KITY'S POINT OF VIEW
It's been a month since River started to court me. At isang buwan na rin ang nakakalipas na hindi ako kinakausap ni Olivia. Madalas kasi siyang hindi pumasok at madalas rin siyang mag cutting classes. Nakikita ko siya na nakikipag barkada sa mga schoolmates namin na mahilig nagbulakbol.
Nag aalala ako para sa kaniya kasi alam kong ginagawa lang niya ito dahil nawala 'yung dad niya na natitirang pamilya niya na lang pero kasi nag aalala ako dahil baka hindi siya makapasa sa year na 'to kapag nagpatuloy siyang ganiyan. Maraming beses akong nag-attempt na kausapin siya pero lagi akong nabibigo.
"Hey, eat up," agaw ni River sa atensyon ko.
"Thanks," I said. Kinuha ko ang tinidor at saka sinimulang kainin ang inorder niyang pasta.
"How was it?" River asked.
"Its good masarap," sabi ko habang ngumunguya. Dinala kasi ako ni River dito sa paborito niyang fast food restaurant, ngayon lang kami ulit nakalabas dalawa dahil ngayon lang lumuwag 'yung schedule namin dahil wala kami masyadong activities ngayong sabado.
"I told you, Kiely. This is the best pasta in town," natawa namn ako dahil sa sinabi niya.
"Oo na po naniniwala na 'ko," ipinagpatuloy ko ang pag kain ko.
Tama naman siya ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na pasta dahil hindi siya nakakaumay kainin.
Pagkatapos naming ubusin ang pasta na inorder niya ay senerve naman sa amin ang desert na parehas naming nagustuhan ni River which is halo-halo.
"Enjoy your meal, Ma'am and Sir," ani nang waiter.
"Thank you."
Tiningnan ko si River na abala sa paghalo ng halo-halo niya. Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag ko at saka nakangiti siyang kinuhanan ng litrato.
"River," tawag ko sa kaniya.
"Yes–," hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang mag-flash na ang camera ng phone ko.
"Cute," hindi ko mapigilang sabi habang tinitingnan ang picture niya.
"Naiinlove ka na ba sa'kin?" nanunuksong tanong niya habang tumataas-baba ang dalawang kilay niya.
"Baliw, ewan ko sayo," nagpipigil na ngiting sabi ko.
"Give me your phone," nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
Kahit nagtataka ay ibinigay ko pa rin, "Bakit ano bang gagawin mo?"
Kapag talaga denelete niya 'yung picture na kinuha ko sa kaniya hindi ko talaga siya sasagutin. Subukan niya.
"We'll take a picture together."
Inusog niya ang upuan niya papunta sa katabi ko at saka kami nag-selfie picture. Pinagtripan niya pa nga ako dahil puro epic picture ko ang mga sinave niya.
"Nakakainis ka naman eh, wala akong matinong pictures dito ang pangit ko tinginan mo," pinakita ko pa sa kaniya ang mga pictures ko na kita pati gilagid ko.
"Its fine," parang walang pakealam na turan niya. Kasalukuyan niya kasing hinahalo ang halo-halo ko dahil tapos niya na 'yung kaniya.
"Anong its fine ka riyan?"
"Its fine kasi maganda ka naman sa mata ko kaya wala kang dapat ipagalala," nakangising sabi niya.
"Korni mo ah."
Kainis, kahit ang korni niya napapangiti niya pa din ako.
"Korni pero gwapo," pabiro ko siyang inirapan, "Here, tapos na," inabot niya sa akin ang halo-halo ko.
"Salamat," I thanked, "Nga pala saan tayo sunod na pupunta pagkatapos natin dito?"
"Secret, malalaman mo mamaya," sabi niya.
Ngumiwi ako, "Ayan ka na naman sa secret-secret na 'yan akala mo ba nakalimutan ko na 'yung unang beses tayong lumabas. Kulang na lang isumpa kita no'n."
Pinaalala ko sa kaniya 'yung aakyat pala kami ng Mt. Isarog tapos 'yung suot ko ay parang aattend ng party.
