KITY'S POINT OF VIEW
Watching the sun begin to fall below the horizon is the best feeling ever. Sumimsim ako ng iniinom kong milk tea at saka ko inayos ang suot kong sunglass.
We're on the same long concrete pier that River and I went through. Tahimik na nakaupo si River sa tabi ko habang sabay naming pinapanood ang pagbaba ng araw.
I looked at him, "River..."
"Hmm?" he responded.
I swallowed first, the lump in my throat before I spoke.
"I want to apologize about what happened at the mansion," I sincerely said. I restrained myself from stammering.
Yes, I said it.
He turned to me, "Forget it," he said.
Inalis ko ang suot kong salamin at saka sumeryoso.
"No," I said, "I can't just forget it, River! Nagiguilty na ako sa lahat ng sinabi ko at sa mga attitude ko towards you kaya I want to apologize sincerely. Hindi ako sanay na ganiyan ka sa akin. Mas sanay ako na lagi kang nakangiti tapos inaasar ako like you always do."
"In short you miss me, aren't you?"
My eyes widened. Pagharap ko sa kaniya ay nakangisi na siya gaya ng lagi niyang ginagawa kapag inaasar niya ako.
"A-anong namiss? Hindi kita namiss ang kapal naman ng muka mo!" I don't want to sound defensive pero parang ganon pa rin ang dating.
He chortled, "Actually, I should be the one who apologize to you, Kiely," panimula niya, "I shouldn't have forced you to thank me nor say what I've said that time. Is just that... I got pissed."
I took a deep breath.
"Tama ka naman kasi sa lahat ng sinabi mo sa akin. I should've thanked you because you helped me kahit hindi ko sinasabi. Pinacancel mo pa ang importanteng meeting mo para lang tulungan ako."
He was stunned, "How did you know that?"
"Mamita told me," I said.
Parehas kaming natahimik. Naalala ko bigla ang peace offering ko sa kaniya. Kinalkal ko ang tote bag ko at saka kinuha ang pinasadya kong keychain kanina.
"Here," I said.
He frowned, "What that?"
"Mona Lisa, peace offering ko."
Kinuha niya ito.
"Hindi ka na sana nag-abala."
I shrugged, "Well, bati na ba tayo?" I asked, ignoring what he had just commented.
He chuckled, "Yeah, by the way, thanks for this. I promise I'll treasure this."
"Dapat lang 'no, halos isang oras ko kaya hinintay 'yang matapos," nanunumbat na tonong sabi ko.
"Does it worth it of waiting?" he asked.
I nodded, "Of course because we're okay now again," I said and looked at him. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin, "Hoy okay ka lang? May dumi ba ako sa muka or something?"
He shook his head, "Nothing."
Gumaan ang pakiramdam ko dahil okay na ulit kami ni River. Nakakusap ko na siya ng maayos at 'yon ang pinagpapasalamat ko. I thought he will never talk to me again because of my attitude.
Umalis na kami doon dahil nag text na sa akin si Mang Mario na nasa school na daw siya para sunduin ako. Nang makarating kami sa harap ng SLC ay agad akong bumaba ng sasakyan ni River.
"Thanks," I said.
"You're welcome, anyway, I'm glad that we're okay now Kiely."
"Ako rin. I'll go ahead. See you tomorrow."
He just nodded while both of his hands were inside both pockets of his faded pants.
*****
Pagdating ko sa mansion ay hinanap ko agad si Mamita kagaya ng lagi kong ginagawa at binati siya, pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at gumawa ng mga school works ko. Bumababa lamang ako ng tawagin ako ni Margarita para sa dinner.
Pagdating ko sa dining area ay nandoon na si Kuya Kyrus at Kuya Kendrick. I smiled. Ngayon lang ulit kami magkakasabay kumain dahil busy sila sa OJT nila. Simula ng mag-OJT sila ay lagi na silang umuuwi kapag hating gabi o kaya madaling araw na dahilan upang hindi kami magkasabay sa hapag. Madalas kasi kaming dalawa na lang ni Mamita ang kumakain dito.
