Chapter 10: A Night With You
SINJI'S POV:
--
Gusto kong umiyak sa sobrang pagkamangha sa surprisang ibinigay sa akin ni Kuya.
As in, nagulat talaga ako sa mga kaganapan ngayong gabi. Karamihan sa mga myembro ng HuPoFEL ay narito sa school.
"This is my first time to have a dance with you," pinalo ko ang balikat ni Thud na parang ipinaparating niya sa akin na hindi ako worth it kasayaw.
As you can see, my brother wanted me to have an eighteenth roses which is I already reached nineteen tonight.
"Parang pinagsisihan mong nandito ka, ah?"
"To tell you honestly, yes. Napilitan lang ako because it's your brother's request. Minsan talaga gusto kong suwayin si Boss lalo na kung siya ang magiging dahilan para hindi ako makapangbabae ngayong gabi."
"Ang kapal mo naman, as if may papatol sayong babae?"
"Why not?"
Nagbabangayan lang kami ni Thud sa gitna ng dance floor. Eighteenth roses pero may mga nakisayaw na rin para hindi raw masayang ang gabi nang pagsasaya naming lahat because of the successful event we had this week.
"Change partner na, gagu!"
Napalingon kami ni Thud sa lalaking bagong dating nang basta na lang niyang itinulak si Thud palayo sa akin.
"Tangina mo, tanda. May araw ka rin sa akin."
Gun smirked at him before he snaked his arms around my waist.
"Magpatuli ka muna boy, bago mo ako angasan."
Inambahan ni Thud nang suntok si Gun habang ang lalaki naman ay tumawa lang.
"So, what do you say about your surprise birthday?" Baling nito sa akin.
I pouted my lips as I looked around me.
"Okay naman."
"Okay? Means you are not happy?"
I heave a sigh. "Actually I wasn't expected this. Akala ko may importanteng lakad si Kuya ngayong araw kaya tinanggap ko ang role na maging speaker ngayong gabi but it turns out na may pasabog pala kayo."
Gun smile at me wickedly. "Of course. Hindi naman pwede na maging kaawa-awa ang Prinsesa namin diba?"
"To tell you honestly, for the past years I met Aqueros that was the first time I saw him happy when he already found you. Binuo niya ang HuPoFEL para mahanap ka. Noong una I doubt his capability to rule that kind of organization specially the mafia. Lalo na at binatilyo lang siya ng makilala ko. Pero unti-unti ay nakikilala ko siya and I acknowledge him as my boss. From that time, I saw his genuine smile when he was talking to you. I already set my mind that Aqueros needs my support - our support. So, I give him the trust he wants."
My lips twitch and I wanted to say something but no one came out.
"Akala ko nga nangtitrip lang si Aqueros nang lapitan niya ako noon at tinanong kung gusto ko daw bang sumali sa grupo niya. Agad ko namang tinanggap tutal patapon ang buhay ko noon."
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento ni Gun. Lahat nang tungkol kay Luther Aqueros Bloodfist ay kinuwento niya sa akin.
Habang tumatagal na nasa poder ako ni Kuya, unti-unti ko na ring naa-adopt ang mundo na meron siya. Pero may mga pagkakataon na hindi ko mabasa kung ano ang laman ng utak niya.
"Mind if I steal my princess?" Sabay kaming napalingon ni Gun sa gilid namin at naroon ang kapatid ko na nakangiti habang nakalahad ang kamay nito na parang isang akong royal blood na kagalang-galang.
Gun released me from his grip as he gives my hand to my brother.
"Ang panget pala kasayaw nang kapatid mo. Sibat na ako boss."
Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gun. Kanina pa nga ako dito sa gitna ng dance floor at nangangalay na rin ang paa ko, nagreklamo ba ako?
"Gagu 'yon, ah!" Gigil na bulong ko nang ilagay ni Kuya sa kanyang balikat ang isa kong kamay.
"Watch your mouth, Princess."
I pouted my lips as I rerouted my gaze on him. "Ano bang trip mo at naisipan mong icelebrate ang birthday ko?"
"Nothing, I just want to see you happy on your special day. To tell you honestly, I hate birthdays."
"Why?"
"Birthdays is a curse for me."
Hindi ako nakaimik.
Alam kong maraming problema na iniisip si Kuya ngayon at alam kong marami siyang inaasikaso.
I heave a sigh as I place my cheek on his chest and leans on it and hug him tight.
"Whatever reasons you have there I won't ask. Alam kong marami ka nang pinoproblema and alam kong isa ako sa mga sakit mo sa ulo."
My brother giggled because of what I said as he tightly grips my waist and hug me too.
"Thank you for making my birthday special. Ito ang unang beses na maranasan kong icelebrate ang birthday ko nang ganito kabongga." I looked up on his face. His lips form into a smile.
"Pero aminin mo sa akin, saan ka nangutang ng pera?"
"What?"
Gusto kong humagalpak ng tawa sa expression nang mukha niya. Natigil kami sa pagsasayaw at binitawan niya ako.
"Seriously, you are asking me that? I don't need to loan a money to provide you this kind of party, Princess. You know I have a lots of it."
