KITY'S POINT OF
"Good morning, Dad," I greeted from the other line as I answered Dad's call.
"Good morning anak, how are you and your brothers?" Dad asked.
"We're fine, Dad. My brothers were both busy with their school kinds of stuff," I answered and took a sip of my buko juice.
"That's good, what about you? Aren't you busy with your studies?"
"Nope, ginisa na po kasi kami ng mga professors namin last week dahil sabi nila matagal-tagal na naman daw kaming hindi magkikita because of Christmas vacation," I said chortling, "How about you and Mama, Dad? Kumusta po kayo diyan? Okay na ba ang company natin?"
"We're okay here anak, your Mama miss you and your brother so much. And about our company unti-unti na tayong nakakabawi. Abala nga ako ngayon sa pag-train sa Kuya Gideon mo."
"Ah yeah tell Mama that I miss her too, uuwi po ba kayo dito in Christmas?" I asked.
Gusto ko kasing ipakilala si River sa kanila sa pasko. I know that they already knew and met him, but I want to introduce him as my boyfriend now. Ugh, until now I still can't believe that River Noah Piencenaves is mine now.
"Yes kasama naming uuwi ang Tita Emilia and Tito Julius mo pati si Gideon at Desmond. Hindi ko alam kung uuwi diyan ang iba mo pang-pinsan, but I'll tell Mamá if they do."
"Okay po, Dad."
Umuwi na kasi sina Tito Julius dito sa Pilipinas last week pero sa Manila muna sila nag-stay dahil nag a-adjust pa sila lalo na si Kuya Desmond na lumaki sa Germany.
"I'll go ahead Kity. Galit na naman ang Mama mo sa akin."
I chuckled, "Go Dad, magpapasuyo lang yan si Mama."
"Bye, I love you anak, take care."
"I love you too Dad."
Nang binababa na ni Dad ang tawag ay hindi pa rin mawala wala sa labi ko ang ngiti na kagabi pa nakarehistro dito. Paulit-ulit kasing nag fla-flash sa utak ko ang nangyari kagabi, ewan ko ba nababaliw na siguro ako.
Kaninang pag gising ko ay kulang na lang batiin ko ang lahat ng kasambahay namin sa sobrang good mood ko ngayong umaga. Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin kagabi. I promised myself that I'll keep this because from now on, this is my lucky charm.
Agad kong tinago sa loob ng damit ko ang kwintas ng makita kong papalapit dito sa kinaroroonan ko sa may patio si Margarita dala ang mga pinakuha ko sa kaniya.
"Ma'am Kity eto na po ang pinakuha niyo," aniya sabay abot ng robe at towel.
"Thanks, Margarita."
"May kailangan ka pa po ba Ma'am?"
I shook my head, "Nothing, thank you."
"Sige po Ma'am tawagin niyo na lang po ako, nasa kusina lang po ako," I nodded.
Margarita knew that River courted me, and I felt relieved when I found out that Margarita didn't really like River. In fact, masaya pa nga si Margarita nang malaman niyang nililigawan na ako ni River dahil sa wakas ay hindi na daw ito torpe, matagal niya na palang alam na may gusto 'to sa'kin.
Pumunta ako sa may pool area na malapit lang sa patio. Ipinatong ko sa lounger ang bathrobe at towel. Hinubad ko ang suot kong dress at saka ako dahan-dahang lumusong sa pool.
Napansin ko kasing maganda ang panahon ngayon kaya naisipan kong mag swimming. Hindi masiyadong malamig ang simoy ng hangin at hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw.
Inenjoy ko ang pag pabalik-balik sa pool bago ako nakaramdam ng pagod. Umahon ako at saka nagpunas ng katawan. Umupo ako sa lounger habang pinupunasan ko pa rin ang basa kong buhok.
Naagaw ng atensiyon ko ang phone ko na biglang nag vibrate. Wala sana akong balak kuhain 'yun dahil baka tungkol na naman sa school ang nagtext pero nagbago ang isip ko dahil naisip ko na baka si River 'yun.
