KITY'S POINT OF VIEW
Kanina pa ako kamot nang kamot ng binti ko dahil nangangati 'to. Kahit nakasuot ako ng pantalon ay pakiramdam ko parin tumatagos doon ang kati na dala nang mga talahib na nadadaanan namin.
I'm not used to this, so I just itch so quickly.
Kanina sumakay kami sa motor para makarating kami sa paanan ng Mount Isarog.
"Is this your first time hiking?" River asked. He's beside me.
I nodded, "Yeah," I answered, "Shit ang kati," I whispered.
"Can you still do it?" nag aalang tanong niya.
"Yup, hindi lang talaga ako sanay sa mga damo tsaka sa mga insektong kumakagat sa balat ko," sabi ko.
Tumigil siya at may kinalkal sa bag niya, "Here, apply it on your skin."
"What's this?" takang tanong ko at saka kinuha ito sa kaniya.
"It's an insect repellent lotion apply it on your skin, so you don't itch too much."
I smiled, "Thanks."
I applied the lotion on my arms because that's what itching from insect bites. After kong i-apply ang lotion ay ibinalik ko ito kay River.
"Feeling better?"
I nodded and smiled, "Thank you."
"You're welcome, let's get going ayun na sila oh iniwan na nila tayo," aniya at tinuro ang mga kasama namin na malayo na.
Natawa naman ako at saka mabilis kaming sumunod sa kanila. Ilang metro na lang ay mararating na namin ang itaas ng Mt. Isarog. Gamit ang camera na ipinadala ni River na kasali sa bag ko ay panay ang picture ko ng magagandang tanawin na magugustuhan ko, including him.
I secretly took a picture of River as he was seriously walking. Nanlaki pa ang mga mata ko ng bigla siyang lumingon sa gawi ko dahilan upang mapindot ko ang click botton ng camera, napapikit siya ng mag flash 'to.
"Kanina mo pa ko kinukuhanan ng litrato may bayad na 'yan sa susunod," he joked.
"A-anong ikaw, hindi naman ikaw ang pinipicturan ko. Assuming mo naman," I said defensively tumalikod ako sa kaniya dahil nakaramdam na naman ako ng hiya.
Ngumisi siya ng nakakaloko, "Okay, if you say so," he said teasingly, nauna na siyang naglakad sa akin pataas.
While walking I didn't get too close to him because I was secretly staring at the pictures of him that I took. Pakiramdam ko pwede akong maging photographer dahil ang gaganda ng mga kuha ko sa kaniya.
The photo that caught my attention was of him side view while smiling; his undercut curly hair became more distracting. Hindi ko namalayan na napatigil na pala ako sa paglalakad dahil sa kakatingin ko sa mga picture niya. Kung hindi pa ako tinawag ni River ay hindi ko pa malalaman na malayo na pala siya.
"All right, I'm going there," sigaw ko sa kaniya at sinimulan na ulit na lumakad.
Yan ba ang gustong mawala ang nararamdaman Kity?
Agad kong iwinaksi ang tanong na 'yun sa isip ko. I want to enjoy this day with River and I want to enjoy how I feel without thinking about anything and without a mixture of being in denial. Dahil alam ko sa sarili ko kung ano talagang nararamdaman ko pero pilit ko pa rin itintanggi sa isip ko kung ano talaga ang totoo.
"What are you doing there Kiely? Bakit ka tumigil? Does anything hurt to you? Can you still do it? We can rest if you want," sunod-sunod na tanong niya.
"I'm fine, River," I said.
"Are you sure?"
"Yes, tara na, ano ka ba, ang bagal mo naman," nakangiting turan ko at saka nauna nang lumakad sa kaniya paakyat.
"Slowly you might slip," paalala niya.
"Yes po, sir," I said sarcastically.
Marami kaming nadaanan na malalaking puno ginagamit namin ang mga ugat nito upang maakyat kami sa matarik na bundok na 'to. Nang sumapit ang tanghali ay nagtayo kami ng tent para makapag pahinga at kumain ng tanghalian. Kahit ang mga kasama namin ay nagtayo 'rin ng sarili nilang tent.
"Agom mo 'tong kaiba mo, ne?" lumingon ako sa ginang na nasa likod ko na sa tansiya ko ay nasa mid-40's na siya.
"Pardon?" I asked, and pointing myself. Bukod kasi sa hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay hindi ko din sure kung ako ba ang kinakusap niya.
"Kung asawa mo ba kako 'yong kasama mo? Halata kasing mahal na mahal niyo ang isa't-isa at napapansin naming alagang-alaga ka talaga niya. Kailan kayo ikinasal?"
"Naku nagkakamali po kayo-."
