KITY'S POINT OF VIEW
Today is Saturday. Hindi pa tumitilaok ang manok ay gising na 'ko. Hindi naman sa excited ako sa date kuno namin ni River, ayaw ko lang talagang paghintayin siya sa lakad namin ngayon lalo na't susunduin niya daw ako.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bewang ko habang nakangiting pinagmamasdan ang mga inihanda kong gagamitin sa ibabaw ng kama ko.
Hindi ka pa excited sa lagay na 'yan, Kity?
Parang narinig ko sa utak ko ang mapang-asar na tinig na ''yon ni Maya. Epal talaga ang babaeng 'yon. Sumimangot ako. Tumingin ako sa digital clock na nasa ibabaw ng side table ko.
"What the fuck? 5:30 pa lang?" bulalas ko.
Kanina pa 'ko sa loob ng walk-in-closet ko tapos alas singko pa lang? For Pete's sake akala ko pa naman alas-otso na dahil pakiramdam ko sobrang tagal ko sa loob ng wal-in-closet ko.
Alas-diyes pa 'ko susunduin ni River at nakakabagot naman kung tutunganga lang ako dito sa loob ng kwarto ko habang hinihintay siya. Nakakainis, bakit ba kasi ang aga kong gumising! Hindi naman talaga ako excited, e.
Walang pakundangan kong ipinusod ang buhok ko gamit ang hairclip at saka ako bumaba. I'm still wearing my sleeping garments.
Yesterday our one-week foundation day celebration in our school was ended, so it means starting on Monday we will have our regular class again. At ibig ding sabihin nun ay kailangan ko na namang magsunog ng kilay.
Pagbaba ko ay naabutan ko ang ibang kasambahay namin na abala na sa mga trabaho nila. I greeted them one-by-one and they greeted back.
Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Maaga pa kaya sure akong wala pang tao sa kusina, but I was wrong. Naabutan ko doon si Kuya Kyrus na kasalukuyang umiinom ng kape habang nakasuot ng white long sleeve na nakatupi hanggang siko ang manggas.
"Good morning, sis. Ang aga mo ngayon ah," sabi niya ng mamataan niya ako sa may pinto.
"Good morning, Kuya. Um, ano kasi aalis ako mamaya kaya maaga ako ngayon," pumunta ako sa may ref at saka nag enspeksyon do'n ng makakain ko.
Nanlumo ako ng makitang puro hilaw na gulay at karne lang ang naroon. Wala ring gatas at puro juice lang ang available. Anong klaseng ref 'to? Ang laki-laki pero walang ready to eat na pagkain. Nagugutom pa naman ako.
Sunod ko namang tiningnan ang cupboard, napangiwi ako nang makitang punong-puno ''yon ng mga cup noodles. Hindi ako mahilig sa cup noodles pero kumuha parin ako ng dalawa. Wala e, nagugutom na talaga ako.
"What time?"
"Alas-diyes," I said without looking at him.
Narinig kong napabuga siya ng iniinom niyang kape kaya agad akong napalingon sa gawi niya.
"Oh? Anyare sayo, Kuya? May mali ba sa sinabi ko?" takang tanong ko habang nilalagyan ng mainit na tubig ang cup noddles na kinuha ko.
"No. Nothing. But seriously, Sis? Alas-diyes pa ang lakad mo pero mulat na mulat na 'yang mata mo."
Sumimangot ako. Sobrang aga ko ba talaga? Hindi ko naman sinasdya na magising ako ng alas-kwatro y media, e. Sadyang 'di lang talaga ako dinapuan ulit ng antok kanina.
"Ayaw ko lang kasing paghintayin 'yong nagyaya sa akin 'no. Nakakahiya kaya!" I reasoned defensively.
"Who's with you? May nangliligaw na ba sa'yo na hindi mo sinasabi sa amin ni Kendrick?"
My eyes widened, "Wala, ah!"
"Good, but if you like someone don't hesitate to tell us. Kikilatisin namin kung mapapagka-tiwalaan ba o hindi. Understood?"