I pick up my phone. My breath literally stops when I see who it is coming from.
From: Olivia
Hi Kity, pwede ba tayong mag kita?
I immediately typed my reply.
To: Olivia
Sure, where?
Hindi ko maexplain kung anong mararamdaman ko ngayon kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit gustong makipagkita ni Olivia sa'kin, but at the same time I'm happy because she already talked to me after a month of not talking to me.
From: Olivia
Dito sa may Coffee Dozen, two blocks away from Robinson.
To: Olivia
Okay, I'll be there in 20 minutes.
Dali-dali akong tumakbo papasok sa loob ng mansion para magbihis. Naiwan ko na nga doon ang flip flops ko dahil sa pagmamadali. Bakas ang pagtataka sa mga muka ng kasambahay namin nang pumasok ako ng naka-swimsuit lang.
Pagkatapos kong maligo sa banyo ay basta-basta na lang ako kumuha ng damit na isusuot sa closet ko. Kahit kinakabahan para sa kalalabasan ng paguusap namin ni Olivia ay mas nangibabaw pa rin sa akin ang excitement dahil makakausap ko na ulit siya.
I didn't put any makeup on my face because it was a waste of time. I just put powder and tada; I'm human now. Hindi naman ako nahirapan na sukalayin ang buhok ko dahil malabot naman 'to.
I grabbed my pouch and put all my necessary things inside like cash, credit cards, phone, and ID .
"Manong aalis po tayo ngayon," tawag ko kay manong na nakikipagchikahan sa kapwa niya driver.
"Sige po Ma'am," pinagbukasan niya ako ng pinto. Sinabi ko sa kaniya ang coffee shop na sinabi sa akin Olivia kaya umalis kami agad.
Inayos ko ang suot kong sunglass at saka tinext si River.
To: River
Magkikita kami ngayon ni Olivia, I'm nervous :(
I clicked the send button after composing my message. It didn't take long for him to reply.
From: River
Really? Gusto mo bang samahan kita?
To: River
No need, I can do it. Thanks pahinga ka na lang diyan.
From: River
Are you sure baby?
To: River
Yes po, iingatan ko ang sarili ko kasi alam kong mag-aalala ka sa'kin :)
From: River
Of course, ayaw kong makakita ng gasgas sayo.
To: River
Oa mo ah.
From: River
Mahal ka naman, take care I love you.
God, this man.
To: River
I love you so much.
Iiling-iling kong itinago ang phone ko sa loob ng pouch. Saktong 20 minutes ng makarating ako sa sinasabing Coffee Dozen ni Olivia. Hindi na ako naghintay na pagbuksan pa ako ng pinto ni Mang Mario dahil ako na ang kusang lumabas.
"Good morning Ma'am, any reservation po?"
"Olivia Castaneda," I said.
"Yes Ma'am this way please," nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng café, kapansin-pansin na konti lamang ang tao dito. At halos lahat sila ay may makakapal na librong binabasa.
Agad naman akong sumunod sa kaniya. Nakita ko si Olivia, nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi niya pa ako nakikita.
"Thanks," I said to the waitress who had escorted me to Olivia's table.
Huminga ako ng malalim bago ako pumunta sa table niya.
"I'm sorry for waiting too long," bungad ko sa kaniya pagkaupo ko.
She cleared her throat, "Okay lang."
"Do you mind if I ordered first?"
"No need may inorder na 'ko para sa'yo."
"Oh."
Hindi nagtagal ay sinerve na nga ang inorder niya para sa akin. It was a cappuccino coffee.
"Thanks," I took a sip first to ease the nervousness in my chest.
"Um, K-kity I'm sorry kung inimvite kita dito ngayon ng biglaan, this is supposed to be your rest para sa nakakastress na school works this past few weeks pero kasi..." natigilan siya na parang nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba niya ang sasabihin, "Pero kasi naguiguilty ako dahil sa pag iwas ko sayo ng halos isang buwan. I'm sorry Kity."
