iba ay kinukuhaan na ako ng litrato habang papunta palang ako sa pictorial hall. Pagpasok ko sa pictorial hall ay puro mga camera at nag lalakihang ring lights ang nakapalibot sa isang organize na platform. Naabutan ko doon na kasalukuyang kinukuhaan ng solo picture si Mamita.
She looks genuinely happy while the photographer taking a photo of her. Kumpleto na silang lahat dito at ako na lang pala talaga ang kulang. Sunod na tinawag ang pitong anak ni Mamita upang sunod na kuhaan ng litrato kasama siya. Pagkatapos ay sunod namang tinawag sina Mama at ang mga Tita ko para samahan ang mga ito doon.
Pagkatapos nilang mag group picture ay kinuhaan muna sila isa-isa ng litrato. Simula kay Daddy hanggang kay Tito Marco. Sunod naman ay kinuhaan din isa-isa sina Mama hanggang kay Tita Iris. Pagkatapos naman ay kinuhaan sila ng picture by partner kaya halos kalahating oras ang tinagal hanggang sa matapos ang mga elders na picturan.
Sunod naman ay kaming mga apo na ang tinawag ng head photograper. Lahat ng mga pinsan kong lalaki ay nakasuot ng itim at gray na tuxedo si Mamita lang ang naiiba na nakasuot ng pulang fitted long gown. Lalapit na sana ako doon sa platform ng bigla akong pigilan ni Mama.
"Why, Ma?" takang tanong ko.
"May nakalimutan akong ipasuot sayo," sabi niya at kinakalkal ang pouch niya.
I frowned, "Ano po 'yun?"
"Eto!" nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang nilabas niya mula sa pouch niya.
"Ma where did you get that?!" tanong ko at saka akmang aagawin sa kaniya ang kwintas na hawak niya ngunit agad niya itong inilayo.
"I got did in your room's drawer in our house nang linisin ko 'yun. And I think this necklace suit you so I want you to wear this."
Palihim akong tumingin sa paligid, "No, Ma hindi ko susuutin 'yan," may diing sabi ko with a shaking head.
She pouted, "Bakit? Gusto mo bang magtampo ako sayo?"
Pumikit ako ng madiin, "Oh, Mama, please, don't do this. Dahil kahit anong sabihin mo hinding-hindi ko susuutin ang necklace na 'yan."
Walang ano-ano'y tumalikod siya at hindi nag salita. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt dahil baka tototohanin niya nga ang sinabi niya.
"Ma..."
"Pumunta ka na dun sa mga kapatid mo Trinity," sabi ni Mama habang nakatalikod. Iba na ang tono ng pananalita niya kaysa kanina.
What the hell? Seryoso ba talaga si Mama sa sinabi niya.
I took a deep breath, "Fine! Fine! I'll wear it!" napipilitang sabi ko.
Daglian naman si Mamang lumingon sa akin na may malaking ngiti sa labi. I restrained myself from rolling my eyes. Yeah, that's my mom she really knows how to manipulate us. My god!
Sinuot niya sa akin ang kwintas na ibinigay sa akin ni River seven years ago. Hindi ko naakalang kahit pitong taon na ang nakakalipas ay maganda at elegante pa rin ang kwintas na 'to. Patulak akong pinapunta ni Mama sa platform kung saan nandoon na ang mga pinsan ko tt si Mamita.
Kagaya ng sa elders ay nagrouping muna kami bago ang solo picture. Habang kinukuhaan kami ng litrato ay may kumukuha rin sa aming video sa may gilid. Dahil nga strapless ang gown ko at maikli ang buhok ko ay mas bumagay sa akin ang suot kong kwintas kagaya nga ng sabi ni Mama.
Pagkatapos ng pictorial ay muli na naman kaming niretouch ng mga stylist dahil magsisimula na ang party any minute. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
*****
"Ood evening ladies and gentlemen, let me introduce to you the Barrameda family! Please give them a round of applause."
Nang marinig ko ang anunsiyong 'yun ng mc ay humigpit ang hawak ko sa mga braso ng mga kapatid ko na siyang makakasama ko sa pagbaba ng grand stair case namin. Nakita ko kanina na sobrang dami ng bisita sa baba at may mga media pa.
I hate attention but I don't have a choice because my family has a high profile in this province and in Manila. And as far as I know, mas tumataas pa ito for the last seven years.
Sunod-sunod na silang nag sibabaan. Pinakahuli kaming tatlo nina Kuya Kyrus at Kuya Kendric bago si Mamita na bumababa. Muntik na akong mapapikit dahil sa sabay-sabay na pag flash ng mga camera habang pababa kaming tatlo.
