Chapter 50 Darkness

After Chaos' meeting with his men ay kaagad na kaming umuwi sa penthouse. We ate our dinner peacefully and slept earlier than the usual. Dati rati kasi ay mga alas nuwibe ay doon pa ako nakakaramdam ng antok. Pero sa gabing 'yon ay halos makatulog na ako habang nagdi-dinner kami. Chaos and I planned to talk to my siblings, but since he saw how tired I was, pinauna na niya ako sa kwarto and he told me na siya na raw ang bahalang makipag-usap kina Kuya at Ate.

Kinubukasan naman ay maagang umalis ng penthouse si Chaos. Busangot tuloy ako nang magising dahil tanging isang note lang na nilagay nito sa side table ang bumungad sa akin.

'Good morning, gorgeous. I was up and left early, baby. Have to fix something, hm? I already prepared the breakfast. Don't leave the penthouse. My men are around, baby. Call me when something happens. I love you.'

Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa. Bad trip talaga ako ngayon. I wanted to smell him, kiss him, cuddle with him and of course, my hormones have something to do with it.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto. Muntik pang malaglag ang panga ko nang makita si Ana sa dining. Pinapakain nito si Cerix na panay ang salita. Maging ang nakababatang kapatid ni Chaos ay kumakain rin kasabay ni Cerix.

Nang makita ako ni Ana ay kaagad itong ngumiti. "Good morning! Kain ka na!" Napakurap ako ng ilang beses. Mabilis naman ang pagbaba ni Cerix sa kaniyang upuan at tinakbo ang aking kinaroroonan.

"Mommy, good morning!" nginitian ko ito at kaagad na binuhat. Hinalikan ko ang pisngi nito at tuluyang pumasok sa kusina.

"Good morning, sis in law!" tiningnan ko ang nakababatang kapatid ni Chaos na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. It's somewhat weird. I didn't even bother asking Chaos about his brother's name kasi... kasi nakalimutan ko rin.

"Mommy eat ka na. Dad said that you have to eat so you and my baby brother will stay healthy." napangiti ako kay Rix at kaagad itong tinanguan. Umupo ako sa tabi nito at tiningnan ang mga pagkain sa table.

"Ah, Cain prepared the breakfast kasi ayaw mo daw na may ibang nagluluto sa breakfast mo?" nakangising tanong ni Ana sa akin. Napanguso naman ako at bahagyang napayuko. Nagsimulang mag-init ang aking pisngi sa naisip. Nakakahiya. Hindi ko naman gusto na maging ganoon ka-arte, pero ayaw ko talaga e. Gusto ko siya ang nagluluto ng pagkain na kakainin ko.

"Come on, you don't have to be shy. That's just part of your pregnancy." She chuckled.

"Paano mo nalaman, Ana? Nabuntis ka na ba?" nakakalokong ngiti ang ibinibigay ng nakababatang kapatid ni Chaos kay Anastasia. The latter just rolled her eyes heavenwards.

"Bobo ka no? It's just a matter of common sense between stupidity, asshole." she said harshly causing me to gasp and look at Rix immediately. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nasa pagkain lang ang atensyon nito. I just hope that he didn't hear Ana's curse.

Humalakhak ang lalaki sa tinuran ng pinsan. Maya maya ay bumaling ito sa akin dahilan para upang bahagyang mamilog ang mga mata ko.

"I suppose, hindi mo pa ako kilala no? I mean my name. I don't really remember introducing myself to you." nakangiting ani nito. I shook my head.

"Inuuna mo kasi ang katarantaduhan mo," Ana mumbled silently.

"Shut up, couz'. " natatawang ani nito bago tumingin sa akin. "I'm Crisis Alver Davich Verlice. Call me Cad for short." he even winked at me dahilan para mabilis na lumipad ang kamay ni Anastasia sa ulo ng pinsan at pinalo ito.

"Ouch! Masakit 'yon!" iritado nitong sigaw. "Kaya ka di nagkaka-jowa kasi ang sadista mo e!" dagdag na ungot pa nito na ikinairap lang ni Ana. Hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit pa man hindi ko pa nakikita ang buong pamilya ng mga Verlice, I already am having a conclusion that they're all a great people.

I had already met Chaos' mom, Ciana Emaia Verlice and his father Noah Channovich Aldric Verlice, and they were both very welcoming. They didn't judge me. They are very open with my relationship with Chaos despite me, being married to someone else. They didn't talk bad about me, instead, Chaos' mom even adviced me to fix everything before it's too late. That we have too settle everything first. She was very open-minded and I'm so glad with that.

Pagkatapos naming makakain ng breakfast ay naisipan naming manood nalang ng TV. Pinapunta daw sila ni Chaos dito para mabantayan kami and to keep us company para hindi kami ma-bored. Which is... a right decision. I really enjoyed how Ana and Cad tend to bicker with just small things.

We decided to watch a cartoon movie nalang since gustong gusto 'yon ni Rix. Walang ibang naging choice ang dalawa kundi sundin ang pamangkin nila. They wanted to watch a horror movie, but I doubt that they will be able to do that when Cerix is here. I don't want to taint his mind kaya baka hindi ko rin payagan.

Pinatay namin ang ilaw sa movie room para mas feel naming nasa movie house talaga kami. Magkatabi kaming naka-upo ni Rix sa sofa habang nasa carpeted floor naman ang magpinsan. Naglatag pa ang mga ito ng comforter upang mas maging komportable sila.

I smiled slightly.

My mind slowly drifted to Chaos. Ano na kaya ang ginagawa ng lalaking 'yon ngayon? Bakit kaya hindi niya ako isinama? Is he doing something... bad? I bit my lower lip.

Hindi naman siguro no? They own a security agency, and I doubt if the agency was made for killing rather than saving and guarding . And besides... a Verlice won't stoop that low. I just know. I trust him.

I sighed.

Nasa kalagitnaan na ng movie ng makaramdam ako ng gutom.

"Kuha muna ako ng food sa Kitchen, baby..." bulong ko sa anak ko. Marahan naman itong tumango bago hinalikan ang aking pisngi.

"San ka?" Anastasia asked when she saw me standing up.

"Kuha lang ako ng food. Nagutom yata si baby..." I smiled. Ngumisi naman ito at tumango.

Nang makalabas na ako ay dumiretso na ako sa kusina. I stopped on my track and held on the door jamb when I felt something... weird. The whole surrounding is oddly silent. Or is this just because of my hormones o nagiging praning lang ako?

I sighed bago napailing.

Papasok na sana ako nang bigla nalang may humawak sa aking braso dahilan para mapaigtad ako at mapalingon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa harap ko.

"H-how did you..."

"Get in? Oh well, the guards are tough but too bad I'm not alone. Long time no see...?" I was about to shout and ask for help when the person immediately got a hold of my mouth. The person pulled something in his/her pocket before covering my nose.

And it didn't took long before my sight become fuzzy. I felt dizzy before darkness completely embraced me.