KITY'S POINT OF VIEW
"Anak alam mo bang ikaw lang ang nag iisang babaeng may dugong Barrameda simula sa dalawang magkakasunod na henerasyon?" Mama said upon brushing my hair using her fingers.
I am now lying on her thigh. Meanwhile, Mom is sitting on the grass here in the garden.
"Eh? Wala po bang kapatid na babae si Lolo Alessandro?" nanlalaki ang butas ng ilong na tanong ko.
Mama shook her head, "Nag iisang anak lang ang Lolo Alessandro mo tapos nang mag-kaanak naman sila ng Mamita mo lahat naman lalaki tapos ang mga anak naman ng mga tito mo ay puro lalaki din akala nga namin hindi na magkakaroon ng babae sa angkan natin kaya nang dumating ka sa buhay namin ay talagang mas naging masaya ang takbo ng buhay naming lahat."
"Talaga po Ma? Kaya po ba ganon na lang po ang pagproprotekta sa'kin nina Kuya tapos nina Kuya Derek at Kuya Vladimir?" tanong ko.
"Oo kasi ayaw naming masaktan ka, kayamanan ka ng pamilya natin kaya proprotektahan ka ng bawat myembro ng pamilya 'to. Minsan ka nang muntik mawala sa'min at ayaw naming maulit ulit 'yun," ani Mama.
"Hindi naman po ako mawawala sainyo tsaka Mama dahil sa sinabi mo hindi ko hahayaang masaktan ang sarili ko kasi ayaw kong mag-alala kayo sa'kin."
"Naku totoo ba 'yan? Pano kung magkaboyfriend ka na anak? Matatandaan mo pa rin ba 'yang sinasabi mo?" Mama teased.
"Anong boyfriend? Mama, I'm just fourteen!" I exclaimed.
Mama laughed, "Okay I'm just kidding. Alam ko namang hindi ka agad magkakaroon ng boyfriend sa ganyang edad mo dahil bantay sarado ka ng mga pinsan mo."
I grimaced, "Yeah right, kaya 'yung iba kong classmate nung elementary and now natatakot sa kanila kaya ayaw nilang makipag friend sa'kin," I uttered with sarcasm on my voice.
Mom laughed softly, "Pabayaan mo na 'yang mga pinsan mo kagaya nga ng sabi ko sayo kanina ayaw ka nilang masaktan o mapahamak."
I nodded, "Opo, I understand. I promised that I'll protect myself..."
Ma, I'm sorry I did not keep my promise, I didn't protect myself...
Sorry Ma kasi masyado akong nagtiwala. Masyado akong nagpadala sa letcheng pagmamahal na 'yan. Masyado akong naging confident na hindi niya ako kayang saktan. Masyado akong nabulag sa pangako niya na kaya niyang lumaban para sa relasyon naming dalawa.
Funny, isn't it? I used to be afraid that all this would happen but now it has happened. He gave up; he already gave up on us without even listening to my explanation. Habang nakatingin sa kaniya na tuluyang lumayo sa'kin ay ang palatandaan na wala na talaga. Tapos na kami agad kahit kakasimula pa lang naming dalawa.
"Kity open the door! Mag-usap tayo!" narinig kong sigaw ni Kuya Kyrus, kasunod nito ang paulit-ulit na kalabog ng pinto ng kwarto ko.
"Leave me alone!" I shouted.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang tenga ko at saka madiing ipikit ang mata ko kasunod nito ang sunod-sunod na namang pagtulo ng luha mula sa mata ko.
Paulit-ulit na nageecho sa isip ko ang mga masasakit na salita na galing kay River. Gusto kong magmakaawa sa kaniya kanina na wag niya akong iwan na wag niya akong saktan ng ganito pero hindi ko ginawa kasi naawa na 'ko sa sarili ko. Awang-awang na ko sa sarili ko dahil sa panghuhusga sakin ng ibang tao pati na rin ng taong mahal ko.
Hindi dapat nangyari samin 'to 'di ba? Kakasimula pa lang namin e. Pero bakit tinapos na agad? Bakit natapos na agad?
"Fuck it, Kiely Trinity!" I open my eyes upon hearing Kuya Kendrick's voice.
