KITY'S POINT OF VIEW
Mali ba na ipinaglaban ko si River sa mga kapatid ko? Mali ba na ipinaglaban ko ang pagmamahalan naming dalawa? I don't think so, because if I didn't do that, para ko na ring binalewala ang taong mahal ko at ang relasiyon namin.
I know very well that what I did to my brothers was disrespectful; but what can I do? I was also hurt because of their restriction on me. I am no longer 18 year old para tratuhin nila ako na parang bata and naïve.
I closed my eyes and then laid my head on River's shoulder. I feel exhausted. Kahit tatlong araw na ang nakakalipas nang magkasagutan kami nina Kuya ay pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. During those three days kasi they never returned to the mansion, sabi ni Mamita ay sa condo unit na lang muna nila ito mananatili gaya nang lagi nilang ginagawa.
"I feel like I'm a worthless boyfriend to you," River suddenly uttered in the middle of us watching the sunset.
"Huh? Why?" I asked confused while looking at him.
"It's because I can't do anything to make my girl happy."
I turned my attention to him because of that.
"A-ano bang sinasabi mo diyan?"
He did not bother to look at me, "I have noticed that for the past three days you have often been sad and deep in thought. Nag-aalala na 'ko sayo Kiely, you can tell me if you have a problem. Ano pang silbi ko kung hahayaan lang kitang malungkot."
Nag iwas ako tingin at saka humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. I didn't tell him about the argument I had between kuya Kyrus and kuya Kendrick because that was over, tapos na 'yun hindi niya na kailangang malaman pa kahit pa involved ydoon ang pangalan niya.
I forced a smile, "W-wala akong problema nag-aalala lang ako."
"Worried for what?"
"For us," I muttered, "P-pano kung dumating 'yung point na may hahadlang sa'tin o kaya bigyan tayo ni Lord ng malaking pagsubok para sa relasiyon natin tapos parehas nating hindi nalagpasan dahil kulang pa tayo sa pundasiyon kaya ang nangyari ay sumuko na lang tayo pareho."
River tightened his grip on my hand and kissed it.
"Stop overthinking baby because I won't let all that happen. I promise," bakas ang kasiguraduhan sa boses niya, "We will both fight whatever trials test our relationship especially now that we are new. If you're tired, go ahead I'll let you rest, but don't give up because I won't give up either I'm still here to fight alone for the relationship we're building. Do you understand?" I nodded. "Do you trust me?"
I slowly nodded once again. "I trust you."
*****
Kinabukasan ay hindi kami nagkita ni River dahil ngayon ang Christmas party nila and that's okay with me dahil gusto kong samahan si Mamita na pumunta sa Munisipyo para bisitahin si kuya Kyrus.
Matagal nang tapos ang OJT nina kuya Kyrus at kuya Kendrick pero parehas silang kinuha ulit dahil nagustuhan ng mga head ang performance nila kaya pinayagan silang mag part-time job. Sakto namang wala kaming regular class kasi malapit nang mag Yule vacation kaya mas makakapagtrabaho sila ng maluwag.
Bumaba kami ng sasakyan ng pag buksan kami ni Mang Sony ng pinto. Nandito na kami sa harap ng munisipyo. I took from manong Sony the paper bag he was holding with kuya Kyrus' lunch inside.
"Hintayin mo na lang kami dito Sony kasama ko naman si Kity," sabi ni Mamita.
"Sige po Donya ipatawag niyo na lang po ako kung may kailangan kayo."
Tumango muna si Mamita bago kami tuluyang pumasok sa munisipyo. Maraming bumabati sa amin habang naglalakad kami sa lobby. Malaki kasi 'tong munisipyo nila dito at saka malinis. May mga nagkalat na janitor sa loob at labas.
Tumigil kami sa isang kulay puting pinto. Kumatok muna si Mamita bago ito buksan. Nakakuha namin ang atensyon ng ilang mga empleyado doon na abala din sa mga ginagawa. Binati nila si Mamita at ako kaya bumati rin ako pabalik.
Napaupo si kuya habang nakatingin sa amin. Kapansin-pansin ang maraming papel na nakatambak sa lamesa niya at sa kanilang lahat ay siya lang ang maraming tambak na trabaho at naiiba ang upuan at lamesa. Naka swivel chair siya samantalang ang iba ay naka monoblock chair lang.
"Kyrus how are you? Ayos ka lang ba dito?" nag-aalalang tanong ni Mamita pagkatapos niyang yakapin si kuya.
"Yes, Mamita I'm okay here, by the way why are you here?"
"We are here to visit you and bring you lunch, iho. Later we will visit Kendrick naman, right Kity?"
"P-po? Ah yeah," I respond, stuttering.
Hindi ako makatingin kay kuya dahil alam kong galit pa rin siya sa'kin. I don't want us to argue in front of Mamita and other people kaya hindi na lang ako magsasalita.
"Where's my lunch then?"
Agad akong lumapit sa kaniya at inabot ang hawak kong paper bag. Kinuha niya naman ito agad without uttering any words. Sabay kaming napalingon nang may marinig kaming tumikhim sa likod namin.
