KITY'S POINT OF VIEW
Dinaig ko pa ang nakasinghot ng limang gramo ng droga dahil sa sobrang sabog ko ngayong umaga. Halos maubos ko na nga ang concealer ko dahil sa sobrang dami ng nilagay ko sa ilalim ng mata ko para maitago lang ang maitim kong eyebag.
Alas-kwatro ng madaling araw na kasi ako nakatulog kanina sa kakaisip kung pano ko pipigilan ang nararamdaman ko para kay River. I promise to myself kasi na mag-aaral lang ako dito at hindi gagawa ng kung ano-ano.
Nagsuot pa ko ng sunglass para hindi masyadong halata ang eyebags ko. Mabuti na lang talaga walang pasok at mag babantay lang ako ng booth namin.
"Are you sure that you are okay, Kiely? You look sick," nag-aalalang sabi ni River habang nagmamaneho.
Gusto kong sabihin sa kaniya na siya ang dahilan kung bakit ako na puyat pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung hindi sana siya tumawag kagabi at hindi niya ako kinantahan para makatulog ako, hindi ko sana marerealize na gusto ko siya. Letche sya!
"I'm really okay. Don't worry about me," pilit na ngiting sagot ko at hinigpitan ang hawak sa seatbelt. Kanina pa ko kinakabahan simula nang sunduin niya ako sa bahay.
Tumango siya pero bakas pa rin sa muka niya na hindi siya naniniwala sa sagot ko. Hindi ko na lang siya pinansin, itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa labas ng bintana.
Hindi nagtagal ay hininto ni River ang sasakyan niya sa parking lot. Nauna siyang lumabas ng sasakyan at saka ako pinagbuksan ng pinto, nilagay pa niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko para hindi ako mauntog sa may itaas ng pinto ng sasakyan.
"Thanks," I said without looking at him because I could feel my cheeks heat up.
"Ihahatid na kita sa booth niyo."
Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon.
No, hindi ako papayag. Kung gusto kong mabilis na mawala 'tong nararamdaman ko sa kaniya, kailangan kong dumistansiya sa kaniya! Kaya kong mag-isang pumunta sa booth namin.
I turned to him. Napalunok ako ng maabutan ko siyang kasalukuyang sinusuklay ang kulot niyang buhok gamit ang kamay niya. Hindi ko mapigilang madako ang paningin sa biceps niya na humahapit sa manggas ng puting t-shirt niya kapag itinataas niya ito.
"Hey, you okay?" he worriedly asked.
"Ha? Oo okay lang ako, ano nga ulit 'yong tanong mo?"
"Sabi ko ihahatid na kita sa booth niyo, okay lang ba?"
"Oo naman!" sagot ko agad.
Halos sabunutan ko ang sarili ko dahil sa naging sagot ko sa kaniya.
Akala ko ba hindi ka papayag dahil kailangan mong dumistansiya sa kaniya, Kiely? Anong nangyare?!
Hindi ako mapakali habang naglalakad kami patungo sa soccer field, naiilang kasi ako dahil inaalalayan ako ni River habang patungo kami roon. Para akong buntis na iniingatan ng asawa niya.
Wait, what am I talking about?
Nang makarating kami sa harap ng booth ay hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtataka at panunuksong tingin ng mga kaklase ko doon. I faced River.
"Salamat sa paghatid sa akin River. Sorry sa abala sige makaka-alis ka na," pangtataboy ko sa kaniya, kulang na lang itulak ko siya para umalis siya.
Kapag kasi nagtagal pa siya dito baka magkaroon pa kaming dalawa nang issue tsaka baka dahilan pa 'yon para hindi ako patahimikin ni Yolan.
"Don't worry about it, hindi ka abala," he said, "I'll go ahead. See you later."
"S-sige."
Nang malayo na siya sa paningin ko ay inilabas ko na ang kanina ko pa pinipigilang hininga. Para akong sino-suffocate ng prisensya niya.