Tumakbo sila patungo sa gawi ko, kasunod niya si Kuya Kyrus na salubong ang kilay at nagtitiim ang bagang pati na rin si Mamita at Margarita nab akas ang pag-aalala sa mga mata.
"Kuya..." I whispered.
"Shh stop crying," mas lalong bumuhos ang luha ko nang niyakap ako ng mahipit ni Kuya Kendrick.
"Margarita," maotoridad na ani Kuya Kyrus.
"P-po, Sir?"
"Pack Kity's things. Make sure na walang maiiwan na kahit isang gamit," my eyes widened upon hearing his command.
"Kyrus..." nag-aalalang sambit ni Mamita.
Kumalas ako ng pagkakayakap kay Kuya Kendrick at saka hinarap si Kuya Kyrus.
"K-kuya saan tayo pupunta? I don't want to leave."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko sa halip ay bumaling siya kay Mamita, "Mamita I hope you understand. Don't worry we will be back here soon but Kity is no longer with us."
"Kuya!"
"Shut up Kity! Whether you like it or not aalis ka dito! Binalaan ka na namin 'di ba? Pero hindi ka pa rin nakinig!" maotoridad na sabi niya at saka padabog na lumabas ng kwarto ko.
Bumaling ako kay Kuya Kendrick at saka umaling, "Kuya, no please."
Gusto ko pang magpaliwanag kay River. Gusto ko pang linisin ang pangalan ko sa kaniya. Kailangan ko lang munang palamigin ang ulo niya bago ko gawin ang lahat nang 'yon.
Kuya Kendrick took a deep breath bago dahan-dahan iniling ang ulo niya. Ginulo niya ang buhok ko at saka lumabas na rin. Sunod naman akong timingin kay Mamita na bakas parin ang pag-aalala sa mata.
"Mamita, please talk to Kuya ayaw kong umalis," turan ko.
Lumapit sa akin si Mamita at saka pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang daliri niya.
"Apo, ayaw ko ring umalis ka," aniya, "Pero ayaw kong masaktan ka dito. Alam ko na ang nangyari sa school mo kanina kaya kung anong desisyo ng mga kapatid mo, alam kong makakabuti 'yun sayo. Naiintindihan ko ang nararamdaman nang mga kapatid mo dahil 'yun din ang nararamdaman ko ngayon."
"Mamita..."
"Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para mahanap kung sino ang may kagagawan ng lahat ng 'to. But for now makinig ka muna sa mga Kuya ko kami na ang bahalang magsabi sa Mama at Papa mo kung anong nangyari."
Hindi ako nagsalita. Lumapit ako sa kaniya at saka mahigpit siyang niyakap. Hinahaplos niya naman ang aking likod. Because of her hug and gentle voice ay naalala ko na naman ang nangyari kanina dahilan upang makaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Panay ang hikbi ko habang nakayakap sa Mamita ko. Kahit nasasaktan ako, nakaramdam pa rin ako ng gaan sa loob ko dahil alam kong hindi ako nag-iisa.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mamita nang muling pumasok si Kuya Kyrus sa kwarto ko. Salubong parin ang dalawang kilay niya at seryoso pa rin ang muka niya. Yumuko ako dahil hindi ako makatingin ng deretso sa mata niya.
"Your plane ticket to Manila is ready. Wake up early we are leaving tomorrow," seryosong sabi niya at saka lumabas din agad.
Huminga ako ng malalim at saka umupo sa ibabaw ng kama ko. Mamita forced a smile and nod.
"Lalabas muna ako mag uusap lang kami ng mga kapatid mo."
Dahan-dahan akong tumango. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko. Nakakatawa lang isipin na nung anong kita ko sa kwarto na 'to ay sobrang gaan ng loob ko at sobrang aliwalas nito sa paningin ko. Pero ngayon para itong halaman na bigla na lang namatay dahil sa malukot na awrang nakapalibot dito.
Lahat ng sulok nito ay may alaala kung pano ko kausapin si River sa telopono. Ala-ala naming dalawa sa loob ng kwarto na 'to kapag umaakyat siya sa terrace sa kadahilanang gusto niya daw akong makita nung panahong nanliligaw pa siya.
I looked up to stop the tears from dripping.
"Ma'am tapos na po ak– hala wag na po kayong umiyak Ma'am Kity," Margarita rushed toward my direction and caress my back.
