KITY'S POINT OF VIEW
It's dark. It's too dark and I can't breathe. I was just standing in a dark place. It was as if I was being trapped in a dark box and I don't freaking see anything! What's happening? Where am I? Why can't I see? Where's Mamita? Kuya Kyrus? Kuya Kendrick? Margarita? Or even River, where are they all? Why am I alone?
"M-may tao ba dito?"
Sinubukan kong maglakad kahit wala akong nakikita. Nagbabakasaling may magpakitang pamilyar sa akin pero wala dahilan upang mas nadagdagan lang ang panginginig ng kamay ko. Nangangapa akong naglakad sa madilim na lugar na 'to dahil hindi ko alam kung anong magyayari sa akin kapag nagpatuloy ako.
Sa pagpatuloy ko sa paglalakad ay may narinig ako na malakas na tawanan kaya agad kong tumakbo patungo kung saan 'yun. Namutawi ang mga ngiti sa labi ko ng dahil sa liwanag na nakikita ko.
"Pare tiba-tiba tayo dito. Siguradong tutubusin 'to ng ilang milyon. Yayaman na tayo!" ani ng isang lalaking nakatalikod at saka malakas 'tong tumawa.
"Sinabi mo pa dahil kapag hindi 'to tinubos ng magulang niya, papatayin na natin 'to dahil wala namang pakinabang!" sang-ayon naman ng katabi nito. Pagkatapos nun ay sabay sila ng tumawa at nag high-five pa.
Napatigil ako sa paglapit patungo sa kanila ng marinig ko 'yun. Sumibol ang kaba sa dibdib ko at nawala ang mga ngiti sa labi ko. Sino ang papatayin nila? Makakasaksi pa ba 'ko ng live na pagpatay? I should call the police! Kinapa ko ang phone ko pero hindi ko 'to makapa. Tumingin ako sa suot ko at doon ko lang napagtanto na nakasuot lang pala ako ng ng sleeping garments.
Kumunot ang noo ko nang may marinig akong pagkalampag. Dahan-dahan akong lumapit papunta sa kanila para makita kung sino ang nasa harap nila.
"Huwag kang maingay bata. Baka gusto mong patayin ka na namin ng tuluyan para hindi ka na maabutan ng buhay ng magulang mo!"
My breath hitched when I saw who they were referring to.
"Oh my god," I whispered while gasping for air. Napatakip ako sa bibig ko at natumba ako sa kinatatayuan ko dahil bigla na lang nanlamot ang mga tuhod ko, "N-no please."
It was me. Nakikita ko ang batang ako na nakaupo sa kahoy na upuan habang nakagapos ang magkabilang kamay at paa ko isang malaking lubid. Walang lumalabas na ingay sa bibig ko dahil may nakatakip na tela doon. Patuloy ang pagbuhos ng luha ng batang ako habang paulit-ulit na umiiling.
Kinasa ng isa ang hawak niyang baril at saka tinutok ito sa ulo ng batang ako. Kahit nanghihina ang tuhod ko ay sinubukan ko pa ring tumayo para pigilan siya sa balak niyang gawin.
Nanlaki ang mga mata ko at parang nag slow motion ang lahat nang nasa paligid ko ng makita kong gumalaw ang daliri ng lalaki na nakaposisyon sa gatilyo ng hawak nitong baril.
"No! Don't kill me!"
Kinakapos nang hininga akong napaupo pagkatapos ay naghahabol ng hininga. Ramdam ko ang pawis ko sa noo na tumutulo pababa sa muka ko. Nilibot ko ang paningin ko. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong nasa loob pa rin ako ng kwarto ko.
Shit, mabuti na lang at panaginip lang ang lahat ng 'yon.
Pinunasan ko ang pawis ko at saka tumingin sa digital clock na nasa ibabaw ng side table ko. It's already 6:03 am mamayang 8 pa ang first class ko kaya maaga pa naman. Pumunta ako sa mini living room ko at saka nagsalin ng tubig na nasa ibabaw ng glass center table ko.
Nakatatlong basong tubig ako dahil pakiramdam ko ay naubusan ako ng tubig sa katawan dahil sa panaginip kong 'yun. It's very realistic. It looks like it's not a dream para bang nangyari na 'yun sa'kin. But I know nothing like that has happened to me when I was young. And I'm pretty sure.
