KITY'S POINT OF VIEW
"Ma'am Kity lunch na po," dinig kong tawag sa'kin ni Margarita pagkatapos niyang kumatok. I didn't respond. Instead, I just remained silent upon focusing my eyes on my phone screen.
Margarita knocked once again, "Ma'am hindi ka pa po nagbrebreakfast. Gusto mo po bang hatiran kita–."
"I don't need anything!" I exclaimed.
Naramdaman kong natigilan siya dahil sa sigaw ko na 'yon sa kaniya.
"G-ganon po ba ma'am? Sige po tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan ka."
Hindi ako sumagot. Simula kanina pag gising ko ay hindi pa ako bumabangon mula dito sa kama ko. Walang mumog, hilamos, ligo, at pati na rin toothbrush, ang tanging ginagawa ko lang ay bantayan ang phone ko dahil baka biglang tumawag o kaya may text si River sa'kin pero kahit tuldok ay wala pa rin akong natatanggap mula sa kaniya.
I stalked all his social media accounts ngunit wala naman akong nakitang ibang updates sa mga 'yun. I haven't tried calling him again because I'm afraid that he might decline my calls again.
Nakatulog ako kagabi kakaisip kung anong nagawa ko. Maraming tanong ang nabuo sa isip ko habang patuloy kong iniisip ang mga sagot sa sarili kong tanong. Naguguluhan ako. Ayokong isipin na konektado 'tong nangyayari samin ni River ngayon sa mga mesteryosong mensahe na natanggap ko, ayokong isipin dahil natatakot ako na baka totoo.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na naman pala 'ko. Nagising ako ng bandang alas dos na ng hapon. Doon pa lang ako nakaramdam ng gutom. Pagbangon ko ay meron akong natanaw na pagkain sa may ibabaw ng center table ko doon sa mini living room nitong kwarto ko. Nun ko lang narealize na wala pa pala talaga akong kinakain simula kaninang umaga.
I should eat. Magagalit sa'kin si River kapag nalaman niyang pinapabayaan ko ang sarili ko. Umupo ako sa sofa. Magsisimula na sana akong kumain nang may napansin akong sticky note na nakadikit sa baso ng juice.
'Ma'am Kity, kumain na po kayo. Galing po dito si Sir River kanina pero tulog po kayo kaya hindi na namin kayo ginising. Ubusin mo po 'yan ma'am dahil nag-aalala na po ako sainyo :(' -Margarita
Muntik ko nang mahulog ang hawak kong kubyertos matapos kong mabasa ang nakasulat doon. Galing dito si River?! Kahit wala pang kaayos-ayos ang itsura ko dahil kakabangon ko lang ay nagmamadali akong lumabas para hanapin si Margarita.
"Margarita!" tawag ko dito.
Humihingal naman siyang umakyat ng hagdan papunta sa gawi ko.
"B-bakit po ma'am? May nangyari po ba sain–," hindi niya na natapos aang sasabihin niya dahil hinawakan ko ang dalawang balikat niya.
"Margarita totoo ba ang sinabi mo?"
"P-po?"
"Yung nakasulat sa note? Totoo bang galing dito si River? May sinabi ba siya? Bakit hindi mo ako ginising?" sunod-sunod na tanong ko.
She put her hand on her nape, "M-ma'am ano po kasi–."
"Buti naman at lumabas ka nang kwarto mo apo," natigilan kami ng marinig ko ang boses ni Mamita mula sa likod ko.
"Mamita..."
"Are you okay iha? May sakit ka ba? Bakit ngayon ka lang lumabas ng kwarto mo?"
"A-ayos lang ako Mamita. Is just that... hindi lang ako nakatulog kagabi," I reasoned. Ayokong magsinungaling lalo na kay Mamita pero hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nasasabi kay Mamita ang tungkol sa amin ni River.
She looked at me as if she was trying to figure out if I was lying or not. Umiwas ako dahil baka mahalata niyang maga ang mata ko at nagsisinungaling ako.
