Chapter 42 Progress

"Hindi ka pwedeng mag-suot ng heels, girl." sambit ni Tammy habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Nagtaas ito ng tingin sa akin at iwinagayway ang kaniyang cellphone. "Your Chaos Aizanver texted me. How did he even got my number though?" naibulong niya ang huling salita.

Napanguso nalang ako habang nag-aayos. I am just wearing an off shoulders white dress that ends exactly above my knees. I wanted to pair it with a one inched high heels or something, but on the second thought, I'll just wear sneakers for the baby's sake.

"Sigurado ka bang makikipagkita ka sa abogado ng asawa mo, beh?" Tumango lang ako sa tanong nito. I actually tried to call Ansel dahil gusto kong personal mismo na sabihin sa kaniya ang tungkol rito. Of course, alam ko namang hindi ako makakagalaw without his cooperation. Kaming dalawa ang involve dito kaya dapat kaming makipag-cooperate sa isa't isa pero hindi ko naman ito ma-contact. I was glad that I reached out to his lawyer.

"I heard that Ansel is on a vacation day with Stephannie e. That bastard, talagang sineseryoso na niya ang babae niya," narinig ko ang galit sa boses ni Tammy habang sinasabi 'yon. Napailing nalang ako. I know how much she loathe Ansel for cheating on me. Kahit na nakapag-desisyon na akong hiwalayan ito ay nandoon pa rin ang galit ni Tammy.

"Hayaan mo na siya. I'm sure he'll be happy with decision,"

Dahil sa wakas ay wala nang magiging hadlang sa kanila ng girlfriend niya. Singsing nalang daw ang kulang sa dalawa e. I bit my lower lip. Our marriage wasn't publicize noon dahil 'yon ang kagustuhan niya at ng buong pamilya ni Ansel. They somewhat hate me for I don't know the reason why. Basta hindi sila proud na ako ang naging asawa ni Ansel. 'Yon din ang dahil sa kung bakit ang dami pa ring nape-paired up kay Ansel after our marriage. Wala kasing halos nakakaalam ng marriage namin, kundi pamilya lang talaga niya. I'm kinda feeling bitter. Feeling bitter that I wasted my years with him when I can be genuinely happy with someone else.

But nevermind though, ang importante ay na-realize ko nang hindi lahat ng naihaharap mo sa altar ay 'yon na talaga ang makakasama mo habang buhay.

Sa isang restaurant namin naisipan ni Tammy na hintayin ang lawyer ni Ansel. Kanina pa nakarating ang lawyer ko rito at si Mr. Castillo nalang ang hinihintay namin.

It didn't took long before he came. May katandaan na ito, but he was the most trusted lawyer of the Glaverra's.

"I'm sorry I'm late. Let's start." napanguso ako sa sinabi nito. G-gusto kong kumain muna e. Hindi ba 'yon pwede?

Napatingin ako kay Tammy na nasa aking gilid. Kinunutan ako nito ng noo pero ngumuso lang ako. Napakurap ito ng ilang beses na mukhang nakuha ang ibig kong sabihin.

"Ahm, I think it's best if we order our foods first," Napangiti ako sa sinabi nito Tammy. 'Yon nga ang dahilan kung bakit napili kong dito nalang sa resto mag-meet dahil gusto kong kumain habang pinag-uusapan namin ang proseso ng annulment.

Sumang-ayon naman si Miss David at Mr. Castillo sa sinabi ni Tammy. We ordered food and we waited for it to be served bago kami nag-usap usap. Actually, sila lang naman talaga ang nag-uusap dahil mas minabuti kong kumain na muna.

Hindi na kataka-taka pa kung bakit halos oras oras akong kumakain. Hindi na ako mag-isa ngayon at may nabubuhay na sa loob ng tiyan ko kaya malamang, magugutom talaga ako lagi. My child is consuming too much food, hm. Sana malusog 'to paglabas.

"We can't really be able to make a progress about the annulment kung wala dito ang husband mo, Mrs. Glaverra," ani ni Mr. Castillo. Seryoso na ang mukha nito habang binabasa ang mga papel na ibinigay ng aking lawyer.

"We need to consult him first. Sa pagkakaalam ko ay okay naman ang relasyon niyong dalawa. Mr. Glaverra never called me to process an annulment papers for his wife, kaya nagtataka ako ngayon kung bakit gustong gusto mong makipaghiwalay. He was treating you goo—"

"Alam mo, attorney. Hindi ka naman siguro CCTV para malaman lahat ng ginagawa nitong ni Ansel e. Pero hindi mo ba nakikita ang mga balita sa news? He is cheating, clearly. He is in a relationship with Stephannie Grant kahit na mag-asawa na sila ni Yshien, kaya anong sinasabi mong 'treating you good, treating you good' diyan ha? He wasn't treating her good dahil dinadala pa nito mismo sa sarili nilang bahay ang mga babae ni Ansel." Napakagat ako ng labi sa sagot ni Tammy. Natahimik naman si Mr. Castillo dahil doon.

"As I was saying, hindi na—"

"It's actually possible to process the annulment without the husband's presence. Pwede naman 'tong ipadala ang mga papel na pipirmahan sa address kung nasaan man si Mr. Glaverra. We can have a smooth process with the annulment kung pipirmahan 'to ni Mr. Glaverra kaagad. Ako na ang bahalang mag-file nito sa korte and it will be done. For sure, Mr. Glaverra won't make this any longer, dahil alam kong sabik na rin itong makawala sa marriage nila ni Miss Calsey." napatingin ako kay Iaasailah David. She's as the same age with me but she's truly a monster with her profession. I can sense it. She's very distant and cold. She has a strong aura. An alpha woman. No wonder why she's friends with ate Yurika Carmel.

Tunikhim si Mr. Castillo matapos makipagtitigan kay Sai.

"Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa mga Glaverra kaya hihintayin ko muna ang asawa mo, Mrs. Glaverra." narinig ko ang mahinang mura ni Tammy sa aking gilid kaya bahagya ko itong siniko.

"Okay then." umayos ng upo si Sai at nag-cross arms pa. Taas ang isang kilay nito habang nakatingin ng diretso sa lawyer ni Ansel. "Sabihin mo sa amo mo na kapag pinatagal niya ang prosesong 'to, I will make sure to taint his name with all his wrongdoings. I have proofs, Mr. Castillo. Kung ayaw mong madawit ang pangalan mo, then make sure to make him sign the annulment papers,"

"I can sue you, Miss—"

"Sue me then. Anytime. I'm ready." napaawang ang labi ko sa sagot nito. Mukhang magiging malaki ang progress nito. My lawyer doesn't really take any jokes. She's pretty serious.