KITY'S POINT OF VIEW
"Hello, Dave?" bungad ko pagsagot ko sa tawag nito.
"Hello Kity nandito na ako sa labas ng mansion niyo," sagot niya.
"Talaga?" dali-dali naman akong pumunta sa may terrace para sumilip. Totoo nga nandoon na sa baba ang sasakyan niya. In fairness ang aga niya ah, "Sige bababa na ako diyan."
"Sure, I'll wait."
"Sige."
Ako na ang pumatay ng tawag. Kinuha ko ang pouch ko na may lamang importanteng bagay sa ibabaw ng kama ko pagkatapos ay saka ako patakbong bumababa ng hagdan. Nawiwindang pa nga ang mga kasambahay naming naglilinis ng hagdan dahil baka mahulog daw ako, mataas pa naman ang takong ko.
"Saan tayo?" tanong niya pag-sakay ko sa Mercedes Benz niya.
"Saan ba magandang bumili ng pangregalo para sa lalaki?" I asked back.
"Maybe, mall? Malls have plenty of boutiques kaya hindi ka mahihirapang pumili," he answered while starting to drive, "May naisip ka na bang regalo para kay Piencenaves?"
Napalingon ako sa kaniya, "How did you know?"
"What do you mean by that?"
"Pano mo nalamang si River ang reregaluhan ko?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Ganon na ba 'ko kahalata?
He laughed with disbelief visible in his voice, "Are you kidding me Kity? Of course, I know we're schoolmates, right? And the rumor about your relationship with him spread like a virus on our campus. Kaya wag ka nang magtaka kung alam ko."
Muntik ko nang makurot ang sarili ko dahil ang tanga ng tanong ko, tama nga siya. Tanga na lang pala ang hindi nakakaalam kung anong relasiyon ko kay River dahil naging cover na kami ng school magazine. Kung sina kuya nga nalaman kung ano kami ni River, si Dave at ang ibang tao pa kaya.
"Fuck that Piencenaves, he's so lucky to have you," he whispered.
"What?" did I hear it right?
"Nothing, malapit na tayo."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Papasok na kami sa parking lot. Kapansin-pansin na maraming sasakyan ang nakapark dito at halos wala nang maparkan si Dave kaya ibig sabihin lang nun ay marami ding tao sa loob ng mall ngayon.
Sabagay oras na kasi para bumili ng regalo para sa mga exchange gifts. Well ako nga wala pang nabibiling regalo para sa pamilya ko. Magchri-Christmas rush na lang siguro ako.
Nang makapagpark na siya ng sasakyan ay sabay na kaming bumaba at pumasok sa mall. Hindi nga ako nagkamali masyadong maraming tao.
"Gusto mo bang lumipat tayo? You look uncomfortable."
I shook my head, "No, it's okay nandito na tayo ituloy na natin."
"Are you sure?"
"Yeah, tara na," alok ko.
Nauna na ako sa kaniyang sumakay ng escalator paakyat sa second floor. Siksikan pa kami doon dahil madami ngang tao.
"Ano bang regalo ang bibilhin mo?" tanong na naman niya.
"Honestly, I don't know. Ikaw may naiisip ka ba?" umuling siya, "Pwede mo ba akong tulungang mag-isip kung ganon, lalaki ka kaya mas marami kang alam sa mga gusto ng kapwa mo lalaki?"
"Hmm, okay, sure."
"Talaga? Hmm ano kayang maganda? Sabihin mo kung okay 'tong mga sasabihin ko ha," he nodded, "Relo? Bagong sasakyan? Sapatos? Bagong condo? Penthouse? Bagong phone? Anong maganda doon?" when I looked at him, there was disbelief all over his face, "What did I say something wrong?"
Ano bang mali sa mga sinabi ko?
"Yan talaga ang naisip mong iregalo sa kaniya? Wala nang iba? That's so expensive. At saka imposible namang wala pa si Piencenaves ng lahat nang binggit mo."
I pout, "Its fine if what I've mentioned was expensive at least magagamit niya naman in the future 'di ba? Tsaka malay mo luma na 'yung mga yun kung meron na siya 'di ba?"
Umiling-iling siya, "I can't believe you. Hindi naman siguro materialistic na lalaki si Piencenaves 'di ba? Kaya sa tingin ko kung anong ibigay mo sa kaniya ay tatanggapin niya."
Ngumiwi ako, "Fine may naisip na ko."
"Agad-agad?" tumango ako at tumawa dahil sa reaksiyon niya.