He laughed out loud, "Yeah I remember, and also I remember what you were wearing that time. You're so gorgeous," he teased.
I rolled my eyes, "Che, wag mo 'kong bolahin hindi effective."
*****
Tumigil ang sasakyan ni River sa harap ng isang malaking condominium building. Nagtataka ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Bumaba si River ng sasakyan niya at saka ako pinagbuksan ng pinto.
"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko, pero wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya.
Akala ko ay uuwi na kami pagkagaling namin sa mall dahil gabi na pero nagtaka ako nang sinabi niyan hindi pa daw kami uuwi dahil may pupuntahan pa kami.
Hinawakan ni River ang kamay ko at saka kami sabay na pumasok sa condominium building.
"Good evening Ma'am, good evening Mr. Piencenaves," bati ng guard na may malawak na ngiti.
"Good evening," I greeted back while River just nodded.
Pagkapasok namin ng elevator ay binati kami ng mga staff na kasabay namin.
"Good evening," River greeted.
Tumaas ang kilay ko, 'yung guard kanina tinanguan niya lang tapos 'tong mga babae binati niya? Aba magaling.
Humalukip ako sa katabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang nilagay niya ang braso niya sa may bewang ko.
"Don't be jealous baby," he whispered in my right ear.
"I'm not jealous," I whispered back.
"You're so obvious," he teased.
"Tsk, whatever."
Nang makarating kami sa top floor ay muli na namang hinawakan ni River ang kamay ko at saka ako hinila.
"Dahan-dahan naman baka madapa ako," saway ko sa kaniya sabay tapik ng kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ang bilis niya kasing maglakad baka matapilok ako dahil dito sa suot kong Mary Jane heels.
"I'm sorry."
"Saan ba kasi tayo pupunta?" pangungulit ko, napipikon na 'ko ah.
Ang haba-haba nitong hallway na dinadaanan namin parang walang katapusan. Halatang pangmayaman dahil ganito din kagara 'yung condo ni Kuya August sa Manila nung minsang bisitahin ko siya.
Pero kagaya kanina ay wala pa rin akong nakuhang sagot sa tanong ko mula sa kaniya. Kaya hindi na lang ako nagsalita dahil para akong kumakausap ng hangin. Tumigil kami sa pinakadulong pinto. I think palabas 'to papunta sa rooftop.
Pagbukas niya ng pinto ay sinalubong kami ng malakas na hangin, napapikit ako dahil doon.
"Open your eyes baby," River gently said, and so I did.
Biglang lumukso ang puso ko ng makita ko kung anong nandoon. Nilibot ko ang paningin ko sa buong rooftop. Mayroong lamesa sa may gitna ng gazebo na may nakalagay na isang bote ng champagne at dalawang wine glass. Sa buong paligid ay nagliliwanag dahil sa nagkalat na Led lights. Maging ang swimming pool na nandoon ay nagliliwanag rin at may nagkalat na red rose petals.
"Y-you did this?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes, but not literally," he said, and put both of his hands inside his pocket, "Did you like it?"
"Yes!" I exclaimed.
He looked at me, "Yes? Sagot ba 'yan sa tanong ko o sa panliligaw ko?"
"Baliw, syempre sa tanong mo."
He laughed, "I know. I was just kidding."
Naglakad kami sa nagkalat na red petals papunta sa may gazebo kung saan nandoon lamesa. Inusog niya ang upuan para makaupo ako.
"Thanks," I thanked him.
"My pleasure."
Lumapit sa amin ang lalaking matangkad na waiter. Nakakunot ang noo niya at masama ang tingin kay River. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, parang wala namang pakealam si River dahil sumisipol-sipol pa siya habang nag i-scan ng menu.
"Choose your food Milady," sabi ng waiter.
Oh, and he speaks French?
"Ah yeah," sinabi ko sa kaniya ang mga order ko, hindi ko masyadong dinamihan dahil busog pa naman ako.
"That's all?"