"Okay I believe you. Take care of yourself Kity wag kang magpapagutom at wag mong papabayaan ang sarili mo. At higit sa lahat wag mong hahayaang tuluyan kang lamunin ng kumunoy na sinubukan mong daanan," she said meaningfully.
Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay dahan-dahan akong tumango.
"Margarita sumama ka sa'kin mag-uusap tayo," anito kaya sumunod naman sa kaniya si Margarita. Gusto ko sana pigilan si Margarita dahil hindi pa niya nasasagot ang mga tanong ko pero tuluyan na silang pumasok sa kwarto ni Mamita.
Bagsak ang balikat na pumasok ako sa kwarto ko. Inubos ko ang pagkain na hinanda ni Margarita. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nag-ayos ng sarili ko. Aabalahin ko na lang ang sarili ko sa paghahanda ng ireregalo ko kay River bukas.
"At lalong wag mong hahayaang tuluyan kang lamunin ng kumunoy na sinubukan mong daanan."
"Kumunoy na sinubukan kong daanan? Ano bang ibig sabihin ng sinabing 'yun ni Mamita?" tanong ko sa sarili ko.
May gusto bang iparating sa akin si Mamita? I shook my head to remove those thoughts inside my mind. Maybe she just doesn't know what to say to that she said that meaningful statement, right?
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong oras na ko natapos sa pagbabalot ng regalo ko para kay River. Simula nang malaman kong galing dito si River kanina ay gumaan ang loob ko, at least naalala niya pa 'ko. Siguro nga tama ang kutob ko na busy lang siya dahil siguro nalalapit na ang birthday niya. Masyado lang siguro akong nag-overthink kagabi.
*****
This is it. Today is my man's birthday and I'm so excited to see him again. Miss na miss ko na ang mokong na 'yun. Dalawang araw ko lang siyang hindi nakita at nakausap pero pakiramdam ko isang buwan na nung huli kaming nagkita at nong huli kong marinig ang boses niya.
"Ma'am Kity ihahahatid na po kita baka po malate ka," nag-aalalang sabi ni Manong Mario.
Umiling ako, "Wag na po manong may susundo naman po sakin," I uttered and forced a smile.
I secretly took a glance at my wrist watch, twenty more minutes before our special class starts. Kanina ko pa hinihintay si River dito sa harap ng mansion namin dahil nangako siya sa akin nung huli kaming magkita na susunduin niya daw ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Ilang beses na akong niyaya ni Mang Mario na siya na lang ang maghahatid sa akin dahil kanina pa nga ako naghihintay dito pero todo tanggi pa rin ako dahil nangako sa'kin ang boyfriend ko. He promised to me, so I'll wait. I trust his words.
Sa bawat paggalaw ng kamay nang orasan nitong suot kong relo ay parang unti-unting dinudurog ang puso ko, ramdam ko ang kirot nito. Eksaktong pagpatak ng limang minuto bago magsimula ang klase ay saka bumasak ang luha mula sa mata ko.
"M-manong sige na po magpapahatid na ko," sambit ko.
"Sige po ma'am."
Nang pagbuksan ako ni Manong ng pinto ay dali-dali akong pumasok sa sasakyan mabilis ding itong pinaharurot na Manong dahil alam niyang malapit na akong malate.
Nasa labas lang ng bintana nakatuon ang paningin ko, my tears were continuing to fall yet I didn't mind to wipe it off. Nakakainis! Gusto kong magalit kay River at tanungin siya kung bakit niya ginagawa sa'kin ang lahat ng 'to. Pinipilit kong intindihin siya pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mainis sa kaniya.
Kung may problema siya sa'kin pwede niya namang sabihin. O 'di kaya kung busy siya pwede niya namang ipaalam sa'kin. Nang sa ganon ay maiintindihan ko pa kung bakit hindi siya nagpaparamdam. Pumunta nga siya ng bahay pero hindi ko naman siya nakita o nakausap.