"Hi Kits! Namiss kita," nakangiting sabi ni Kuya Kendrick pagka-upo ko sa tabi niya.
"I missed you too, Kuya."
"What about me? You didn't missed me, Sis?" sabi naman ni Kuya Kyrus.
"Of course, I do."
"Kumain na tayo mga apo," nakangiting turan ni Mamita.
Nagsimula na nga kaming kumain. Panay ang kwento ni Kuya Kendrick kay Mamita tungkol sa mga kasong pinahawak sa kaniya na matagumpay niya namang nalutas. Syempre nag-aalala si Mamita dahil baka may mangyaring masama sa kaniya habang nasa kalagitnaan sila ng paglutas ng kaso pero may tiwala kami kay Kuya na hindi niya papabaayan ang sarili niya.
Si Kuya Kyrus naman ay puro daw mga paperworks sa kaniya ang pinagawa sa munisipyo at para kay Kuya Kyrus madali lang sa kaniya ang ginagawa niya doon. Well, anong aasahan natin sa isa sa mga pinagpipilian para maging Summa Cum Laude doon sa dati naming school sa Manila, right?
After we ate dinner, we went to our own room upstairs. I took a quick shower before I went to my bed. Habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko ay naalala ko ang pagpunta namin sa orphanage na tinutulungan ni River.
I saw Shawn. He's a five month old baby pero iba ang katawan ni Shawn sa ibang mga limang buwang bata na lagi nating nakikita. Bakas dito na may sakit siya dahil sa sobrang payat niya na parang hindi ito nakaranas man lang ng breast feeding sa kaniya ina.
Niyakap ko ang unan ko at saka tumagilid ng pagkakahiga sa kama ko. Pumikit ako para matulog na ngunit ilang minuto na akong nakapikit pero hindi na naman ako dinadalaw ng antok. Naramdaman kong nagva-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha na nasa ibabaw ng side table ko.
There was an unknown number flashed on my phone screen. Agad ko itong pinatay dahil hindi ito naka register sa phone ko. Ipapatong ko na sana ulit ang phone ko sa ibabaw ng side table ko pero muli na naman tumawag ang unknown number na 'yon at sa pangalawang pagkakataon ay pinatay ko ulit ito.
I frowned, "Sino ba 'to?" I asked myself, annoyed.
I was about to turn off my phone, but the same number sent me a message.
From: Unknown
It's me, River. Please answer the call.
Napabalikwas ako ng pagkakaupo sa kama ko dahil sa nabasa ko. What the fudge? How did he get my number? Muli na namang tumawag si River pero sa pagkakataon na ito ay hindi ko pinatay o sinagot ang tawag niya sa halip ay tinitigan ko lang ang phone screen ko hanggang sa matapos ang tawag.
Nang mahimasmasan ako ay ako na mismo ang tumawag sa kaniya. Hindi pa natatapos ang unang ring ay sinagot niya na agad ang tawag.
"Hello?"
"Hey." his baritone voice filled my ears.
"How did you get my number?"
"Hiningi ko kay Mang Mario."
What? Bakit ibinigay ni Mang Mario?!
"Why?"
"Because I wanted to."
"So, bakit ka napatawag?" sunod na tanong ko.
Humiga akong muli sa kama ko at tiitigan ang kisame ng kwarto ko habang nakalagay sa tenga ko ang phone ko.
"Are you interrogating me?" he chuckled, "I just want to inform you that I will fetch you tomorrow," he said.
Natigilan ako, unti-unting kumuraba ang ngiti sa labi ko.
"Bakit?" tanong ko habang nag pipigil ng ngiti.
"Kasi hindi kita nahatid noong Martes."
Ah, bumabawi...
