KITY'S POINT OF VIEW
I can't explain what I feel right now. Seeing my friends prepare a surprise welcome party for me made my heart swelled in so much delight. I didn't expect them to surprise me.
"Thank you talaga Maya, nag-abala pa kayo. You don't need to do this just for me," I sincerely said.
Nandito na kami ngayon sa garden ng bahay namin. Sobrang pinaghandaan talaga nila ang pag-uwi ko dahil naghanda talaga sila ng long table na may lamang maraming pagkain at saka mamahaling alak.
"Ano ka ba Kity okay lang sa amin 'yun matagal ka rin naming hindi nakita kaya deserve mo 'to," aniya.
"Oo nga, Kity tsaka ito na rin ang pangbawi mo samin kasi hindi ka man lang nag-paalam samin nung biglaan kang pumunta ng Germany," tugon naman ni Aria habang may hawak na glass wine.
"Tama, hindi ka rin umatend nung kasal ko kaya pangbayad mo na lang 'to sa utang mo," sang-ayon naman ni Valentina.
"Mine too, hindi ka umatend nung kasal ko at sa binyag ng anak ko," panunumbat naman ni Adriel.
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa mga sinabi nila. Masyado na talaga akong matagal nawala kaya kahit buhay ng mga kaibigan ay hindi ko nasubaybayan. Hindi ako umatend ng mga kasal nila pero nagpapadala naman ako ng mga regalo ko sa kanila.
Sa aming magkakaibigan kasi ay ako ang pinakahuling nagkaroon ng license para sa trabaho dahil halos 11 years akong nag-aral sa pagdodoctor. Sila naman nung makagraduate sila ng college ay nakahanap agad sila ng trabaho.
"Fine, let's have fun hanggang sa mapagod tayo," nakangiting sabi ko. Kanya-kanya naman sila ng react.
"Wala ka bang dalang imported na wine diyan Kity? Umay na 'ko sa wine na 'to e," reklamo ni Aria.
"Balak mo ba talagang umuwing lasing ha, Aria? Mapapatay ako ng tatay mo kapag inuwi kitang lasing sainyo," sermon dito ni Enzo.
"Edi wag mo akong ihatid kaya ko namang umuwing mag-isa!"
"Hindi pwede baka kung anong mangyari sayo."
"Edi wag mo 'kong pakialaman, baka gusto mong bastidin na kita agad!"
"Fine, uminom ka lang hanggang gusto mo handa naman akong mamatay para sayo," parang naging maamong tupa si Enzo dahil sa bantang 'yun ni Aria.
I'm happy for the both of them. Matagal ko nang alam na may namumuong magandang samahan na sa kanila. Bukod sa lagi akong updated dahil binabalitaan ako ni Maya ay napapansin ko na rin ito dahil kapag tumatawag sila sa akin ay pangalan ng isa't-isa ang bukang bibig nila.
"Iba 'to, marupok ang Enzo natin pagdating kay Aria," panunukso ni Madely.
"Manahimik ka nga Madely, humanap ka na kasi ng boyfriend para hindi na puro pagkain ang iniisip mo," ani Valentina.
Pabirong inirapan lang siya ni Madely at saka sumubo ng pastang kinakain niya.
Bumaling ako kay Maya dahil parang hindi siya mapakali sa kinauupuan habang nakatingin sa phone niya. Panay tingin rin siya sa paligid na animo'y may hinahanap. At saka may namumuong pawis rin sa noo niya.
"Hoy, you okay?" I worriedly asked.
"Huh?"
"Tinatanong ko kung okay ka lang ba. May problema ba? Kanina ka pa hindi mapakali diyan e."
"A-ah oo okay lang ako," aniya at saka inisahang lagok ang wine na nasa harap niya, "Um, restroom lang ako."
Hindi niya na hinintay ang sasabihin namin dahil nagmamadali siyang umalis papasok sa loob ng bahay. Nagkibit balikat na lang ako bago muling buming sa mga kaibigan ko na nagtutuwaan pa rin.
"Saan pupunta 'yun, Kity?" Enzo asked curiously.
"Restroom daw," I replied and took a sip of my wine.
Napapikit ako dahil dagliang humagod sa lalamunan ko ang pait nito. Shit, it's been a long time while since I taste an alcoholic beverage kaya ganito na lang mag-react ang lalamunan ko. Hindi na kasi ako masyadong umiinom dahil ayaw kong tuluyang magkasakit. Kakaunti na nga lang ang kinakain ko tapos iinom pa ko. Edi para ko na ring unti-unting pinaatay ang sarili ko niyan.
"Kity, kumusta pala ang pag-stay mo sa Germany? Wala ka bang nahanap na German boyfriend doon? Balita ko maraming gwapo doon," tanong ni Madely.
"Well, I'm okay though, honestly, I don't have time to find a boyfriend. Busy ako sa trabaho ko kaya hindi ko na muna iniisip ang mga bagay na 'yan," I said.