"Mayor Aguas..."
Ito ang pinakilala sa amin ni Mamita noong minsang umattend kami ng barangay ball dito. Si Mayor Aguas na kasama ni Governor Valbuena noon, ang daddy ni Yolan.
"Oh, I'm sorry did I interrupt anything?"
Mamita chortled. "Nothing Mayor. What brings you here? May ipapagawa ka ba kay Kyrus?"
Mayor Aguas shook his head and suppressed a soft laugh.
"Wala Donya Asuncion ang totoo niyan ay ikaw ang gusto kong makakwentuhan sinabi kasi ng sekretarya ko na nandito ka daw kaya pumunta naman agad ako dito."
"Ganon ba? Sige Mayor," bumaling sa akin si Mamita, "Dito ka muna Kity ha mukang namiss ako nitong si Mayor, e. Kung naiinip ka na ay pwede ka namang magpahatid kay Sony."
"O-okay Mamita go ahead I'll be fine. Don't worry about me."
"Yeah, that right Mamita. Don't worry about her because she can handle herself," natigilan ako ng sabihin 'yun ni Kuya Kyrus. Kapansin-pansin ang sarcasm sa boses niya. Galit pa rin siya, hayst.
"Okay calm down I'm just saying," bumaling siya kay Mayor na tahimik na nag-aantay, "I'm sorry about that Mayor, let's go?"
"Sure, doon na lang tayo sa office ko Donya Asuncion."
Nang umalis na sila ay umupo ako bakanteng upuan sa harapan ng lamesa ni Kuya. Abala na siya ngayon sa pagkain ng dala naming lunch. Kinakabahan ako dahil kaming dalawa na lang ni Kuya, natatakot ako at the same time dahil baka dito pa kami mag-away kapag sinimulan kong magsalita.
Ayoko kasi talaga na ganito kami. Bukod sa sabi ko nga na hindi kami ganito pinalaki nina mama, ayoko ding mag alala sa amin si Mamita dahil hindi kami nagpapansinang magkakapatid.
I took a deep breath, "K-kuya–."
"I'm eating please don't start Kiely. We'll talk later," he said without looking at me. Daglian akong yumuko.
Tahimik lang ako hanggang sa matapos siyang kumain. Ramdam ko rin ang paulit-ulit na pagvibrate ng phone ko pero hindi ko 'yun pinansin. Gusto ko nang tapusin 'tong tampuhan namin.
"What do you want to talk about?"
Umupo ako ng tuwid and swallowed the lump in my throat. Isa lang naman ang hinihiling ko ngayon 'yun ay wag kaming magsigawan dito. Kilala ko si kuya Kyrus, compared kay kuya Kendrick mas impatient siya lalo na kapag galit o kaya naiinis.
"K-kuya I just want to apologize about what happened last time. Sorry sa mga nasabi ko it's just that hindi ko lang napigilan ang sarili ko kaya nasabi ko lahat nang 'yun. But I swear pinagsisisihan ko lahat nang 'yun."
"Pinagsisihan mo rin ba ang hindi mo pagsabi sa amin tungkol sa manliligaw mo?" hindi ako makapagsalita, "See? Wala kang masagot. Ganon ba kahirap na sabihin sa amin na someone's courting you. Is it hard, huh? Kapatid ka namin at ikaw ang nag-iisang babae sa angkan natin at ayaw ka naming masaktan ng kung sino-sinong lalaki lang."
"A-alam ko naman 'yun kuya, e."
"Yeah, I know you knew because you're matured enough to understand things, but still why didn't you tell us? Binastos mo pa kami just for that goddamn boyfriend of yours."
"K-kuya..."
"I not mad anymore sis. Just like what Kendrick said, papabayaan ka namin kung saan ka masaya pero kapag sinaktan ka ng gagong 'yun kami mismo ang maglalayo sayo sa kaniya, and I'm damn serious with this," he said seriously.
I heaved a deep sigh, "Y-yes kuya. I'll keep that in mind, thank you."
Para akong nabunutan ng malaking tinik dahil sa sinabi na 'yun ni kuya. Hindi na siya galit sa akin at 'yun ang mahalaga. May part sa akin na natatakot dahil sa sinabi nila sa'kin na ilalayo nila ko kay River pero may part din sa'kin na panatag ang loob dahil alam ko namang hindi niya ako sasaktan. I trust River and our relationship, 'yun ang panghahawakan ko.
Pagkatapos naming pumunta kay kuya Kyrus ay sunod naman naming pinuntahan si kuya Kendrick sa police station kung saan siya nagpapart time job. Kinausap ko rin siya gaya nang pagkausap ko kay kuya Kyrus and good thing that our talks turned out well. Humingi rin siya nang sorry dahil sa behavior niya.
Nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahil okay na kami ng mga kapatid ko. Wala na akong dapat alalahanin dahil alam ko namang dadating ang panahon n unti-unti nila kaming matatanggap ni River.
My phone vibrated again for the nth time. I took it out of my pocket at saka tinginan kung sinong nag-text. It's Olivia with tons of messages.
From: Olivia
Kity saan tayo bukas bibili ng regalo mo kay River?