I slowly nodded, "Thanks Kuya."
"You're welcome, Sis. Anyway, I'll go ahead may pinapatapos pa sa akin si Mayor sa munisipyo," ibinaba niya ang tasa ng kape niya.
"Sige Kuya. Take care."
He kissed my checks first, before leaving the kitchen. Napangiti ako, natutuwa ako sa sinabi ni Kuya Kyrus. I know that they were just protecting me against guys because they don't want me to get hurt.
Masuwerte ako dahil may mga kapatid at pinsan ako na handang promotekta sa akin laban sa mga maaaring manakit sa akin emotionally.
Naglakad ako patungo sa sala habang hawak sa magkabilang kamay ko ang dalawang cup noodles. Nag-indian sit ako sa ibabaw ng couch, ipinatong ko sa ibabaw ng glass center table ang isang cup noodles samantalang ang isa naman ay sinumulan kong kainin gamit ang chopstick.
Muli na namang humaba ang nguso ko dahil wala akong mahanap ng magandang palabas habang paulit-ulit kong pinipindot ang channel button ng remote.
Puro mga pang-umagang news entertainment show lang naman ang nakikita ko sa TV. Una 'yong refrigerator, malaki nga pero wala namang ready-to-eat na food. Sunod naman 'tong TV, gumagana nga pero wala namang matinong palabas.
Sa halip na mag sayang ng kuryente ay pinatay ko na lang ang TV at saka inubos ang kinakain kong noodles. Pagkatapos ay lumabas ako papunta sa garden. Hindi pa mainit ang sinag ng araw dahil alas-sais pa lang naman.
Naabutan ko doon ang mga hardinero na abala sa pagdidilig ng mga halaman at pag puputol ng mga mahahabang damo.
"Marhay na aga po, Ma'am," nakangiting bati nila sa akin ng mamataan nila ako doon.
"Marhay na agad man po saindo." Magandang umaga rin po sa inyo.
Pumunta ako sa patio na madalas kong tinatambayan at saka doon nagpalipas ng oras. Napangiti ako ng maalala ko na ilang beses kong napahiya dito ang sarili ko sa harap ni River. Bawat detalye naming dalawa dito ng mag kasama ay malinaw ko pa ring naaalala hanggang ngayon.
Nitong mga nakaraang araw simula nang mag kaayos kaming dalawa ay mas madalas na kaming magkita sa school o 'di kaya ay aksidente naming nakikita ang isa't-isa at aalukin niya na ako na gumala kami.
Syempre dahil sabi ko na gusto kong mawala 'tong nararamdaman ko sa kaniya, sumasama ako. Ganon ako kabobo kaya ang ending kahit naliligo ako nakangiti ako at hindi mawala sa isip ko ang letcheng River na 'yon.
In short mas lumala pa ang pagkakagusto ko sa kaniya dahil lagi ko siyang nakakasama!
Kalahating oras lang ako tumambay sa patio dahil nababagot ako. Wearing my sleeping garments I went to the back area of the mansion where the towering coconut trees are located. Bukod kasi sa kumpanya namin sa Manila, ang isa pang negosyo ng pamilya namin ay niyogan.
We do import and export coconuts in and out of the country. Meron na rin kaming iba't-ibang food bussiess na ginagamitan ng niyog.
At first, I didn't know that Mamita had set up another business since Lolo died. Nalaman ko lang nang minsang magawi ako dito sa likod na parte ng mansion at nakita kong maraming mga puno niyog at marami ring umaakyat dito.
Kaya pala kahit may posibilidad na bumagsak ang kumpanya namin ay panatag parin si Mamita. Ni wala man lang pag-aalala o kaya pagpapanic na baka maubusan kami ng pera.
*****
Exactly 9:30am akong natapos mag-ayos ng sarili ko. Hinihintay ko na lang ngayon na dumating si River. He texted me earlier that he was on his the way na daw.