Sabay-sabay naman silang napangiwi, "Malapit ka nang mag bento-otso Kity hindi ka pa rin nagkakaboyfriend, talo ka pa nitong si Valentina na nakaisang dosena muna bago mag-asawa," sabi ni Aria.
Natigilan naman ako. Oo nga pala, hindi nila alam na nagkaroon ako ng boyfriend nung nasa province ako, si Maya lang kasi ang sinabihan ko about doon.
"Hoy Aria, wag mo 'yang sasabihin sa harap ng asawa ko ha dahil hindi na naman ako nun papatulugin sa kakatanong kung sino ang mga naging ex ko."
"Magpaanak ka na kasi para hindi na magselos, tingnan mo 'tong si Adriel dati patay na patay kay Kity ngayon naman patay na patay na sa asawa niya, inanakan pa ha," tumawa ito pagkatapos.
Sabay-sabay naman kaming napailing. I'm sure tinamaan na 'to ng alak dahil kanina pa siya walang tigil sa pag-inom. Masyado nang maraming sinasabi.
"Tama na nga 'yang pag-inom mo Aria lasing ka na," saway ni Enzo dito habang pilit na inaagaw kay Aria ang wine glass na hawak nito.
Aria glared at him, "Do you want to die?"
"I told you Aria, I'm ready to die for you, kaya tumigil ka na dahil lasing ka na."
"Basted ka na."
"Ouch, payag ka nun Enzo? Basted ka na daw," pang-aasar ni Madely.
"Hindi ako papayag," Enzo assured at saka kinuha ang wine glass na hawak ni Aria.
"Give it back to me!"
"Nope, drink this," seryosong sabi ni Enzo at binigyan ito ng tubig.
"Guys," sabay-sabay kaming napatingin kay Adriel na kasalukuyang nakatingin sa phone niya bago bumaling samin.
"Bakit? Punapauwi ka na ba ni Isabella mo?" patukoy ni Madely sa asawa nito.
"No, 'yung business partner ko kasi at the same time kaibigan ko ay inayaya akong uminom pero hindi natuloy dahil nandito ako, can I invite him here instead?"
"Sure mas marami, mas masaya," sabi ko.
"Great! I'll tell him your address," sabi niya at saka nagtipa sa phone niya.
"Hindi ba magagalit sina Tita kung mag-iingay tayo Kity?" nag-aalalang tanong ni Madely habang kumukuha ng pizza.
"Hindi naman, nagpapahinga na sila ngayon, e. Tsaka sina Kuya ay nasa trabaho nila ngayon kaya you don't have to worry about."
"Eh? 'Di ba aalis kayo bukas? Bakit nagtatrabaho pa rin ang mga kapatid mo?" ani Madely.
"I don't know siguro mag leleave rin naman sila."
Nawala ang atensiyon ko sa kanila dahil nag-aalala na ako kasi ilang minuto nang nasa restroom si Maya tapos hindi pa rin ito bumabalik. Ininom ko ang wine ko at saka tumayo dahilan upang mapatingin sila sa'kin.
"Pupuntahan ko lang si Maya," paalam ko.
"Mabuti pa nga kanina pa yun doon e," sabi naman ni Valentina.
Tumango ako at saka nagtungo papunta sa loob. Dumaan muna ako patungo sa kusina para uminom ng tubig dahil pakiramdam ko ay umiikot na ang paningin ko. Pagkatapos ay nilabas ko sa fridge ang dala kong wine na galing sa Germany at saka pinatong muna sa counter table bago nagtugo sa restroom.
Hindi ko na natuloy ang pagkatok ko dahil may narinig akong humihikbi mula sa loob. Umusbong ang kaba sa dibdib ko dahil baka kung ano nang nangyari kay Maya sa loob.
Kumatok ako, "Maya are you there? Are you okay? Please open the door."
Inikot ko ang door knob habang sunod-sunod pa ring kumakatok. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka idinikit ang tenga ko sa pinto. Naririnig ko pa rin ang hikbi ni Maya doon.
Nang hindi na 'ko makatiis ay umakyat ako sa second floor para kunin doon ang susi ng restroom namin. Mabuti na lang talaga hindi nila ito nilipat ng lalagyan. Bumaba agad ako at saka nagmamadaling binuksan ang pinto ng restroom.
Bumungad sa akin si Maya na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Gulo-gulo ang buhok niya at nagkalat ang mga gamit niya sa sahig. Agad akong tumakbo patungo sa direksiyon niya at saka nag-aalalang niyakap siya.
"Shit! Maya, what happened?" I worriedly asked.
"Kity..." humihikbing sambit niya sa pangalan ko.
"Tell me anong nang–," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kinuha niya ang kamay ko at saka may nilagay doon. Kinuha ko naman kung anong nilagay niya sa kamay ko at tiningnan. My eyes widened, "Oh my, y-you're pregnant?"
