KITY'S POINT OF VIEW
Tiningnan ko lang ang phone ko na kanina pa tumutunog. Hinding-hindi ko 'yan sasagutin dahil hindi ako marupok. Tsk. Bakit hindi niya tawagan ang Yolan niya? Yun sure akong isang ring pa lang sasagutin na agad tawag niya.
Alas-nuebe na ng gabi at halos isang oras nang paulit-ulit na tumunog ang phone ko dahil sa kakatawag ni River. Pabagsak kong nilapag ang ballpen ko sa ibabaw ng notebook ko at saka nilagay ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Pinatay mo na rin 'to.
Hindi ko matapos-tapos 'tong ginagawa ko dahil na-didistract ako. Huminga ako nang malalim at saka itinuloy ang ginagawa ko. Nag-focus akong pag aralan ang itinuro kanina ni Dra. Dy dahil wala talaga akong naintindihan.
Kumunot ang noo ko nang may marinig akong mahinang kaluskos at may napansin ako sa peripheral vision ko na isang anino. Biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko.
No please, I hate ghosts!
May narinig na naman akong kaluskos kaya tumayo ako para hanapin kung saan nagmumula 'yon. Kumuha ako ng isang unan at hinawakan ito ng mahigpit para may panghampas ako kung sakali. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil baka multo 'yan. Muli na namang may kumaluskos sa pangatlong pagkakataon pero ngayon ay alam ko na kung saan nagmumula 'yun.
"W-who's there?" kinakabahang tanong ko at saka dahan-dahang naglakad patungo sa may terrace.
Hinawi ko ng kaunti ang kurtina at saka sumilip ng kaunti sa glass wall pero wala akong nakita na kahit anong kakaiba doon. Mas lalo tuloy akong nanginig dahil sa pinaghalong kaba at takot.
November na bukas kaya hindi imposibleng multo nga 'yong nagpaparamdam sa akin ngayon. Shit! Hindi kaya nagpaparamdam na sa'kin sina Lolo Arturo, Grandma Constantia pati na rin si Grandpa Alessandro?
Alam kong hindi ko pa sila nakikita in person pero mas ayaw ko namang makita sila in ghost form.
Naglakas loob akong buksan ang glass door ng terrace ko. Nakaka isang hakbang pa lang ako nang biglang may humila sa kanang braso ko kasabay nun ay ang pagtakip sa bibig ko.
Dagliang nangilid ang luha ko dahil sa takot habang patuloy akong nagpupumiglas at umiiling. For Pete's sake pati ba naman mga kidnapper nakakapasok pa rin private property?!
Biglang may nag flash na memory sa utak ko na mas lalong nagpadagdag ng takot sa dibdib ko. Para akong kinakapos ng hininga habang nagpupumiglas sa lalaking nakahawak sa akin.
Hindi ko maaninag ang muka niya dahil nakasuot siya ng itim na hoodie jacket. Nakatalikod siya sa may ilaw samantalang ako naman ay nakaharap habang nakasandal sa may pasimano ng terrace. Kaya mas nahirapan pa akong makita ang muka niya.
"Kiely, shh."
Napatigil ako sa pagpupumiglas at parang biglang umurong ang dila ko dahil sa pamilyar na baritong boses na 'yun. Isang tao lang ang alam kong tumatawag sa akin sa first name ko.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang hood ng jacket niya at doon ko nakumpirmang tama nga ako. Tuluyan nang bumuhos nag luha ko at paulit-ulit siyang hinampas sa dibdib niya. Wala akong pakialam kung nasasaktan na siya.
"I hate you. I hate you," paulit-ulit na bulong ko.
Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng kamay ko dahil sa naramdaman kong takot. Akala ko kung sino na. Mas gugustuhin ko pang sina Grandpa at Grandma na lang sa akin ang magpakita kaysa naman sa masamang loob.
Niyakap ako ni River at saka paulit-ulit na himingi ng tawad. Hinagod niya ang likod ko at paulit-ulit na hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. Siguro kung nasa ibang sitwasiyon kami ay kikiligin pa 'ko dahil sa mga gestures niya ngayon pero hindi ko magawa dahil sa naramdaman kong pinaghalong kaba at takot kanina.
"I'm sorry baby. Please forgive me, I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit na bulong niya.
Nang kumalma na 'ko ay ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap niya. Pareho kaming binalot nang katahimikan bago ko napagdesisyunang basagin ito.
"What are you doing here?" I flatly asked.