"Oo pinag-isipan ko na rin 'to kagabi pero hindi ako sure. But because of what you've said I think it's not bad to try. Sasabunutan ko na lang siya kapag hindi niya tinanggap," I joked.
Tumawa siya, "Don't worry ako na ang bububugbog kapag hindi niya tinanggap."
"Baliw," sabay kaming natawa at saka pumunta na sa bilihan ng gusto kong regalo para kay River.
*****
"Tapos na tayo, may gusto ka pa bang bilihin?" tanong ni Dave pagkalabas namin ng pangatlong shop na pinasukan namin.
"I want to buy an empty compact disc. May alam ka bang bilihan nun dito?" ani ko habang nililibot ang paningin sa buong second floor nitong mall.
Hindi ko alam kung ilang oras na kami dito pero sa tingin ko ay mahigit dalawang oras na kami dito.
"Yah sa pagkakaalala ko ay nasa third floor 'yun malapit sa may Cinema," untag niya.
"Okay let's go," sabay kaming umakyat papunta sa third floor. Tinuro niya sa akin ang sinasabi niyang shop.
Napatingin ako sa may area ng Cinema dahil tanaw 'yun mula dito sa shop mahaba ang pila doon dahil maraming nilabas na iba't-ibang palabas ang iba't-ibang Production company ngayon. Sa pagkakaalam ko ay may nilabas ding tatlong pelikula ang MB Film Production which is ang kumpaniya namin na pinapatakbo na ngayon ni kuya Gideon sa tulong ni Daddy.
"Good noon ma'am and sir. Thank you for coming please come again," paalam ng staff paglabas namin ng shop.
"Thank you," sambit ni Dave dito.
I've noticed that unlike River, Dave was more studious and had a bright aura. Kahit tahimik siya madalas dahil lagi siyang nag-aaral at nagbabasa masasabi ko pa rin na mas madali siyang iapproch. Kapag free time kasi at walang hawak na libro si Dave kagaya ngayon ay nagiging madaldal siya. Pinapansin niya din ang mga admirer niya.
Meanwhile, si River naman ay kabaliktaran, kapag sinabi niyang tinatamad siyang mag-aral ay tinatamad talaga siya, masasabi kong maaliwalas din naman ang aura ni River pero alam niyo 'yun? Yung may nakakapagpakaba sa akin minsan kapag kasama ko siya. Alam ko namang may mga ugali pa kami na hindi alam tungkol sa isa't-isa pero lahat ng flaws and imperfection ni River ay tatanggapin ko dahil mahal ko siya at para sa akin 'yun ang mahalaga.
"Ikaw Dave? May gusto ka bang gawin o kaya bilihin dito? Maaga pa naman para umuwi," sambit ko pakatapos kong tingnan ang oras sa wrist watch ko.
"Gusto ko sanang paggupit at magpakulay ng buhok," untag niya.
My eyes widened, "For real? Anong nakain mo? Bakit gusto mong magpakulay?"
He frowned, "Is it big deal? Gusto ko lang baguhin ang buhok ko, that's all."
Pinigilan ko ang matawa ng malakas dahil namumula ang tenga niya, "Sige sabi mo e. Magpapa-ayos din ako ng buhok kung ganon. Gusto kong maganda ako pag birthday ng boyfriend ko."
Habang pababa kami ng second floor ay naramdaman ko ang vibrate ng phone ko hudyat na may nag-text. Kinuha ko ito sa loob ng pouch ko.
From: River
Where are you, baby?
Kumunot ang noo ko. Sinabi ko na sa kaniya kagabi na kasama ko si Mamita ah. Nakalimutan niya ba? My god madadagdgan na naman ang guilt na nararamdaman ko dahil nagtanong na naman siya.
To: River
I'm with Mamita, baby. Don't worry about me. I'm fine.
Agad kong tinago ang phone ko sa bag ko nang nasa harap na kami ng salon.
"Boyfriend?" tanong ni Dave.
I nodded, "Oo."
"Baka bugbugin ako nun kapag nalaman niyang kasama mo ko," natatawang sabi niya.
"Hindi niya naman alam, ang alam niya si Mamita ang kasama ko."
"Why did you do that?"
"Syempre kasi kapag nalaman niya na ikaw ang kasama ko siguradong hindi niya ako papayagan edi hindi rin ako makakabili ng regalo ko sa kaniya kapag nangyari 'yun."
"Sabagay," he shrugged.
