Chapter 45 Protection

Naabutan ako ni Tammy na nakaluhod na sa carpeted floor ng sala. Pabagsak nitong naisara ang pintuan ng condo at kaagad akong dinaluhan. Rinig na rinig ko ang mura nito kay Ansel habang patuloy ang paghaplos sa aking buhok.

"Shush, tahan na, beh. Papunta na dito ang mga kapatid mo. Tinawagan ko sila Yurika at Ythan habang papunta dito. They won't let this slide this time, Shin. They won't."

Nakayakap lang si Tammy sa akin habang pilit akong pinapatahan. Sumasakit na rin ang tiyan ko dahil kanina pa ako umiiyak. I badly wanted to stop pero hindi ko mapigilan ang sarili. Whenever I thought about how Ansel betrayed me again. It really pricks my heart so bad. Hindi ko na siya mahal, alam ko 'yon, pero nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi nitong paratang sa akin dahil... dahil buong akala ko ay hindi niya 'yon magagawa. I have a high expectations with him, and this is not what I expected.

"Putangina talaga ng lalaking 'yon. Humanda lang talaga sa akin ang pesteng 'yon."

Umiiyak pa rin ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng condo unit. Sunod nito ay ang mga nagmamadaling yapak ng dalawang tao.

"Princess!" naisigaw ni Kuya Ythan. Kaagad akong napatayo at humihikbing tiningnan ang kapatid ko na ngayon ay kitang kita ang galit sa mukha.

"Fuck!" marahas nitong mura at kaagad akong niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong napahikbi nang marinig ang malambing nitong boses na pilit akong pinapakalma.

"Ythan don't hug her too much. Maipit ang bata," istriktang saway but ate Yurika. Inalis ko ang pagkakabaon ng aking mukha sa balikat ni Kuya at nagtaas ng tingin sa aking kapatid na babae. We really had the same features, of course, we are triplets, only that, ate Yurika looks more strict and cold. Kuya Ythan looks playful and friendly, while me, they said I am the mixture of the two.

Ibinuka ni ate ang kaniyang mga braso. Mabilis akong umalis sa pagkakayakap ni Kuya at niyakap si Ate.

"Shush..." maramdaman ko ang paghalik nito sa aking ulo ng paulit-ulit.

"This. I will never fucking let this slide, Princess. Kahit magalit ka ay bubugbugin ko pa rin ang putanginang 'yon! I will fucking kill him!"

"No you can't, bastard." Bumukas ang pintuan ng condo at pumasok si Sai. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa may bandang likuran ko, kung nasaan si Kuya Ythan.

"Babe..." ungot ni Kuya ngunit pinanlakihan lang ni Sai ng mata ang aking kapatid.

Pinaupo ako ni Ate Yuri sa sofa. She wiped my tears. Tuluyan na akong nakalma dahil sa dalawa na mahinang nagbabangayan ngayon. My eyebrows furrowed. Kuya Ythan and Sai... are a thing?

"He is fucking manipulating the media. That asshole is fucking annoying." Malamig na saad ni Sai at naupo sa aking tabi. Nangunot ang noo nito habang nakatingin sa akin bago hinaplos ang aking pisngi. "I will fucking ruin him, baby girl. For you." she whispered softly. Napakurap ako ng ilang beses bago napatingin kay Kuya na nakanguso lang sa harap.

"You can't like my little sister, babe." nguso nito.

Umirap naman si Sai bago ako inakbayan. "Oh. I will. You know me." Napakurap ako ng ilang beses. Anong nangyayari?

"Pwede ba. Huwag nga kayong maglandian diyan. Respeto sa mga single. And, that is not our issue today. Ang issue natin ay kung paano natin mapapatay ang Ansel na 'yon." singit naman ni Tammy.

"As much as I wanted to kill him too, no we can't. He has the power, you know what I mean. I know that y'all has power too, but we need something more that would make him tremble in fear. I am going to focus on collecting and organizing the proofs that I have with the bastard. Ibubulgar ko ito sa public. That would probably ruin the whole image of his family. You guys focus on how to make Ansel sign the annulment papers. I will focus on ruining his image." malamig na turan ni Sai. Saglit akong tiningnan nito, and I swear, I got goosebumps.

But no, ayaw kong gumanti. I wanted to talk to him slowly. Yes. Even though he just made a huge scandal, I just can't... find myself revenging on him. He is still my husband, I had loved him, kahit papaano naman ay may pinagsamahan kami. He just need an explanation from me. I know that's what he exactly needs.

