Chapter 11: First Mission
--
SINJI'S POV:
"ANONG ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko nang makita si Gun na naghihintay sa amin sa labas nang HuPoFEL habang nakasandal sa kotse.
"Ako ang maghahatid sa inyo sa airport,"
"Ha? Wala bang private jet si Kuya? Akala ko ba bumili siya kahapon para sa trip na ito?" Nabalitaan ko kasi na bumili si Kuya kaya nag expect ako na private jet ang sasakyan namin para makauwi kami agad.
Nagpagawa pa nga siya ng helipad sa rooftop tapos runway sa likuran nitong building namin.
Gun stand firmly as he opens the door for me. Si Rent kasi ay nasa loob pa at hindi ko alam kung ano pa ang ihahabilin niya kay Andrew na siyang maiiwan sa control room pansamantala.
Masyadong maarte si Rent pagdating sa computer babies niya na maiiwan kaya todo habilin ang loko. As if naman hindi dumaan sa training ang mga taong pag-iiwanan niya bilang mata nang HuPoFEL? Talk about being obsessed in gadgets.
"Sorry to say this your higness but the private jet was already murdered by the high and mighty handsome Thunder Clyborne Dierkshied; according to him. So, sorry you can't use that jet. Nasa under invention ang jet kaya hindi pa siya pwedeng gamitin unless I said so," Pumunta si Gun sa likuran ko at basta na lang ako itinulak papasok nang passenger seat sa likurang bahagi ng kotse. Sakto namang lumabas si Rent dala ang isang bag pack na nasa balikat nito.
"Is everything ready?" Rinig kong tanong ni Rent. Hindi ko pa kasi naisasara ang pinto dahil sa inis. Sukat ba namang itulak ako sa loob ng sasakyan? Buti na lang hindi nabasag ang bungo ko kung sakaling nauntog ako sa ceiling nitong kotse.
"Cassius isn't arrive yet,"
Umayos na lang ako nang upo bago ko ibinagsak ang pinto ng kotse ni Gun. Bahala sila mag-usap dyan basta ako nakapwesto na.
Nang sumakay si Rent sa passenger seat ay saka namang pagdating nang isa naming kasama. Binuksan nito ang pinto sa side kung saan ako naroon habang si Gun naman ay pa-cool na nakatayo lang sa harapan ng driver seat at si Rent ay tahimik lang na naupo sa passenger seat.
"What are you doing here, Gun?"
Natulala ako sa lalaking bagong dating. He is wearing a simple t-shirt and jeans with his black bag pack same design with Rent. Parang anti-theft bag ang dala ng dalawa. Sana pala nagrequest din ako ng ganoong design?
Back to my amazement, I saw the man's eyes and it was beautiful when I saw it - magkaiba ang kulay ng mata niya at ang gwapo niya. His eyes is glowing even though it has no emotions.
"What? Is it bad to accompany you on your destination?"
"I hate your driving skills, you know that." Pumasok na ang lalaki sa kotse at tumabi sa bakante na nasa tabi ko.
Gun let out a chuckle before he entered the driver seat and fasten his seat belt as he sat down.
"Worse driver ba si Gun?" Singit ko sa usapan nila. Cassius looked at me even Rent. "Oh by the way, my name is Sinji."
"I know,"
"So bakit mo nasabing hate mo ang driving skills ni Gun?" Hindi ko kasi masundan ang pinag-uusapan nila kaya nagtanong na ako.
"Come on, dude. I already have a professional license since I was 15."
"Professional your ass." Cassius looked at me again as he answered my question. "You'll see when we start our trip, Miss. Fasten your seatbelt."
Hindi ako nakagalaw nang si Cassius na mismo ang nagkabit ng seatbelt para sa akin.
"Paninirang puri 'yan Cassius Elixir Creighton."
Gun started the engine as we proceed out of the HuPoFEL's property. Sa una smooth pa ang byahe pero nang makarating kami sa high way ay halos mawalan ako ng kaluluwa nang magsimulang maging matulin ang kotse na kinalulunaran namin.
"Fuck,"
"What the hell, Gun?"