Lumabas agad ako ng sasakyan pagkarating namin ng school. Three minutes late na 'ko pero wala akong pakealam. Pagpasok ko pa lang ng gate ng school ay iba na agad ang naramdaman ko. Nagtataka ako dahil maraming students ang nagkukumpulan sa iba't-ibang parte ng school. Hindi ba dapat nasa kaniya-kaniya nilang classroom ang mga 'to?
Lumapit ako sa grupo ng kababaihan na nagtitipon malapit sa Engineering department para magtanong. Sinasayang ko lang siguro ang oras ko dito.
"Hey excuse me can I ask? Wala bang pasok?" I politely interrupted.
Natigilan sila sa pagkwekwentuhan at animo'y may dumaan na anghel. Agad na nag-iba ang ekspresyon nila nang makita nila 'ko. They looked at me with disgust visible in their eyes.
"Oh my god, wag ka nang lumapit sa amin. Nakakadiri ka! Tabi!" pabulyaw na turan niya at saka tinulak ang balikat ko dahilan upang mapaatras ako ng konti.
What?
"Natalia pahingi nga ng alcohol nakahawak ako ng madumi," dinig kong sabi ng tumulak sa'kin.
Aba't! Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. How dare she call me madumi?! Mas madumi pa nga siguro siya sa aming dalawa e!
"Don't–," I didn't finish my sentence because someone cut me off.
"Pare ito na ba 'yun?" ani ng lalaki na base sa uniform na suot niya ay isa siya computer student.
"Oo pre shit ang hot niya pala talaga," ani ng kasama nito at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa bago ito lumapit sa tabi ko.
Nilukob ng kaba ang dibdib ko dahil tatlo silang lalaki na malalaki ang katawan ang nakapalibot sa'kin. May mga nakatingin sa amin ngayon na kapwa namin estudiyante pero parang wala silang pakialam kung may gawin man sa'king masama ang mga lalaking 'to.
Napaiktad ako ng may humawak sa braso ko. Galit kong inalis ang kamay niya sa balat ko. Ang isa naman sa kanilang tatlo ay nilaro ang buhok ko at inamoy-amoy pa.
"Don't touch me!" I shouted. Umatras ako palayo sa kanila pero hinawakan ng mahigpit ng isang lalaki ang braso ko.
"Aba matapang ka ha, 'yan ang gusto namin 'di ba?" makahulugang sabi nito.
Tumingin ako sa ibang studyante para humigi ng tulong pero halos maiyak ako dahil nakangisi sila at may kaniya-kaniya pang hawak na cellphone.
"L-lumayo kayo sa'kin ano ba?!" nanginginig na sigaw ko.
Sabay-sabay naman silang nagkatinginan sa isa't-isa at ngumisi. May pagnanasa sa mga mata nila na mas nagpadagdag sa kaba at takot na nararamdaman ko. Ano bang nanyayari? Hindi naman sila ganito sa'kin noon.
Can someone help me? River, please help me...
"Wag ka nang umarte na malinis ka Barrameda–."
"Don't fucking touch her, you motherfucker!" mautoridad na boses ang nagpatahimik sa parteng 'yun ng SLC. Humawi ang mga studiyante para may madaanan ang nagsalita.
I know that voice! Naibsan ang takot na nararamdaman ko kanina dahil alam kong nandito na siya.
"Talagang pinagtatanggol mo pa 'tong bayaran mong girlfriend, Piencenaves? Bakit magaling ba 'to sa kama kaya hindi mo mapakawalan–."
Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa bilis ng pangyayari. Agad na tumama ang kamao ni River sa muka ng lalaking kanina pa hawak ng hawak sa braso ko. Paulit-ulit na pinagsusuntok ni River ang muka nito hanggang sa mapahandusay ito. Hindi ito nakakaganti ng suntok dahil hindi siya hinahayaan ni River. Ang tanging nagagawa lang mga tao ay tumili wala man lang nagtangkang umawat.
