Chapter 49 Who is he?

"Mom? Where are we going?" nakangusong tanong sa akin ni Cerix. Nakasakay kami ngayon sa private chopper na pag-aari ni Chaos. It's been almost a month. Yes. Almost a month after Stephannie decided to leave the island. Hindi naman na nagtanong si Cerix tungkol sa Mama niya, but I know that he was silently sad about it. Iniwan na naman siya ng Mama niya. Who would be happy right? Kaya ang ginagawa ko nalang ay sinisigurado kong mararamdaman ni Cerix na nandito pa rin ako. That I also love and care for him. He may not be able to understand the situation for now, but I know that he will... someday. And I do really hope na hindi kami tuluyang maputulan ng koneksyon kay Stephannie. I just hope that she'll still make it up to her son.

I know to myself naman that I will be a good mother to Cerix. But I know that deep inside of the little boy, he still wanted an attention from her. Kailangan niya pa rin si Stephannie.

"We are going to the city, baby." ani ko nalang habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Hinalikan ko ang noo nito habang hinahaplos ang pisngi.

"Why Mom? Are we going to live there forever? We won't be in the island anymore?" nginitian ko ulit ito at marahang umiling. Absolutely not. We are not going to live there forever. Chaos happen. He wanted to move by himself. Ani niya'y wala naman daw'ng napala ang pagpunta ko doon at muntik pa kaming ma-disgrasya ng anak namin. I told him na kakausapin ko lang ng maayos si Ansel, pero ayaw na niyang pumayag. Kaya heto kami ngayon, nakasakay na papunta sa city.

I seriously don't know what will he do. Pero... kinakabahan ako sa totoo lang. I am seriously terrified of what would he do.

"We're just going to fix something, baby." bulong ko.

It took us half an hour bago makarating sa siyudad. We landed at a rooftop's building. Buong akala ko nga ay sa isang lupain kami lalapag pero dito pala talaga kami dumiretso. Sa teritoryo ng mga Verlice.

"Where are we?" mahinang bulong ko kay Chaos. Nakahawak ito sa aking baywang habang karga si Cerix sa kaniyang bisig. Nakatulog ang anak ko at mukhang hindi pa nito nararamdaman na nakarating na kami.

"Verlice's Security Agency, baby." He kissed my forehead before turning towards his men.

Security Agency? They own a security agency?

"Gather the men. We'll be having a serious meeting."

"Yes sir!"

Yumuko ang lalaking naka-suit. Actually, they are all wearing an all black suit. May sunglasses pa ang mga ito na itim na itim kaya hindi ko makita ang mga mata nila. And they are all wearing an earpiece too.

Rich rich?

Sumakay kami sa lift kasama ang iba pang mga men in suit. They were all wearing a poker faces. Like seriously? Ganun ba dapat kapag mga bodyguards? Kailangan talaga seryoso at poker face lagi?

I sighed. Mukhang narinig iyon ni Chaos kaya marahan nitong hinaplos at pinisil ang aking baywang.

"Is my baby okay?" malambing nitong bulong. Sa sobrang tahimik ng paligid namin ay mukhang narinig iyon ng mga men in suit kaya napalingon ng bahagya ang iba sa aming gawi.

Napanguso ako at tumango. "You are not going to kill someone, right?" mahinang bulong ko rin dito. Ngayon pa lang ay nagdududa na ako. Baka ay anak talaga ng isang mafia boss si Chaos? At ngayon, siya na ang namamahala sa... Oh God! Please do tell me not!

"It depends, baby." bulong nito na nagpakurap sa akin ng ilang beses.

"Send some of the men to look out of the building where my penthouse is, and tell them to stay there 'till my family arrives." malamig na saad ni Chaos sa lalaking sa tingin ko ay ang head ng mga men in suit.

"On it, Sir."

Nang makarating kami sa floor na sa tingin ko ay kung nasaan ang opisina ni Chaos ay kaagad akong namangha sa nabungaran. I bit my lower lip. Everything... is in a dark color. But I seriously don't know how the hell the whole place looks like a glittering star. Halos kumikinang lahat ng bagay at nagsisigawan sa karangyaan. Pati ang sahig ay parang pwede pang ibenta dahil sa kintab nito.

