KITY'S POINT OF VIEW
"I'm Kity Barrameda, pleased to meet you, Mr. Piencenaves," I said and then laid my hand in front of him. He stared at me for a few minutes before accepting my outstretched hand.
"Nice to meet you too Ms. Barrameda," he said flatly.
Agad kong inalis ang kamay kong nakahawak sa kamay niya dahil ramdam ko na parang may elektrisidad na dumaloy doon. I cleared my throat and avoid his eyes. I turned my attention to my friends na ngayon ay kasalukuyan pa ring nag-iinuman.
Inabutan ako ni Madely ng canned beer kaya kinuha ko naman ito agad at saka binuksan.
"River pwede bang mag tanong?" ani Aria na nakasandal kay Enzo dala ng kalasingan.
"Sure, ask me anything," nagsitaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa boses niyang pitong taon kong hindi napakinggan. Ininom ko ang canned beer na hawak ko dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko.
Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon. Ang ineexpect ay makikita ko siya sa probinsiya pero hindi dito sa Manila and worst dito sa bahay namin! Hindi ko alam na siya pala ang kaibigan ni Adriel na inimbitan nito. Kung alam ko lang edi sana hindi na 'ko pumayag!
"May girlfriend ka na ba?" tanong ni Aria. Pinigilan ko ang hininga ko habang hinihintay kung anong isasagot niya.
Why I am acting like this? Am I interested to know about his love life? No, of course not!
Bago ko mapagdesisiyunang umuwi dito ay siniguro ko sa sarili ko na nakamove on na ko. Alam kong wala na akong nararadaman sa kaniya, kinalimutan ko na ang lahat ng tungkol sa kaniya. Siguro nabigla lang ako sa hindi inaasahang pagtatagpo naming dalawa kaya ako ganito ang mga nagiging reaksiyon ko.
"I have a fiancé," he seriously said.
Nakita ko sa peripheral vision ko na sumulyap siya sa gawi ko na para bang tinitingnan niya kung anong magiging reaksiyon ko. Hindi ako nagpakita na kahit na anong reaksiyon sa halip ay umarte lang ako ng normal.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kaunting kirot na naramdaman ko sa dibdib ko. Muli akong lumagok ng beer na sa tingin ko ay nakakalahati ko na dahil sa sunod-sunod na pag lagok ko dito.
"Aw, sayang naman irereto kita shana dito sa kaibigan kong doctor wala pa nagiging boyfriend shince birth," pagkwekwento ni Aria habang tinituro ako. Halos hindi na namin naiintindihan ang sinabi niya dahil sa tama ng alak sa sistema niya.
Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Kung alam lang nila kung sino ang kausap nila. Masyado talagang madaldal ang bibig ng babaeng 'to kapag lasing pero kapag hindi naman siya nakainom ay ang hinhin niya na siyang kabaliktaran ni Maya.
"Enough, Aria masyado ka nang maraming nainom umuwi na tayo," saway na naman dito ni Enzo at saka inalalayang tumayo ang nililigawan niya.
"Ayaw ko pa uwi, bashted kita kaya bitaw mo ko!" maktol nito.
Tumayo na rin si Adriel para tulungan si Enzo sa pag-alalay kay Aria.
"Aria go home magpahinga ka na," saway din ni Adriel dito.
"Isha ka pa! Gushto pa ko inom shabi! Hindi ako lashing," pagpupumilit nito at pilit na inaabot ang canned beer.
Hinilot ko ang sintido ko dahil sa kunsumisyon ko sa babaeng 'to. She's a flight attendant in Air Planet Airport she should've prim and proper, pero dinaig pa niya ang nagwawalang lion kapag lasing siya.
"Iuwi mo na 'yan Enzo," sabi din ni Valentina.
"Mauna na kami sainyo baka hindi na tayo makita ulit bukas kasi paniguradong mapapatay na ako ng tatay nito. Welcome back again Kity, I'd enjoy," ani Enzo.
"Thank you. Ingat kayo," I said and nodded.
Hindi na sumama sa paghatid si Adriel kay Aria palabas dahil kaya naman daw ni Enzo. Tatatawa-tawa kami habang tinatanaw sina Enzo na palabas habang sinasaway si Aria na huwag malikot.
"I'm sorry about that man, you should've saw that," hinging paumanhin ni Adriel kay River na tahimik lang pinapanood ang mga kaibigan ko.
"It's fine," River said.
Naplunok ako, nakakaramdam ako ng awkwardness dahil ang ex ko ay nakaupo lang sa katabi ko. Hindi dapat nangyayari ang bagay na 'to, alam kong hinanda ko na ang sarili ko para sa pagkikita naming dalawa pagkatapos ng pitong taon pero hindi ko talaga inaasahang ganito kaaga. Letcheng buhay 'to dapat talaga nagstay na lang ako sa Germany e.
"So, this woman beside me was a no boyfriend since birth, huh?" River said sarcastically.