Nawala ang kaba na kanina ko pa nararamdaman ng sabihin niya ang mga katagang 'yun. Nakayuko siya at hindi makatingin sa'kin, naririnig ko rin ang marahan niyang paghikbi.
"Olivia, its fine I understand," I gently said, "I should be the one who apologize to you Olivia kasi wala ako sa tabi mo nung kailangang-kailangan mo 'ko."
"Hindi, wala kang kasalanan kaya wag kang mag sorry sakin Kity. Hindi sapat na dahilan ang pagkamatay ni Daddy para hindi kita pansinin or kausapin. Nagsisisi din ako kung bakit ko nagawang magbulakbol at makipagbarkada sa hindi magpagkakatiwalaang tao. Pinagsisisihan ko lahat ng mga nagawa ko," she cried.
Hinawakan ko ang kamay niya, "Shh, hindi pa naman huli ang lahat Olivia. Makakabawi ka pa especially sa studies mo. Nandito ako para tulungan ka."
Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mata ko, umangat ako ng tingin para mapigilan 'to.
Nag angat siya ng tingin sa akin, "Talaga Kity?" humihikbing tanong niya.
"Oo naman, magkaibigan tayo 'di ba? Kaya wag ka nang umiyak pinapaiyak mo din ako e."
She wiped her tears, "Kity naman e, bakit ba ang bait-bait mo?" medyo tumatawang tanong niya.
Natawa rin ako dahil sa tanong niya, "Baliw, syempre kaibigan kita at marunong akong magpahalaga ng pagkakaibigan."
"Kity salamat, akala ko mahihirapan akong suyuin ka e."
"Ikaw talaga," I smiled, "Pano? Gala tayo 'di ba two blocks away lang 'to sa Robinson?"
She nodded, "Sige tara."
*****
I didn't expect that Olivia and I would enjoy having fun with each other company. Parehas kami tawa ng tawa dahil naaalala naman ang itsura ng isa't-isa kapag nagugulat kami dahil doon sa pinanood naming The Conjuring. Halos kaming dalawa lang nga ang maingay dahil pagkatapos naming sumigaw sa gulat ay sabay kaming tatawa.
Isang salita lang ang makakapaglarawan ng nararamdamn ko ngayon, 'yun ay ang salitang 'masaya'. Masaya ako dahil bukod sa kami na ni River ay maayos na rin kami Olivia ngayon, wala na akong dapat alalahanin pa.
"That was epic, Olivia," I commented while eating ice cream.
Kakalabas lang namin ng Cinema.
"Nakakatawa 'yung reaksiyon mo Kity, pwede nang pang meme," pang-aasar niya.
Ang usapan naming dalawa ay pagkatapos naming mag-sine ay mag-shoshopping kaming dalawa. Nang huli akong mag-shopping ay nung nasa Manila pa 'ko at ang kasama ko pa nun ay si Maya. Shopping was our weekend bonding back then.
"Good afternoon Ma'am. Welcome to Aqualine Fashion Boutique," bati sa amin ng sales lady.
"Good afternoon," Olivia and I greeted back in chorus.
Pumunta ako sa ladies apparel section at saka pumili ng magugustuhan ko. Ang pinili ko ay 'yung hindi mahal pero magandang klase ng damit. Hindi naman sa nagtitipid ako it just that ayaw ko lang na bumili ng mga mahal na damit tapos hindi ko naman magagamit o kaya isang beses ko lang magagamit dahil masasayang rin lang naman.
Hinanap ng mata ko si Olivia. Nakita ko siya na kasalukuyang pimipili ng mga blouse may kasunod na siyang sales lady na may hawak na sandamakmak na damit.
Nagtungo ako sa dereksiyon niya.
"Olivia sayo ang lahat ng 'to?" tanong ko sabay turo sa mga damit na bitbit ng sales lady.
"Yes bago pa lang daw kasi ang lahat ng 'yan sakto namang pumasa sa taste ko kaya gusto kong bilhin."
"Ang dami naman, masusuot mo ba lahat ng 'yan?" nag-aalalang tanong ko.