I put all my important things inside my Louis Vuitton pouch including credit cards, valid ID, cash, and my phone. I looked in the mirror one last time before I finally went downstairs.
I adjusted the hem of my French floral retro chiffon knee-length dress because it was a bit upside down. Habang pababa ako ay rinig na rinig ang tunog ng suot kong slingback heels sa glass stairs. Nagmuka tuloy akong stepmom na kontrabida sa mga palabas.
I combed my black straight hair using my finger pagkababa ko ng hagdan. Nakita ko si Margarita na nakangiti habang papalapit sa akin.
"Good morning po Ma'am Kity. Saan po ang lakad mo?"
Nangapa naman ako ng isasagot ko. Sasabihin ko ba sa kaniya na magdadate kami ni River? Pero pano ko gagawin 'yon kung alam kong gusto niya si River? Siguradong masasaktan siya kapag nalaman niya.
"Um, ano mag mamall lang ako," I said.
"Kayo lang po mag-isa?" takang tanong niya.
"Nope, actually I'm with Dave," I lied.
Sorry Dave nadamay pa kita sa pagsisinungaling ko.
"Ganon po ba Ma'am? Sige po balak ko po sana kayong samahan dahil akala ko mag-isa lang kayo. Alam ko naman pong maaasahan si Sir Dave kaya panatag po ako na magiging maayos kayo sa lakad mo."
"Thanks for your concern, Margarita."
"Wala po 'yon Ma'am sige po hihiram na muna po ako ng libro sa library niyo ibabalik ko na lang po."
I nodded, "Sure, study well Margarita."
"Opo, Ma'am"
Nang makaalis na si Margarita ay nailabas ko na ang pinipigilan kong hininga. I really know that she likes River, so I'm just this so nervous because she might get mad at me because I'm with the person she likes. Margarita is so kind to me, so I don't want to hurt her because of me.
Hindi nagtagal ay narinig kong may bumusina sa labas kasunod nito ang pagtunog ng phone ko.
From: River
Hey, I'm already outside.
I immediately type a reply.
To: River
Just wait for me in your car, don't come in.
Baka mabuko pa ako dahil ang sabi ko ay si Dave ang kasama ko pero ang totoo ay si River naman talaga. I know Margarita wasn't the only one who heard what I said. I know there are others because we are not the only ones who have an ear here.
Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat is that you judge me, even though you don't really know the truth. Kaya lang naman ako nag sinungaling kay Margarita dahil ayaw kong masaktan siya o magalit siya sa akin.
Sumakay ako sa sasakyan ni River. Pansin ko na iba ang gamit na sasakyan niya ngayon. Well, pabor sa akin 'yon para mas mukang convincing naman ang pagsisinungaling ko.
"Why did you change your car? Where is your Audi?" pang-uusisa ko nang mag simula nang umandar ang sasakyan.
"Dad borrowed my Audi because his car was in the workshop," he answered.
"Kaninong sasakyan 'to?"
"Lolo owns this car."
Tumango-tango ako, "Saan pala tayo pupunta?" tanong ko lumingon ako sa kaniya. Abala siya sa pagmamaneho.
"Secret, you'll find out later," he said while smirking.
"May pa secret-secret ka pa diyan malalaman ko rin naman e," nakasimangot na turan ko.
Hindi siya nagsalita sa halip ay hindi na mawala-wala ang ngisi na nakarehistro sa labi niya. Medyo matagal ang byahe bago tuluyang tumigil ang sasakyan sa harap ng mapunong lugar na may nakalagay na WELCOME TO MT. ISAROG NATIONAL PARK.
May kutob na 'ko kung ang gagawin namin dito pero ayaw ko pa ring isipin. I slowly looked at him with so much disbelief in my eyes.
Bumaba siya ng sasakyan at saka ako pinagbuksan ng pinto, kagaya ng lagi niyang ginagawa ay inalalayan niya ulit ang ulo ko para hindi ako mauntog.