Pailalim akong timingin sa kaniya at tiningnan niya ng masama. Kahit hindi siya nakatingin sakin ay alam kong nakikita niya ang masamang tingin ko. Bakit kailangan niya pang tanungin ang bagay na sa sarkastikong paraan?! Hindi ba pwedeng manahimik na lang siya?!
"Yeah 'yun ang pagkakaalam namin, wala kaming nabalitaang naging boyfriend niya, manliligaw lang, hindi ba Kity," pilit akong ngumiti bilang tugon sa sinabi ni Adriel at hindi na sumagot sa halip ay uminom na naman ako ng alak.
"What about you? Ilang taon na kayong engage ng fiancé mo?"
"Two years," muntik ko nang maibuga ang alak na iniinom ko dahil sa sagot niya.
What the fuck? Two years?! Two years na silang engage pero hind niya pa rin pinapakasalan? Ano bang hinihintay niya? Na lumipad ang baboy? My god!
"Bakit hindi mo ba pinapakasalan?" curious na tanong ni Madely.
"My fiancé is a model. She said that she isn't ready to marry yet," explain niya at saka sumulyap na naman sakin.
"Naku 'yan talaga ang mahirap sa mga model ayaw kasi agad nila magpamilya," kumento ni Valentina.
Sa kalagitnaan ng pagkwekwentuhan nila ay nagvibrate ang phone ko na naiwan ko kanina. Nakaflash doon ang pangalan ni Dave.
"Sagutin mo na nga 'yan Kity, kanina pa nag eearthquake 'tong mesa natin dahil sa kakavibrate niyang phone mo. Sino ba 'yan?" ani Madely at saka sumilip sa phone.
Dinampot ko ito agad para sagutin hindi na siya nagkroon ng pagkakataon para mita kung sino ang tumatawag.
"Um, katrabaho ko lang sa Berlin. Sige, I'll just take this call."
Nang makalayo na ako sa kanina ay tuluyan akong nakahinga ang maluwang. Para akong nasuffocate nang hindi ko namamalayan. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Dave.
"Hello..." pilit kong pinapasaya ang boses ko.
"Thank god, you answered kanina pa kita tinatawagan. Why aren't you answering my calls? I was worried Kity."
"Uhm, I'm sorry I forgot my phone kasi kanina. My friends prepared a surprise welcome party for me kaya nawala sa isip ko na tatawag ka nga pala."
"Oh, is that so? Did I disturb you then?"
"Hindi naman," ani ko.
"Hmm, how's your flight?"
"Okay naman medyo may jetlag pa ko kasi hindi pa ako nagpapahinga since dumating ako."
"You should rest, Kity. Kailan ba kayo uuwi sa probinsiya?"
"Bukas."
"Agad?"
"Oo siguro bukas na lang ako magpapahinga pag-uwi ko sa probinsiya. Ikaw, kumusta ang duty mo?" tanong ko sa kaniya. Patagilid akong sumandal sa pader ng bahay namin.
"Like usual, pagod pa rin kakatapos lang ng surgery ko dun sa isa kong patient na may tumor."
"Yeah, I remember that. So, how was the surgery?"
"Thank god, my patient did survive. Actually ipinalipat ko na siya sa kwarto niya."
"Good to hear that."
Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Dave sa telepono bago siya tuluyang magpaalam. Tapos na daw kasi ang break niya kaya kailangan niya nang mag-trabaho ulit. To be honest, being a surgeon like Dave is hard, very hard to be exact because the life of your patient was dependent in your hand. When you enter in the operating room you should've ready to the circumstances.
I took a deep breath. Babalik na sana ako sa garden subalit pagharap ko sa may likod ko ay nakita ko doon si River na nakasandal sa pader habang ang dalawang braso niya ay nakacross sa malapad nitong dibdib. Nakakunot ang noo niya at seryoso ang muka niya habang nakatingin sa gawi ko.
"W-what are you doing here? Kanina ka pa ba diyan?" I can't help but stammer upon uttering those words.
He didn't respond, he just looked at me like he doesn't hear anything. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis at maingay na pagtibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko.
Umalis na dapat ako dito. Pero hindi ko magawa kasi ayaw gumalaw ng mga paa ko na animo'y napako na sa kinatatayuan ko. Nang makaramdam ko na umiikot na ang paningin ko ay sumandal din ako sa pader at saka ipinikit ang mga mata ko.
Narinig ko ang tunog ng sapatos niya, makakahinga na sana ako ng maluwag dahil akala ko ay aalis na siya pero nagkamali ako. Naramdaman ko ang presensiya niya sa harap ko kaya unti-unti kong minulat ang mata ko.
Pinigilan ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit niya sakin. He pinned me against the wall between his arms and come closer. Halos maduling ako dahil sa lapit namin sa isa't-isa naaamoy ko na ang hininga niyang may pinaghalong mint at amoy ng beer. Mapupungay ang mga mata niya habang nakatitig sa mata ko.
"W-what are you doing?" nauutal na tanong ko.