Kusang nawala ang ngiti sa labi ko. Yeah right, hindi niya ako nahatid dahil si Yolan ang hinatid niya. Parang may projector sa kisame ko dahil nakita ko doon ang eksena nilang dalawa kanina na kinakasal. Pumikit ako ng mariin. Bakit ko ba iniisip 'yon?
"Kiely, still there?"
"Ha? Medyo," wala sa sariling sagot ko.
Letche, anong medyo Kiely?!
I heard him chuckle from the other line, "Are you okay?"
"Yah."
Parehas kaming natahimik at pinakikiramdaman ang isa't-isa. Kalaunan ay siya rin ang bumasg sa katahimikan.
"Anyway, why are you still awake?"
"I can't sleep."
"Again?"
I suppressed a soft laugh, "Yes."
"Okay, kakantahan na lang kita para makatulog ka."
My right eyebrow arched. Ano ako bata?
"Eh? Seryoso ka ba? Marunong ka non?" I joked.
"Of course, do you want proof?"
"Yeah, sure," sabi ko sa mapanuyang tono.
Sa itsura niyang 'yan? Marunong siyang kumanta? I don't believe him.
"Listen okay."
"Okay."
He cleared his throat. Naririnig ko mula sa kabilang linya ang pag strummed niya ng gitara. Naks, prepared.
My breath hitched when I heard him start humming a melody. And that gives me goosebumps.
"You're my piece of mind, in this crazy world. You're everything I've tried to find, your love is a pearl. You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies, and my only prayer, is that you realize, you'll always be beautiful, in my eyes..."
My heart suddenly beat faster again. Humawak ako sa dibdib ko at dinama 'yon. I swallowed the lump on my throat because of nervousness.
"We'll have our fill of tears, our share of sighs. My only prayer is that you realize. You'll always be beautiful, in my eyes. You will always be, beautiful in my eyes..."
Kusang nag echong muli sa isip ko ang sinabi kanina ni Maya.
"Ang ibig ko lang namang sabihin, may something na in short inlabo ka na kay River."
"We can laugh about it, how time really flies. We won't say goodbye, 'cause true love never dies. You'll always be beautiful, in my eyes. You will always be, beautiful in my eyes..."
Do I like him? Ito ba ang dahilan kung bakit ako naiinis sa kaniya kapag kasama niya si Yolan? Ito ba ang dahilan kung bakit bumibilis na lang bigla ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya? Kaya ba ako kinakabahan ngayon kasi gusto ko siya? Tama ba si Maya sa mga sinabi niya sa akin? In denial lang ba talaga ako?
"And the passing years will show, that you will always grow, evermore beautiful, in my eyes. The passing years will show, that you will always grow, evermore beautiful, in my eyes."
This feeling is unfamiliar to me, so I don't know how to answer my own questions. What if I'm just confused? What if hindi ko talaga siya gusto? What if nadala lang ako ng pangbubugaw sa akin ni Maya? Mawawala rin 'tong nararamdaman ko kapag hindi ko pinanasin 'di ba?
"So, how was it? Did you like it?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong muli ang boses niya sa kabilang linya. Tapos na pala siyang kumanta.
"Um, yeah it's good, I like you-este 'yong kanta maganda," tarantang sabi ko.
Shit! Shit! Shit! Ano ba 'tong mga pinag sasasabi ko. Bwisit, nakakahiya!
"Hmm... I'm expecting you not to answer my question because I thought you're already sleeping," he said, chuckling, "Do you want me to sing a song again?"
"No, wag na inaantok na ko, sige ah salamat bye,"dali-dali kong binaba ang phone ko at tinago 'yon sa ilalim ng unan ko.
Binaon ko ang muka ko sa unan at saka ko pinakawalan ang pinipigilan kong tili. Kinuha ko ulit ang phone ko at denial ang number ni Maya. Pagkatapos ng limang ring ay sinagot niya naman agad.
"Hel—"
"Maya I think you're right."