KITY'S POINT OF VIEW
How do we find people who don't want to show up? How do we find them, especially if you don't know where to find them at all?
Dalawang araw na ang nakakalipas pero kahit anino ni River ay hindi ko pa nakikita. Even at school, kapag hinahanap ko siya doon ay lagi kaming nagkakasalising dalawa. I don't know if he did it on purpose or just a coincidence.
Habang lumilipas ang araw na hindi ko siya nakikita ay mas nadadagdagan ang guilt na nararamdaman ko. I realized that I was wrong for being rude and harsh to him last time. Siya na nga itong tumutulong tapos gaganunin ko pa siya.
I understand if he doesn't want to talk to me anymore. But still, I want to apologize because of my behavior.
"Earth to Kity! Did you hear anything I just said?"
I came back to reality when I heard Maya's voice. We are currently having a video call.
"Ha? Ang alin?"
"Por dios por santo Kiely Trinity, kanina pa ako dito daldal ng daldal tapos hindi ka naman pala nakikinig!" sermon niya sakin.
"I'm sorry, may iniisip lang ako," I said.
I placed my palm over my chin and my elbow was on the ledge of the rooftop while watching the people happily wandering down there. Nandito kasi ako sa rooftop ng Health Science Department building. Alas-tres y media na ng hapon. Tapos na ang shift ko sa booth namin kaya nagrerelax na lang ako dito sa taas.
"Sino na naman ang iniisip mo?! Si River na naman 'no? Naku, friend kung diyan ka lang na naman pala makakahanap ng lalaking magugustuhan mo. Edi sana matagal na kita ipinatapon diyan!"
She already knew River because there were times when I told her about him. And since then she has started to pimp me into River.
"Pwede ba, Maya? Tigilan mo na nga 'yang pangbubugaw mo sakin kay River dahil hindi mangyayari 'yang imahinasyon mo."
She smiled foolishly, "Alam mo friend wag ka nang in denial riyan at wag na wag kang mag salita ng tapos dahil baka kainin mo sa huli 'yang mga sinasabi mo," pangaral niya.
"Mabubusog ba 'ko kapag kinain ko?" pambabara ko sa kaniya.
Ngumiwi naman siya, "Mabubusog ka ng mga paro-paro kapag hindi ka na in denial, maniwala ka sakin. Iba na 'yan e."
I turned my attention to her, "Anong iba na?"
"May ano na e, may something na," panunukso niya.
"Anong something?" pangungulit ko.
"Jusko naman, Kity! Kapag ba si River ang iniisip mo nagiging slow ka? Ang ibig ko lang namang sabihin, may something na in short inlabo ka na kay River, kuha mo?"
My eyes widened, "Shh, manahimik ka nga baka may makarinig sayo!" saway ko sa kaniya at saka tumingin sa paligid ng rooftop. Alam ko namang walang makakarinig dahil mag isa lang ako dito sa taas pero mabuti nang nakakasigurado.
"Oh kitams, paranoid ka na. Gaga, napansin ko na mag-isa ka lang riyan. Wag mo 'kong imbentuhan para hindi kita tuksuhin kay River, ikaw ah may tinatago ka palang alindog," sabi niya at tumawa ng malakas.
Napahilot na lang ako ng sintido ko. Malaking pagkakamali na kwenento ko si River sa kaniya. At mas lalong malaking pagkakamali na sinagot ko ang tawag niya.
Tsk, bakit ko nga ba kwenento si River sa babaeng 'to?
"Manahimik ka na nga," saway ko sa kaniya.
"Hindi ako titigil hanggang maitatak ko riyan sa isip mo maging sa puso't laman mo na inlabo ka na kay Riv-." I ended the call.
"Kung hindi madaan sa santong dasalan edi daanin sa santong paspasan," sabi ko sa sarili ko habang natatawa.
I can't help but to laugh because I can imagine Maya's face right now. Isa kasi sa dahilan ng galit niya ay 'yong binababaan siya ng tawag without a proper goodbye. She hated it because she said she felt that the person she was talking to didn't want to talk to her.
