KABANATA 58

Madison's POV.

Dear Madison,

First of all, I wanted to thank you for sharing your couple of months with me. But suddenly, I have realized that I cannot be with you forever. We were not on the same pages of our lives right now and I still have dreams that I wanted to chase and pursue. I have realized that I am still a full-blooded Silverio. I have duties and responsibilities that I still need to perform as a conglomerate eligible son, who will going to inherit my family's company in the near future.

I need to take everything seriously from now on, that is why I am now going to end my relationship with you. Honestly, I wasn't so sure about you in the first place. I just tried you out of curiosity and some sort of trial and error. But now I have realized that you were not the ideal woman I truly wanted. Still, I am thankful that I met someone like you because I was able to realize the things I am about to lose. I would really appreciate if you will not going to contact me anymore.

Russel Yosef Silverio

Para akong binuhusan ng isang baldeng punong-puno ng malamig na tubig at yelo, matapos kong mabasa ang nilalaman ng sulat na kanyang iniwan sa ibabaw ng coffee table. Hindi ko kayang paniwalaan na galing mismo kay Russel ang sulat na ito. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na sasaktan niya ako ng sobrang sakit, matapos niya akong tratuhin ng tama.

Hindi ito yung klase ng Russel na nakilala ko noon, kaya hindi ako makapaniwalang manggagaling sa kanya ito. Kailanman ay hindi ko inisip na magagawa akong saktan ng tulad niya, dahil siya lang yung kauna-unahang lalaking nagpakita sa akin ng respeto bilang isang babae. Hindi ko kayang paniwalaan ang sulat na ito dahil naramdaman mismo ng puso ko yung pag-ibig na ipinakita niya sa akin.

Ilang minuto lang akong nakatitig sa liham habang nakaawang ang aking panga. Pakiramdam ko ay bigla na lamang nanuyo yung lalamunan ko at ni isang letra sa alpabeto ay hindi ko magawang bigkasin. Hindi lubos magsink in sa utak ko yung nangyari at pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako ngayon.

"N-no... i-imposible 'to. Hindi 'to totoo," mahinang saad ko sa aking sarili. Napapailing-iling yung ulo ko habang pinipigilan ko yung pagpatak ng mga luhang nagbabadyang tumulo sa ilalim ng aking mga mata. Napapahilamos na lamang ako sa aking mga palad habang binabasa ng paulit-ulit yung liham niya.

Nanginginig pa yung mga daliri ko sa kamay noong abutin ko mula sa lamesa yung aking telepono at mabilis na tinipa sa keyboard yung numero ni Russel. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang labis na nagdarasal na sana ay sagutin na niya yung tawag ko. Labis yung pagmamakaawa ko sa buong kalawakan na sana ay biro o isang masamang panaginip lamang ito. Lahat na siguro ng mga santa at santo sa mundo ay nakahingi na ako ng tulong sa kanila. Mahigpit akong nakakapit sa tuhod ko upang mapanatili ko ang aking sarili kalmado sa ora na ‘to.

"P-please pick up the phone, baby. I... I don't like this kind of silly jokes of yours. Please... Please, Russel sagutin mo na. Mababaliw na ako rito," mahinang sabi ko sa aking sarili habang kinakagat yung aking kuko upang maibsan ng kaunti yung takot na bumbalot sa buong sistema ko ngayon.

"Your call is converted to voicemail. Please try ag—" Nagsimula ng kumabog ng sobrang lakas yung dibdib ko noong hindi ko pa rin siya magawang makausap sa telepono.

"Tang ina naman, Russel oh! Wag mo namang gawin sa amin 'to ng anak mo! Parang awa mo na please! Sumagot ka," pagmamakaawang bulong ko habang napapasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko alam kung papaano ko pa siya makakausap ngayon na hindi na tumutunog yung telepono niya.