Pag-upo namin sa salon chair ay agad naman kaming inasikaso ng mga staff. Nagpa-shampoo lang ako at saka nagpaplansta ng buhok. Unat pa naman ang mahaba kong buhok pero gusto ko lang mas paunatin pa. Wala lang trip ko lang. Nakakabagot naman kung hihintayin ko lang si Dave dito 'di ba?
Dahil sa tagal ng ginagawa ay hindi ko namalayang nakatulog na pala 'ko habang nagbabasa ng magazine. Hindi ko alam kung anong oras natapos pero nagising na lang ako dahil sa dahan-dahang yumuyugyog sa akin.
"Kity..."
"Hmm..." unti-unti kong binuksan ang mata ko.
Nilibot ko ang paningin ko. Nandito pa rin kami sa salon pero konti na ang mga tao na nandoon.
"Anong oras na?" tanong ko kay Dave.
"Almost 3:00 pm na."
"Ganon ako katagal nakatulog?" tumingin ako sa salamin. Kumikinang na ang buhok ko ngayon.
"Yah actually kakatapos rin lang kulayan ng buhok ko."
"Bagay sayo," sambit ko. Kulay brown na kasi ngayon ang buhok niya. Mas bumagay 'yun sa kaniya dahil mestizo siya. Ang ganda din nang pagkakagupit sa kaniya.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagpakulay siya ng buhok. Akala ko hindi papasok ang ideya na 'yun sa isip niya dahil magiging doctor siya at ang mga doctor ay dapat malinis lalo na ang physical appearance.
"Tara, hindi pa tayo nakakapag-lunch. Nagugutom ka na ba?" tanong niya pagkalabas namin ng salon.
Siya na din kasi ang nagbayad sa pag-ayos ng buhok ko.
"Medyo, sa labas na lang tayo kumain wag na dito," sambit ko. Hanggang ngayon kasi marami pa ring tao sa loob ng mall. In fact mas dumami sila dahil hapon na.
"Sige, but I don't eat in a typical restaurant. Mas gusto ko kasing kumain sa mga restaurant ng mga hotel."
I chuckled, "Ang weird mo talaga. Bukod sa nage-exercise at nagluluto ka sa kalagitnaan ng gabi ay may ganiyang habit ka pa pala."
"I'm not weird, I'm peculiar."
"Yeah, whatever."
*****
Nakasimangot lang ako sa buong byahe namin papunta sa paboritong hotel na kinakainan ni Dave. Kanina pa kasi ako hindi tinetext ni River, kanina hindi niya na nireplyan ang reply ko sa kaniya nang pumasok kami ng salon.
Hindi kasi siya ganon sa akin. Madalas kasi kahit tuldok ay tinetext niya pa ko lalo na pag-hindi kami magkasama. Huminga ako ng malalim at saka tinago sa bag ko ang phone ko marami na akong message sa kaniya pero ni isang reply ay wala akong natanggap. Baka busy lang kailangang ipaalala ko lagi sa sarili ko na hindi lang sakin laging nakatutok ang atensiyon ni River. May mga bagay din siya na kailangang pagtuunan ng pansin.
"Nandito na tayo," ani Dave.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto ni Dave. Sabay kaming pumasok sa mamahaling hotel. Mukang kilala na nga si Dave dito dahil halos binabati siya ng mga staffs.
"Madalas ka talaga dito?" curious kong tanong.
"Yes a friend of mine owns this hotel kaya madali lang nila akong nakikilala," turan niya.
Binuksan ng guard ang glass double door para makapasok kami. Ang ganda nga ng hotel resto na 'to. Kaya siguro mas gustong kumain ni Dave sa mga hotel restaurant kaysa sa outdoor or typical restaurant dahil mas limitado at reponsable ang mga tao dito.
"Good afternoon Mr. Medina, ma'am, here's the menu," nakangiting bati sa amin ng waitress.
"Thanks," I muttered.
"My usual order na lang," sambit ni Dave dito agad naman itong sumulat sa hawak na papel.
"Noted, sir. What about you ma'am?" baling naman nito sa akin.
Binanggit ko ang mga orders ko. Dinamihan ko dahil talagang nagugutom na 'ko. Pagkatapos niyang uliting banggitin ang mga orders ko ay umalis na siya.
"Kaya mo bang ubusin lahat ng 'yun?" takang tanong niya.
"Of course!"