I put my cellphone in the pocket of my high-waisted skinny jeans. We were allowed not to wear uniforms anymore during the one-week foundation day celebration. Ang jologs naman kasi kung mag-cecelebrate kami ng naka-uniform 'di ba?
Lunes pa lang bukas kaya may limang araw pa kaming celebration. Pabor sa akin 'yon kasi hindi ako maiistress for a week.
I stayed there for a few more minutes before I thought of finally going down to wander down there. Sayang naman ang celebration kung hindi ko susulitin.
Inayos ko ang suot kong puting bucket hat nang makababa na 'ko. Naglakad ako sa papunta sa east wing dahil patungo doon ang quadrangle kung saan nandoon ang ibang mga booths ng ibang department.
Halos lahat ng booths doon ay pinuntahan ko. I brought different handmade native Bicol souvenirs sa isang Bicol souvenirs booth. Para kapag bumalik ako sa Manila may ibibigay ako sa mga friends ko doon.
Nagpasadya rin ako ng Mona Lisa keychain para peace offering ko kay River. Pinalagyan ko ng pangalan niya sa likod. Wala lang naisip ko lang na bigyan siya para naman hindi awkward kapag kinausap ko siya.
I put all my purchases inside my tote bag.
"Thank you, Miss beautiful."
I just smiled and nodded before I left their shop.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong quadrangle. Gagabihin ako kung lahat ko 'to pupuntahan. Natigil ang mata ko ng may makita akong malaking karatula na may nakasulat na Shawarma King. I felt my eyes twinkle at what I saw.
Hindi na ako nag aksaya ng oras, agad akong pumunta doon at saka umorder ng lima. Ewan ko na lang kung hindi pa makunteto ang tiyan ko nito.
"Thanks," I said.
As I walked back to our booth I was stunned by the group of women running and screaming towards a crowded booth. Kumunot ang noo ko. May artista ba?
Napatigil silang ng may humarang sa kanilang dalawang babae.
"Anong meron? Ba't kayo nagtatakbuhan?" takang tanong nung humarang.
I turned around because I wasn't interested in what they were talking about, but I was stunned when I heard the answer of a student among the group of sophomores.
"Ano ka ba! Kinakasal si River at 'yong anak ni Governor sa weeding booth!" pagkatapos non ay sabay-sabay silang tumakbo patungo sa wedding booth.
Pakiramdam ko nabingi ako sa narinig ko. Hindi ko namalayang nahulog ko na pala ang hawak kong doggy bag na may laman ng binili kong shawarma. Unti-unti akong lumingon doon sa wedding booth.
And then there, I saw River smiling at his fellow students. Nakahawak sa braso niya si Yolan na may malawak rin na ngiti. May nagpapaulan sa kanila ng white confetti habang palabas sila ng wedding booth. Para talaga silang kinakasal. My grip tightened on the strap of my tote bag.
I swallowed the lamp in my throat. Nang mag tama ang paningin namin ni River ay agad akong umiwas ng tingin, kinuha ko ang nahulog kong doggy bag at saka ako mabilis na umalis doon.
Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Na parang may karayom na tumutusok sa puso ko dahil sa nakita ko. Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko.
Hindi ko na itinuloy ang plano ko na bumalik sa booth namin. Instead, I went to the main gate and waited for a taxi there, but I remembered what River had told me nung nakaraan.
"Walang taxi dito."
"Have you forgotten? This isn't city, Kiely."
"Damn it!" I whispered. Bakit siya na naman?!
Nasabihan ko pa naman si Manong Mario kanina na alas-singko ako sunduin. Ayaw ko namang bawiin dahil time niya na 'to para makapagpahinga at tsaka ayoko pang umuwi.
Bakit ba kasi walang taxi dito?! Nakakainis naman!
Bigla na namang pumasok sa isip ko 'yong eksena kanina. River looks happy. Is he happy because he married Yolan even though it's not true? Did they kiss like in weddings, do? Does he like Yolan? But Naomi said River doesn't like her, right? Ano ba talaga ang paniniwalaan ko? Ang nakita ko o ang sinasabi ng ibang tao?
