KABANATA 59
Madison’s POV.
"Pasensya ka na, ija. Hindi ka talaga namin matutulungan. Mahigpit na ipinag utos sa amin ng chairwoman na huwag ka naming papapasukin sa loob. Kapag hinayaan ka namin sa gusto mo, ay yung mga trabaho naman namin yung malalagay sa alanganin. Pasensya na pero may pamilya din kaming pinapakain," mahinang sabi ng isang matandang guwardya sa akin. Tinitigan niya ako na may halong lungkot sa kanyang mga mata.
They turned their back at me and walked away. I was left alone while crying in the middle of the street. People's eyes are still shooting glares at me while others are whispering. I was surprised to find out that the old guard came back to me. He held my hand and helped me to get up from the ground. He looked straight to me with apologetic eyes. My chest heaved in and out after an intense sobbing I just did.
"May pamasahe ka bang pauwi, anak? Heto oh pantaxi mo man lang. Umuwi ka na at baka mapaano pa iyang batang dinadala mo," mahinang giit niya sa akin. Mas lalo akong napaiyak noong abutan pa niya ako ng isang daan. Napayuko yung ulo ko habang kinakagat ko yung ibabang parte ng labi ko. Sobrang hapdi na ng aking mga mata dahil sa sobrang pag-iyak.
“M-maraming salamat po, tay,”
“Mag-iingat ka sa pag-uwi, anak. Gustong gusto man kitang tulungan ay hindi ko magawa. Itong trabaho ko lang ang tanging bumubuhay sa pamiya at mga anak ko. Pasensya na,” paghingi pa niya ng tawad sa akin tapos ay tumango ako.
“N-naiintindihan ko po. W-wag na po kayong mag-aalala at hahanap na lamang ako ng ibang paraan,” humihikbing saad ko sa kanya.
Hindi man lang siya nagdalawang isip na magbigay ng pera sa akin kahit alam niyang hindi niya ako kaano-ano. Naawa ako ng sobra sa sarili ko dahil hindi ko lubos maisip na magagawa kong lunukin yung pride ko, para lang makita ko uli si Russel. Lumuhod na ako at nagmakaawa sa kanila pero hindi pa rin nila ako nagawang mapagbigyan. Naiintindihan ko ang naging rason nila sa kanilang pagtangging tulungan ako dahil natatakot din silang mawalan ng trabaho. Galing din ako sa isang hindi payak na pamumuhay. Alam na alam ko yung pakiramdam na maingat ka sa trabaho mo dahil alam mong iyon lamang ang nagpapakain sa pamilya mo. Hindi na ako nagmatigas pa at nagdesisyon na huwag na lamang silang guguluhin pa. Tutal ay wala naman din akong magagawa.
Naglakad ako at umalis habang nakatitig ako sa kawalan. Marumi na yung damit na suot ko, magulo na rin yung ayos ng aking buhok at namumugto na ng sobra ang aking pagod ng mga mata. Nagagawa pa akong pagtawanan mga taong nakakasalubong ko daan, pero tila ba ay hindi na ako tinatamaan ng mapanghusgang mga titig nila sa akin. Iniisip ko na lamang na kahit anong gawin kong paliwanag sa kanila ay hindi nila ako maiintindihan hangga’t sa hindi mismong sila ang mapunta sa sitwasyon ko.
Hindi pa lang ako nakakarami ng hakbang noong huminto ako sa paglalakad at muling nilingon ang nakakalulang istraktura ng kumpanya pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Saglit akong natahimik noong mapagmasdan ko yung matayog na gusali sa harap ko. Tumulo na lamang yung mga luha sa gilid ng aking mga mata matapos kong mapagtanto kung gaano kalayo yung agwat ng buhay ko, sa buhay ng Russel. Literal na magkaiba kami ng mundo.