"Ano ka ba ineng huwag ka nang mahiya sa amin. Alam mo ba na kapag nalaman ng asawa mo na itinatanggi mo siya paniguradong magagalit siya sa iyo at mag-aaway kayong dalawa."
Yes I know that po . But he isn't my husband!
"But..."
"Kaya kung ako sayo ineng huwag na huwag mong itatanggi ang asawa mo dahil masasaktan 'yon lalo na kung ganon ka gwapo at mahal ka."
Correction, he doesn't love me, po!
"Oh nandito na pala ang mga naglibot sa gubat," aniya nang mapansing papalapit na ang mga lalaking kasama namin na naglibot sa gubat kasama na doon si River, "Sige ineng ha alagaan mo ang asawa mo kagaya ng pagaalaga niya sa'yo,"
I'm speechless. Ang tanging nagawa ko na lamang ay panoorin siyang salubungin ang mga dumating ni hindi ko man lang na defend ang sarili ko.
"Here," kumunot ang noo ko ng may iniabot si River sa akin na binalatang pumelo pagkalapit niya.
"Saan galing 'to?" tanong ko.
"Diyan lang, nahanap namin habang nalilibot sa kagubatan,"
"Balat na 'to nang makuha niyo?" nanlalaki ang matang tanong ko.
I know, that was a stupid question, pero malay mo 'di ba?
He chortled, "Silly of course not, I peeled it while we were going here."
"You did?"
He nodded.
Tinitigan ko siya. Ayan na naman siya.
Why is he acting like this? Why is he always acting like he cares? Why is he always acting like he likes me too, even though he doesn't know that I like him?
I want to ask those questions to him, but I just can't because I'm afraid... takot ako sa maaaring sabihin niya. Takot ako na baka nag a-assume lang ako.
I took a deep breath, "Thanks."
And for the first time in my life, I don't want to be an in denial queen anymore, dahil sana tama ang sabi ni Manay, sana tama 'yong nakita niya sa mga mata ni River. Sana gusto rin ako ng taong gusto ko.
*****
Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti nang nakikita ng mga mata ko ang crater ng Mt. Isarog. Kasabay ng pagpigil ko ng hininga ay ang pangingilid ng luha sa mga mata ko ng makita ko gaano ka worth it ang pagod at pangangati ko kanina.
Akala ko si River lang ang may kakayahang pabilisin ang tibok ng puso ko, ang Mt. Isarog rin pala.
Abot kamay ko na ang mga ulap kaya alam kong nakarating na kami. Sobrang berde ng mga matataas na damo at puno dito kaya hindi ko talaga mapigilan maging emosyonal dahil unang beses ko pa lang mag-hiking pero sobrang ganda ng kinalabasan.
"Hey, why are you crying are you okay?" River worriedly asked.
I didn't speak. Instead, I hugged him tight. I could feel that he was stunned because of what I did.
"Thank you," I emotionally whispered while hugging him, "I didn't expect it this to be so beautiful, so thank you because this is my first time hiking and you made it immediately memorable."
He gently hugged me back, "I'm glad that I made you happy, Kiely."
Agad akong kumalas ng pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ang butil ng luha sa mata ko gamit ang likod ng palad ko at muling tinuon ang pansin sa paligid. Nakaramdam ako ng kaunting awkwardness kaya kumalas ako.
"After this, are we going home?" tanong ko sa kaniya habang binubusog ang mga mata ko sa ganda ng tanawin.
"Not yet," daglian akong napalingon sa kaniya.
"Really?"
"Yeah, didn't I tell you earlier that we will go somewhere after this?"
I nodded, yes I remember.
"Saan naman?"
"We were staying here until tomorrow bababa tayo mamaya at babalik tayo sa Mount Isarog National Park then tomorrow we were going in Malabsay Falls, a popular falls here," he explained.
Bawat pagbuka at pagsara ng bibig niya ay talaga namang tinititigan ko. Ewan ko ba, nababaliw na siguro ako.
"Pero hindi ako nagpaalam kay Mamita."
"I already did, ipinaalam na kita kahapon kay Donya Asuncion, no'ng una syempre ayaw niyang pumayag, but I promise her that I will take care of you."
Biglang may kumurot sa puso ko. Pilit akong ngumiti at nagiwas ng tingin. So, he's acting like this because he promised Mamita that he would take care of me, yeah right. Akala ko pa naman kaya siya ganito sa akin at inalok niya ako na lumabas kami dahil akala ko, akala ko lang naman na may gusto siya sa akin.
'Yan Kiely assume pa.
Hindi ako nagsalita, tumitig lang ako sa magandang natawin sa baba. It's already 2:34 nang hapon kaya medyo masakit pa ang araw sa balat.
"Kiely," River called me gently.
"What?" napapikit ako dahil sa tumamang flash sa muka ko na nagmumula sa camera niya, "Hoy, burahin mo 'yan ang panget ko diyan."