I looked at her. Her tears are starting to fall again while nodding.
"Who is the father? Gosh, wag kang umiyak makakasama 'yan sa baby mo," saway ko sa kaniya at saka inayos ang magulo niyang buhok.
But instead of stopping from crying, she cried even more, "K-kity hindi pa 'ko ready."
"Shh wag kang umiyak kumalma ka lang muna. Mag-usap tayo ng maayos doon ka muna sa room ko," niligpit ko ang mga nagkalat niyang gamit sa sahig ng restroom maging ang pregnancy test ay isinilid ko sa loob ng bag niya.
Inalalayan ko siya sa pagtayo. Patuloy ko pa rin siyang pinapatahan sa pag-iyak dahil makakasama sa batang nasa sinapupunan niya kapag pinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
Mabuti na lang talaga abala ang mga kaibigan namin sa garden kaya hindi nila ko hinahanap. Pag pasok namin sa kwarto ko ay binigyan ko siya ng tubig para kumalma siya. Nang siguradong kalmado na siya ay saka ko siya sinimulang kausapin.
"Sino ang ama ng baby mo Maya?" panimulang tanong ko.
Huminga muna siya ng malalim ngunit nangingilid na naman ang mga luha nito, "Y-yung personal driver ko, Kity, but swear hindi ko ginusto 'to. Hindi ko sinasadyang may mangyari samin ni Ian isang beses lang nangyari 'yun pero hindi ko naman ine-expect na magkakaganito. Hindi pa 'ko handa Kity anong gagawin ko? Ayaw ko nitong bata," aniya at sunod-sunod na umiling.
Sinaway ko siya dahil nagsisimula na siyang mag panic, "Don't say that Maya, calm down. Blessing 'yan ika nga nila. Wag mong aayawan yan kasi baby mo 'yan, naiintindihan mo ba ko?" she nodded, "Alam na ba ng tatay ng bata?"
Umiling siya, "N-natatakot ako Kity, pano kung hindi niya kami tanggapin ng baby namin?"
"Wag lang matakot, edi kung hindi ka tanggapin nandito naman kaming mga kabigan mo para tulungan ka. Hindi ka nag-iisa Maya kaya wag mong hayaang may mangyaring masama sayo at sa magiging baby mo."
She nodded and smiled, "Thank you Kity. Halika na bumaba na tayo. "
Akma siyang tatayo sa pagkakahiga niya sa kama ko pero agad ko siyang pinigilan, nagtataka naman siyang tumingin sa akin, "Dito ka lang at magpahinga ka. Makakasamam sa bata kapag nagpuyat ka. Makinig ka sakin ako ang doctor mo."
She laughed, "Pano kung hanapin nila ako?"
"Ako na ang bahalang mag dahilan. Basta magpahinga ka na lang diyan at alagaan mo ang inaanak ko," tumatawang sabi ko.
"Fine! Tirahan niyo ako ng pizza ah 'yung maraming pinya kanina pa ko nacricrave doon e."
"Oo na buntis," biro ko.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa kusina para kunin ang naiwan kong wine. Habang naglalakad pa balik sa garden ay kinapa ko sa bulsa ng pantalon ko ang phone ko. Nang hindi ko makapa ay binilisan ko ang pagbalik sa garden dahil sigurado akong naiwan ko 'yun doon.
Nasa malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang tawanan ng mga kaibigan ko. Alas-diyes na kaya sigurado akong may mga tama na sila
"Sorry guys natagala–," hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa hindi inaasahang tao na nakita ko na nakaupo sa dating upuan ni Maya, kahit nakatalikod siya sa gawi ko ay kilalang-kilala ko kung sino siya.
Anong ginagawa niya dito?
Mabuti na lang talaga at mahigpit ang pagkakahawak ko sa bote ng wine dahil kung hindi ay malamang nahulog ko na ito dahil sa pagkabigla ko.
"Ang tagal mo naman Kity, malapit na kaming makaubos ng isang case nitong beer. Nasan na ba si Maya nakatulog na ba siya sa banyo?" tanong ni Madely na ngayon ay may hawak namang lata ng beer.
Pilit akong ngumiti, "S-she's at my room, resting. Napagod daw siya sa pagdecorate dito," I lied.
"Aba't napakadaya talaga ng babaeng 'yun," sambit naman ni Valentina.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang tuluyan na akong makalapit sa mahabang lamesa. Ipinatong ko ang dala kong wine at saka umarte na parang walang nakita.
"By the way Kity, he's a friend that I am taking about," ani Adriel patukoy sa lalaking nakaupo sa katabing upuan ko. Hindi pa rin ako umuupo sa upuan ko, "He is River Piencenaves my business partner and a friend of mine."
Unti-unti naman akong lumingon sa lalaking kasalukuyang nakatingin sa akin.
"I'm Kity Barrameda, pleased to meet you, Mr. Piencenaves."