KITY'S POINT OF VIEW
I'd make sure that all my things and clothes are ready inside my bag. Natutuwa ako dahil naglagay si Margarita ng swimsuit sa bag ko. At dahil diyan bibigyan ko talaga siya ng early salary.
Sure naman ako na magswiswimming kami dahil sabi ni River ay pupunta kami sa Malabsay falls, right? Nahirapan pa nga akong matulog kagabi dahil excited akong mag swimming kaya ang ending alas-nueve na ko nagising. Sobrang tagal na kasi no'ng huli kaming mag swimming nina Mama dahil mas naag-focus kami sa studies namin.
Tiningnan ko muna sa salamin ang itsura ko bago ako lumabas ng kwarto. Sigurado akong kanina pa ako hinihintay ni River sa labas. Naabutan ko siya sa may sala na nakaupo sa sofa habang abala sa phone niya.
Nang mamataan niya akong lumabas ay nag-angat siya ng tingin at ngumiti, itinago niya ang phone niya sa suot niyang cargo shorts at saka tumayo.
"Are you ready?" he asked, and I nodded, "Let's go?"
"Tara."
Sabay kaming lumabas ng room. Ni-lock niya ito dahil may mga gamit pa kami sa loob. Pagkababa ng sinasakyan naming elevator sa lobby ay agad kaming sumakay sa nakaparada niyang kotse sa harap ng hotel.
"Nandiyan na ba lahat ng mga kailangan mo?" River asked while driving.
"Oo, dinouble check ko pa para sigurado," tugon ko.
"Good. Mamayang hapon uuwi na tayo kaya sulitin na natin 'to dahil regular class na naman tayo," aniya.
I took a deep breath, "Oo nga eh."
Nakarating kami sa Mount Isarog National park ng bandang 10:28am. May mangilan-ngilan nang tao doon. Kinausap sandali ni River ang maghahatid sa amin sa Falls. Hindi nagtagal ay inihatid na nga kami ng isang staff sa Malabsay Falls.
Napakalawak ng ngiti ko habang nakatingin sa napakaganda at napakalinaw na tubig na bumabagsak mula sa itaas. May mga malalaking bato sa may gilid. Karamihan sa mga ito ay may mga lumot.
"Wow!" bulalas ko.
I like it here.
"Do you like it?"
"Yeah," I said. Kumunot ng noo ko nang mapansing kaming dalawa lang ang nandito sa buong lugar, "Bakit tayo lang ang nandito? Wala bang ibang tourist?"
"Nah, I rent the whole place," he said. Bumababa siya sa hagdan pababa sa tubig.
"Ano? Seryoso ka ba?" nanlalaki ang matang turan ko.
"Yes. Don't ask. Bumababa ka na dito sayang ang bayad natin," sabi niya.
Hinubad ko ang suot kong dress at chelsea boots bago ako bumababa na rin dala ang camera ko. Buti na lang may lalagyan ng gamit dito para hindi mabasa. I am only wearing my yellow two piece swimsuit right now.
Napa-oh ang bibig ko nang maramdaman ko na ang malamig na tubig na tumatama sa paa ko. Mapupunay ang mga mata ni River habang inaabangan ako sa gitnang bahagi ng tubig.
Wala na siyang suot na pang-itaas kaya mas bumalandra ang malapad niyang dibdib sa harap ko at ang kaniyang walong pandisal na masarap hawakan.
What the heck, Kiely? Ano bang iniisip mo diyan? Kadiri!
Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso habang papalapit ako sa kinaroroonan niya. Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay hanggang bewang ko na ang tubig. At sa kaniya naman hanggang puson niya pa lang.
"You look sexy Kiely," he said huskily that sent a shiver down to my spine.
"Um, you too," naiilang na turan ko.
Kumunot ang noo ko nang marinig ko siyang sunod-sunod na nagmura at saka bigla na lang nawala sa harap ko dahil bigla na lang siyang sumisid sa ilalim ng tubig.
Tumagid ang ulo ko, "Anong nangyare do'n?" I asked to myself.
Hindi ko na lang siya pinansin. Nakasabit sa leeg ko ang waterproof kong camera at saka ako sumisid sa ilalim ng tubig. Kagaya ng ginawa ko kahapon nang umakyat kami sa Mt. Isarog, kinuhanan ko ng litrato ang mgaa magagandang angulo dito sa Malabsay falls.