"Why Kiely? Why did you came back?" paos niyang tanong pabalik, bakas ang iba't-ibang emosiyong hindi ko mapangalanan sa mata niya.
May naramdaman akong kirot sa dibdib ko dahil sa tanong niyang 'yun. I'm asking that to myself too River. Why did I come back? Hindi ako sumagot kaya nagsalita na naman siya.
"Why did you come back and acted like you don't know me? Why did you come back after seven fucking years and show everyone that you're fucking okay and I wasn't? Why did you come back after leaving without saying goodbye, huh? Tell me, why did you come back Kiely?"
Hindi ko maintindihan kung bakit niya tinatanong sa akin ang mga bagay na 'yan. Dapat alam niya na ang sagot sa mga 'yan dahil saming dalawa ako ang may karapatang magtanong dahil umalis ako ng hindi nasasagot ang maraming tanong sa utak ko!
Sarkastika ako tumawa at saka bahagyang itinulak ang dibdib niya para lumayo ang distansiya naming dalawa. Umusbong ang iba't-ibang emosyon sa dibdib ko dahil sa mga sinasabi niya.
"Hibang ka ba? Bakit tinatanong mo sakin ang mga walang kwentang bagay na 'yan? Hindi ba dapat alam mo na ang sagot diyan? Matagal na tayong tapos at matagal na kitang kinalimutan. Wala akong pakealam kung hindi ka okay, kaya pwede ba wag mo akong tatanungin na para bang napakalaki ng kasalanan ko sayo!" tiningnan ko siya ng masama pagkatapos kong magsalita.
"Then why didn't you explain back then?! Why didn't you tell me the truth?!" he frustratedly asked and messed up his curly hair.
"Bakit hinayaan mo ba 'kong magpaliwanag? 'Di ba hindi naman. I tried to explain but you didn't give a chance!" sumbat ko sa kaniya and pointed him, "I trusted you, River. I loved you yet what did you do, huh? You fucking broke me! Ni hindi mo man lang ako pinagkatiwalaan and worst hinusgahan mo pa 'ko. Binigay ko ang lahat ng pagmamahal ko sayo to the point na hindi na 'ko nagtira sa sarili ko tapos gagaguhin mo lang pala ako? Damn you!"
Bumalik na naman ang galit at sakit na naramdaman ko seven years ago. Kakarating ko lang pero eto agad ang mararamdaman ko. Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang likod ng palad ko dahil ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. I can't help but to burst out. Akala ko wala na 'kong luha na ilalabas pero meron pa rin pala.
Tila nahimasmasan naman siya dahil sa sinabi ko. Humakbang siya palapit pero umatras ako.
"I'm sorry," aniya, "I'm sorry for judging you. I'm sorry for not trusting you. I'm sorry for everything that I did to you. But believe me, Kiely, I loved you."
Pilit akong ngumiti at saka inayos ang sarili ko. Tuminga ako para hindi tuluyang bumuhos ang luha ko.
"I-i'll go ahead," sabi ko na lang at saka bumalik sa garden. Habang naglalakad pabalik doon ay panay punas ko ng mata ko para hindi mahlata ng mga kaibigan ko naa umiyak ako.
Naabutan ko sila na naglilipit na ng mga kalat. Hindi naman sila masyadong nakainom dahil balak talaga nilang umuwi ngayon lalo na si Adriel dahil malamang ay hinihintay na 'to ng asawa't anak niya.
"Nandiyan ka na pala Kity, pano ba 'yan uuwi na kami tinext na 'ko ni misis e," ani Adriel habang inaalalayan si Madely na medyo lasing na.
I nodded, "S-sure, sigurado ka bang kaya mong magmaneho?"
"Oo nakadalawang canned beer lang naman ako. Nakita mo ba si River? Nagbanyo lang 'yun pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik–ayan na pala."
Nakatingin siya sa likod ko kaya alam kong nandoon na si River.
"I'm sorry natagalan," anito. Nakitang kong sumulyap siya sakin nang dumaan siya sa gilid ko bago siya bumaling kay Adriel. Unlike earlier he's calmer now.
"Uwi na tayo, kailangan nang magpahinga ni Kity dahil may flight pa bukas 'yan papuntang probinsiya. Thank you again, Kity. Welcome back," nakangiting sabi saakin ni Valentina.
"Thank you."
"Kami rin mauuna na Kity, salamat. Ipadala mo na lang ang pasalubong mo sa inaanak mo."
Natawa ako at saka tumango, "I will."
Nang magtama ang paningin namin ni River ay siya na ang unang nag iwas ng tingin. Hinatid ko sila sa gate at saka muling nagpaalam. Nang tuluyan na silang makaalis ay para akong tinakasan ng lakas. Dahil sa pagkikita at paguusap namin ngayon pagkatapos ng pitong taon. Ngayon ko gustong tanungin ang sarili ko.
Talaga bang nakalimutan ko na siya at ang pagmamahal ko sa kaniya? Kasi kung oo bakit nasasaktan na naman ako ng ganito?