Lumayo siya habang nakangiting nakatingin sa camera niya. Gusto ko sana siyang habulin para agawin sa kaniya ng hawak niya kaso hindi ko magawa dahil maaari akong mahulog o madulas pababa.
"You look cute here, baby," he said.
Natigilan na naman ako. My heart beat fast again because of his words. He keeps on calling me baby, and I like it!
Nagpanggap ako na hindi apektado sa itinawag niya sa akin.
"Cute mo muka mo. Kung kukuhanan mo 'ko ng picture dapat naman 'yung ready ako," maktol ko.
"Fine, okay ready."
"Wait," pigil ko sa kaniya. Kumunot naman ako noo niya.
"Why?" he asked.
"Ibaba ko lang 'tong bag ko."
Inilagay ko malapit sa kaniya ang bag ko at saka humanap ng magandang angulo. Sinulit ko na ang oras namin sa taas bago kami bumababa. Kinuhanan ko din ng picture si River para naman may remembrance siya. Nagpasuyo pa si River sa isang guide na picturan kaming dalawa nang magkasaama.
"Usog-usog ho kayo ng kaunti Sir sa asawa niyo para ho hindi against the light masyado," ani ng guide, umusog naman si River.
"Hindi po kami mag-asaw-," I was about to clear our names, but River shh me. I glared at him because of that.
"Ito na ho, Sir," iniabot pabalik ng guide ang camera ni River.
Nagpasalamat kami sa kaniya. Hindi nagtagal ay sinabihan na kami ng guide na bababa na kami dahil malapit nang maggabi. Delekado pa naman daw sa gubat kapag gabi dahil naglalabasan ang mababagis na hayop kagaya na lamang ng ahas na pinakakinatatakutan ko.
Ngumiwi ako dahil muntik na akong matisod sa malaking ugat na nadadaanan namin mabuti na lamang at nakawak ako sa braso ni River.
"Be careful, masakit na ba ang paa mo?"
"No, I'm okay. Medyo nabibigatan lang ako sa bag ko," ani ko.
"Then i will take your bag," he offered. Sunod-sunod naman akong umiling.
"Ako na kaya ko pa naman, 'di ba malapit na rin naman tayong makababa?"
"Yeah, pero ayaw kong nahihirapan ka , so let me."
Gusto ko sanang tumanggi ulit kaso kinuha niya na sa akin ang bag ko. Habang nilalagay niya sa isang balikat niya ang bag ko ay mas naging flexible ang biceps niya. He looks more muscular.
"T-talaga bang okay lang na dalhin mo 'yang mga gamit ko? Marami ka nang dala oh ayaw ko namang maging pabigat," sabi ko.
He has his own things that he has to carry on and I have mine.
"I'm good, I told you, ayaw kitang mapagod."
Hindi na lang ako nagsalita. Nang makarating kami sa baba ay madilim na nakaabang na doon ang mga motor na maghahatid sa amin sa Mount Isarog National Park.
Bandang mga alas-sais y media ay nakarating na kami doon. Sinabi ni River na nagpabook daw siya sa isang pinaka malapit na hotel para doon kami magpalipas ng gabi babalik na lang daw kami dito bukas ng umaga. Sumakay kami nang sasakyan niya papunta sa hotel.
Mabilis kaming nakarating doon dahil wala namang traffic dito unlike sa Manila. Nasa iisang room lang kami pero may dalawang sleeping accommodation naman na ipinagpapasalamat ko.
"They're fully book and I respect your privacy," he answered nang tanungin ko siya kung bakit 'yon ang napili niyang room kaysa sa bukod kaming dalawa.
Tumango naman ako. Nang makarating kami sa hotel room naming dalawa ay agad niyang ipinasok ang mga gamit namin. Pumasok kami sa kaniya-kaniya naming kwarto at nagpahinga. Naligo ako dahil pakiramdam ko sobrang lagkit nang katawan ko dahil sa mga pawis na natamo ko kanina habang nag hahiking.
Effective 'yung ibinigay sa akin ni River na lotion kanina dahil wala man lang bakas ng insect bites sa braso ko. Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ko ay kinatok ako ni River sa kwarto ko at inayang bumababa para mag dinner.
Isang simpleng fast food chain lang ang meron sa hotel. Puro mga bicolano foods lang ang nasa menu nila kaya naexcite ako. I haven't tasted this kind of food yet, so these foods are exotic to me.
After naming kumain ay bumalik na agad kami sa room namin nagkwentuhan muna kami ni River sa sala at saka namin nagpagdesisyunang magsipasok na sa kaniya-kaniya naming kwarto para magpahinga na dahil sobrang pagod kami sa buong maghapon.
"Good night Kiely," River said gently.
"Good night River. Sleep well."