"Ikaw Kity ah, sabi mo hindi kayo close," mapanuksong bungad ni Niomi.
"Hindi nga," naiilang na sagot ko.
"Pero bakit parang mag jowa kayong dalawa kanina. Alam mo bang mas bagay kayong tingnan ni River na magkasama kaysa sa kanilang dalawa ni Yolan."
"Talaga?"
Bakit ba ako natutuwa sa mga sinasabi ni Niomi ngayon, dapat mainis ako dahil hindi ko gusto itong nararamdamn ko.
"Oo naman tsaka mas mabait ka kaya sa bruhilda na 'yon kaya mas bagay talaga kayo ni River, aminin mo nga sa akin kayo na 'no?"
"Ano bang sinasabi mo diyan? Hindi pa 'no," I said.
"Hindi pa? So, may chance maging kayo? Ikaw ah."
"No of course not, I mean hindi kami at hindi magiging kami tapos ang usapan," tarantang sabi ko.
"Sus, halata naman na gusto ninyo ang isa't-isa e, parehas lang kayong in denial."
Correction, ako lang ang may gusto sa kaniya, siya wala.
Hindi ko na siya pinansin kahit panay pa rin ang asar niya sa akin tungkol kay River. Sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng mga upuan ay napansin kong hindi ko pa nakikita si Olivia simula kanina. Usually kasi pag-dating ko ay nandito na siya at sasalubungin ako ng chismis pero ngayon ay hindi ko pa siya nakikita.
"Nasan si Olivia, Ruby?"
"Hindi ba sinabi sa'yo ni Olivia?" takang tanong niya.
"Ang ang alin?" tanong ko pabalik.
"May sakit siya ngayon kaya hindi siya makaka-pasok."
"What? Sinong nag-aalaga sa kaniya ngayon? Okay lang ba siya? Bakit wala siyang sinabi sakin? Do you know where she live?" sunod-sunod na tanong ko.
She shrugged, "Ikaw pa lang naman ang nakaka-close nun. She isn't friendly to us so I don't know where she lives," she said.
I frowned, "What do you mean? She's friendly kaya tsaka 'di ba kaklase niyo na siya since first year? Hindi niyo siya kaclose?"
She nodded and put her forefinger over her chin and acted as if she's remembering something.
"Yeah, but I don't remember her approaching us. Kaya nagulat kami nang makita naming close kayo, magandang balita 'yon para sa amin kasi we want her to enjoy being a college student sa pamamagitan ng pagkakaroon ng friends. So, thank you, Kity."
"Eh? You mean ako pa lang ang inaapproach niya?"
She nodded, "Parang ganon na nga."
"Bakit?"
"Bakit ikaw lang ang inaapproach niya?" tumango ako, "Siguro dahil tinulungan ng family mo 'yong family niya before kaya komportable siya sa'yo."
"You knew?" gulat na tanong ko.
"Oo naman. Actually, maraming nakaka-alam tungkol sa kahihiyang natanggap ng pamilya nila dati pero pamilya mo lang ang tumulong sa pamilya ni Olivia kaya siguro ganon niya na lang kagustong makipag-close saiyo," paliwanang niya.
Tumango na lamang ako. Hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko para kay Olivia. I didn't know that she was sick. Kung alam ko lang edi sana doon na lang ako dumiretso. Mamaya ko na lang siguro siya tatawagan kapag marami na akong oras.
*****
After kong tawagan si Olivia ay pumunta na ako sa cafeteria para mag lunch. Sinabi ko sa kaniya na pupuntahan ko siya, but she refused inaalagaan naman daw siya ng kapitbahay nila tsaka medyo maayos naman na daw ang pakiramdam niya.
Umupo ako sa katabi ng glass wall dito sa loob ng campus cafeteria. Hindi ako sa health science cafeteria pumunta dahil puno na doon kaya dito na lang ako.