Sino nga ba naman ako para pangarapin ng gising ang isang Russel Yosef Silverio? Anliit ko lamang kumpara sa matayog na gusaling pagmamay-ari ng pamilya niya. Marahan kong hinimas yung tiyan kong alam kong nagugutom na sa mga oras na ito. "Anak, nagugutom ka na rin ba? Patawarin mo ako ha? Naging pabaya si mommy mo at ginugutom ka pa niya. Pasensya ka na rin anak at hindi kita nagawang ipakilala sa daddy mo. Hindi man tayo nababagay sa magandang buhay niya ay ipinapangako ko sa'yong hindi kita pababayaan," humihikbing bulong ko sa aking sarili.
Pagtalikod ko at akma na sanang hahakbang upang umalis, noong may bigla akong may taong nabunggo. Yumuko ako sa kanya upang humingi ng tawad sabay inayos yung magulo kong buhok.
"Madison?" Nagulat ako noong tawagin niya ang aking pangalan. Pagtingala ko ay isang pamilyar na mukha ng matandang lalaki ang nasa harap ko ngayon.
"Anak! Si ninong Jude mo 'to!" masayang sambit niya noong tuluyan na niya akong makilala.
"N-ninong Jude?!" My eyes widen in disbelive as I finally remember the name of the middle-aged man's familiar face. He is ninong Jude, my father's former colleague.
"A-anong ginagawa mo rito anak? Kamusta na ba si pareng Oscar? Magdadalawang taon na din kaming hindi na nagkita ng kumpare kong iyon ah," masaya niyang pagtatanong habang kinukumusta niya sa akin yung matagal ng namayapa kong ama. Napakagat labi ako at hindi alam kung papaano ko sasagutin yung naging katanungan niya.
******
"Teka, a-ano kamo?! Wala na yung tatay mo?" Bakas ko sa mga mata ni ninong yung gulat at sindak matapos kong ikuwento sa kanya yung masalimuot na nangyari kay papa dalawang taon na ang lumipas.
"Opo. Dalawang taon na po ang nakakaraan, ninong."
"Noong matanggal siya trabaho, sakto namang nagkasakit ng malubha yung mama ko. Hindi namin siya nagawang ipagamot ng maaga dahil nalubog din kami sa utang. Nang mamaalam si mama, nagkaroon ng depresyon si papa. Sinisisi niya yung kanyang sarili dahil sa nangyari," dadag ko pa tapos ay yumuko na lamang ako at hindi na nagsalita pa.
Ilang minutong hindi ako nakadinig ng kahit na anong salita mula sa kanya. Naiintindihan ko naman na pinoproseso pa lamang niya sa kanyang utak yung malungkot na balitang hinatid ko sa kanya. Noong madinig ko siyang magbuntong hininga ay napalingon ako upang tignan siya.
"Eh ikaw, anak? Kamusta ka na? Huminto ka na ba ng pag-aaral?" pag-aalalang tanong niya sa akin.
"Nagbalik skwela na po, ninong. Wag na po kayong mag-alala sa'kin. Kaya ko na po ang sarili ko ngayon," I said as I tried my best to give him a smile on my face despite of all the shits I’ve been through the whole day.
"Napakasipag na empleyado ng tatay mo noon, Madi. Kulang na nga lang ay linisin niya yung bawat sulok ng kumpanya, para lang maipakita niya yung magandang serbisyo at dedikasyon niya sa kanyang trabaho. Ni hindi nga marunong umabsent yung tatay mo kahit may sakit eh. Saludong saludo sa kanya yung mga kasamahan niya. Ngunit magmula noong maghire ng mga contractual employees ang mga Silverio sa isang cleaning company ay natanggal ang lahat ng mga utility employees dahil napalitan silang lahat," pagkukuwento ni ninong sa akin. Napakunot yung noo ko noong bigla niyang mabanggit sa kwento niya yung pamilya ni Russel.
"S-silverio po?" pag-uulit kong tanong sa kanya.
"Oo, anak. Sa Silverio’s Silver Corporation nagta-trabaho noon bilang isang janitor yung tatay mo. Natatandaan ko pa nga noong magrally yung mga empleyadong walang awang tinanggal sa trabaho kasama yung tatay mo. Naghunger strike sila noon pero hindi man lang nabigyan ng hustisya yung pagpoprotestang ginawa nila sa harap ng kumpanya. Hindi pinakinggan ng chairwoman yung mga iyak at daing ng nakakaawang mga trabahante. Ganoon siguro talaga kung mahirap ka lang. Hindi nadidinig ng lipunan yung boses mo," sambit pa niya. Noong madinig ko mula kay ninong Jude yung buong kwento ay hindi ko nagawang makapagsalita.