Hindi siya makapaniwala na magtatanong ako kung saan siya nangutang nang pera. Alam ko naman na galing sa bulsa niya kasi nga diba he has this prestigious school, he has the Bloodfist Enterprises, he has HuPoFEL and he has the mafia.
"Joke lang. Ang seryoso mo masyado."
"Kung kaltukan kaya kita?"
"Aray be."
Tatawa-tawang iniwan ako ni Kuya sa gitna nang dance floor at hindi na nito hinintay pa kung sino ang susunod kong maisayaw.
Pero ganun na lamang ang gulat ko nang may yumakap sa bewang ko mula sa likuran.
I smell his perfume and I know who was it.
"What did you do again to your brother?" Lumingon ako kay Senri at ngumiti nang makaharap siya.
"Wala. Inaasar ko lang kung saan siya nangutang nang pera para magawa niya ang ganito kaengrandeng salu-salo."
Senri let out a giggle as he reach my hand and place it on his shoulder while his other hand he place it behind my waist as we sway our body to the beat.
"You really want him pissed, huh? Magkapatid nga kayo."
Tumawa lang kami ni Senri sa isa't-isa habang sumasayaw.
Senri looked at me in my eyes like there are no other people surrounds us. It feels like he was seeing the universe beneath my soul.
"You know, I am happy that finally Aqueros found you."
"Bakit naman?"
"Ever since he build HuPoFEL, the only purpose of that organization is to find you. Siguro bubuwagin niya na ang HuPoFEL kasi nahanap ka na niya sa ilang taon na paghahagilap niya saang sulok man nang mundo."
"Why do he need to disband the organization?"
"Ang purpose lang talaga nang HuPoFEL ay mahanap ka."
"Pwede namang i-keep diba? At saka marami na siyang myembro kasali na ako."
Senri shrugged his shoulder. "Ask him."
Pinalo ko na lang nang pabiro ang balikat ni Senri. Mangchi-chismis na lang kulang pa sa detalye.
Hanggang sa lumalim ang gabi ay wala kaming ibang ginawa kundi ang magsaya, kumain at mag-inuman. College students na kami kaya okay lang. Kung may minor man kaming makasalamuha pinapauwi agad.
This is the best day I had for the rest of my life. Being with my only family - Luther Aqueros Bloodfist, being with my fiancé Senri Daeyl Kuruzaki and my family - the HuPoFEL and Bloodfist mafia.
Wala na akong mahihiling pa sa pamilyang meron ako ngayon. All I want is to have a peace of mind.
A DAY after the party, Kuya Luther called us - I, Rent and a person named Cassius.
"Ano bang pag-uusapan? Kuya nanunuod ako nang Kdrama!" Ungot ko dito samantalang ang kapatid ko ay tutok na naman ang mga mata sa papeles na nasa kanyang mesa.
"You can have your day after this, Princess."
"Ano ba kasing meron?"
Kuya Luther raise his face towards us. Nakaupo kami ni Rent sa visitor's chair na nasa harapan nang mesa ni Kuya at magkaharap kaming dalawa ni Rent.
Wala si Senri ngayon at hindi ko alam kung na saan na naman ang lalaking iyon.
"Gun reported me about your combat trainings and gun firing. I must say you are improving."
Napatingin ako kay Kuya. "So?"
"So, I decided to put you in a mission."
Laglag ang panga ko.
"Is that too early to have her a mission?" Sabat ni Rent sa usapan.
"There's no early or late when it comes to mission, Rent. We have lots of work and I need more people to execute it."
"Anong klaseng misyon 'yan?"
Hinila ni Kuya ang kanyang drawer ay may kinuhang folder bago ibinigay sa amin ni Rent.
"Everything you wanted to know about the mission is already there. Senri fix it for you and it's not that hard."
Nang buklatin ko ang folder ay ganun na lamang ang panglalaki ng mga mata ko.
"Invading a palace?" Bulalas ko.
"Read and analyse it. You can go."
My lips twitch and I wanted to say something but no words came out. Rent got up from his seat and walk towards the door and dissappear.
"Sure ka na ba dito?" Baling ko kay Kuya matapos lumayas ni Rent sa opisina. "Paano kung pumalpak ako, may insurance ka na ba sa St. Peter? Kuya may discount ang kabaong don."
"What the hell are you saying? I don't need a coffin, okay?"
"Paano nga kapag pumalpak ako?"
"You have Rent and Cassius. They won't let you to face that kind of mission alone. Trust me, okay?"
"Ewan ko sayo!"
Padabog na tumayo ako nula sa kinauupuan ko at nagmartsa palabas nang opisina ni Kuya. Iniwan ko rin ang folder na binigay niya, wala akong oras para pag-aralan 'yon.
Inabala niya ang panunuod ko nang Kdrama dahil lang sa mission? Jusko ang sarap manakal ngayon!
Pagdating ko sa parking lot nadatnan ko si Thud na may kinakalikot kaya lumapit ako dito.
"Anong ginagawa mo?"
Nagulat si Thud nang magsalita ito at halos isang metro ang inilayo nito sa akin nang tumalon ito.