"Yes, thank you."
Bumaling naman siya kay River na tinanong din kung anong napili nito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng waiter. And I'm starting to feel weird here. May galit ba siya kay River or what?
"Ang dami mo namang order!" saway ko kay River dahil ang dami niyang binabanggit.
"That's fine," nakangising tugon niya.
"Hindi mo 'yan mauubos."
"Don't worry about it," he smirked and winked at me.
"Damn this mother fucker," rinig kong mura nang waiter at galit na umalis sa harap namin. Kumunot ang noo ko at hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya.
"Hey stop looking at him," River said, frowning.
"May galit ba sayo 'yung waiter?" seryosong tanong ko. Hindi pinansin ang sinabi niya.
"Huh? Who–," hindi niya na natapos ang sasabihin dahil narealize niya ang tanong ko. Kasunot nito ay bigla na lang siyang tumawa dahilan upang mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko.
"What's funny? He cursed you for Pete's Sake River!" I said annoyed.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Lumingon ako sa may bandang likod ko dahil may narinig pa akong tumatawa doon. May apat na lalaki doon na naka upo sa steel stool meron silang mga hawak na musical instrument. Bakit sila nakikitawa?
"Are you done laughing?" pikon na tanong ko.
Tsk. Concern lang naman ako sa kaniya tapos tatawanan niya lang ako nakikisali pa 'tong mga musikero.
"I'm sorry, baby... You just make me laugh badly," natatawang sabi niya, "Do you really think that man is a... waiter? Don't get me wrong I know that waiter is a decent job."
"Bakit hindi ba waiter 'yun?" tumawa na naman siya pero this time mas malakas na tapos nakisali pa 'tong mga musikero sa likod ko. Kulang na lang maglupasay siya sa kakatawa, "River!"
Letche ano bang nakakatawa, nakakainis na ah.
"O-okay I won't laughed anymore," huminga siya ng malalim at saka uminom ng isang basong tubig.
"So can you at least tell me what's happening?"
"They're my friends," River answered.
Natigilan ako.
"What? Who? The waiter?" he shook his head.
"Not just him, they are too," nginuso niya ang mga musekerong nasa likod ko, "They're Lucas, Ethan, Blake, and Devin and the one that you are calling waiter was King, he owns this condominium."
Lumingon ako sa kanila. They are all smiling at me. Kaya pala nakikitawa sila no'ng sabihin kong waiter 'yung King kasi mag kakaibigan pala sila. At kaya pala parang galit na galit 'yung waiter, I mean 'yung kaibigan nila.
"Hi Miss Kity I'm Lucas," pakilala nito, kapansin-pansin ang biloy niya sa kanang pisngi niya na lumalabas kapag ngumingiti siya.
"Stop flirting with my girl, dickhead," mura ni River dito.
"Bakit sinagot ka na ba?" pang-aasar ni Blake.
River glared at him.
Umiling-iling na lang ako. Hindi ako makapaniwala na may ganitong side pala si River kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Well, ako rin naman, may ibang side ako na sa pamilya at kaibigan ko lang ipinapakita.
Hindi nag tagal ay dumating na si King pero hindi na siya nag-iisa dahil may kasama na siyang dalawa pa na kaparehas niya ng suot.
Sinerve na nila sa amin ang food pagkatapos ay umalis na 'yung waiter na kasama ni King. Kaya ang naiwan na lang ay 'yung mga pinsan ni River. Nagsimula na ring tugtog ng mellow song ang apat.
"Let's eat," River said.
Nagsimula na kaming kumain. Nakakawala ng pagod ang lugar na 'to dahil bukod sa mga inihanda ni River ay matutulala ka talaga dahil sa mga building sa baba na nagliliwanag. Sa tingin ko ay ito ang pinakamataas na building dito.
"We're still in Bicol, right?" tanong ko. Para na kasi kaming nasa Manila.
"Of course."
"Where are we exactly?"
"We're in Naga. Why? Natatakot ka ba na itananan kita?" I rolled my eyes, seriously?
