KITY'S POINT OF VIEW
"River 'di ba sabi mo sakin pupunta tayo sa Mt. Mayon? Pwede bang this coming Christmas vacation na lang para mas matagal tayo doon?" tanong ko sa kaniya habang sinusuklay ang kulot niyang buhok gamit ang daliri ko.
Gusto ko kasi talagang libutin ang buong Bicol na kasama siya. Tumingala siya sa akin at umayos ng pagkakahiga niya sa hita ko.
"If that's what you want, why not?"
I snickered, "Talaga?"
"Yeah, ako na ang bahalang mag-paalam kay Donya Asuncion," he said.
"Wag na ako na lang," baka kasi magtanong si Mamita about samin.
Hindi naman sa ayaw kong malaman ni Mamita na may boyfriend na 'ko, syempre gustong-gusto ko na malegal kami lalo na sa pamilya ko pero ang gusto ko kasi ay sabay-sabay malaman ng pamilya ko kung ano kami ni River.
"Why?"
"Basta, ako na lang ang magpapaalam, lagi na lang kasing ikaw ang nagpapaalam kapag aalis tayo," I reasoned.
"I don't mind."
"Wag ka nang makulit," natatawang sabi ko at saka pinisil ang ilong niya.
"Ouch, baby," he groaned.
"Arte," pang-aasar ko.
Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno ng acacia sa harap ng soccer field. Wala namang regular class ngayon kasi nga malapit nang mag Yule vacation, abala kasi ngayon ang mga students sa pag dedecorate para sa nalalapit na Christmas Party.
Well, sa pagkaka-alam ko ay ayaw mag-Christmas Party ng mga kaklase ko dahil mas gugustuhin daw nilang mag out-of-town kaysa umattend ng Christmas Party. At kung ang tatanungin ay ayaw ko rin dahil lagi ko namang nararansang mag-Chrismas party since elementary hanggang high school.
"Hindi ka ba hinahanap sa room niyo?" tanong ko, tumakas lang kasi siya sa room nila habang 'yung mga kaklase niya ay abala sa pagdedecorate, tsk pasaway.
"I don't know and I don't care. Hindi naman ako aattend sa Christmas party nila. I want to be with you more than with them."
I smiled, "Lagi naman tayong magkasama. Natatakot tuloy ako."
"Saan?"
"Baka mag-sawa ka sa muka ko kapag lagi mo akong kasama," biro ko.
"That's impossible baby. Hindi mangyayari 'yan."
"Siguraduhin mo lang kasi uunatin ko talaga 'tong buhok mo."
Sabay kaming natawa. Nawala ang ngiti sa labi ko ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na pigura na nakatayo sa kabilang bahagi ng soccer field. Ramdam ko ang pagsitaasan ng balahibo ko sa batok dahil sobrang sama ng tingin niya sa akin.
Yolan...
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang tumalikod at umalis. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi na nasundan ang paguusap namin last month. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang sinabi niya sa akin noong nakaraan.
I heaved a deep sigh. Siguradong mas madadagdagan pa ang galit sa akin ni Yolan lalo na't kami na ng taong gusto niya.
"Hey, is there a problem?" biglang umupo si River at hinawakan ang pisngi ko.
Umiling ako, "Wala, nagugutom ako. Kain tayo sa cafeteria?"
"Why didn't you tell me immediately? Let's go."
Tinulungan niya akong tumayo. Pinagpagan ko muna ang palda ko at saka kusang hinawakan ang kamay niya. Natawa ako ng makitang namumula ang tenga niya.
Ganito ba talaga kalakas ang epekto ko sa isang River Noah Piencenaves hmm?
Kakalagpas pa lang namin sa engineering department building ng harangin kami ng grupo ng freshman girls. Anong gagawin nila? Aawayin ba nila ako? Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni River.
"K-kuya River, Ate Kity pwede ba kaming mag papicture? Bagay po kasi kayo e," nahihiyang sabi ng nakasalamin na babae. She's a law student base on her uniform.
River grinned, "Sure."
"Talaga po? Hoy, sure daw dalian nyo picture na tayo," biglang naging hyper ang boses nito.
River and I both chuckled. Pagkatapos naming magpa-picture sa grupo na 'yun ay may gusto pa sanang magpapicture pero agad na tumanggi si River.
"Maybe next time, gutom na kasi 'tong girlfriend ko," aniya at inakbayan ako.
Impit namang nagsitilian ang mga nakarinig. Ramdam ko na naman ang biglang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Nagpatuloy kami sa pagpasok sa cafeteria at hindi pinagtuunan ng pansin ang mga matang nakamasid. He really knows how to grabbed attention huh.
Umupo kami sa usual table namin dito sa campus cafeteria. Pumunta na siya sa counter para omorder at ako naman ay naiwan sa lamesa namin gaya ng dati.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bulsa ko kaya agad ko itong kinuha. Para akong tanga na pangiti-ngiti habang binubuksan ang phone ko.