Inalis ko 'yun sa utak ko dahil siguro simpleng panaginip lang 'yun. Kailangan ko nang mag handa dahil may pasok pa kami kailangan hindi ako tutunga-tunganga dahil ayaw 'kong mapahiya na naman kagaya kahapon.
Kailangan good mood ako dahil first day ng panliligaw ni River ngayon at first day din ng November. So it means all saint's day today, maybe after class, I'll just visit grandma and grandpa as well as our other relatives who have passed away.
May pasok kami ngayon kahit undas hindi ko alam sa ibang department kung may pasok pa rin ba sila o wala. Samin kasi kailangan naming humabol sa mga lesson dahil marami pa kaming hindi na ta-tackle dahil halos kalahating buwan kaming walang klase.
Pumasok na ako sa banyo at saka naligo. Pagkatapos ay pumunta ako sa walk-in-closet ko para magbihis ng uniform ko. I finished fixing myself at 7:30. I grabbed my bag and book and then went downstairs to eat breakfast.
Wala pa doon sina Kuya at Mamita, tangin ang mga kasambahay pa lang ang nandoon at si Manang Ninita na abala sa paghahanda ng almusal.
"Good morning po Manang Ninita. What is for today's breakfast po?" I asked and then sat down in front of the table.
"Magandang umaga rin iha. Nagluto ako ng cornsilog gusto mo ba nito o magpapaluto ako ng iba?"
I shook my head, "Wag na po Manang gusto ko po niyan I haven't tasted cornsilog in a long time lalo na 'tong luto niyo."
Natawa siya ng mahina, "Ikaw talaga Kity hindi ka pa rin pala talaga nagbabago."
Inabot niya sa akin ang cornsilog at juice, "Thanks Manang."
"Siya nga pala kailangan niyo ba talagang pumasok ngayon? Undas naman ngayon bakit may pasok pa? Pano 'yan hindi mo masasamahan ang Mamita mo na dumalaw sa Lolo mo mamaya."
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako magsalita, "Wala po kaming magagawa Manang kailangan po talaga naming umattend ng class ngayon dahil marami pa kaming lesson na hindi pa natatackle. Dadaan na lang po ako mamaya sa sementeryo bago ako umuwi para dalawin sila."
"Ganoon ba. Oh siya sige basta wag mong kakalimutang dalawin ang mga lolo't lola mo doon ha. Sige doon muna ako sa kusina dahil baka puro daldal lang inaatupag ng mga nandoon."
I chucked, "Sige po Manang. Thanks for the food!" I thanked.
Binilisan ko nang kumain dahil anytime soon dadarating na si River para sunduin ako. Pagkatapos kong kumain ay dinala ko ang pinagkainan ko sa dirty kitchen at saka nag sipilyo.
"Ma'm Kity hinahanap po kayo ni Sir River," sabi ng kasambahay.
"Okay. Tell him na papunta na 'ko," agad naman itong tumalima.
Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin nang powder room bago ako lumabas. Naabutan ko sa sala si River na abala sa pagtingin ng mga pictures namin nina Kuya at ng iba ko pang pinsan no'ng bata pa kami.
"Tara na malalate na tayo," agaw ko sa atensyon niya.
He turned to me and smiled like he always does.
"Yeah, let's go."
Agad kaming nakarating sa school. Mas konti ang mga students ngayon dito unlike no'ng mga regular days. Siguro kinoncider din ng ibang professor na undas ngayon.
Sabay kaming naglakad ni River patungo sa building ko. Aware ako sa mga matang nakatingin sa amin ngayon. Hindi na ako magtataka kung anytime soon ay headline na ako ng school newspaper at magazine bukas.
"Thanks sa paghatid. Sige na pumunta ka na sa building niyo baka malate ka pa."
"Yeah, susunduin ulit kita dito mamaya. We'll eat lunch together."
"Oo na," sabi ko habang nagpipigil ng ngiti.
Nang hindi ko na siya nakita ay pumasok na 'ko sa loob ng room. Nagliwanag ang mga mata ko ng makitang nandito na si Olivia.
"Olivia!" I rushed towards her and hugged her tight.
"Kity."
"What happened to you? How are you? Bakit ngayon ka lang? May nangyari bang hindi maganda? Tell me," nag aalalang tanong ko.