Lalapit na sana ako para awatin siya pero naunahan ako ni Yolan na nakapagpakalma naman kay River.
Kasalukuyan nang nakahandusay ngayon pinagsusuntok ni River habang tinutulungan ito ng mga kasama niyang tumayo. Masama ang tingin nito kay River at ganon din ang boyfriend ko sa kaniya. Parang bumagal ang ikot ng mundo ko nang magtama ang paningin namin ni River. Hinigingal siyang at nagtatangis ang bagang, nakakunot rin ang noo niya pagkatapos nag-iwas ng tingin sa akin at tumingin sa katabi niya.
Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa nakikita ko. Pinupunasan ni Yolan ang muka niya at bakas ang pagaalala nito sa kaniya hindi man lang siya pinigilan ni River sa ginagawa niya.
Please stop her, nandito na ako. Ako dapat ang gumagawa sa'yo niyan 'di ba?
Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Humigpit ang hawak ko sa hawak kong paper bag na naglalaman ng regalo ko para sa kaniya. I should apologize to him, birthday niya ngayon pero gumagawa ako ng gulo.
Hahakbang na sana ako papunta sa kaniya pero tumalikod na siya na akmang aalis na kasama si Yolan na nakahawak sa braso niya.
Baby...
"Kity! Kity! Tumabi kayo! Anong nangyayari dito? Alam mo na ba?" natigil ang pagtawag ko sana sa pangalan ng boyfriend ko dahil biglang sumingit ang matinis na boses na 'yun ni Olivia.
Tumigin ako sa kaniya, "A-alam ang alin?"
"Eto!" ihinarap niya sa'kin ang phone niya kaya kinuha ko 'to.
"Nice reaction video sa sarili niyang video," dinig kong sabi nang isa sa mga estudyanteng nakapalibot pa rin sa'min hanggang ngayon.
"Nakakadiri talaga siya!"
"Kinilabutan ako ng mapanood ko ang video niya."
"Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'yan."
Halos bumaksak ang mundo ko nang makita kung anong video 'yun. Hindi ko na tinapos ang video dahil kinikilabutan ako. It was a scandal video! Same face as me, hairstyle, body shape, ang damit rin ay kaparehas ng suot ko ng pumunta kami ng mall ni Dave noong sabado. Maging ang kwintas na binigay sa akin ni River nung maging kami ay kaparehas na kaparehas ng nasa video. Ang makakapanood nito ay aakalain talagang ako pero alam ko sa sarili kong hindi ako 'to.
Paulit-ulit akong umiling habang unti-unting inaangat ang paningin sa gawi ni River. Akala ko ay tuluyan na siyang umalis pero nagtama ang paningin naming dalawa. Bakas ang galit at pagsisisi sa mata niya. Lumapit ako sa kaniya habang umiiling. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya sa'kin nagparamdam? Ito na ba ang dahilan kung bakit siya nagagalit sa'kin ngayon?
"B-baby, hindi ako 'to. Maniwala ka sa'kin hindi ako 'to," hinawakan ko ang kamay niya pero magalit niya itong inalis, "R-river kilala mo 'ko 'di ba? Alam mong mahal na mahal kita hindi ko magagawa sa'yo 'to maniwala ka sakin."
Unti-unting tumulo ang luha sa mata ko habang pinipilit kong magpaliwanag. Tanging boses ko lang ang naririnig sa parteng 'yun ng school dahil walang nagtatangkang magsalita.
"Kilala nga ba talaga kita? Mahal mo nga ba talaga?" nanghina ang tuhod ko dahil sa tanong niyang 'yun, "Kasi kung mahal mo talaga 'ko, ako lang dapat 'di ba? Am I not enough huh? Answer me! Am I not fucking enough to you?!" napapikit ako.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Ito ang unang beses na sinigawan niya 'ko at dito pa talaga sa harap ng maraming tao.
"Y-you're enough sobra-sobra ka pa sa'ki–."