"Please welcome Mr. Kyrus Theo Barrameda and Mr. Kendrick Thoper Barrameda with Ms. Kiely Trinity Barrameda," pagkatapos nito ay sabay-sabay na nag sipalakpakan ang mga bisita.
Pinakahuling tinawag si Mamita na malawak ang ngiti habang bumababa sa engrandeng glass stair case. Kumaway sa amin si mama para makuha ang atensiyon namin. Agad akong nag lakad patungo sa round table na kinauupuan nina mama at daddy habang hawak ang gown ko para hindi ko ito maapakan. Medyo nanlaki pa ang mata ko ng makita kung sino ang kasama nila sa lamesa.
"G-good evening po T-tita Nyssa, T-tito Russel," I politely greeted and smiled at them. They're River's parents.
Palihim kong inilibot ang paningin ko sa buong lamesa. Nakahinga ako ng maluwag ng masiguro kong wala dito si River.
"Good evening iha. Ang ganda mo na ang balita ko ay doctor ka na," turan ni Tita Nyssa.
I nodded, "Opo I graduated in Germany po."
Napatakip siya ng bibig niya, "Oh, really? That's nice. Do you plan to go back to Germany or stay here in the Philippines for good?"
"I plan to go back to Germany po kasi po nandoon 'ung trabaho ko."
"Aw, nakakalungkot naman. Akala ko pa naman dito ka na sa Pilipinas titira."
"Naku, Nyssa kung alam mo lang nang umuwi 'yan dito last week ang laki ng ipinayat ng batang 'to. Masyado kasing pinapagod ang sarili sa kakatrabaho kung ako lang ang masusunod, ako mismo ang maghahanap ng hospital ng malilipatan nito dito!" pagkwekento ni Mama.
Nag simula na silang magkwentuhan. May ibang topic naman sina daddy at Tito Russel kaya hindi sila nakisali sa usapan nina mama. Si Kuya Kyrus ay umalis dito sa lamesa dahil may mga nag yaya sa kaniyang kakilalang business man. Meanwhile, I don't know where Kuya Kendrick is.
Ang ibang kamag-anak namin ay nasa ibang round table. Nag simula na ang ceremony para sa birthday ni Mamita. Tanging sa stage lang ang may ilaw para doon lang matuon ang atensiyon ng lahat.
Nag speech sina daddy sa stage pagkatapos ay nag bigay ng regalo. Mamita also gave an emotional speech to us. Nagkaroon pa ng kaunting dance performance bago tuluyang ilabas ang malaking cake ni Mamita at saka pinahipan sa kaniya ang candle.
Mabilis lang itong natapos bago muling nag liwanag ang bulwagan tanda na tapos na ang program para sa birthday ni Mamita. Nang may dumaang waiter na may dalang champagne ay kumuha ako ng isa. At saka unti-unti itong uminom.
"Sorry, I'm late," natigilan ako sa kalagitnaan ng pagsimsim ko ng champagne upon hearing his voice.
"River anak, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Tita Nyssa sa anak.
Hindi naman nag salita si River. Umupo lang siya sa harapang upuan ko habang nakakunot ang noo at seryoso ang muka. Nakasuot siya ng maroon tuxedo na may itim na tie. Akma siyang iinom ng tubig na nasa ibabaw ng lamesa ngunit nag tama ang paningin naming dalawa.
Agad akong nag iwas ng tingin at saka itinuloy ang paginom ko ng champagne na hawak ko.
Pasimple kong inilibot ang paningin ko dahil hinahanap ko si Yolan. Imposibleng hindi niya kasama ang babaeng 'yun. Sa sobrang pagkaulol ba naman ng babaeng 'yun kay River na kapag ipinagkumpara mo sa aso ay siya pa ang mas mapapagkamalan na hayop, tsk.
Muli akong kumuha ng isa pang champagne sa dumaang waiter. Confident naman ako na hindi ako malalasing ng champagne lang dahil mataas ang alcohol tolerance ko.
Nakaramdam ako ng pagkailang dahil ramdam ko na may tumitingin sa akin. Lumingon ako sa harapan ko, hindi nga ako nag kamali dahil nakatingin sa akin si River. Hindi man lang siya nag abalang mag iwas ng tingin kahit nakatingin na ako sa kaniya.
Kumunot ang noo ko at saka sinundan kung saan siya nakatingin. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng mapagtantong nakatingin siya sa necklace na suot ko. Dahil nga exposed and balikat at taas na bahagi ng dibdib ko ay mabilis makikita ang kwintas na suot ko. Napalunok ako at saka biglang tumayo.
"I'll just wander around, Ma," paalam ko at saka tumalikod na dala ang champagne ko.