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang tahimik na nakatingin sa akin at tinatansiya ako.
I looked at him with my emotionless eyes, "I'm asking you River. What are you doing here?"
"Look Kiely, I'm sorry I didn't mean to scare you," he explained.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ang sabi ko anong ginagawa mo dito?" paos na tanong ko ulit.
He took a deep breath, "I came here because I'm worried about you. Hindi ka kasi nag rereply sa mga text ko tapos hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. You even turned off your phone. You said you wouldn't avoid me right? Pero bakit iba ang pinapakita mo ngayon?"
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Sasabihin ko ba sa kaniyang ginawa ko lang 'yon dahil nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Yolan? Pero ayaw ko namang magmukang kontrabida dahil una sa lahat wala akong karapatan.
Hinawakan niya ang baba ko para magtama ang paningin naming dalawa. Bakas ang lungkot sa mga mata niya.
"Please don't do this to me, Kiely. You're driving me insane damn it!"
Napalunok ako, "H-hindi kita iniiwasan," liar.
"Then what?" hindi na naman ako nakasagot, "See? Tama ako 'di ba?"
"Pumunta ka ba dito para sabihin sa akin ang mga 'yan?" inis na turan ko, "Ano naman ngayon kung iniiwasan kita ha? Bakit ka pa ba pumunta dito? Bakit hindi ka na lang pumunta doon kay Yolan tutal mukang mas gusto mo naman siya, pinapayungan mo pa nga 'di ba?"
"What? What are you talking about? Anong pinapayungan–," natigilan siya.
Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo niya at saka bigla na lang siyang tumawa ng malakas.
"Hoy! Wag ka ngang maingay! Bakit ka ba tumatawa?!" kulang na lang ay takpan ko ang bibig niya para talagang tumigil na siya sa pagtawa niya. Baka marinig kami nina Kuya at baka kung ano pang isipin nang mga 'yun.
Sunod-sunod siyang umiling habang nakarihistro pa rin sa labi niya ang malawak na ngiti.
"You saw us haven't you?" he asked, smirking, "Tell me, are you jealous?"
Naramdaman kong nag-init ang muka ko dahil sa tanong niya.
"Hindi ako nagseselos!" I denied.
"Alam mo ba kung bakit kami magkasama kanina?" he asked. Hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko.
Malamang hindi!
"Miss Chua ordered us to pick up the book she had left in her faculty room. Yolan and I are not the only ones. There are others who have preceded us. And about the umbrella that you saw, pinilit niya akong payungan siya dahil may sugat daw siya sa kamay. So, if you're jealous, I'll explain just don't avoid me or my calls and texts again because I don't know what to do anymore if this will happen again."
I took a deep breath, "Hindi mo naman kailangan mag paliwanag."
"But I want to. I want to be honest with you because I want to prove that all the things that I've said yesterday are true. I don't want you to doubt me. I want you to believe that I like you, Kiely, I really like you. So please trust me," he pleaded.
Nawala ang pangangamba at pagdududa sa dibdib ko dahil nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya. 'Word can lie, but eyes can't' ika nga. Napatunayan ko na talagang gusto niya 'ko. Alam kong may posibilidad na masaktan ako dahil kinokonsedera ko ang mga sinasabi niya pero kung talagang gusto niya ko hindi niya naman hahayaang masaktan ako ng dahil sa kaniya 'di ba?
Gaya nga ng laging sinabi ni Maya, I shall enjoy this feeling because not all people have an opportunity to also like back the people they like, like her.
"I trust you," I sincerely muttered.
That's true, I trust him, and I hope he trusts me too.
He grinned. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hawakan ang dalawang pisngi ko at saka hinalikan ang labi ko. It was just a peck, but it had a devastating effect on me.
"Can I court you?"
One sentence with four words and twelve letters. This word of him causes shivers down to my spine. Ito na ba ang sinasabi ko? Ayaw niya bang makalbo kaya niya tinatanong sa akin 'to?
"W-why?" I asked stammering.
"It's because I want you to be mine in process. I want to get your sweet yes and I want to prove to you that I deserve your love. Do you get it?" he said.
"What if I don't want to?" pagsusubok ko sa kaniya.
Nawala ang liwanag sa mga mata niya, "Damn it! Are you rejecting me?" he cursed.
I chuckled, "Just kidding."
Nakahinga siya ng maluwag, "Does that mean you're letting me to court you?" he asked, amused.
I smiled and nodded, "Yes but..."
"But?"