Rinig kong reklamo ng dalawang lalaki pero ako mahigpit nang napakapit sa upuan pero halos itapon ako ni Gun sa side ni Cassius kaya walang nagawa ang lalaki kundi ang akbayan ako para pigilan sa paggalaw ng katawan ko.
Ang lakas nang trip ni Gun kung maka-over take sa ibang mga sasakyan kahit na medyo traffic ang dinadaanan namin.
"Kapag hinabol tayo ng patrol car, Glyden Ulysses Norhton makikita mo!" Sigaw ko.
"I already saw them on the side mirror, Sinji. And for your information, this car is one of the world's fastest car in the history. Ilang car racer na din ang pinaluha nitong sasakyan ko gamit ang mahiwagang kamay ni Thud. That jerk is good at inventing any object. Lumilipad nga itong sasakyan."
Napapikit ako ng mga mata ng marinig ang wang wang mula sa patrol car na humahabol sa amin. Pero ang gagong si Gun ay mas lalong pinasibad ang kotse.
Napayakap na lang ako sa braso ni Cassius at doon nagsumusiksik. Sumasakit na ang ulo ko dahil hindi ako sanay sa mga fast cars and this is my first time to ride on this kind of car.
Naramdaman ko na lang na umangat sa lupa ang sinasakyan namin kaya nagmulat ako ng mga mata. Mula sa manibela ay nagbago ang itsura nito maging ang loob ng kotse, sa labas naman ay mayroon itong pakpak na parang sa eroplano pero mas astig at high quality kung titignan ito mula sa labas.
Namangha ako ng makita ang kabuuan ng buong Maynila nang dalhin ni Gun sa himpapawid ang kotse.
"Oh my god! Ang ganda!" Impit na tili ko habang idinidikit ang pisngi ko sa salamin ng kotse para makita ang nasa ibaba.
"See? I told you I am a professional license driver."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gun bagkus ay nanatili lamang ako nakatitig sa ulap na dinadaanan namin.
Iba pala ang pakiramdam kapag nasa himpapawid ka. I mean pangalawang beses ko na ito pero noong mga panahon na kinuha ako ni Kuya Luther mula sa Black Market ay gabi ang nangyaring pag rescue kaya hindi ko gaanong na-enjoy ang view ng langit kundi ang view nang gwapong mukha ni Senri ang nakita ko.
"Akala ko ba ihahatid mo lang kami sa airport?" Takang tanong ko nang magtuloy-tuloy ang byahe namin sa ere.
"I change my mind."
"Tss. You just want to brag your ass, Glyden."
"Shut up Cas or ihuhulog kita?"
"Whatever,"
Cassius Elixir Creighton is also part of the Human Potential for Evolution is Limitless or HuPoFEL, malamang kasi kasama nga namin siya sa misyon. I mean, this is the first time I saw a member who has a foreign blood.
"Nga pala, Cassius. Taga saan ka? Filipino ka din ba?" Tutal ihahatid na rin naman kami ni Gun sa pupuntahan namin, mang-iintriga na lang ako. Kasi 'yong dalawa kilala ko na pero itong si Creighton hindi pa.
"France and no."
"Sinungaling. Pure filipino 'yan, Sinji."
"Hindi kita kinakausap, Glyden Ulysses!"
"Isusumbong kita kay Senri,"
Umawang ang bibig ko nang banggitin ni Gun ang pangalan ni Senri. Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanya.
Gun looked at me using the rear view mirror and smirk at me. "Ano? Hindi ka nakapagsalita? Ang rupok mo talaga pagdating kay Kuruzaki," he shook his head like he hit the bulls eye.
I was caught off guard.
"E.. excuse me? Hindi ako marupok no! At isa pa, nakikipag-kaibigan lang ako kay Cassius!"
"Talaga? Binigyan ka lang nang fake na singsing, umoo ka na?"
Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko at itinago 'yon. Napatingin ako kay Rent na nakapangalumbaba lang sa bintana habang si Cassius naman ay nakapikit, suot ang headphones nito habang nakasandal sa head rest ng upuan.
"Hindi ito peke no! Tigilan mo nga ako, matanda ka!"
