Chapter 51 Villain
'Where am I?'
Iyon kaagad ang naitanong ko sa sarili nang magising. I let my eyes get used with the blinding light before observing the surroundings.
Napalunok ako at nagsimulang kumabog ng malakas ang aking dibdib nang makitang hindi pamilyar sa akin ang paligid. Ang tanging gamit na nasa loob lang ay ang kama na hinihigaan ko kanina at ang iisang ilaw na nagsisilbing liwanag sa loob.
I was....
I was kidnapped.
Ilang segundo muna akong natuod nang pumasok sa isip ko ang nangyari. How? Chaos said that the guards are around... pero bakit... bakit nagawa niyang makapasok sa loob ng penthouse?
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking paa. Nang tumama ang aking paa sa malamig na semento ay kaagad akong napakislot. I don't have any slippers here. Sigurado akong naiwan na 'yon sa kung saan.
Napapikit ako ng mariin.
The man.
I don't know him, but he looks familiar. He looks familiar. Parang nakita ko na siya dati pero... hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. I don't know, heck!
Wala akong naging atraso sa lalaking 'yon para kidnappin niya ako!
"My, my, gising na pala ang Prinsesa?" napalingon ako sa pintuan nang bumukas ito. Iniluwa ng pintuan si...
"Stephannie?" gulat na gulat kong usal. Ngumisi lang sa akin ang babae at tinaasan ako ng kilay. Isinara nito ang pintuan bago naglakad papunta sa akin. Nanatili naman akong nakatingin rito, hindi pa rin makapaniwala na dito ko pa siya makikita ulit.
"Surprised?" hindi na natanggal ang ngisi nito hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa akin.
Napailing ako ng ilang beses. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla nalang na namuo ang luha ko sa gilid ng aking mga mata.
I thought...
I thought everything was fine between the two of us when she left? Buong akala ko ay.... Or was it just what I assume?
Because I seriously... I seriously am feeling betrayed right now.
"Oh? Paiyak ka na niyan? I haven't done anything to you, and yet, you are already shedding tears in front of me. Ang babaw naman, girl." tunog pang-aasar ang boses nito.
Mas lalo pa itong lumapit sa akin at hindi ko na nga naiwasan ang dahan dahan nitong paghawi sa aking buhok mula sa pagkakatabon ng mga hibla sa aking mukha.
"You know what? Hindi ko pa rin talaga alam kung anong nakita sayo ni Cain at pinatulan ka. I mean, look at you girl. Maganda ka pero mas maganda pa rin ako. At bukod sa lahat..." she twirled some strands of my hair with her point finger as she stared at me, wearing that smirk on her face that I hope I can wipe out now. "... may sabit ka. You are married while I'm not. I am famous. I made my own name in the industry, while you are just... A shadow. A shadow under you family's name. A shadow that is not worth to be introduced to the crowd. Kaya nga di ba? Kaya nga hindi ka pinakilala ni Ansel bilang asawa in public kasi madudumihan mo lang ang pangalan ng pamilya nila. The reason why Ansel's family are also against you. Hindi ka nila gusto... because you are just a shadow. Meant to be hidden forever."
Nanginginig kong pinunasan ang aking pisngi gamit ang likod ng aking palad.
And here I thought that I could somewhat make friends with her. Hindi pala. I assumed too much and this is where it took me. A betrayal. Again.
"What do you need from me? Sino ang kumidnap sa akin?" mahina kong saad. Tinitigan ko ang mukha nito na nanatiling nakangisi pa rin sa harap ko.
"Need? From you? Well, simple lang naman." she crossed her arms, her face becoming serious now. "Abort the child you are carrying and leave Cain and Cerix alone. Inagaw mo lang naman sila sa aki—"
"You stole my husband first! And I will not abort my baby!" I shouted. Napaiyak na naman ako nang maalala ang mga panahong para akong tanga na hinahabol habol ang asawa ko. Mga panahon na nagpapakatanga pa ako sa lalaking hindi makontento sa isa.
Naningkit ang mga mata nito at mariin akong tinitigan. Pagkaraan ay bigla nalang itong tumawa ng sarkastiko.
"So gumaganti ka? Nice." tumango-tango ako. "But let me correct you, girl. Hindi ko siya inagaw. He approached me first and who am I to decline? He promised me wealth and fame... and marriage." nanginig ang labi ko sa huling sinabi nito. Gustong gusto kong magsalita pero... pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas ngayon kahit na ang buksan ang bibig ko.
"Ikaw ang nang-agaw! Ikaw ang kusang lumapit! Ikaw ang kumabit!" and that's when I lost my calm demeanor. I slapped her. Natabingi ang kaniyang pisngi sa kabilang gilid ngunit kaagad naman itong bumaling sa akin. Galit na galit ang mga mata nito habang nakahawak sa pisnging sinampal ko.
I know what I did was wrong. I was married when I decided to cling on Chaos. But that's just it! Chaos wasn't in relationship with anyone! And he clearly even said that he doesn't love Cerix's mother and I believed him!
"Abort the baby or I will make it myself! You choose bitch!" She shouted. Nanlilisik na ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Dinuro-duro pa nito ang aking noo hanggang sa mapaupo na ako sa gilid ng kama.
Umiling ako ng ilang beses at niyakap ang aking tiyan habang umiiyak.
No...
"Abort the baby and I will let you fucking live! Mamili ka, bruha!" napalunok ako.
Never in my life had I expected all these. Ayaw kong mamili. Mas gugustuhin ko pang mamatay kasama ang anak ko kaysa ang patayin ang nasa sinapupunan ko.
"Mamili ka sa—"
"That's enough, Stephan!" malakas na sigaw ng kung sino. The voice sounds familiar.
"What did you do?" mahinahon at malamig na sabi ng lalaking kakapasok pa lang. I wiped my tears before slowly looking up. And there I saw the man who... kidnapped me. He's of age with Chaos's father. Around 40's? I'm not really sure, but I can already sense danger with the way he look.
He smirked before giving out his right hand. "Novin." Novin? Who is he? And why does he look like...
"Novin Verlice, woman. Cerix's father, and I am here to demand a payment from all the shits that your husband had given me. And I will start it with you."