"Of course not, alam ko naman kasing hindi mo gagawin 'yun. Takot mo na lang na mawala ang tiwala sa'yo ni Mamita."
He chuckled, "Yeah, you really know me huh."
Yun kasi ang napapansin ko sa kaniya kapag magkasama kaming dalawa. Lagi siyang nagpapaalam kay Mamita kapag aalis kami, bago pa man ako makapagpaalam kay Mamita ay alam niya na kung saan ako pupunta. At mas gusto ko 'yun kasi pinahahalagahan niya rin 'yung mga mahahalaga sa'kin.
"Why are you smiling?" napabalik ako sa reyalidad dahil inagaw ng taong iniisip ko ang atensiyon ko.
"Nothing may iniisip lang."
"I hope it's me." Yes, it's you, baby.
*****
Tapos na kami sa romantic dinner namin ni River. Nandito pa rin kaming dalawa sa rooftop pero ang mga pinsan niya ay umalis na dahil mag babar hopping pa daw sila. Magkatabi kaming naka indian seat sa red blanket habang pinapanood ang napaka gandang langit.
"River," tawag ko sa kaniya pagkatapos kong sumimsim ng champagne.
"Hmmm?"
"Bakit si King 'yung naging waiter kanina? You said he owns this condominium right?"
"Ah that," he took a sip of his champagne first before he continued, "Nagpustahan kasi kaming anim, and luckily I won."
"Pustahan?"
"Yeah, guess the number of vehicles," he answered, chuckling.
What the hell is that?
"What's that?"
"Nilalaro namin 'yan no'ng bata pa kami. Huhulaan namin kung ilan ang dadaang sasakyan sa harap ng bahay namin sa loob ng 10 minutes at kung sino ang makahula ay siya ang panalo."
I giggled, "Naglalaro kayo ng ganon? It's weird. Nang manalo ka eto ang hiniling mo?"
"Yeah, I asked them if they could help me prepare this because this is our first romantic date."
I couldn't help but smile. I appreciate his efforts para lang mapatunayan niyang totoo ang nararamdaman niya sa akin. I appreciate all of him, even his flaws and imperfections. And I don't regret loving him.
Naagaw ng atensyon ko ang biglang pagliwanag ng kalangitan. Ramdam ko ang pagningning ng mga mata ko dahil sa pagkamangha.
"Wow, look Rive–w-what's this?" kunot noong tanong ko nang may iniabot siya sa aking violet velvet box.
"Buksan mo."
Kahit nag aalinlangan ay binuksan ko pa rin. My eyes widened when I saw what was inside.
"Para sa'kin 'to?" he nodded. It was a simple, but elegant necklace with a gold butterfly pendant.
"Did you like it?" I continuously nodded, "Pinagawa ko pa 'yan from France. I told didn't I? I'll make sure to make feel special every day."
"Can I ask?"
"Sure."
"Bakit butterfly ang napili mong pendant? Don't get me wrong, I actually like it I'm just confused."
Biglang namula ang tenga niya, "I know this might sound corny, but I choose butterfly pendant instead of expensive gems or what because when I met you. You actually sent butterflies of bliss to me. I mean, I know happiness can find anywhere and everywhere but when I met you I found my happiness to you, and without you, I don't if I can still understand the real definition of happiness."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Nakakainis, bakit kahit sa mga ganitong gestures niya lang sobrang saya ko na. Nang humiwalay ako sa kaniya ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
Maybe it's time to tell him what I feel dahil hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang pakawakalan. Hinila ko ang kuwelyo niya upang lumapit siya sa pwesto ko at saka ko siya hinalikan sa labi. Alam kong nagulat siya dahil sa ginawa ko pero wala akong pakealam.
I closed my eyes to feel his soft lips to mine. I put my arms around his nape and made the kiss deeper. I felt his arms around my waist as we continued kissing. Pinutol ko ang halik para maghabol kami ng hininga.
I opened my eyes and looked straight into his eyes.
"I love you, River."