Napahawak pa sa sariling dibdib ang lalaki.
"Goodness gracious, Sinji. Don't startle me."
"Ang O. A ha? Ano ngang ginagawa mo? Kaninong kotse 'yan?"
"Latest model aventador na pagmamay-ari ni Boss."
"Kay Kuya?"
"Yeah."
I crossed my arms on top of chest as I looked at him. "May balak ka bang i-torture ang kotse ni Kuya?"
Thud put his fore finger on his lips telling me to shut up.
"Huwag kang maingay. Itatakbo ko ang kotse ni Boss para pag eskperimentuhan."
"Latest model 'yan Thud. Baka pagalitan ka ni Kuya."
"You care for me? Come on, Sinji if you don't want to catch me, don't give me a sign that I might fall in love with you more."
"Arte mong gagu ka. Dyan ka na nga!"
Thud burdt into laughter as I walk away from him. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo nang mga utak nila.
Hirap makisalamuha sa isang lugar na puro lalaki lang ang nakikita ko. Kailan kaya kukuha si Kuya nang babaeng member para naman may makausap ako dito tungkol sa mga girly things?
Nakakasawa na rin kasi ang mukha ni Gun, Thud, Rent at Cassius. I want a new environment!
"Where are you going?" Tanong nang lalaki na nakasalubong ko pero hindi ko siya pinansin.
Pero ganun na lang ang galit ko nang hablutin nito ang braso ko at hinarap sa kanya.
"Ano ba!" Sigaw ko.
Ganun na lang ang panlalaki nang mga mata ko nang tumambad sa akin ang bulto ni Senri. He was wearing a three piece suit and I think he has a business meeting.
"Why are you shouting? Are you okay?"
Oh my god! Lupa lamunin mo na ako ngayon na!
Alanganing ngumiti ako kay Senri.
"S... sorry, ano kasi badtrip lang ako dahil kay Thud."
"Why? Did he do something?"
"Ah. Wala, ano lang pinagtripan niya lang 'yong kotse ni Kuya na aventador. Latest model daw 'yon."
"What?"
Napatalon ako nang sumigaw si Senri at binitawan ako nito mula sa pagkakahawak. Dali-daling hinanap nang lalaki kung na saan si Thud kaya sumunod naman ako hanggang sa makabalik ako sa garage.
"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING IN MY CAR THUNDER CLYBORNE?"
Nanglaki ang mata ni Thud nang makita ang galit sa mukha ni Senri.
"Oy pre, nandyan kana pala?"
Gusto kong humagalpak nang tawa ng makitang mamutla si Thud hawak ang isang screw driver.
Naglakad si Senri palapit kay Thud at hinawi nito ang lalaki. Akmang bubuksan ni Senri ang pinto pero ganun na lang ang gulat namin nang maalis ang pinto nang sasakyan at nagkapira-piraso ang kotse.
Marahang lumingon si Senri sa gawi ni Thud at tinignan ito nang seryoso bago binitawan ang pinto nang kotse na ngayon ay kalas na sa katawan nito.
"W.. why are you looking at me like that? Don't tell me type mo ako?"
Senri didn't utter a word as he moves forward towards Thud who's sweating right now.
"Who told you to touch my car?"
"Car? What car?" Maang ni Thud.
"These car, idiot!"
Napaigtad si Thud nang sigawan siya ni Senri. Ako naman ay nag cross arms lang at pinapanuod ang eksena nang dalawa.
"Kotse mo 'yan? Sabi ni Gun kay Boss na kotse kaya pinakialaman ko."
Senri heaves a sigh as he brushed his hair up out of anger.
Nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Thud nang hugutin ni Senri ang baril nito na hindi namin alam kung saan niya nakuha.
Naalarma naman ako kaya umayos ako nang tayo pero hindi ako lumapit sa kanila.
Kinasa ni Senri ang baril na hawak nito bago tumingin kay Thud na ngayon ay umaatras na.
"I'll give five seconds to run for your life, Clyborne."
"W... what are you doing? Put it down, dude."
"1"
"What? Hey, let me explain!"
"2, don't make me finish your five seconds Thunder Clyborne. Run."
Kumaripas nang takbo si Thud papasok nang HuPoFEL at halos mabangga pa ako nito. Gusto kong humagalpak nang tawa kaso natakot ako bigla kay Senri.
Senri's eyes landed on me after he saw Thud's running away. I smiled at him awkwardly.
"Put down your gun, Senri."
Senri heaves a sigh as he throw away his gun.
"It's just a toy, baby. No need to worry."
Laglag ang panga ko.
"Bakit mo tinakot si Thud kung laruan lang 'yon?"
Senri approach me and held my hand as he pulls me away from the garage.
"That car is mine and that was one of my collection I need to sell but sad to say Thud ruined it. I think he is in his mode of inventer freak."
"Teka saan mo ako dadalhin?" Bumaba ang tingin sa akin ni Senri at natigil kami sa paglalakad.
"Wanna come with me?"
"S... saan?"
"To a place where you and I only exist." Senri's lips formed into a smile that my heart wanted to melt because of that.
"Let's have a date."
--