"Oo naman," proud na tugon niya.
Muli akong tumingin sa mga damit na hawak ng sales lady, sa tingin ko ay mahigit kumulang 20 piraso ng mga damit na ang hawak nito plus ang hawak pa ni Olivia. Patago kong tiningnan ang bawat price tag ng damit na napili niya at halos lumuwa ang mata ko ng makitang lahat ito ay hindi bababa ng 15, 000 pesos ang presyo.
"Miss hindi ba kayo sale?" nag aalalang tanong ko.
Umiling 'to, "Hindi po next week pa po kami magkri-christmas sale."
Napahilot ako bigla ng sintido ko kapag hindi pa tumigil si Olivia sa kakakuha niya ay paniguradong lalagpas ng kalahating milyon ang babayaran niya.
"Okay na 'ko," nakangiting sabi ni Olivia at ibinigay sa sales lady ang mga hawak niya.
"Sure ka ba talagang biblhin mo lahat 'to Olivia?"
"Yes, oo naman Kity. Wag kang mag-alala sa babayaran ko marami pa akong pera sa bangko," aniya at saka nauna nang mag-lakad patungo sa counter.
I struggled and just followed her.
Pagkarating ko sa doon ay kasalukuyan nang kinumumpute ang babayaran ni Olivia. Nang tingnan ko siya ay parang wala lang sa kaniya kung abutin ang milyon ang babayaran niya.
"399, 456 pesos and 50 centavos po, Ma'am," nakangiting sabi ng cashier.
Inabot naman ni Olivia ang credit card niya.
"Thank you, Ma'am. Come again."
"I surely will," aniya.
Pagkatapos ko namang magbayad ng sa akin ay agad kaming lumabas ng boutique.
"Saan tayo maglulunch Kity?" nakangiting tanong niya.
"Kahit saang fast food na lang siguro nagugutom na ko," natatawang sabi ko.
"Okay, sabi mo eh."
Umakyat kami sa third floor ng Robinson dahil nandoon ang mga fast food chains. Pagpasok namin sa restaurant ay talaga namang ramdam na ang pasko dahil sa mga chrismas décor sa buong lugar.
Umupo kami sa pangdalawahan at saka omorder. Hindi naman nagtagal ay sinerve na agad 'to sa amin.
"By the way, Kity I heard the rumor about you and River," natigilan ako sa pagsubo ng magsalita siya.
Oo nga pala hindi niya pa alam na nagkakasama kami ng ni River dahil madalas siyang wala. Pero ngayon ay sigurado na akong alam niya na dahil alam kong nakikita niya kaming magkasama ni River.
"What about us?"
"Totoo bang kayo na?"
What? May rumor na agad na kami na ni River? Kagabi ko lang siya sinagot ah. Ang bilis naman ng balita.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.
"Um, yeah sinagot ko siya kagabi," pigil na ngiting sabi ko, "Sorry hindi ko agad nasabi sayo hindi ko rin kasi alam kung pano ko sasabihin. Akala ko kasi hindi mo na talaga ako kakausapin"
"Ano ka ba Kity okay lang 'no. Masaya ako para sayo," nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Thank you, Olivia."
"May plano ka na ba?"
"Plano? Para san?"
"Hindi mo ba alam? Birthday niya sa susunod na Lunes! Sikat ang boyfriend mo kaya talagang maraming nakakaalam!"
"What?" agad kong kinuha ang phone ko sa pouch ko at saka chineck ang petsa, "Omg! Oo nga pala, December 10 nga pala sa Lunes."
"Gusto mo bang bumili na tayo ng regalo pagkatapos nating kumain?"
I shook my head, "Wag na pag-iisipan ko muna kung anong ireregalo ko sa kaniya."
Bigla naman akong na-excite. Ito ang unang birthday niya na kasama niya ko at sa sabado rin ang weeksarry namin kaya gusto kong maging special ang araw na 'yun sa kaniya.
Hay, ano kaya ang magandang regalo sa kaniya naa talaga namang matutuwa siya?