Lumapit ako sa kay River na ngayon ay nakaupo na sa malaking bato habang nakalaylay ang paa niya sa tubig at ang dalawang kamay niya niya ang nakatukod sa bato.
"Ayaw mo nang maligo?" tanong ko. Pinusan ko ang muka ko gamit ang palad ko.
"Gusto, hinihintay ko lang ang inorder kong pagkain para sa lunch natin," he said, "Are you enjoying?"
"Oo naman! Enjoy na enjoy!" masayang sabi ko. Para akong bata na nabilhan ang manika dahil sa reaksiyon ko.
"Good."
Natahimik kaming dalawa pagkatapos nun pero agad ko rin itong binasag.
"River..."
"Hmm?"
"Thank you," I said sincerely.
He looked at me, "For what?"
"For everything," namula ako dahil sa sinabi ko, "Dahil simula nang dumating ako dito lagi mo na lang akong pinapasaya kahit hindi ko naman hinihingi sayo. At dahil sayo mas naenjoy ko ang pag-stay ko dito sa Bicol. Tsaka lagi mo na lang pinaparamdam sa akin na espesyal ako."
Please, don't ruin the moment...
"Because you are," natigilan ako, may kakaibang emosyon ngayon sa mga mata niya kaya bumilis na naman ang tibok ng puso ko, "You are special to me Kiely. So I'm doing everything to make you feel special and I glad that I made it."
Parang bigla akong nawalan ng hangin dahil sa sinabi niya. Bumababa siya ng bato at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Gusto kong umatras pero hindi ko magawa dahil nasa tubig kami. Sa isang iglap lang ay nakatayo na siya sa harap ko.
I tried to act normal and not be affected by his presence. Pero ang totoo gusto ko na lang ilubog ang sarili ko sa ilalim ng tubig dahil sa kaba.
"W-what do you mean by that?" I nervously asked, but he didn't answer my question.
Pumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"You know what Kiely? I thought I will never see you again after that night, but when I saw you again inside your car together with your family? Muling bumalik ang alaala ko no'ng gabing iniligtas kita sa loob ng kubong nasusunog."
Mas lalong sumibol ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinasabi niya. What is he talking about?
"A-ano bang sinasabi mo diyan?"
"I know you don't remember that night because you lost consciousness, but I clearly still remember how you asked for help while the hut you were in was burning."
I slowly shook my head, "I don't know what you are talking about River."
He took a deep breath, "I know."
Muli na namang nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Parang sirang plaka iyon na paulit-ulit sa utak ko. Isa itong palaisipan sa parte ko dahil wala akong maalala sa mga sinasabi niya.
"Kiely please don't be mad at me for doing this."
"Bakit ano bang-."
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang hinila ni River ang braso ko at sa naramdaman ko na lang ang malambot na bagay sa labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw dahil sa gulat sa pangyayare. Nakapalibot sa bewang ko ang isang braso niya at ang isa naman ay nakahawak parin sa braso ko. Nanlambot ang mga tuhod ko nang maramdaman kong biglang gumalaw ang labi niya na nasa labi ko, his eyes were closed as he kissed me gently. Namalayan ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa mga halik niya.
I close my eyes and kiss him back passionately. I put my arms around his nape and kissed him with all my love. Para akong nilulunod ng mga halik niya at hindi ko alam kung paano ako makakaahon. Bahala na kung anong mangyayare mamaya basta sa mga oras na 'to ang alam ko lang ay hulog na hulog na ako sa kaniya. Sa isang River Noah Piencenaves, ang nag-iisang lalaking nagparamdam sa akin ng ganito.
Tumigil kami para kumuha ng hangin. Ipinagdikit naming dalawa ang noo namin sa isa't-isa at parehas nag hahabol ng hininga. My eyes were still closed as I gasped for breath.
"Kiely..."
"Y-yeah?"
"What if I tell you I like you? What will you answer?"
I literally stopped breathing because of what he said. Nagkabuhol-buhol ang laman ng utak ko at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napuno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, ang tanging naririnig lang namin ay ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas.
I didn't know what to say, so I just kept quiet. Kasabay nito ay ang pagwawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko.