"Cut that crap, damn it!" napaiktad ako. Hindi ko na mapigilan ang mga luhang dumadaloy mula sa mata ko.
"I-I'm not lying. Maniwala ka naman sa'kin hindi ako 'yung nasa video. Ang gumawa nun ay 'yung mga taong gustong manira sa atin River. Maniwala ka."
"We will both fight whatever trials test our relationship especially now that we are new. If you're tired, go ahead I'll let you rest, but don't give up because I won't give up either I'm still here to fight alone for the relationship we're building. Do you understand? Do you trust me?"
"I trust you."
Tuparin mo naman ang pangako mo. Nagtiwala ako sa'yo e. Ang sakit-sakit na kasi ng ginagawa mo.
"You're not lying? Are you sure that you're not a liar? Let me remained you this, I asked you to date with me didn't I? But you refused kasi sabi mo kasama mo si Donya Asuncion, but I saw you Kiely! I saw you! I saw you with that fucking Dave!" hindi ako nakasagot, "I asked you again, but instead of telling the truth, you choose to lie! Tapos sasabihin mo sa'kin na you're not lying? Hindi ako tanga!"
"R-river hayaan mo naman akong magpaliwanag–."
"I don't need your fucking explanation! I don't want to hear anything from you," he exclaimed, "And about the video, do you think I'm fool to believe that fucking video easily without any basis? Naniniwala ako na ikaw 'yun dahil nakita ko kayong pumasok sa hotel ng hayop na lalaking 'yun! I also saw the necklace that I gave you in that video kaya wag ka nang magsinungaling!"
"River that's enough," malumanay na pagpapakalma ni Yolan dito pagkatapos ay tumingin ito sa akin ng masama.
"River mahal kita, mahal na mahal kita makining ka naman sa'kin. Walang nangyari sa'kin sa amin Dave–."
"Pwede ba Barrameda itigil mo na 'yang bunganga mo! May video na nga 'di ba? Wag ka na ngang mag malinis dahil madumi ka na sa mata ng lahat ng tao dito. Naiintindihan mo ba?!" singit ni Yolan.
"Wag ka ngang mangingialam dito. Sinabi ko na ngang hindi ako 'yun 'di ba? Hindi na ako magtataka kung ikaw ang may pakana ng lahat nang 'to! Hindi ba't kating-kati ka na paghiwalain kaming dalawa? Hindi ako ang nasa video dahil sigurado akong ikaw 'yun!" galit na sigaw ko.
Pinusan ko ang luha ko gamit ang likod ng braso ko. Kung nakakamatay lang ang tingin ay wala akong pakialam kung makulong pa 'ko.
"What? So pinapasa mo sa'kin ang kakatihan mo?!"
"Wala ako pinapasa kasi totoo naman! Di ba ikaw 'yun? Umamin ka na!"
"Shut up! Don't fucking accused her kasi siya ang kasama ko nang makita ko kayo ng lalaki mo!"
Doon na 'ko nawalan ng pag-sa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko pinagkakaisaahan ako ng lahat ng tao. Wala akong kasalanan. Set up ang lahat ng 'to. Malinis ang konsensya ko. Oo inaamin kong nagsinungaling ako dahil hindi ko sinabi sa kaniyang kasama ko si Dave pero ginawa ko lang naman 'yun dahil gusto kong magpatulong.
May tiwala ako sa kaniya. Malaki ang tiwala ko sa kaniya kasi mahal ko siya. Bakit siya hindi niya ako magawang pagkatiwalaan kagaya ng ginagawa ko sa kaniya? Mahirap ba 'yun?
"R-river naman..."
Tumingin siya sa malayo pagkatapos ay muling nagtama ang paningin naming dalawa.
"You know what? Let's break up because I don't know if I can still look straight into your eyes without thinking that you fucking cheated on me!" He turned his back to me after that, "And one more thing, this is the worst birthday ever because of you."
River...