From: Olivia
Bili na lang tayo sa mall. Pero wag sa Robinson ha.
From: Olivia
Hoy, busy ka ba?
From: Olivia
Hala, hindi na pala ako pwede bukas may emergency daw sabi ng tita ko Kity.
From: Olivia
Importante daw.
From: Olivia
Magpasama ka na lang kay Dave. Sinabihan ko na siya.
From: Olivia
Sorry Kity. Good luck ingat kayo bukas ha.
Pagkatapos kong basahin ng mga message niya ay agad akong nagreply.
To: Olivia
It's okay, unahin mo muna 'yang gagawin mo. Anyway, thanks for telling Dave about it. Maaasahang kaibigan ka talaga. :)
*****
Kakatapos ko lang maligo. Kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok ko gamit ang hair blower. Kakatapos lang ring tumawag ni River para mangumusta kanina bago ako maligo.
"Ano kayang magandang regalo para sa mokong na 'yun?" I whispered.
I'm not good about gifts especially for boys' kaya nahihirapan akong mag-isip. Well, bukas ko na lang siguro aalalahanin 'yun tutal kasama ko naman si Dave, matutulungan naman siguro ako nun dahil lalaki siya 'di ba?
Nang tuyo na ang buhok ko ay saka ako humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at saka nag-open ng social media account ko. I opened my Facebook application first dahil medyo matagal na rin ako hindi nakakapag-facebook.
Kumunot ang noo ko nang bumungad agad sa news feed ko ang tagged post kay River. Group picture 'yun ng naganap na Christmas party nila kanina. My eyes immediately widened upon seeing who posted the photos. It was Yolan Valbuena!
Clinick ko ang picture at hinanap si River. Agad ko naman siyang nakita at halos kumulo ang dugo ko dahil nakita kong katabi niya doon si Yolan na nakapulupot sa braso ng boyfriend ko kapansin-pansin din ang pagdikit ng dibdib ni Yolan sa balat ni River. Nang pinangpatuloy ko pa ang pagtingin ng ibang picture ay mas nakita ko ang suot ni Yolan, malapit nang lumabas ang kaluluwa niya dahil sa suot niya.
"Ang haliparot na 'yan. Halatang inaakit niya ang boyfriend ko!" galit na turan ko.
Nakakainis! Nalingat lang ako sandali inaahas niya na si River! Bakit ba kasi hindi ako pumayag sa Christmas party na 'yan! Edi sana ako ang kasama ni River hindi ang babaeng 'yan. Bwisit talaga!
Hindi pa ako nakuntento, binasa ko pa ang mga comment.
Fatima Juno: Ang ganda mo talaga Ate Yolan, bagay kayo ng katabi mo.
Julie Kim: Sana kayo po ang magkatuluyan Ate Yolan.
Unice Roxas: Sana po pwede kaming magpapicture sainyo ng katabi mo ate Yolan.
Hindi ko na tinapos ang pagbabasa ng mga comment dahil halos lahat doon ay isa lang ang napapansin. Letse! Kami ang bagay hindi sila.
Napalitan ng pangalan ni River ang nakaflash sa screen ng phone ko. Pagalit kong pinindot ang answer button.
"Oh?" bungad ko.
"What the fuck?"
"Wag mo 'kong mamura-mura diyan Piencenaves tatamaan ka sa'kin."
"What? What did I do?"
What did I do mo muka mo! Doon ka sa Yolan mo! Tutal bagay daw kayo.
"Wag mo 'kong kausapin."
"Huh?" hindi ako nagsalita talk to the wind babaero, "Hey baby what did I do? Tell me. I'm starting to get nervous here."
"Tsk."
"May dalaw ka ba?"
Nanlaki ang mata ko at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa tanong niya. Where did he get that?!
"What are you talking about?!"
"I thought you have period ang taray mo kasi ngayon."
"Porket mataray ako ngayon may dalaw na agad!"
"I'm sorry. Can you just at least tell me what happened then? Why are you mad?"
"Wala! Wag mo na lang akong intindihin."
"What? Unbelievable you're so moody today, huh," I heard him chuckle from the other line.
"Che, bakit ka ba tumawag? Di ba kakatawag mo lang?"
"I miss you. Let's date tomorrow."
I was stunned. Bukas? Pero bukas kami bibili ng pangregalo ko sa kaniya para sa birthday niya. Shit! I should decline his offer because I can't buy my gift if he's around.
"Um, bukas? Ano kasi may pupuntahan kami ni Mamita. Nagpapasama kasi siya sa akin na pumunta sa ano sa museum ng mga paintings," ginawa ko ang lahat para mas maging convincing ang dahilan ko dahil baka kung ano pang isipin niya, mahirap na.
Dapat hindi niya malaman na si Dave ang kasam ako bukas dahil malaking away 'to. Pinagseselosan niya pa naman si Dave.
"Is that so? Okay, I'll let you with your family. Matagal naman tayong magkakasama sa Christmas vacation. We'll travel together right?"
"Yeah and I'm so excited!"
Nakahinga ako ng maluwag.
Mabuti naman at mukang na-convince ko siya.