For an hour of our trip, Gun never stop pestering me about the ring that Senri gave me.
"Tahimik na, Gun! Pag inggit, pikit!"
"Come on, I am not inggitero. Ang akin lang, sure ka na ba kay Senri? Alam kong mabait na tao si Senri pero babaero din 'yon. Andito naman si Cassius, single din 'yan."
"Hindi niya magagawa sa akin 'yon. At saka huwag mo ngang idamay si Cassius dito." Ang sarap bigwasan nang lalaking ito. Kung marunong lang ako magpalipad nitong sasakyan baka hinulog ko na siya sa dagat na una naming madadaanan!
"Quit it, Gun. It's her life and you can't do anything about it. She choose Senri over anything so let her be, it's her choice to be with Senri and be happy with him."
Sabay kaming napalingon ni Gun sa gawi ni Rent.
"Wala naman akong sinabi?"
"Quit it."
Natahimik si Gun nang maramdaman naming kakaiba na ang awra ni Rent kaya hindi na kami nagsalita pa.
Iba din pala magalit ang isang Rent Drake Martin? Ayaw niya ata nang maingay? Siguro nga sanay lang talaga siya sa tahimik na environment.
"Ayaw mo nang maingay pero nanunuod ka naman ng porn sa control room? With high volume pa."
Bumunghalit ako nang tawa maging si Cassius na bato ay tumawa rin. Kaya napalingon ako dito.
"Akala ko ba tulog ka?"
"No. I am not. I can't sleep if there is someone talking around me. I respected your conversation."
Aba, gentleman din pala ito. Sa tingin ko magkakasundo kaming dalawa?
"Ang sabihin mo, tsismoso ka lang talaga."
"I didn't watch it. Thud is the only one who played it in control room when I was out for a meeting with Aqueros."
Naalala ko nga ang nangyari nang biglang magsalang ng CD si Thud sa control room. Hindi alam ni Thud na nakabroadcast 'yon sa buong HuPoFEL dahil under maintenance ang system.
"Palusot ka pa. Aminin mo nang hindi ka inosente, Rent. O baka gusto mong itali ko kayong dalawa ni Cassius at ibitin dito sa hood nang kotse papuntang Japan?"
"Fuck you."
Hanggang sa marating namin ang Japan, walang tigil sa pang-aasar si Gun kay Rent.
Once in a blue moon nga namang lumabas si Rent sa lungga niya kaya lubus-lubusin na habang kasama pa namin siya sa misyon.
Nang lumapag ang kotse ay bumalik ito sa dating itsura at hinatid pa kami ni Gun sa hotel na tutuluyan namin.
Pagkababa namin sa kotse ay siya namang pagpapaalam ni Gun.
"Paano ba 'yan? Susunduin ko kayo bukas nang hapon."
"Don't bother, we can handle ourselves. Idiot."
"Maka-idiot ka naman, porn master. Dadalhin ko bukas si Homare, mas safe ibyahe 'yon."
Umigkas ang paa ni Rent na agad namang nasangga nang lalaki dahil sa pang-aasar ni Gun pero tinawanan lang nito si Rent na masama na ang tingin.
Sumaludo si Gun sa amin bilang pamamaalam bago ito muling sumakay sa kotse at pinasibad 'yon.
"So, what do we need to do first?" Tanong ni Rent matapos kaming iwanan ni Gun sa harap nang Kuruzaki Hotel and Restaurant.
"Food. I'm hungry."
"Me too,"
Nagkatinginan pa kami ni Cassius dahil pareho ang iniisip namin. Sino bang hindi magugutom sa buwis buhay na byahe namin?
Parang ngayon ko lang naunawaan kung bakit ayaw ni Cassius na maging driver si Gun.
"Fine, then."
The three of us enter the hotel with our bags and search for food. Akala ko magiging normal na ang lahat pero saka ko lang napagtanto kung gaano kabrutal si Gun.
Matapos naming kumain, bumaliktad ang sikmura namin at lahat iyon ay inilabas naming tatlo.
"I won't ride that kind of car ever again!"
"Curse you, Thunder Clyborne and Glyden Ulysses!"