Agad kong pinunasan ang luha ko na wala talagang paawat sa pagtulo. Nakakainis, nakakapagod nang umiyak.
"Ma'am..."
I looked at her. There was a trace of concern and pity in her eyes. I forced a smile and stood towards the side of the glass window. The light of the moon serves as the light of the dark night. Beautiful small but bright stars scattered in the sky.
Habang nakatingala sa langit ay pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Kuya Kyrus. Aalis na 'ko bukas, iiwan ko na ang probinsyang 'to na kahit sa maikling panahon ay napamahal na 'ko. Aalis ako na hindi ko man lang nalilinis ang pangalan ko sa isip nang ibang tao. Tatakbo ako, tatakas sa mapanghusgang tingin nila sa akin, ganon ang gusto nilang gawin ko.
Aalis na 'ko bukas kaya gusto ko na bago man lang ako umalis ay kahit sa huling pagkakataon ay makausap ko siya.
*****
"Ma'am Kity sigurado po ba kayo dito sa gagawin niyo? Pano kung lalo pa pong magalit si Sir Kyrus at Sir Kendrick sainyo?" nag-aalalang tanong ni Margarita.
"Hindi sila magagalit kasi hindi naman nila malalaman. Promise me Margarita na hindi mo 'to sasabihin kina Kuya," ani ko at hinawaka siya sa dalawang balikat.
"Pero Ma'am..." bakas ang pag-aalinlangan sa mata niya kaya tinitigan ko siya doon.
"Margarita mangako ka," pangungumbinsi ko.
Huminga siya ng malalim, "Sige po Ma'am pero bilisan mo lang po ako na lang po bahalang mag dahilan kina Sir kapag nagtanong sila."
Sa unang pagkakataon simula kaninang umaga ay tunay ang ngiting lumabas sa labi ko.
"Yes, thank you, Margarita. I owe you a lot," I sincerely uttered.
"Sige na po Ma'am lumalalim na po ang gabi kailangan niyo na pong umalis."
I nodded and put my hood on. Dahan-dahan akong bumababa ng terrace ko gamit ang kinabit naming lubid nina Margarita. Nang tuluyan na akong makababa ay tumangala ako sa kaniya at ngumiti bago kumaway.
Pagkatapos ay inayos ko ang hood ng suot kong black sweater jacket para siguradong matatakpan nang muka ko. Dumaan ako sa madidilim na parte para hindi ako mahalata ng mga naglilibot na guard sa ganitong oras. Mabuti na lang may mga information na sinabi sa akin si Margarita about sa mga sunod-sunod na ginagawa ng mga guard kaya mabilis akong nakarating sa may gate ng walang nakakapansin.
Umusbong ang kaba sa dibdib ko dahil may apat na guard ngayon na nakabantay sa may gate. I took out my phone from my pocket and texted Margarita na nandito na ko sa harap ng gate. Tumunog ang phone ko nang magreply siya dahilan upang mamutla ako.
"Sinong nandiyan?" dinig kong sigaw nang isang guard.
Shit! Bakit ba ang bobo mo Kity?! Bakit hindi mo sinilent?!
Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Masyadog malayo ang isang malaking halaman kaya kapag sinubukan kong lumipat ng mapagtataguan doon ay siguradong buking ako. Letche kasing ringtone 'yan pahamak sa buhay ko.
Madiin akong mapapikit dahil nakita ko ang anino ni Manong guard na papalapit na sa kinatataguan ko. Shit, bakit ba kasi ako pinagbawalang lumabas?! Dinaig ko pa ang magnanakaw dito ah.
"Mga Kuya eto na po ang kape niyo."
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Margarita. Malaki talaga ang utang ko sa kaniya.
"Sige Margarita pakilagay na lang sa may guard house may sisilipin lang ako dito. May narinig akong tumunog e," ani nang guard.
Letche!
"Ano ka ba Manong Oli, guni-guni mo lang 'yan kulang ka kasi sa kape sige na po sumama k na po sakin siguradong kapeng-kape na 'yunn sina Manong Lito."
"Sinabi mo pa kailangan kasi naming magbantay hanggang umaga dahil baka lumabas daw si Ma'am Kity sabi ni Sir Kyrus kaya kailangan talaga namin ng kape."