Sumeryoso ang muka ko, "Bakit dito ka umakyat? Bakit hindi ka pumasok ng maayos? Alam mo bang muntik na 'kong mamatay ng maaga dahil sa ginawa mo? At pwedeng-pwede kitang bastedin kapag inulit mo pa 'to."
Nilagay niya ang kamay niya sa batok niya, "About that I'm sorry I didn't mean to scare you, I swear. I thought that when I let you know that I was here you wouldn't come down or show up. Kaya ako na lang ang gumawa ng paraan para siguradong makakausap kita."
"At ito ang paraang naisip mo?" sarkastikang tanong ko. I crossed my arms over my chest.
"Yeah."
"At pano mo naman ipapaliwanag 'yang suot mo? Anong arte yan? Akala ko talaga mag-nanakaw ka na or what."
"Well, I wore this because your family or even your guard doesn't know that I was here. Ikaw lang ang nakaka alam na nandito ako ngayon."
"Ano?!" bulalas ko, "Letche ka bakit mo ginawa 'yun?"
"Ayaw kong makaabala."
Minasahe ko ang sintido ko dahil sa kunsomisyon. Jusko, River Noah Piencenaves bakit ba kahit madalas kang sakit sa ulo ay hindi pa rin nawawala 'tong nararamdaman ko para sa'yo.
Hindi na siya masyadong nagtagal doon dahil may pasok pa kami bukas. Sinabi niya sa akin na susunduin niya ako at ihahatid bukas. At ako naman syempre pigil kilig dahil baka masyadong lumaki ang ulo nito.
Hindi ako makapaniwala na tinalon niya lang mula dito sa terrace ng kwarto ko hanggang sa baba. Parang siyang magnanakaw na tumatakas dahil sobrang tahimik niya talagang kumilos. Hindi pa siya masyadong kita dahil nakaitim siya.
Napatuwid ako ng tayo nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Inayos ko ang sarili ko at saka binuksan ang pinto na parang walang nangyari.
It was Kuya Kendrick. Nakasuot pa siya ng white t-shirt sa ilalim ng black lether jacket niya. Ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng suot niyang maong pants.
"Ano 'yun Kuya?"
He peeked inside my room, "May kasama ka ba diyan sis?"
I shook my head, "Wala. I'm alone here. Why?"
Tinitigan niya ako na para bang tinatantiya niya kung nagsasabi ako ng totoo pero hindi nagtagal ay uiling rin siya.
"Nothing is just that I can hear you as if you were talking to someone. Siguro pagod lang ako."
"You should rest too, Kuya. Don't think about work, think about yourself too. Sure naman akong makakapasa ka diyan sa OJT nyo kasi alam kong gusto mo 'yang ginagawa mo."
Kuya Kendrick chuckled, "Look who's talking ang baby namin dalaga na," he teased.
"Kuya I'm not a baby anymore!" May manliligaw na nga ako e.
"Yeah alright, may lovelife ka na nga eh. Anyway, thanks sis I'll go ahead magpapahinga na 'ko. Good night baby Kiely."
"Kuya!"
"Alright, I'm just kidding."
Nang tuluyan na siyang umalis papunta sa kwarto niya ay tsaka naman ako bumalik sa may terrace para isara ang glass door. Maging ang kurtina ay inayos ko sa pagkakaharang. Natigilan ako ng maalala ang huling sinabi ni Kuya Kendrick.
"Alam kaya ni Kuya na may nagugustuhan na 'ko?" tanong ko sa sarili ko.
Kinagat ko ang kuko ko at saka umupo sa kama ko. Hindi naman siguro sila magagalit kung may magustuhan ako 'di ba? Tsaka hindi naman siguro nila gigisahin si River kapag nalaman nilang nililigawan ako nito right?
Huminga ako nang malalim at saka ko niligpit ang mga gamit ko sa study table ko. Pagkatapos ay nag half-bath ako. Para akong tanga na ngingiti-ngiti habang naglalagay ng facial mask sa muka ko dahil parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko ang lahat nang sinabi ni River kanina.
Humiga ako sa kama at saka kwenento kay Maya ang lahat ng nangyare ngayong gabi via text. At ang bruha kahit sa text ay madaldal pa rin. Well, even though Maya is like that, I am still thankful because I have a friend who is willing to listen to my rants and life stories. Kahit minsan ay walang kwenta ang mga kwenekwento ko ay handa pa rin siyang makinig.
Excited na 'ko bukas, ano kayang pwede kong gawin para mahirapan si River sa panliligaw sa'kin?