Sa kalagitnaan ng pagkwekwentuhan namin ay biglang tumunog ang phone niya. Nagpaalam siya na sasagutin niya muna kaya umalis siya. Ako naman ay naiwang mag-isa sa table namin. Muli kong tiningnan ang phone ko pero wala pa ring reply si River. Ano na kayang nagyari sa lalaking 'yun? Hindi niya ba 'ko namimiss?
Sumibol ang bilis ng tibok ng puso ko ng mag-vibrate phone ko. Sabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis. Alam kong hindi matatapos ang araw na 'to nang hindi niya ako rereplyan. Alam ko rin na gagawa siya ng paraan para kausapin ako kahit busy siya. Hay naku River Noah Piencenaves, ganon mo ba talaga ako kamahal?
Pero lahat ng iniisip ko ay bigla na lang nawala ng parang bula nang makita kong hindi si River ang nag text sa akin. Isa 'tong unregistered number kagaya nang madalas mag text sa akin nitong mga nakaraang araw.
From: Unknown
Tik tak! Tik tak!
Kumunot ang noo ko. What the hell is this? Ano namang ibig sabihin nito? Nababaliw na ba ang sender nito o wrong send lang? Biglang pumasok sa isip ko ang unang nagsend sa akin ng mesteryosong messege kung kaya't hinanap ko agad ito sa inbox ko ngunit halos nakita ko na ang lahat ng messages pero hindi ko makita ang unknown number na unang nag message sa'kin.
Imposible, alam kong hindi ko pa nadedelete ang message na 'yun. Pano nangyaring nawala 'yun dito? Inalala ko ang mga pangayayari nang araw na na-receive ko ang message. Denelete ko ba 'yun o hindi? Sigurado akong hindi ko pa nadedelete 'yun! Wala namang ibang humawak ng phone ko bukod sa'kin.
Hanggang sa makabalik na si Dave ay hindi parin mawala sa isip ko ang ideyang 'yun. Bigla ring nawala ang gutom na nararamdaman ko kaya ang bagal kong kumain. Siguro mahigit isang oras pa kaming nag-stay doon dahil omorder pa si Dave ng dessert bago kami lumbas ng hotel.
Papalubog na ang araw ng maihatid ako ni Dave sa mansion. Nagpasalamat ako sa kaniya dahil pumayag siyang samahan ako sa mall. Pagpasok ko ay dumeretso ako agad sa kwarto ko.
Panay pa rin ang hintay ko sa reply ni River sa'kin pero wala akong natatanggap kaya nang hindi ako makatiis ay tinawagan ko na siya. Lumabas ako ng veranda habang nakalagay sa tenga ko ang phone ko.
"Please baby, pick up the phone," I worriedly whispered.
Kanina pa ako hindi mapakali dito. Nag-aalala na 'ko sa kaniya. Gusto kong malaman kung okay lang ba siya. Bumagsak ang balikat ko ng patayan niya ako tawag pagkatapos ng ilag ring.
Shit! Ano bang problema niya?
I tried to dial his number again pero sa pangalawang pagkakataon ay pinatay niya na naman ito. Sinubukan ko ulit pero kagaya kanina ay pinapatay niya na naman.
"T-tatmaan ka talaga sa'kin kapag nagkita tayo, letse ka," bulong ko.
Ramdam ko ang pangingilid ng luha at panginginig ng kamay ko habang patuloy pa rin na sinusubukang tawagan si River.
"P-please don't do this to me, wag mong patayan."
Pero parang dinurog ang puso ko ng hindi na magring ang phone niya dahil tuluyan niya nang pinatay ang phone niya. I can't reach him anymore.
Para akong tinakasan ng lakas dahil doon. Humawak ako sa pasimano ng veranda at saka doon kumuha ng lakas. Hindi ko na napigilan ang luha na mula sa mata ko dahil sa ganitong ginagawa ni River ay ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.
Paano niya ako nagawang patayan ng phone? Ano bang ginagawa ko? Akala ko ba okay kami pero bakit nangyayari 'to. I wiped my tears using the back of my hand and heaved a deep breath. I shouldn't have overthinked, baka busy lang right? Yes, he's busy, I know him. Bukas alam kong mag sosorry siya sa akin at magpapaliwanag, syempre papatawarin ko siya. Ang dapat kong gawin bukas ay ihanda ang ireregalo ko sa kaniya dahil birthday niya na sa lunes.
Nababaliw ka na talaga Kity 'yan lang iniiyakan mo na. Hindi naman required na updated ka sa buhay ng boyfriend mo.