Sa kalagitnaan ng paglulunch ko ay awtomatiko akong nag-angat ng tingin sa harapan ko dahil biglang may umupo sa bakanteng upuan doon.
Kasabay ng paghigit ko ng hininga ko ay ang pakabog ng mabilis ng puso ko, para itong gumagawa ng sarili nitong mga ritmo sa loob ng dibdib ko. Ganito ang epekto sa akin ng isang River Noah Piencenaves na ayaw kong maramdaman.
Magtatanong na sana ako sa kaniya kaso naunahan niya ako.
"Why are you eating here?" he asked, frowning.
Lumunok muna ako ng laway ko bago ko siya sinagot.
"Puno na sa HSD cafeteria kaya dito na lang ako. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" I asked back.
"Dito ako lagi kumakain," he said. Inayos niya ang tray niya sa lamesa na may lamang food niya.
"Ganon ba, bakit hindi ka kumakain sa Bussiness Department cafeteria?" pinigilan ko ang sarili ko na magmukang interesado sa mga tinatanong ko dahil baka kung anong isipin niya.
"Yolan keeps on pestering me around there," inis na turan niya.
Natigilan ako. Oo nga pala magkaparehas sila ng course, they're on the same building kaya lagi silang nagkikitang dalawa. At kapag lagi silang nagkikitang dalawa edi malaki ang chance na lagi silang magkakasama at kapag nangyari 'yon hindi ko na makikita madalas si River at mawawala na 'tong nararamdaman ko sa kaniya kasi nga hindi ko na siya naikita 'di ba?
Hindi na ako nagsalita tahimik ko na lang ipinagpatuloy ang pagkain ko ng lunch ko. Kahit ganon 'yon iniisip ko may parte sa utak ko na naiinis dahil magkakasama silang dalawa ni Yolan. Sabi pa naman ni Niomi na binabakuran na daw non si River at itong isa naman, nagpapabakuran!
"You okay? Did I say something wrong?" he worriedly asked.
Don't act like you care baka mahirapan akong alisin 'tong nararamdaman ko sa'yo.
"Nothing may iniisip lang ako," I said and shook my head.
Tumango siya. Palihim ko siyang tinititigan habang abala siyang kumakain. Pano ba ako nagkagusto sa'yo? Pagkakagusto nga ba talaga 'tong nararamdaman ko o naco-confuse lang ako? Imposible naman kasing gusto ko agad siya 'di ba? Wala pa nga akong isang buwan dito sa Bicol tapos gusto ko agad siya.
Siya pa lang kasi ang nakakaclose ko na lalaki bukod sa mga kapatid ko at cousin ko kaya hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Kung sakaling tama ang pagkakaintindi ko sa nararamdaman ko ngayon na gusto ko talaga siya. I really want to stop this. I don't want to get hurt because I know that he loves someone else.
Malinaw ko pang natatandaan ang sinabi niya sa akin noong unang beses na dinala niya ako sa long concrete pier kung saan madalas daw siyang pumunta.
"Bakit dito ka pumupunta? Marami namang mas magandang tanawin dito bakit mas napili mo dito?"
"I felt relaxed nawawala lahat ng iniisip ko tsaka siguro dahil dito ko siya nakilala."
"Who?"
"The most special person in my heart."
"Where is she now?"
"I don't know but she's here in the deepest part of my heart."
Nang sabihin niya 'yong mga katagang iyon ay alam ko na gusto niya talaga ang babaeng tinutukoy niya dahil kumikinang ang mata niya sa saya.
I took a deep breath. Nagtama ang paningin naming dalawa ni River, nakakunot ang noo niya at pinagmamasdan ako na animo'y kanina pa inoobserbahan ang mga kilos ko.
"W-what?" nanlalaki ang matang tanong ko.
"What are you thinking?" tanong niya.
"Huh?"
"Kanina ka pa nagbubuntong hininga. Kanina ka pa mukang problemado, are you sure that you're okay? Do you have problem? Are you sick? Tell me, I'll take you to the doctor."