Paulit-ulit siyang umiling at saka pilit na ngumiti. Kumunot ang noo ko dahil kapansin-pansin ang malalim at itim na itim niyang eyebag maging ang pamamaga ng mata niya. Halatang nilagyan 'to ng maraming concealer.
"I'm okay."
"Stop bluffing will you. Anong nangyare sayo this past few weeks Olivia?"
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Maging ang iba naming kaklase ay napatingin rin sa gawi namin.
"R-rest room lang ako."
"Wait!"
Hindi ko na siya magawang habulin dahil sobrang bilis niyang tumakbo. Tumingin ako sa table niya. Nandoon ang bag niya kaya alam kong babalik pa siya but unfortunately hindi kami magkatabi sa subject na 'to.
Pumunta ako sa lamesa ko. Ang plano ko ngayon ay mag-advance reading para sa subject na 'to habang hindi pa dumadating ang professor namin pero hindi ko magawa ang mga plano ko dahil inukopa ni Olivia ang isip ko.
Halos kalahating buwan siyang hindi pumasok simula noong magsimula ang foundation day tapos ang huling contact ko sa kaniya ay no'ng magkasakit siya. Tapos ngayon ay papasok siya ng ganito? What the hell? Kung hindi ko lang siya kilala ay mapagkakamalan ko siyang zombie.
Dumating si Dra. Mendez kasunod nitong pumasok si Olivia. Hindi ko magawang kausapin siya dahil nagsisimula na ang klase. Hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi ni Doctora dahil ang buong atensyon ko ay nasa likod lang ni Olivia.
What the hell happened to you, Olivia?
Nang matapos ang klase namin sa buong umaga ay naging mailap pa rin si Olivia. Mas nauna pa siyang lumabas ng room kaysa kay Dra. Dy. Magsisimula na naman nga sana itong manermon kung hindi lang kami nagsilabasan.
*****
Afternoon dismissal came and my whole day sucked. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makausap si Olivia dahil hindi ko siya kaklase sa mga klase namin nitong hapon.
Nandito ako sa harap ng classroom namin sa huling subject dahil hinihintay ko si River. Nakapikit ang mga mata ko dahil sa pagod, mentally. Kaninang lunch ay sinundo ako ni River sa room namin kaya hindi ko na nasundan si Olivia kung saan mas siya nagpunta. Hindi ko alam kung saan siya nakatira kaya mas lalong wala akong ideya kong saan siya pupuntahan.
Kumunot ang noo ko nang nanuot sa ilong ko ang pambabaeng pabango. Alam kong hindi 'to kay River dahil alam ko kung anong pabango niya. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at hindi ko inaasahan kung sio ang nabugaran ko.
"Yolan..." nag-iisa lang siya wala siyang kasama na kahit na sino.
She smiled sarcastically, "Yes I am Kiely... Trinity... Barrameda."
"What do you need?" seryosong tanong ko.
Lumapit siya sa akin at saka medyo pinagpagan ang balikat ko.
"Hmm? Nothing much, I just want to tell you that..." she trailed, and looked into my eyes, "Be very careful because the storm is on the way," she said while playing my hair.
Lumayo siya sa akin at saka ngumit. Hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil alam kong may ibang ibig sabihin ang sinabi niya. Lumagpas ang paningin ko dahil nakita ko si River sa likod niya na nakakunot ang noo.
"Yolan what are you doing here?" nakangiting lumingon si Yolan kay River.
"Nandiyan ka pala River. Um, I was just passing by wen I saw Kity so I greeted her, right Kity?" pinanlakihan niya pa ako ng mata na parang sinasabihing sabayan ko ang mga sinasabi niya.
Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya.
Liar!
"Yeah that's right," sang-ayon ko sa mataray na tono.
Akala niya siguro nakalimutan ko na ang last encounter naming dalawa sa lyceum. Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano siya kaarte doon. Ako dapat ang hinatid ni River at hindi siya!
"Good to hear that," bumaling sa akin si River, "Let's go."
Kinuha niya ang mga libro ko. Gusto ko sana siyang pigilan dahil nasa harap kami ni Yolan pero hindi ko na nnagawa dahil hawak niya na agad 'to.
"We'll go ahead Yolan," paalam ni River sa kababata.
Yolan forced a smile, "Sure take care Noah... and Kity."
Nang mag simula na kaming maglakad palayo sa kaniya ay lumingon ako sa kaniya sa huling pagkakataon. She's looking at me dangerously, nakakuyom ang kamao niya at saka nakakunot ang noo niya.