Tumingala ako para mapigilan ko ang namumuong luha mula sa mata ko. Peste, bakit ba ko umiiyak?!
Suddenly, what Maya said earlier echoed in my mind.
"Ang ibig ko lang namang sabihin, may something na in short inlabo ka na kay River!"
I shook my head.
No, this can't be happening. I don't like him. I don't want to like him!
I almost cursed because suddenly someone grabbed my arm. Hinanda ko na sana itong hampasin ng tote bag na bitbit ko pero natigilan ako ng mapagtanto kung sino 'yon.
"River..."
Kusang umurong ang mga luha ko na kaninang nagbabadya, pabalik sa mata ko. Halos marinig ko na naman ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang bilis nito.
Anong ginagawa niya dito? Nasaan si Yolan?
His face was serious as he looked into my eyes. He did not speak; instead, he pulled me towards the parking lot. When we got in front of his black Audi, he immediately opened the passenger seat door.
I couldn't stop my eyes from staring at his hand holding my arm. The skin contact between the two of us brings shivers down to my spine.
"Get in," he ordered seriously.
"Why would I?" pagmamatigas ko kahit kinakabahan ako sa presensya niya.
"Are we going to fight again, Kiely?"
Natigilan ako. I remember our last conversation in the mansion. Kailangan ko nga palang mag apologize sa kaniya.
Walang sali-salita akong sumakay ng sasakyan niya. Ayoko na rin namang magsigawan na naman kaming dalawa.
Okay naman talaga kami e. Ako lang talaga 'tong sintu-sintu na inatake na naman ng katarayan. Iniwasan ko siya kahit wala naman siyang ginagawang kasalanan. Inaway ko siya kahit ang gusto niya lang naman pasalamatan ko siya. At naiinis ako sa kaniya kahit hindi naman talaga dapat.
Siguro may bipolar disorder na ako.
We were quiet for about 30 minutes inside the car before the car stopped in front of a chapel. He got out of the car and opened the door for me. It's awkward because he still doesn't speak the whole time, but he's still being a gentleman.
"Anong ginagawa natin dito?" I asked while roaming around my eyes.
"Let's go," he said. He didn't even bother to answer my question.
I took a deep breath. Is he really mad at me? I'm not used to him being quiet and serious like this. Pakiramdam ko tuloy sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya.
"Wait!" hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya.
I expected him to smile at me when he turned to me, but I was disappointed to see that nothing had changed in his expressions.
"Do you have anything to say?"
"Um... Ano kasi... I just want to apologize for abo-."
"River, iho ikaw ba iyan?" naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa likod namin.
Sabay kaming lumungon ni River doon.
"Sister Cora..." River uttered.
He approached the woman, probably in her mid-60's. Nagmano siya dito at saka kinuha ang mga dala nitong sandamakmak na plastic. Lumapit din ako doon at nag-mano.
"Kaawaan kayo ng diyos," aniya.
"Where did you go Sister Cora? Bakit po ang dami niyong bitbit?" magalang na tanong ni River dito.
"Namalengke lang ako iho. Naubusan na kasi ng stock ng pagkain ang mga bata kaya ako na lamang ang namalengke."
"What about the others? Sila na lang po sana ang inutusan ninyo," bakas ang pag aalala sa tinig ni River.
Kusang may kumurbang munting ngiti sa labi ko habang pinapanood silang dalawa. Ibang-iba ang aura ngayon ni River kaysa kanina. I felt happy because I saw another side of him again, one who cared about others.
"Ayos lang naman ako, iho. Huwag kang mag alala sa akin, ayaw ko ng walang ginagawa kaya nagpresinta na ako," inalalayan siya ni River, "Siya nga pala kanina ko pa napapansin, girlfriend mo ba itong kasama mo dito?" ani Sister Cora at tinuro ako.
River chuckled and shook his head, "Hindi po."