Hindi ko alam na may aftershock ang pagsakay namin sa kotse ni Gun at nag-iwan pa siya nang sumpa.
NAGMUKHA kaming zombie dahil hindi kami nakapag pahinga ng maayos mula nang dumating kami dito sa Japan.
Sino ba naman ang matutuwa kung ang katawan mo ay may after shock sa byahe? As in bumaliktad talaga ang sikmura naming tatlo mula nang bumaba kami sa sasakyan ni Gun.
"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang natin ang misyon?" Nanghihinang sabi ko habang nakahiga sa sofa. Habang si Cassius at Rent ay umiinom na ng kape.
"Come on, Sinji. You can get used to it,"
Tumihaya ako sa sofa at tumitig sa kisame nitong hotel na tinutuluyan namin. Yong supposed to be na one day mission namin ay inabot na ng pangalawang araw ngayon kasi nga nanghihina talaga ako.
"Mapapatay ko talaga si Gun kapag nakita ko siya," bumangon na lang ako at hinarap ang dalawang lalaki na kasama ko.
Rent is already working on his laptop and tonight we will execute our mission.
"Anong plano?" Tanong ko bago ko kinuha mula sa mga kamay ni Cassius ang tasa na hawak niya at uminom doon. Hindi na siya makareklamo kasi ako lang naman si Sinji Natividad. Ang nag-iisang magandang babae na nagi-exist sa HuPoFEL.
"I have a blueprint here of the palace."
"I already memorize it."
Sabay kamig napalingon ni Rent kay Cassius na nakatingin na sa bintana nitong hotel.
"Paano mo naman mamemorize agad 'yan kung hindi mo naman tinignan?" Paninita ko sa lalaki bago muling humigop nang kape sa tasa na hawak ko which is ninakaw ko lang mula kay Cassius.
In fairness ang sarap nang kape. Utusan ko kaya siyang ipagtimpla ako araw-araw? Parang bet ko 'yon, si Rent ang taga-hatid nang pagkain ko tapos si Cassius ang sa kape? Pak! Bet na bet.
"I already saw it when I pass through him earlier."
"Wow," hindi na lang ako sumagot pa kaysa humaba pa ang usapan.
Nakaramdam ako nang pagkalam ng tyan kaya tumayo ako mula sa sofa at naglakad papuntang kusina. Naghalungkat ako roon ng makakain habang ang dalawang lalaki ay nag-uusap.
Pagbalik ko ay may mga iba't-ibang gadgets ang nasa coffee table kaya nagtaka ako.
"We only have two hours to finish this one before we get back in the Philippines,"
"Fix yourself, Sinji."
Napatingin ako sa club house sandwich na hawak ko bago ko muling ibinalik ang tingin ko kay Rent at Cassius.
"Pwede bang kumain muna?" Nakangusong wika ko.
Rent and Cassius look at me like I was a pain in the ass.
"Tss. That's why I hate girls in this kind of situation." Padabog na nilapag ni Cassius ang isang belt na naglalaman ng mist, baril at rope.
Aba, uma-attitude din ito.
"Excuse me? This is just my initiation. Paano kung mamatay ako sa misyon na ito, edi hindi ko na makikita si Senri? Kayo na lang gumawa nang misyon. Uuwi na lang ako!"
I know I acted like a spoiled brat but who cares, right? I just want to enjoy my life before entering a dangerous door where I am not belong.
"Sinji, looked at me." Utos ni Rent pero hindi ko siya nilingon. Nakatalikod ako sa kanila habang nakaupo sa sofa at humalikipkip ako. Inilapag ko na rin sa coffee table ang plato na hawak ko.
I heard Rent heave a sigh as if his patience is on his limits. "This is not a game, Sinji. Your brother choose you to be with us and we are here to guide you. Apparently I am not into this stuff. I just wanted to be in my room at Intel Department but Aqueros appointed me to look after you. Do you understand?"
Hindi pa rin ako umimik.
"If you really want to go home, then go."
Lumingon ako kay Cassius na naka all black suit na at tinignan siya nang masama kaya tumingin rin siya sa akin.