I force a laugh, "Naku, wala akong problema o kaya sakit ganito lang talaga ako pag gutom," sabi ko at saka dali-daling sinubo ang mga natitira ko pang pagkain sa plato ko.
"Slowly you might choke," saway niya.
Tumango lang ako sa kanya at hindi na siya pinansin. Ramdam ko pa rin ang mga tingin niya sa akin pero pingilan ko ang sarili ko na mag angat ng tingin. Hindi nagtagal ay nakita ko sa peripheral vision ko na nagpatuloy na rin siya sa kaniyang pag-kain.
After we ate, I thought I had a chance not to see him again, but I was wrong because he suddenly pulled me again like what he always do and took me to the quadrangle I went to, yesterday. Gusto ko sanang magpumiglas pero hindi ko na ginawa dahil sa malumanay na pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.
"Hindi na ikaw ang naka-shift sa booth niyo ngayon 'di ba?" he asked me, smiling as he roamed around his eyes at the entire quadrangle.
Kahit nagtataka ay tumango ako.
"Yes. Why?"
"Let's have fun!" parang batang sabi niya.
"Here?" I asked.
He continuously nodded.
Tsk, parang bata.
Ngumiti ako, "Okay basta libre mo lahat," I said.
"Sure, 'yon lang pala. Let's go," sabi niya at hinila na naman ako.
'Yong totoo, mahilig ba siya sa tag war?
Una naming pinuntahan ang mga game booths. Tawa ako ng tawa dahil madalas ko siyang matalo at napipikon naman siya. Halos magdikit na ang dalawang kilay niya dahil sa sobrang seryoso niyang maglaro at kapag nananalo naman siya ay kulang na lang yakapin niya lahat ng taong dadaan malapit sa kaniya.
"Kiely..." natigilan ako sa pagtawa ng marinig kong tawagin niya ang pangalan ko.
"Ano 'yon? Suko ka na ba? Ang hina mo naman pala," pangaasar ko sa kaniya.
He smirked, "Let's have a bet."
"A bet?"
"Yes, kapag nanalo ako dito papayag kang lumabas tayo this Saturday, but if I lose you can make me a slave for a day," nakangising sabi niya habang pinapaikot-ikot sa kamay niya water gun na ginagamit namin para makapag-patumba ng lata.
"You mean you want us to date?"
He shrugged, "Ikaw, kung 'yon ang dating sa'yo."
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Letche, baka kung anong isipin nito. Baka sabihin niya assuming ako.
"Give me a good reason first, for me to agree to that bet of yours," I said and crossed my arms over my chest.
"It's because I want to know you more," a strange emotion passed through his eyes when he said that line.
I couldn't bear to stare into his eyes, so I immediately averted my gaze.
"Why do you want to know me?" I asked without looking at him.
"I don't know."
I took a deep breath, "Okay fine. Deal."
I didn't want the two of us to be awkward, so I just agreed. Wala naman sigurong mawawala kung subukan kong makipag pustahan sa kanya 'di ba?
Naglaro na kaming dalawa, alternate ang pagkakaroon naming dalawa ng points. Parehas kaming dalawa ngayon na isang puntos na lang ang kulang, pinusisyon ko ang hawak kong water gun at saka tinutok sa natitirang lata na nakatayo.
Sumimangot ako ng hindi man lang gumalaw ang lata kahit natamaan.
"Pano ba yan, mukhang magdadate tayo sa sabado ah," pangaasar niya.
Ngumiwi ako, "Di mo sure tol."
Pinagcross ko ang dalawang daliri ko habang inaabangan na mahulog ang latang natitira sa kaniya. Tumigil ako sa paghinga ng makitang nagpagewang gewang ang lata at saka tuluyang natumba.
Humarap siya sa 'kin.
"Well, it's settled we have a date on Saturday don't forget to mark your calendar baby."