Agad akong napakapit ng mahigpit sa dibdib ko noong maramdaman ko yung biglang paninikip nito. Wala na atang mas idudurog pa ang puso ko matapos kong malaman na sa mga Silverio pala noon nagtrabaho yung tatay ko. Tumulo yung mga luha ko habang nakakuyom yung aking mga kamao dahil mas tumindi lang lalo yung galit at hinanakit ko sa pamilya niya.
Napuno lamang ng madaming sama ng loob yung puso ko matapos kong malaman ang buong kwento mula kay ninong Jude. Nagagalit at namumuhi ako ngayon sa sarili ko dahil nagawa kong mahalin ang anak ng pamilyang naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ko.
Wala akong mukhang ihaharap sa puntod ng mga magulang ko matapos kong malaman na minahal ko yung anak ng pamilyang naging puno't dulo ng paghihirap namin. Napahagulgol na lamang ako sa pag-iyak dahil wasak na wasak at durog na durog na ng sobra yung puso ko ngayon. Niyakap ako ni ninong na hindi man lang niya alam ang totoong dahilan ng aking pagluha.
“Tahan na, anak. Ganyan talaga ang buhay. Kailangan mong dumaan sa iilang bubog ng mga pagsubok ng mundo, upang bumalik kang mas matatag at mas matimbay,” aniya habang marahang hinihimas yung likod ko.
******
Nang makapagpaalam na sa akin si ninong ay naiwan akong mag-isang nakaupo, habang nakatitig lamang ako sa maliwanag na buwan at mga tala sa kalangitan. Pagod na akong lumuha at mahapdi na rin yung aking mga mata. Nang mapako yung titig ko sa aking telepono ay sinubukan ko uling i-dial sa huling pagkakataon yung numero ni Russel.
"Your call is converted to voicemail. Please try again later."
"Russel..." mahinang panimula ko noong pindutin ko ang voicemail button at sinimulang i-record yung boses ko. Saglit akong nahinto sa pagsasalita sabay napakagat labi.
"Hindi ko alam kung madidinig mo pa 'to. Pero nais kong malaman mo, na sinubukan kong ipaglaban ka. Sinubukan kong tiisin yung lahat ng sakit kapalit ng pagmamahal na mayroon ako para sa'yo. Sinubukan kong ipaglaban yung pag-ibig ko ng napakadaming beses bago ako tuluyang susuko. Russel... ikaw lang iyong lalaking minahal ko ng sobra. Ikaw... ikaw lang yung tanging lalaking pinapasok ko sa buhay ko. Ikaw lang yung nag-iisang taong hinayaan kong tibagin yung mga pader na ginawa ko upang protektahan yung sarili ko. Saksi yung buwan at mga tala sa langit kung gaano kalalim yung pagmamahal ko sa’yo," umaagos yung maiinit na mga luha sa gilid ng aking mga mata habang binibitawan ko yung mga salitang iyon sa telepono.
"Hindi ko alam na pait at sakit pala yung magiging kapalit ng pagmamahal ko sa'yo. Hanggang dito na lang tayo, mahal. Isinusuko na kita... dahil wala na akong natitirang lakas para ipaglaban ka pa. Naubos na ako ng sobra, mahal. Sa sobrang pagkaubos ko, nais ko na lamang maglaho dito sa mundo," dagdag ko pa habang humihikbi.
"Russel... I wanted to tell that I love you, despite of the bitterness of my affection. I will still be in love with you, despite of us turning like a sad sunset, after a beautiful sunrise. My heart will always be yours even though we were not each other’s happily ever after."
"I love you for the last time, Russel Yosef Silverio," mahinang saad ko sabay hininto yung recording. Napayakap ako sa magkabilang mga tuhod ko habang umiiyak ng mag-isa.