Wala sa sarili kong hinawakan ang kwintas at habang ginagawa ko 'yun ay para akong bumalik sa mga araw na binigay niya sa akin ang kwintas na 'to. Mapakla akong ngumiti, alam kong lahat ng iyon ay alaala na lang at hindi na mababalik pa. Ikakasal na siya at 'yun ang mahalaga dahil alam kong nakita na niya ang totoong magpapasaya sa kaniya.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa garden na ng mansion. Malayo dito ang bulwagan kaya hindi nakakapagtaka na bilang lang sa daliri ang tao dito. Ang iba ay nag yoyosi at ang iba naman ay may mga hawak din na wine kagaya ko. Hindi masyadong maliwanag dito kaya kaunti lang ang nag kainterest na pumunta.
Unti-unti akong sumisimsim ng champagne habang nakatingala sa kalangitan. Napakaganda ng kalangitan dahil sa bilog na buwan na napapalibutan nang mga nag kalat na mga bituin.
"The moon is beautiful, isn't it?"
Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang boses ni River mula sa likod ko. Kanina ko pa nararamdaman na sumusunod siya sa akin papunta dito. Hindi ako sumagot o lumingon sa kaniya. Ipinagpatuloy ko lang ang pag inom ko ng champagne na hawak ko.
Tahimik siyang tumabi sa akin sa kinatatayuan ko. Kagaya ko ay nakatingala rin siya sa maaliwalas na kalangitan.
"I didn't expect that you kept that necklace that I gave you, Kiely," he said, "And I didn't expect more, that you would still wear that after what I did you seven years ago."
Lumingon ako sa kaniya. Nagtama ang paningin naming dalawa, hindi ko magawang alisin ang tingin sa mga mata niya dahil sa iba't-ibang emosyong makikita doon.
"M-mama manipulated me to wear it," I muttered.
"But still, you kept that didn't you?"
Nag iwas ako ng tingin dahil tama siya. Instead of throwing it away seven years ago, I choose to keep it.
"Kiely, talk to me please," he pleaded.
I took a deep breath and seriously turned to him.
"I don't have anything to say River. If you want to talk about again what happened seven years ago pwes kinalumutan ko na ang lahat ng 'yun. And I don't want to remember it again because that was the worst nightmare that ever happened to me."
Pain crossed through his eyes. I was about to leave but he held my left arm to stop me.
"Do you also feel remorse meeting me?"
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Bakit niya na naman ba tinatanong sa akin ang mga bagay na 'to?!
"What if I tell you yes?" I said, "I regret everything, River! Everything! I regret that I trusted you! I regret for I loving you too much because you ruined me! I forgot to love myself because of you," I exclaimed and pointed him, "So, yes I remorse meeting you."
Ang akala ko ay bibitawan niya na ako pagkatapos kong sabihin 'yun pero nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hilahin ang braso ko at saka ikinulong ako sa mga bisig niya. Nabitawan ko ang champagne flute na hawak ko dahil sa pagkabigla dahilan upang mahulog ito at mabasag.
"W-what the fuck are you doing River?!" tanong ko habang nagpupumiglas para makawala sa mga braso niya.
"I-I'm sorry..." natigilan ako sa pagpupumiglas, "Kahit ilang beses pa akong humingi ng tawad sayo hinding-hindi ako mapapagod, mapatawad mo lang ako. Because I, myself, can't also forgive everything what I did to you. If I just let you explained and tell me what really happened hindi sana tayo hahantong sa ganito."
Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kung pinakinggan niya ba ang paliwanag ko noon, kami pa rin kaya? Kung sana hindi ko siya nakitang may kahalikang iba nang gabing 'yun magkakapag-usap pa rin kaya kami at masasabi ko sa kaniya ang totoong nangyari? Pano kung wala sanang nagset-up sakin noon, maabot ko pa kaya ang naabot ko ngayon?
"I'm sorry..."
I got stunned even more when I heard him sniveled. Is he crying? I tried to take a peek but his hugged tighten. Nilibot ko ang paningin ko dahil baka may makakita sa amin sa ganitong posisyon at ano pa ang isipin nito.
Kinagat ko ang panibabang labi ko at saka nagpumilit na kumalas sa pagkakayakap niya. Hindi 'to tama. Ex ko siya at may fiancé na siya. Kung sino man ang makakakita sa amin na nakakaalam ng nakaraan namin ay siguradong hindi maganda ang iisipin
"R-river, let go..."
"Please baby, just 5 minutes. Let me hug you for just five minutes..." he pleaded.
Hindi ko alam kung bakit kusa akong tumigil sa pagpupumilit na kumalas. Sobrang bilis ang tibok ng puso ko habang nakayakap sa akin ang taong minahal ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. May parte sa akin na gustong kumawala sa pagkakayakap niya sa isiping may fiancé na siya ngunit may parte ring hinihiling na sana tumigil ang oras para ganito lang kami lagi.
"You bitch! How dare you?!"