He cleared his throat, "Don't answer if you can't, I understand," basag niya sa katahimikan.
I wanted to tell him that I liked him too, but instead, I answered, "I don't know."
He moved away from me a little, but his arms were still around my waist. Parang ayaw ko nang lumayo sa kaniya ngayon. Gusto ko na lang na lagi kaming ganito ka lapit sa isa't-isa.
"Baby look at me..."
Hindi ako sumunod. He lifted my chin using his finger, so that our eyes could meet Mapupungay ang mga mata niya habang tinititigan ang mga mata ko.
"Kiely, I like you," he sincerely said.
I swallowed the lump in my throat.
"W-why me? I mean there are many other girls out there who are more beautiful and smart than me, but why me?" I asked confused.
Tsaka akala ko gusto mo si Yolan? Pumayag ka ngang ikasal kayo kahit hindi totoo 'di ba?
He chuckled, "I don't care about appearance, Kiely. If I said I like you, I like you I don't care what else you are and never compare yourself to another woman because first of all you are different from them."
Nangapa ako ng sasabihin, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya dahil hindi pa ma-absorb ng utak ko ang lahat ng sinasabi niya.
*****
Inilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng tili na 'yon ni Maya mula sa kabilang linya.
"Ano ka ba Maya ang ingay mo! Nasa kabilang kwarto lang siya pwede ba!" saway ko sa kaniya.
Bigla na lang kasi siyang tumili pagkatapos kong ikwento kaniya lahat ng nangyare dito sa amin ni River simula kahapon nang mag hiking kami hanggang kanina sa Malabsay Falls.
Detalyado kong kwenento sa kaniya dahil para akong sasabog kanina kakaisip kaya ko tinawagan 'tong matino kong kaibigan.
"Sorry naman, kinikilig lang ako. Susmaryosep Kity thanked god after 21 years hindi ka na berhen!"
Nanlaki ang mga mata ko, "A-anong hindi berhen?! Nag-kiss lang naman kami, wala namang nangare sa amin bukod doon!"
Tumawa siya ng malakas, "Doon na rin papunta 'yun. Pasalamat ka kamo nasa tubig kayo dahil kung hindi ninang na sana ako ngayon."
"Ang dumi talaga ng isip mo kahit kalian. Tsaka sa tingin mo ba papayag akong mangyari yang iniisip mo ha?"
"Aba malay ko! Pero sa pagkaka-alam ko kasi walang nakakatangi kapag inalipin ka na ng libido mo."
"Maya!"
Tumawa na naman siya ng nakakaloko, "Biro lang 'to naman. Pero seryoso, bakit hindi mo inamin sa kaniya na gusto mo rin siya? Kasi duh, dream come true na kaya iyon, akalain mo 'yon gusto ka rin ng lalaking gusto mo tapos ganon pa ka-gwapo."
"Sa totoo lang hindi ko talaga alam. Wala akong masabi, kahit gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko rin siya hindi ko magawa dahil natatakot ako," zinipper ko ang bag ko at saka pabagsak na umupo sa kama.
Mamaya uuwi na kami kaya sinigurado kong dala ko na lahat ng gamit ko.
"Natatakot, saan?"
I took a deep breath, "Natatakot ako na baka naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya, akala niya gusto niya ako pero hindi naman talaga. Baka si Yolan talaga 'yong gusto niya at hindi ako. Nag-iingat lang ako na masaktan."
"Baliw ka talaga. Bakit ba napa-nega mo? Saan ka ba ipinaglihi ni Tita Kennedy, ha? Di ba nga sabi niya sa'yo na kapag gusto ka niya, gusto ka niya may labis pero walang kulang. Kaya mag-tiwala ka lang sa kaniya at enjoyin mo 'yang nararamdaman mo dahil first time mo 'yan, okay?"
"Pano kung saktan niya lang ako Maya?" nag-aalalang tanong ko.
"Edi congrats, first time mong mabroken kaya enjoying mo din, maliwanag?"
Grabe ang tinong kausap.
"Salamat sa advice ah, nakatulong lalo na 'yung panghuli," I said with sarcasm in my voice.
"You're welcome, dear. Lagi mong tatandan na dapat lahat ng first time ine-enjoy para memorable ha."
Huh?