Nang makapasok na kami sa loob ng opisina ay talagang halos malaglag na ang panga ko sa lawak ng lugar. I mean, not only that. Everywhere I look, I see glitters. Seriously! How rich is this man to afford the glitters he put everywhere!

I admit... Nai-intimidate ako ngayon sa lugar ng lalaki. Mayaman naman kami e pero hindi naman kumikinang ng ganito ang buong lugar ng building namin. Even the paintings around looks... pretty intimidating and expensive.

"Calsey, baby, mauuna kayo ni Cerix sa penthouse. Just wait for me there. I'll just have to talk to my men about something, hm?" baling ni Chaos sa akin.

Napakurap ako at napanguso. That's the thing. I don't wanna left the place because of the glitters. Is the whole place made of crystals?

"I... I wanna stay here though. We'll wait for you here. Is that possible?" mahinang tanong ko pa rito. Napahinto at mukhang napaisip. Tiningnan pa nito ang mga men in suit niya na nanatiling nakatayo malapit sa may pintuan.

"Baby?" naguhuluhan nitong ani.

I bit my lower lip before making a sad face. "Okay. I get it. Sige, uuwi na kami—"

"Of course it's possible, baby. For you, of course. It's possible."

That's more I like it.

"Men. To the conference room. I'll just talk to my wife."

***

"Letse kang babae ka!"

Napanguso ako nang marinig ang matinis na boses ni Tammy mula sa kabilang linya. Lumabas muna ako sa kwarto na nasa loob ng opisina ni Chaos at isinara nag pintuan. Yes. Chaos' office has a room. The weird thing is, nasa likod pa ng bookshelf ang pintuan nito. May pipindutin ka lang na button sa likod ng kulay gintong libro at awtomatikong bubukas na ito. Weird but cool, indeed.

"Kailangan ko pa talagang malaman sa balita ang nangyari sayo sa loob mismo ng company tapos mawawala ka na parang bula! Halos isang buwan kang nawala na bruha ka! I was so worried pero ang mga kapatid mo ay parang wala lang! Bakit?! May alam ba sila na hindi ko alam?! Shin naman e! Kaibigan mo ko!" I sighed. I felt guilty. Hindi ko man lang ito natawagan pagkatapos ng nangyari sa akin sa company building noon. Nawala na rin sa isip ko 'yon. And besides, Kuya called Chaos naman and I thought that he told my Tammy that I was safe.

"I'm sorry. Akala ko sinabi ni Kuy—"

"AKALA MO LANG 'YON PERO HINDI E!" suminghot singhot pa ito. "Pero... is it true that Cain is making a move on his own?! Is it true beh?!" malakas na sigaw nito at tunog excited pa ang ang boses. My forehead knitted in confusion.

"W-what?" I asked. Kasi hindi ko naman alam kung anong nangyayari e. May meeting si Chaos kasama ang mga tauhan niya.

"Beh! Narinig kong magkausap ang dalawa mong magkapatid kanina about you. I eavesdropped..." humagikhik ito na ikinailing ko lang. "Pero isa lang ang tumatak sa isip ko Shin, seriously."

I bit my lower lip habang hinahaplos ang aking maumbok ng tiyan.

"What? What is it?"

"Hindi ko alam, but, Ythan said na we don't have to worry anymore kasi Cain is making a move naman na. He said that a Cain Verlice is enough for Ansel the bastard to crumble back to where he belongs. He even added that your man is...

Far more powerful than the Glaverra's combined. Tell me, girl. Who the fuck is Chaos Aizanver Ivanovich Verlice, really? Who the hell is that man, girl? At bakit pakiramdam ko ay kailangan ko ng mag-impake paalis ng Pilipinas? Yes girl. His name is 'that' intimidating na makakapag-impake ka talaga ng wala sa oras. Kinikilabutan ako ah. Pakiramdam ko ay nasa kalingkingan niya lang talaga ang mga Glaverra."

Who is he? I don't know. That's what I asked myself too.