From: Unknown
Magpakasaya ka lang. Lubos-lubusin mo na dahil ngayon lang 'yan.
Nabura na lang ng parang bula ang ngiti sa labi ko pagkatapos kong basahin ang message na 'yun na galing sa unknown number. Nilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria pero wala akong makitang kahina-hinala na maaring mag send sa'kin nito.
Tinago ko sa loob ng bulsa ko ang phone ko nang makita kong pabalik na si River dito. Pilit akong ngumiti at umarte ng normal.
"Here's your food baby," aniya pagkalapag ng pagkaing inorder niya.
"Shawarma? Meron nang shawarma dito?" hindi makapaniwalang tanong ko nang makitang may shawarma siyang inorder.
"Yep sinabihan ko ang cook nitong cafeteria na gumawa sila ng special shawarma at tayong dalawa lang ang pwedeng omorder," proud na sabi niya.
"Ginawa mo 'yun?"
"Of course, for my girl."
Umiling-iling na lang ako napaka-bolero talaga. Masyado nang marami ang nagagawa niya para sa akin at ako hindi ko alam kung may nagawa na ba para sa kaniya.
"Anyway, your birthday is coming. Anong gusto mong regalo?"
He was stunned, "You know my birthday?"
I nodded, "Oo naman, anong klaseng girlfriend ako kung hindi ko alam ang birthday mo 'di ba?"
"Wag ka nang mag-alala kung anong ireregalo mo sa akin dahil nakuha ko na agad 'yun."
"Huh? May binigay na baa ko sayo?" takang tanong ko.
"Oo naman, 'yung pagmamahal mo at ang matamis mong oo ang gusto kong makuha at dahil nakuha ko na 'yun. I'm contented."
"River naman e!"
He chortled, "What?"
"I love you."
He grinned, "Damn it, Kiely. I love you too."
Nagpatuloy na kaming dalawa sa pag-kain. Inalis ko sa isip ko ang text na 'yun dahil baka wrong send lang or what. Alam kong impossibleng mangyari 'yun pero possible rin naman 'di ba.
Nang sumapit ang alas dos y media ng hapon ay napagpasyahan na naming bumalik sa building namin. Dumaan muna ako sa locker room dahil kukuhanin ko doon libro ko na kailangan kong pag-aralan.
Binati ko pabalik ang mga bumabati sa akin. Simula nang ma-feature kaming dalawa ni River sa school magazine last week ay mas dumami na ang nakakilala sa akin. Hindi ko alam kung nakita na ba 'yun nina Kuya dahil hindi pa naman nila ako kinakausap about doon. Madalas na kasing hindi umuuwi ng mansion ang dalawang 'yun dahil nagi-stay na sila sa binili nilang condo para daw hindi hassle.
Pagkatapos kong kuhanin ang libro ko ay umakyat na ako sa room namin nag text na rin kasi sa akin si Olivia na tapos na daw siyang mag remedial exam. Natanaw ko siya sa may pinto ng room na kasalukuyang ipinapasok sa bulsa ang phone.
"Olivia," I called her.
She turned to me and smiled upon hearing my voice.
"K-kity, kanina ka pa diyan?" I shook my head, "Uh, saan ka pala tumambay habang hinihintay ako?"
"Kasama ko si River tumambay kami sa field," I said, "Kumusta ang exam mo?"
"Maayos naman I think makakapasa naman ako."
"Mabuti naman kung gano'n."
Sabay kaming pumasok sa loob ng room. Wala naman kaming class ngayon kaya bilang lang sa daliri ang mga students sa loob ng room. I put my bag ang books on my table.
Bigla akong nakaramdam ng antok dahil sa atmosphere dito sa loob ng classroom. Idinukdok ko ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa ko at saka ko ipinikit ang mata ko. Wala naman sigurong masama kung matutulog ako because like what I've said we don't have class naman.
Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nilamon ng antok.
*****
Kunot noo kong iminulat ang mata ko nang maramdaman kong may yumuyogyog sa akin.
"Hmmm," I emitted.
"Baby wake up. We'll go home," my lips automatically curved upon hearing my man's voice.
Nang tuluyan nang mulat ang mata ko ay mas malinaw kong nakita ang muka niya. Dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na tumatakip sa muka ko. Umupo ako ng maayos at saka nilibot ang paningin sa buong room. Kaming dalawa na lang ang nandito.
"Where's Olivia?" tanong ko sa paos na boses.
"Pinauwi ko na," he answered, "Tara ako na ang maghahatid sayo."
Kinuha niya ang bag ko at libro gaya ng lagi niyang ginagawa. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Alas-singko na pala matagal pala akong nakatulog.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya may mangilan-ngilan pang mga students na nandoon sa parking lot na nakatigin sa gawi namin.
"You look tired," he commented while driving.
"Not really. I didn't do anything para mapagod ako inantok lang siguro ako kanina kaya ako nakatulog."
