Chapter 43 Cheater's cheater
"We need to talk."
Iyon ang unang bumungad sa akin pagkagising ko pa lamang. The text was from Ansel, and base on his text, mukha siyang galit. Napailing ako bago inilagay ang cellphone sa side table. Dumiretso na ako sa bathroom at naligo. I wanted to freshen up before facing Ansel. Mag-iisang linggo na ako rito sa kahihintay kung kailan darating si Ansel. Naibalita kahapon na dumating na raw sila ni Stephannie mula sa isang bakasyon. Siguro ay nakuha na nito ang mga papeles na pipirmahan niya to settle our annulment. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nagtutunog galit ang text niya sa akin ngayon. Or, was that just my imagination playing with me again?
Bakit naman ito nagagalit di ba? I am finally granting the thing that he wanted for so long. Hindi man niya ito sinasabi sa akin dati, alam kong ako lang ang hinihintay niyang mag-pursue mismo nito.
So there is no reason for him to get angry, right?
Pagkatapos kong makapag-bihis ay kaagad na akong lumabas ng kwarto. I prepared myself a breakfast before going out of the unit. Napag-desisyonan kong pumunta sa company. Bibisita lang siguro ako dun to check things up and I will let Tammy handle it. We're business partners, so it is okay for her to be appointed as the CEO for the meantime.
Nang makarating ay kaagad na nanlaki ang mata ng guwardiya sa aming kompanya. Sumaludo ito at malaki ang ngiti sa akin.
"Ma'am! Nakabalik na po pala kayo!" nginitian ko lang ito bago pumasok sa loob. My staffs immediately greeted me. They were all wearing their smiles as they approached me. They even insisted to send me to my office which I just laughed off pero hindi ko na tinanggihan.
"Alam mo ba, Miss. May gwapong lalaki na laging nagpabalik-balik dito sa company natin. He wanted to be one of the investors pero inaayawan ni Ma'am Tamia. Iritang irita nga sa lalaking 'yon si Ma'am e, samantalang ang gwapo gwapo naman ng lalaki." Kinilig na sabi ni Isay sa akin habang nasa loob kami ng elevator. Namumula pa ang mukha nito na parang inaalala ang mga panahon na pumaparito nga ang lalaki.
Napailing nalang ako at napangisi. Hmm, maybe I should ask Tammy about this guy. Omo, may love life na ang Tammy ko?
Nang makarating kami sa floor kung nasaan ang opisina ko ay kaagad na nagsitayuan ang mga employees ko. Galak na galak sila nang makita ako at panay pa ang puri sa akin. Ani ng mga ito'y bagay na bagay daw sa akin ang tanned skin.
Nasa gitna ako ng pakikipag-usap sa mga staff nang bigla nalang bumukas ang opisina ko. Lumabas doon si Tamia na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Girl! Bumiyahe kang mag-isa?!" gulat na tanong nito at mabilis na lumapit sa aking gawi. Hinawi pa nito ang isang mga staffs ko sabay tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Gaga ka! Paano kung—"
"Relax Tammy. Wala namang nangyari e," pagpapakalma ko dito nang akma na itong magsasalita. Mukhang sisigaw pa yata dahil sa taranta.
"Buntis ka e! Kaya dapat mas nag-iing—"
"Buntis ka Miss Calsey?!" Nagugulat na sigaw ng lahat. Napanguso ako bago dahan dahang tumango. There's no point of lying, anyway. Tamia spoiled it already.
***
"Miss may bisita po kayo..." Napatingin ako sa pintuan at nginitian lang si Rachelle bago sinenyasang papasukin si Ansel. Yes. I have decided na dito na kami mag-usap sa opisina ko mismo. Ayaw ko namang dalhin siya sa condo at ayaw ko ding pumunta sa mga mataong lugar dahil baka... hindi maging maganda ang pag-uusap namin ngayon.
"Sumigaw ka lang kapag kailangan mo ng tulong, beh."
Napanguso ako nang maalala ang huling sinabi sa akin ni Tammy bago ito lumabas sa opisina. Tch. Wala naman siguro itong gagawin sa aking masama, no? Kapag sinubukan niya lang ay talagang isusumbong ko siya kay Chaos.
Nang tingnan ko si Ansel ay ganoon pa rin ng mukha nito nong umalis ako papunta sa isla. Only that, he looks more... mature and happy? I don't know. I don't have to know dahil hindi naman 'yon ang kailangan ko. I only need his sign. Pirma niya lang ang kakailanganin ko sa kaniya.
Seryoso ang mukha nito nang tuluyang maupo sa harap ng aking table.
I sighed before smiling at him casually. "How are you?"
Ansel's jaw clenched as his gaze on me became sharper. Maya maya ay itinaas nito ang brown na envelope.
"You just came back and you immediately sent me these shits?" malamig nitong tanong sa akin. My eyebrows furrowed in confusion. Ahm.. he just came back from a vacation with his mistress too but I didn't complain and get angry with it?
"What the fuck is your plan, Shin? Why the fuck did you sent me an annulment papers without even consulting me first?! What the fuck?!" malakas na sigaw nito dahilan para mapaigtad ako ng bahagya. He is always like this. Kapag nagagalit o naiirita siya ay hindi niya talaga makuhang kumalma at hintayin ang eksplenasyon ko. Sinisigawan pa ako nito na para bang hindi niya ako asawa. Sanay na ako noon sa kaniya, pero hindi na ngayon dahil... hindi ako nagawang sigawan ni Chaos kahit isang beses.
"You want to end our marriage?! For fucking what?!" sigaw ulit nito. Nanatili akong tahimik habang nakatingin kay Ansel na galit na galit ngayon sa harap ko. Nakatayo na ito at mukhang handa nang makipag-away sa kung sino.
"For what, huh?!" bumaling ito sa akin at nagpakawala ng isang ngisi. "May lalaki ka no?! May lalaki ka! Putangina! Niloloko mo ako habang kasal tayo, ha?! Kaya mo ba gustong makipaghiwalay dahil gusto mo ng sumama sa lalaki mo?!" malakas ang sigaw nito at marahas na hinawi ang mga gamit na nakalagay sa ibabaw ng aking lamesa.
Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa ng lalaki.
"Manloloko ka?! You are a fucking hell of a cheater, Yshien! But no! I won't fucking let you annul me! Not in this lifetime! You will stay as a Glaverra! My Glaverra, Yshien! You are my cheater!"