"Don't glare at me like that, brat. Move your ass, we're leaving this hotel."
"Isusumbong kita sa Kuya ko. Pati ikaw, Rent Drake Martin!"
Padabog na kinuha ko ang plato at inisang subo ang malaking club house sandwich sa bunganga ko. Wala ring pakundangan na hinubad ko ang suot kong damit sa harapan ng dalawang lalaki without minding my undies expose to them. They don't give a damn on my body though.
"Tss. Faster brat."
"Pakyu ka! Huwag mo akong kausapin!" Kinuha ko ang isang suit na tulad kay Rent at Cassius saka ko isinuot. In fairness ang ganda sa balat nang tela tapos para lang siyang papel sa sobrang gaan. Ikinabit ko na rin sa bewang ko ang belt na naglalaman ng baril at rope. One gun for me is enough though hindi ko pa naranasan ang makipagbakbakan. So, I'm a little bit scared with this mission.
Binangga ko ang balikat ni Cassius nang daanan ko siya para manalamin sa isang human size mirror na nasa sala. Tinali ko ng maayos ang buhok ko para hindi humadlang sa misyon na ito.
"Let's go."
Hindi ko pa man naitali ng buo ang rubber band sa buhok ko, hinila na ako ni Cassius sa braso kaya ang ending nakaladkad ako.
Busangot ang mukha ko nang marating namin ang sasakyan. Rent and Cassius are talking about on how we get the item that my brother is obsessed with.
He said it was a scroll that Hyuga Clan possess. Akala ko sa tv ko lang napapanuod yong mga ganitong aksyon pero heto ako at tahimik na nakaupo sa loob ng kotse.
"I will be your eyes when you are inside. Sinji, you can enter this area. I already hacked and tampered their system. I've got a hard time on that because their security system was tight up. Cassius, you will enter into the back garden."
"Roger that,"
"Yes Sir."
Sinuot na namin ni Cassius ang ear piece para marinig namin ang instruction ni Rent. Maiiwan ang lalaki sa loob ng kotse habang kami ay lulusob sa isang palasyo.
Pagkarating namin sa lugar ay halos mapanganga ako nang bumungad sa amin ang isang three storey mansion na sa Pilipinas mo lang makikita. A typical house that every Filipino wanted to have it.
Bumaling ako kay Rent at tinanong siya. "Sigurado ka na palasyo yan?"
"Yeah."
"But the blueprint you present to me was different."
"It's just a front, Sinji."
My face crumpled and ignore my accomplice. I thought this will be my memorable mission but damn all of my excitement vanish.
Akala ko may madidikwat ako sa loob nang palasyo para ibenta, sad to say average lang ang bahay.
"Your time starts at 11pm. Get out the car."
Bumubulong-bulong na bumaba ako nang sasakyan kasabay si Cassius. Binagsak ko nang malakas ang pinto ng sasakyan. Wala akong paki kung mabingi si Rent sa ginawa ko. Naiinis kasi ako!
I was expecting a palace like in Europe but damn it, na budol ako!
"East wing, Sinji."
"I know. You don't need to instruct me!"
"Quit that attitude. Hindi bagay,"
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Cassius. Bakit ba may mga lalaking tulad nila na mas ma-attitude pa sa maldita? Parang gusto kong mangalbo ngayon!
Padabog na umakyat ako sa hindi kataasang pader papasok sa bahay ng mga Hyuga. My landed is just a faint like a cat -
"Ow. What the hell?" Reklamo ko nang malaglag ako mula sa fence nang pader at tumama ang pisngi ko sa carabao grass na siyang sumalo sa akin kaso masakit pa rin. Sumabit lang naman ang paa ko.
Tumayo ako mula sa pagkakalagapak sa lupa bago paika-ikang naglakad sa tagiliran nitong bahay.
"Sinji," tawag ni Rent sa akin mula sa ear piece na suot ko.
"What do you want pig?"
"Senri said, you need to be careful especially he is not around."
Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang sinabi ni Rent. Gusto ko na sanang kiligin kaso nawala bigla.
