Chapter 44 Scandal
Two weeks.
Two weeks had past pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa annulment namin ni Ansel. Hindi niya pa rin pinipirmahan lahat ng annulment papers na pinapadala sa kaniya. I seriously don't know what he is planning.
Nanatili naman ako sa loob ng condo dahil hindi ako pinayagan ni Tammy na lumabas. Chaos called me a lot of times but I choose to reject it all. Natatakot ako. Natatakot ako na baka sabihin niyang ayaw na pala niya akong makasama. Na ayaw na pala niya sa akin dahil ayaw niyang gawing komplikado ang buhay niya. And that he'll realize that I will be only tainting a dirt on his name.
I've been crying a lot too this past few days. Hindi ko alam ang gagawin ko pero alam ko kung anong gusto ko, and that makes it more complicated! I wanna cuddle with Chaos so bad. I wanna hug him. I wanna smell him, but that's impossible. Ayaw kong bumalik sa isla ng dahil lang dun. At mas lalong ayaw ko ring bumalik sa isla nang hindi ko pa nagagawa ang dahilan kung bakit ako nandito.
Bumukas ang pintuan ng aking kwarto pero nanatili lang akong nakahiga. Tahimik na tinitingnan ang kisame ng kwarto pero panay naman ang agos ng luha sa mga mata.
I just wanna... I just wanna be with Chaos. I badly want to hear his voice pero takot na takot talaga ako ngayon. I know him. He's handsome, smart, hot, a gentleman. He can easily pull off a woman. Iyong walang sabit. Iyong wala siyang magiging problema. And that is what I am afraid of. I'm afraid that he'll soon realize na hindi pala ako ang kailangan niya. I am afraid to know his thoughts for now, kasi, kasi ayaw ko na siyang pakawalan pa. I know I love him. I love him deeper than what I felt for Ansel before. That's also scary. I'm scared that the score between me and Chaos will only be for awhile. I'm afraid that it won't last and I'll be stuck in the darkness again. No. I don't like that to happen.
"Umiiyak ka na naman?" narinig ko ang boses ni Tammy. May irita sa tono ng boses nito, ngunit mas lamang ang pag-aalala doon.
"Damn it, Shin. Please, huwag naman ganito. Iyak ka nga iyak e alam mo namang makakasama sa inyo ng baby 'yan. Nag-aalala na sayo si Cain. He called me, beh. Bakit hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya.." naramdaman ko ang dahan dahan niyang pag-upo sa gilid ng aking kama. "Gaga ka. Gustong gusto ka ng sundan ng bebe mo dito, pero mukhang may pumipigil e. Binantaan mo no?"
Napasinghot ako.
I told Chaos to never follow me because I can handle myself. I told him to just stay on the island and wait for me, dahil kung hindi niya ako susundin, hindi na niya ako makikita pa at paniguradong magagalit ako sa kaniya.
Kawawa naman ang Chaos ko. He really is an obedient dog huhu. I love him so much.
"Under na under sayo si Mr. Cain, no? Akalain mo 'yon? Iyong bilyonaryong 'yon nagawa mong pasunurin? Hindi pa nga kayo mag-asawa pero hawak hawak mo na ito sa leeg. The power of Yshien Calsey nga naman e no?"
Mas lalo akong napanguso sa sinabi ni Tammy.
"It's okay for me kung hindi ka muna magsalita, diyan. But please do stop crying will you? Baka mapatay ni Cain sa Ansel kapag nagkataon. Aalis muna ako dahil may aasikasuhin ako sa kompanya, beh. May pagkain na doon sa kusina. If you need something else. Do not hesitate to call me." ang huling sinabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nang masigurong kong nakalabas na ito sa condo ay tinanggal ko ang pagkakatalukbong ko sa comforter at bumaba sa kama. Nakanguso akong lumabas sa kwarto at dumiretso sa kusina. Kaagad akong napangiti nang bumungad sa akin ang pagkain na inihanda ni Tammy.
I am really damn lucky to have her as my best friend.
***
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan na nagamit. I was kinda bored. I wanted to get out, but I wanna stay here too. In short, tinatamad akong maglakad.
Wala sa sarili kong ini-on ang TV at nanood nalang... na sana ay hindi ko na pala ginawa dahil sa balitang bumungad sa akin.
"Yshien Calsey D'angelo. Do you know her, Sir?"
"She's.... she's my wife."
"A source said that you cheated with your secret marriage with her first, what can you say about it?"
Napalunok ako ng tumingin ng diretso sa camera si Ansel. Magang maga ang mga mata nito na para bang kagagaling lang nito sa pag-iyak. He looked... completely different when we met in the office. Gulo gulo ang buhok nito at kitang kita ang eye bags nito sa ilalim ng mga mata niya. I gasped. What happened to him?
"I.... fucking never cheated on her. She cheated on me first. Nabuntis siya ng lalaki niya kaya gusto niyang makipaghiwalay sa akin. I don't want to. Yes, I cheated. But it is because she cheated on me first. Pero alam kong mahal ko ang asawa ko. Kaya hindi ko ibibigay ang hiwalayan na gusto niyang mangyari. She cheated on me first, but I accepted it because I love her. Nabuntis siya ng lalaki niya, pero tatanggapin ko pa rin siya dahil... mahal ko ang asawa ko." Huling sinabi ni Ansel bago tuluyang pumasok sa sasakyan.
I was deep rooted on the sofa I am sitting on. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.
"Yshien Calsey D'angelo Glaverra is known for their chains of hospitals around Asia and Ansel Karius Glaverra married her three years ago. A secret marriage that his wife wanted, that he agreed on because of his undying love for her. But, how can this woman afford to cheat on his husband when all he did was to love her? Tama nga siguro sila. May pinagtatagpo pero hindi itinatadhana. For more news and—"
I turned the TV off before crying. His family was the one who decided to... to make our marriage a secret and he agreed. I was never up for it but he told me that it was for the best. I didn't cheated on him first! He knew that! Pero bakit ganito ang mga sinasabi niya sa akin?!
He is fucking tainting my family's name!
Oh God...
I don't know what would my relatives reaction to this. The D'angelo are known for being a monster in the field of medicine, and I can't fucking afford to taint our name just because of my problems!
Napahagulhol ako ng iyak, not knowing what to do anymore.
Chaos...