"Naku sayang naman bagay pa naman kayo," lumungkot ang muka nito ngunit kalaunan ay ngumiti rin, "Tara iha tuloy ka," alok niya sa akin.
I nodded, "Sige po," ani ko.
Sumunod ako sa kanila. Dumaan kami sa eskinita sa may gilid na parte ng chapel. Malayo pa lang ay may naririnig na akong tawanan ng mga bata. Bigla akong nakaramdam ng excitement.
Paglabas namin ng eskinita ay bumungad sa amin ang malawak na playground. Marami doong batang naglalaro. Nang magawi ang tingin nila sa amin ay agad silang nagsitakbuhan habang sabay-sabay na sinasambit ang pangalan ni River.
Is this the orphanage that Margarita is talking about?
"Kuya River namiss po namin kayo," masiglang sabi ng isang batang babae.
"Namiss ko rin kayo Lyla," nakangiting sabi ni River at ginulo ang buhok nito.
"Batiin nyo ang bisita ng Kuya River ninyo mga bata," sabi ni Sister Cora at saka tumingin sa akin, "Siya si Ate..."
"Kiely po, but you can call me Kity po," I politely said.
She smiled, "Siya si Ate Kity nyo bisita siya ni Kuya River ninyo."
Sumulyap ako kay River pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay agad siyang nag-iwas ng tingin. I smirked.
"Hi po Ate Kity! Maligayang pagdating po dito sa St. Philip orphanage," magalang na bati ni Lyla sa akin.
"Hi!" I greeted them and waved my hand to them. They waved back.
Inalok kami ni Sister Cora na pumasok sa loob, hindi na sumunod sa amin ang mga bata dahil mas gusto nilang mag laro. Pagpasok namin sa loob ay may hindi kalawakang sala ang bumungad sa amin.
"Tuloy po kayo," anang dalagitang babae na sa tingin ko ay labing walong taong gulang na.
Umupo ako sa mahabang sofa, my breath hitched when River sat beside me. Biglang kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng batang umiiyak kaya nilibot ko ang paningin ko sa buong sala.
"Naku Hori, gising na yata si Shawn puntahan mo nga sa loob dali," tarantang sabi ni Sister Cora.
"Opo, Mama Cora," taranta ding sagot ni Hori at dali-daling pumasok sa loob ng isang kwarto.
"Who is Shawn, Sister Cora?" River asked, confused.
Umupo si Sister Cora sa single sofa sa harap namin, "May nag-iwan sa kaniya sa may gate noong isang linggo, naka-silid siya sa isang bayong, akala nga namin kung ano lang pero nagulat kami nang makitang bata pala."
Bakas ang lungkot at awa sa mga mata ni Sister Cora.
"How old is he po? Months or years?" I curiously asked.
"Limang buwan pa lamang siya, pina check-up namin siya kahapon sa center at napag-alaman namin na may sakit siya."
"Po?!" sabay naming sabi ni River. Nag katinginan kami at sabay na nag iwas ng tingin.
Shit! Bakit ba pakiramdam ko ang awkward naming dalawa?
"Sabi ng doktor na tumingin sa kaniya kahapon ay may nakita daw na maliit butas sa puso niya, kinakilangan daw na maoperahan kaagad bago pa ito lumaki. Kung malakas daw ang immune system ng bata ay maaari daw na maging succesful ang operasyon pero kung mahina naman daw ay maaring hindi kayanin ni Shawn at iyon ang kinatatakot ko," tears slowly fell from Sister Cora's eyes.
"I'm a medicine student po Sister Cora. I can help po para mapalakas po ang immune system ni Shawn," I sincerely said.
Sister Cora's face lightens up, "Talaga iha?"
I nodded.
"I can help too, Sister Cora. I can send him too States para sigurado na magiging successful ang operation niya," River said.
Tuluyan nang umiyak si Sister Cora, hinawakan niya ang kamay namin ni River at paulit ulit na nagpasalamat. Nag tama ang paningin namin ni River and we both smiled.
I hope Shawn will be okay soon.