Inayos ko ang suot kong dress dahil medyo nagusot ''yon. Nilibot ko ang mata ko sa buong lugar. Maraming mga tao ang papasok sa loob ng entrance halos lahat sila ay nakasuot ng hiking clothes. May ilan sa kanila ay may mga hawak na camera. Bumaling ako kay River.
"Anong ginagawa natin dito?" kinakabahang sabi ko.
"What do you think?" nakakalokong tanong niya.
"Umayos ka River, tinatanong kita ng maayos wag kang sumagot ng makati tatamaan ka sakin," pikon na sabi ko.
I laughed, "Calm down baby, we're here to hike," he proudly said.
I knew it!
"Are you freaking kidding me, River Noah Piencenaves? Why didn't you tell me right away? Edi sana nakapagsuot man lang ako ng mas maayos na damit! Look what I wore; this isn't appropriate for hiking for Pete's sake! Pinaglalaruan mo ba 'ko ha?" tumalikod ako sa kaniya at naglakadd pabalik sa sasakyan niya. Wala akong pakealam kung mag-away na naman kami dahil sa attitude ko basta naiinis ako sa kaniya.
Baliw ba siya? Papaakyatin niya ako sa bundok ng ganito ang suot ko? Kung ipukpok ko kaya sa kaniya 'tong takong ng suot kong heels! Ang ineexpect kong date namin ay sa mall kaya ganito ang sinuot ko, hindi ko naman alam na dito niya pala ako dadalhin.
I haven't experienced hiking yet because I really don't like the provinces and mountains kaya ganito na lang ako mag react. I found them unattractive to my eyes at first, but when I came here I learned to appreciate the beauty of nature.
"Wait, Kiely!" pigil niya sa akin. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama.
Amusement was visible in his eyes. Letche siya natutuwa ba siya nagagalit ako.
"Ano na naman? Pagpipilitan mo pa rin ba na umakyat ako diyan? Umakyat ka mag-isa mo bahala ka sa buhay mo! Uuwi na ako." akma kong bubuksan ang pinto ng sasakyan niya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Is your concern was just what you're wearing?" he asked.
I glared at him, "Malamang!"
"Don't worry about it. I did something about that," he said, and let go of my hand.
I frowned, "What do you mean?" medyo kumalma ako dahil sa sinabi niya.
"Follow me," he said, so I did.
Binuksan niya ang compartment ng Range Rover niya. Bumungad sa amin ang dalawang malaking backpack at isang hindi kalakihang hand bag.
"You did this?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, since I didn't tell you where we were going, I expected you to wear like that, so I asked Margarita to help me get your undergarments. Don't worry Margarita packed your things not me, so I didn't see anything," he said. He even put his right hand up.
Naramdaman kong namula ang muka ko dahil sa sinabi niya.
"Ano kamo si Margarita?" pag-uulit ko.
He nodded.
So she knew where we were going, but she hadn't told me anything earlier. Wala rin palang saysay ang pagsisinungaling ko sa kaniya kanina. Alam niyang kasama ko si River pero hindi man lang siya galit sa akin? Anong ibig sabihin non? Hindi niya talaga gusto si River?
"Di ba mag hahiking lang naman tayo bakit kailangan ko pa ng undergarments?" kahit nahihiya ay tinanong ko pa rin.
I saw that his ear was reddened, "Um, actually we will go somewhere else after we go hiking."
"Ha? Saan?"
"I'll tell you later, we have to go inside and get dressed because those who will be with us to climb Mt. Isarog will leave soon."
"Fine!"
Agad kaming pumasok sa loob. Pagkatapos ay nagbihis kami bago sumabay sa mga makakasama namin na nakahanda na sa pagakyat. Si River ang my kawak ng maliit na hand bag na may lamang pagkain naming dalawa dahil puro damit lang ang laman nitong mga backpack namin.
Sana sa pag-akyat namin wala kaming makitang ahas. Dahil kapag may ahas dito ipapatuklaw ko talaga si River dahil siya ang nagplano nito.