***

Kinabukasan nang mapag-isa ako ay napagdesisyunan kong magpunta nalang muna sa company. Kuya and Ate had something to do. Tammy is in the company kaya ako lang mag-isa sa condo. They were even hesitant to left me but I assured them that I will be okay.

I am okay. I am trying. I just wanted to go somewhere dahil pakiramdam ko ay malulunod ako sa sarili kong pag-iisip kapag mas nagtagal ako dito sa loob ng mag-isa.

I wore a black hoodie jacket and a black sweatpants. Mas minabuti ko na ring magsuot ng cap at mask para hindi ako makilala ng media. Kuya and Ate already warned me not to go out because the media might caught me. Pero hindi ko talaga kayang mag-stay dito.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala namang media sa labas ng building. Pumara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa address ng company.

It wasn't a long drive. Hindi naman traffic kaya nakarating ako kaagad. Buong akala ko ay magiging tiwasay na lahat pero nagkakamali ako. There were media around the entrance of the building. Ang daming tao.

I bit my lower lip. Inayos ko ang aking cap at mask bago lumabas ng taxi matapos itong mabayaran.

Nagtutulakan ang mga tao kaya mas minabuti kong gumilid nalang. Although medyo nahirapan ako, nairaos ko naman ng walang nangyayari sa aking masama. Nakahinga ako ng maluwag nang makaharap si Kuya Teddy, ang guard namin. Mukhang nakilala ako nito kaagad kaya mabilis niya binuksan ang glass door.

Nang makapasok ay kaagad kong tinanggal ang aking suot na cap at mask. Makakahinga na sana ako ng maluwag nang makaramdam ng sakit sa aking kaliwang pisngi. Napaawang ang labi ko bago ito hinawakan. Parang namanhid pa ito sa sobrang lakas ng pagkakasampal ng kung sino.

"Putangina ka talagang babae ka! Sinasabi ko na nga ba at wala kang maidudulot na maganda sa anak ko! Tangina mo! Manloloko ka! Cheater! Two faced bitch!" nanatili akong nakahawak sa aking pisngi habang nakatingin sa galit na galit na ina ni Ansel.

Sunod sunod kaagad na nagbagsakan ang mga luha sa aking pisngi. Katabi niya ang dalawang babaeng pinsan ni Ansel na nakatingin lang sa akin ng malamig.

Sa pangalawang sampal ay napabagsak na ako sa sahig. Nagsigawan ang mga employees ko na nakakita sa pangyayari. Sinubukan pa nilang umawat pero may mga nakabantay kaya hindi nakalapit ang mga employees ko.

Hindi ko na napigilan ang Mommy ni Ansel nang mabilis akong nitong pina-ibabawan at sinabunutan habang sumisigaw.

"Puta ka! Malandi! Niloko mo ang anak ko! Hindi ka na nakontento at nagpabuntis ka pa sa iba! Makati kang babae ka kahit kailan! Two faced bitch! You don't deserve my son at all! You deserved to be kept a secret! Tama lang na hindi nailantad sa publiko ang kasal niyo!"

Hindi ko napigilan ang bawat hatak at kalmot nito sa akin dahil pilit kong tinatakpan ang aking tiyan.

"Tulong! Buntis si Miss Calsey! Tulungan niyo siya!" malakas na sigaw ng mga employees ko.

Iyak lang ako ng iyak nang bigla nalang nawala mula sa pagkaka-ibabaw sa akin ang Mommy ni Ansel. Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita ko itong hawak hawak ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit. They were all wearing a black sunglasses at may mga suot suot pang earpiece.

Tinulungan ako ng isa na makatayo. Kaagad kong pinahid ang aking luha. Nakita ko ang pilit na pagpupumiglas ng Mommy ni Ansel mula sa pagkakahawak ng lalaki. Pati ang mga bantay at ang dalawang pinsan ni Ansel ay hawak hawak din ng mga lalaking naka-all black.

"Boss, I'm sorry. She was hurt. We came late. Yes boss. Yes. I'll tell her that boss. Yes boss."

Napalingon ako sa isa nang magsalita ito.

"Ma'am kailangan niyo pong ma-check muna ng doktor. And boss ordered you to go back to the island this instance. Isasakay po kayo ng private chopper. And he said, it's whether you like it or not, Ma'am, you have to go back." wala na akong ibang magawa kundi ang tumango. G-gusto ko na ring bumalik. Ayaw ko na rito.