"Sleepyhead," he teased.
"What? I'm not!"
"Yes, you are."
"No."
"You are tinulugan mo ako habang kausap kita sa phone kagabi."
"It's because you sang a lullaby for Pete's sake! Sinong hindi makakatulog doon aber?"
He chuckled, "Really? It's twinkle, twinkle little star, oh common baby that wasn't a lullaby."
I blushed because of embarrassment, "River stop teasing me!"
"Fine my sleepyhead baby."
Great just great.
Nang makarating kami ng mansion ay inalok ko siya kung gusto niyang pumasok pero tumanggi siya.
"Are you sure?"
"Yes just rest okay? I'll call you later."
"Okay, take care," bubuksan ko na sana ang pinto pero may naalala ako, "Wait, I forgot something."
"What is it–."
I kissed him on his cheeks.
"Bye baby," paalam ko at saka tuluyang lumabas.
Hindi ko na hinintay na makaalis ang sasakyan niya dahil tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng mansion. Hindi pa ako nakakaakyat sa hagdan nang mag vibrate ang phone ko.
From: River
Kinikilig ako baby, damn.
Natawa ako. Nag-type ako ng reply.
To: River
Bading, ingat sa pag dadrive.
Iiling-iling akong umakyat sa papunta sa kwarto ko. Agad akong nagpalit ng pangbahay at saka pabagsak akong humiga sa kama ko hindi parin mabura-bura ang ngiti sa labi ko.
"I'm so in love with you Mr. Piencenaves," I whispered.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Umayos ako at saka umupo sa ibabaw ng kama ko.
"Come in," I uttered.
Natigilan ako nang makita kung sinong pumasok. Umusbong ang kaba sa dibdib ko dahil sa parehong nakakunot ang noo at seryosong muka ni Kuya Kyrus at Kuya Kendrick. Mas naging halata na kambal sila kahit hindi sila magkamuka dahil parehas na ngayong seryoso ang muka nila.
"H-hey what's up?" I muttered and forced a smile.
"Kailan mo balak sabihin sa amin ang totoo Kiely Trinity?" parang kulog na panimula si Kuya Kendrick.
Oh no, alam na ba nila?
"A-anong totoo, Kuya?" patay malisyang tanong ko.
"Cut that act, Kiely!" Kuya Kyrus yelled.
I bit my lower lip. Ito ang unang beses na sinigawan nila ako. Napaiktad ako ng may binato ni Kuya Kyrus sa harap ko.
It was a school magazine!
"K-kuya let me explain–."
"Explain what Kiely? Mag-eexplain ka kung kailan kayo na? Nalingat lang kami sandali may boyfriend ka na! Hindi ba't sinabi ko sayo na ipakilala mo muna sa amin pero anong ginawa mo? Ni hindi nga namin alam na nanligaw pala sayo ang gagong 'yan e!" nagsisilabasan ang ugat sa leeg ni Kuya Kyrus habang sinasabi niya ang lahat nang 'yun.
"Kuya, don't call him that! Mabait si River 'di ba nakilala niyo naman na siya!"
Hindi ko na napigilan ang mga luha na dahan-dahang bumuhos mula sa mata ko. Kuya is being unreasonable! Alam kong may kasalanan ako na hindi ko pinaalam sa kanila na nanliligaw sa akin si River pero anong magagawa ko, palagi silang wala dito sa bahay!
"Kiely!" galit na singit ni Kuya Kendrick.
"Both of you are being unreasonable! Bakit ba hindi niyo na lang ako pabayaan? Malaki na ako at kaya ko nang ihandle ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang opinion niyo!"
Bakas sa mata nila na nasaktan sila dahil sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin. Binalot kami ng katahimikan pero hindi nagtagal ay nagsalita si Kuya Kendrick.
"Fine, sige papabayaan ka namin 'yun ang gusto mo 'di ba? Pero siguraduhin mo lang na hindi ka gaguhin ng lalaking 'yan dahil kami mismo ang unang gagawa ng paraan para hindi na kayo magkita pa, naiintindihan mo?"
Pagkatapos nun ay sabay silang lumabas at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako makagawa na ano mang-ingay.
Hindi ko inaasahan na aabot kaming sa puntong ganon. Naguiguilty ako sa lahat nang sinabi ko sa kanila. I shouldn't have said that, kapatid ko pa rin sila. Humiga ako sa kama ko at saka ng natalukbong ng kumot ko. Doon ko nilabas ang lahat ng luha ko.
The three of us were close kasi pinalaki kaming ganon nina Mama at Daddy puro asaran lang nagagawa namin at hindi na kami lalagpas sa ganon. Pero 'yung nangyari ngayon, that was beyond the line, sobrang nasasaktan ako dahil ito ang pinakaunang beses na nagsigawan at nagpalitan kami ng masasakit na salita sa isa't-isa.
I'm sorry Kuya Kyrus; I'm sorry Kuya Kendrick...