"Huwag mo akong ginu-good time Rent Drake Martin, isasako na talaga kita at gagawin kitang alarm clock ko!"
"What? Tss. Dude talk to her, she's being a lunatic and I can't stand her."
"Excuse me? Baka nakaupo ka lang dyan sa kotse? Ang epal mo!"
"Baby..."
Umawang ang bibig ko nang marinig ang boses ni Senri. Shuta ang sarap sa tenga.
Pasimple kong inayos ang buhok ko na nililipad ng hangin na akala mo kaharap lang ang taong kausap.
"Ahe. Ano yon?"
"Focus on your mission. If you completed it, I have a surprise for you."
Kumunot ang noo ko. "Surprise? Oh my god. Pinagpalit mo na ako?"
Eksaheradang lumuhod ako sa damuhan. Wala akong pakialam kung may makakita sa akin dito.
Senri's burst into laughter. "Silly. Of course not. Just finish that mission, I'll wait for you."
"Wait. How can you access with us even though we are miles away?"
"Asked Rent for it and also that stunt you made earlier was hilarious. Rent sent me a video already from your epic fail landing. I will show it to Aqueros right away."
Nawala sa linya si Senri at boses ni Cassius ang pumalit.
"Lovey dovey in the middle of a mission? That sucks."
"Tse! Inggit ka lang! Lubayan mo ang love life ko Cassius,"
"Not interested. Rent, can you hear me? I have a little trouble here."
Ay taray nang gagu. Change topic agad? Cassius cut his connection to me and talk to Rent alone. Pakialam ko ba sa kanilang dalawa? Baka sila pa magka developan ni Rent, susuportahan ko na lang ang relasyon nilang dalawa kung sakali.
"In position."
"In position."
Sabay na sagot namin ni Cassius nang marating ko ang pader ng bahay. Nagtago ako sa isang halaman nang makita ko ang isang bantay na nagpalinga-linga pero umalis din agad.
"What the fuck is this?" Bulalas ko.
Sumilip kasi ako sa bintana nang bahay kaso nang makita ang loob ay wala 'yong kagamit-gamit kahit na isa.
"Be alert, Sinji. I told you it was just a front. Move forward for about six steps." Sinunod ko ang sinabi ni Rent at tumambad sa akin ang isang figurine na gawa sa bato.
"You saw an old fountain right?"
"Yeah. She's in front of me."
"Remove her head." Ginawa ko ang utos ni Rent. Tumambad sa akin ang isang button na hindi ko maintindihan kung sira ba siya or design lang?
"Anong gagawin ko dito?"
"Press the button, it will lead you to a stairs down there where the palace is hidden."
Tumango ako kay Rent kahit na hindi niya naman nakikita saka ko pinindot ang button.
I heard a faint sound beside me and my jaw drop when the ground opened.
"Whoa,"
"The Princess made that trail for her escape whenever she wants to visit the outside world. Move now."
Naglakad ako pababa sa butas na siyang maghahatid sa akin sa palasyo. I was so amazed that the trail I've entered was covered with beautiful flowers.
Napalingon ako sa ceiling ng biglang sumara ang lagusan na siyang nagdala sa akin papunta dito.
Parang isang paraiso ang lugar na ito. This is the first time I saw a tunnel with lots of flowers and greenery surrounds it.
"Taray nang Prinsesa, siya talaga gumawa nito?" Tanong ko kay Rent.
"Apparently, yes. When she was a child she loves hide herself where her servants didn't catch her."
"Ang dami mong alam ah? Kilala mo ang Prinsesa?"
Wala akong nakuhang sagot mula kay Rent. Bagkus ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nang makita ko ang konting liwanag lumapit ako dito. Hinawi ko ang mga baging na humaharang doon at paglabas ko ay tumambad sa akin ang isang napakalaking palasyo.
"Holy sheez. This is the castle I imagined when I was a child," balot nang ilaw ang buong palasyo at masyadong mahigpit ang security sa loob nito.
"The time is ticking, woman. Get ready your ass to take the scroll."
Umikot ang mga mata ko at tinakbo ang isang lugar na hindi makikita nang patroler.
Buwis buhay pala ang lintik na ito!
--