Utos ni Kuya na wag akong palabasin! Alam niyang aalis ako ng ganitong oras kaya nagdoble siya ng bantay! Huminga ako ng malalim at saka inalis ang umuusbong na galit sa dibdib ko. Nag-aalala lang sakin si Kuya Kyrus kaya siya ganito kailangan ko siya intindihin kagaya ng sabi ni Mamita.
Nang makita ko na abala na ang mga guard sa kape na tinimpla ni Margarita ay dali-dali na akong nagtungo sa gate at saka binuksan ng dahan-dahan ang single door para mas mabilis akong makalabas.
Nang makalabas na ako ay tumakbo ako agad sa madilim na parte ng daan. Nang sigurado na ako na nakalayo na ako sa bahay ay saka ko nilabas ang phone ko at saka trinack si River gamit ang GPS ng phone niya. Isa kasi 'yun sa kundisyon naming dalawa, kailangan laging nakabukas ang GPS ng phone naming dalawa para madali naming matrack ang isa't-isa.
Wala sa sarili akong napangiti dahil hindi ko inaasahang matratrack ko siya. Ibig sabihin ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang kundisyon naming dalawa right? Nakaramdam ako ng pag-asa dahil doon, siguro naman makikinig na siya sa explanation ko 'di ba?
Pumara ako ng tricycle, sinuot ko ang dala kong face mask para hindi ako makilala ni Manong. Narinig ko kasi na marami nang nakaka alam doon sa scandal video ko daw na kumalat. Tinanong ako ni Manong kung saan daw ako kaya sinabi ko sa kaniya ang pangalan ng Bar dahil nandoon si River.
Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang nagsalita si Manong driver.
"Galing ka ba sa mansion ng mga Barrameda ineng?"
"P-po?"
"Napansin ko kasi na hindi ka masyadong nalalayo doon. Doon ka ba galing?"
Kinabahan naman ako dahil doon. Hinawakan ko ang kamay kong nanginginig at saka sumagot.
"H-hindi po nagkataon lang. Bakit po?"
"Naku mabuti naman kung ganon! Alam mo kasi 'yung apo nang kilalang mayaman dito na nakatira doon ay nagkalat ng malaswang bidyu kaninang umaga! Balita ko ay magdodoktor pa naman 'yun. Hay naku ang kabataan talaga ngayon," aniya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa halip na magsalita ay nanatili lang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa Bar.
"Salamat, magandang gabi," sabi ni Manong matapos kong magbayad.
Tumingala ako sa malaking sign board ng bar.
"EmpeBar," basa ko.
Huminga muna ako ng malalim at saka ko napagdisisyunang pumasok. Dahil nga balot na balot ako dahil sa suot kong black sweater hoody jacket at black leggings ay talagang agaw pansin ako.
Sa halip na pagtuunan sila ng pansin ay hinanap ko na lang si River. Sanay ako samga bar na maraming tao kaya hindi naman ako masyadong nahirapan sa paglilibot. Pero nalibot ko na ang buong first floor ay wala akong nakitang River kaya sunod naman akong nataungo sa second floor.
Unlike sa first floor ay hindi naman masyadong maraming tao dito sa second floor halos mga nakapalibot na sofa na may glass table sa gitna lang ang nandito. Nakakunot ang noo ko habang nililibot ko ang mata sa buong second floor bababa na sana ako pero natigilan ako dahil may nahagip ang mata ko sa madilim na parte nitong second floor.
Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. Akala ko 'yung naramdaman ko kanina ay masakit na pero meron pa palang mas masakit doon. Seeing the man I love kissing someone makes me want to scream to death.
Hinayaan ko lang ang mata ko na lumuha. Kahit mahapdi na ang mata ko dahil buong araw na akong umiiyak ay hindi pa rin nauubos ang luha ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi ako humagulhol. Nanlalabo ang matang tumalikod ako at saka mabilis na tumakbo palabas ng bar na 'yun. Wala akong pakealam sa mga nakakabangga ko basta ang gusto ko lang gawin ay umalis dito.
Kahit madilim ay kilala ko si River alam kong siya 'yun at ang pinakamasakit pa doon ay ang babaeng kahalikan niya ay walang iba kundi si Yolan!
I guess this is it, this is really our end.