I just want to tell you that, be very careful because the storm is on the way.
Ano ang ibig niyang sabihin? Anong pinaplano niya?
"You okay?" bumalik ako sa reyalidad.
"Ah yeah, may iniisip lang."
"Olivia, again?"
Tumango ako sa kaniya. Sinabi ko kasi sa kaniya 'yung tungkol kanina. Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan papunta sa sementeryo.
"I asked my colleague about her because I want to help you at alam mo ba kung anong sinabi nila?"
What he said caught my attention, "Ano?"
"They said that Mr. Castañeda died last week due to heart attack, wala nang pulso nung makarating sila sa ospital. Nung isang araw lang daw nilibing."
Napatakip ako ng bibig ko at nakaramdam ng matinding awa kay Olivia. Bakit hindi ko alam? Anong klase akong kaibigan? Bakit hindi ko alam na may nangyayareng ganon na pala kay Olivia?!
"Hindi ko alam. Walang nagsabi sa'kin? Shit wala akong kwentang kaibigan, hindi ko man lang siya nadamayan," unti-unting bumuhos ang luha ko dahil nakokonsensya ako.
I should be there. Kailangan ako ng kaibigan ko pero wala ako. Dapat kinumusta ko man lang siya. Siya 'yung unang nag-approach sa'kin nung bago pa lang ako dito kaya dapat nandoon ako nang kailangang-kailangan niya ako.
"Hey don't blame yourself wala lang kasalanan."
Tinigil niya ang sasakyan at saka pinunasan ang luha ko.
"I-I can't help it, River. Olivia is my friend ako dapat 'yung unang taong nakaka-alam kung anong nangyayari sa buhay nya bukod sa pamilya niya."
"Then she should've told you what happened, right? But she didn't, so don't blame yourself. Kung alam mo naman pupuntahan mo siya 'di ba? Pero hindi mo nagawa kasi hindi mo alam."
"But..."
"Shh, no buts basta wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan, maliwang?" I slowly nodded, "Don't cry, my cry baby."
Ngumiwi ako dahil sa tinawag niya sa akin, hinampas ko ang braso niya at saka ngumiti.
He really has his own way of making me feel better and comfortable.
*****
Ipinatong ko ang dala kong mga bulaklak sa puntod nina Lolo, grandpa and grandma. Nauna na naming nadalaw ang puntod ng lola ni River dahil mas nauna 'yung madadaanan papunta dito. Pinakilala niya pa nga ako sa lola niya. And that's the sweetest thing that he ever did to me.
ALESSANDRO BARRAMEDA
CONSTANTIA MILANO-BARRAMEDA
ARTURO MILANO-BARRAMEDA
I closed my eyes and prayed in front of their grave. Pagkatapos ay umupo ako sa grass carpet, ganon din an ginawa ni River.
"Nakita mo ba si Don Arturo nung buhay pa siya?" tanong ni River habang nakatingin sa puntod ng Lolo ko.
I shook my head, "I don't know, I can't remember.?"
"Seriously?"
"Seriously."
"Mayron ka bang background ng amnesia or what?"
Kumunot ang noo ko, "Wala. Bakit mo natanong?"
Hindi siya sumagot nakatitig lang siya sa'kin pero hindi nagtagal ay umiling siya.
"Nothing. Maybe hindi mo maalala kasi bata ka pa."
"Huh?"
"You already saw Don Arturo when we were a kid. Actually, the two of you are close."
I was stunned, "What? Impossible, bakit wala kaming picture na magkasama ni Lolo?"
"What do you mean by that?"
"Sa mansion kasi puro kaming dalawa lang nina Mamita ang mag kasama sa pictures tapos ang mga pictures ni Lolo Arturo ay puro silang dalawa ni Mamita o di kaya solo picture. Wala din namang nakwekwento sina Mama about sa childhood ko."
Tumango siya. Tumagilid ang ulo niya na parang malalim ang iniisip. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nagfocus ako sa langit na kulay orange na dahil malapit nang maggabi. Kasabay nito ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Lumingon ako kay River na kasalukuyan ding nakatingin sa akin.
Sa bawat araw na magkasama kaming dalawa, mas lalong hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa kaniya ng bongang-bonga. At gusto kong iparamdam sa kaniya 'yun.