Naramdaman ko ang unti-unting pagdidilim ng aking paningin dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa gilid ng aking mga mata. Huminga ako ng malalim at pinilit ang aking sarili na kumalma bago muling tinipa sa keyboard ng aking telepono yung numero niya sa pangalawang pagkakataon. Pakiramdam ko ay mawawasak na yung rib cage ko dahil sa sobrang lakas ngayon ng pagtibok ng puso ko.

"You call is converted to voicemail. Please try again later."

My chest heaved in and out as I cleansed my breath. I felt a sting of tears that flooded my crimson cheeks, and I can't help the heaving sobs that follow. My hands were like in a seizure as I put my phone away and pressed my forehead against my knees while crying my heart out.

I have no freaking idea that everything Russel showed me, were all sugarcoated lies. I never thought him to be someone who would do this kind of horrible thing to me. I never thought him to be someone who will just disappear like a thin dust of air. I felt a sudden stab on my chest as I am running out of oxygen. I feel like both my thighs and armpits were now drenched with sweat. I felt dizzy and my vision darkens while I was trying to reorganize my thoughts back into its place.

Russel made me open my heart to him. Russel made me poured out my thoughts and ideas to him. He made me open my doors and windows. He made me break my walls to let him in. He made me love him but when I already became the happiest version of myself, he took me to the highest mountain and pushed me off the cliff. I feel like I am now at the edge of the cliff waiting for him to come back and save me. Even though he was not going to do it anymore.

Hindi ko lubos akalain na pinaglaruan lang pala niya yung puso ko, matapos niya akong paniwalain sa matatamis niyang mga salita noon. Hindi ko lubos akalain na sinubukan lang pala niya ang isang babaeng gaya ko. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na baka trial and error lang ang lahat ng namamagitan sa amin, dahil minahal ko siya ng totoo at higit pa sa sarili ko.

My feelings for him are all damn legit and the love that I have showed him is like a crystal-clear water. I really thought he also felt the same way and everything between us are real but fuck that shit! Pinaikot at binilog lang pala talaga niya yung puso at isipan ko! Paano niya nagawa sa'kin to? Paano niya nagawang durugin pa yung puso kong ilang beses ng nadurog noon? Paano niya ako nagawang saktan ng ganito, matapos kong ibigay ng buong-buo yung sarili at kaluluwa ko sa kanya?

Humahagulgol ako sa sobrang pagiyak habang napapakapit na lamang ako sa dibdib ko. Umaagos na parang rumaragasang ilog yung mga luha ko sa aking mga mata at nahihirapan na ring habulin yung aking paghinga. Walang humpay kong pinagsususuntok yung sofa dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko. Labis-labis yung aking pagsisisi matapos kong malaman na isa lang palang malaking kasinungalingan ang lahat.

My knees weakened like soft noodles when I tried to rose from the couch. Emotions flooded my entire body while I'm having a difficult time to find my words after an intense crying. I have managed to make my way towards the door. I will be going to see his mother and find answers to the questions that kept on bugging inside my head.

******

"BITAWAN NIYO AKO! BITAWAN NIYO AKO SABI!" galit na galit na pagsisisigaw ko noong kaladkarin lang ako palabas ng kumpanya ng mga guwardya.

"Umalis ka na, miss! Huwag mo ng hintayin na ipadampot ka pa namin sa mga pulis dahil sa panggugulo mo sa loob," seryosong pagbabanta nila sa akin.

"Hindi ako manggugulo kung wala akong kailangan! Kailangan kong makausap yung may-ari ng kumpanya. Sabihin niyo sa kanya na wag niyang itago yung anak niya sa akin!" saad ko sa kanila.

Sinubukan kong humakbang pa uli pero pinigilan at itinulak lamang nila ako palayo. Madaming mga empleyado sa labas ng kumpanya yung nakatitig na sa akin habang nakataas yung kanilang mga kilay. Desperado akong makita at makausap si Russel ng personal, kung kaya't hindi ako nagdalawang isip na pumunta sa kumpanya ng kanyang ina. Nagbabakasali akong makita ko man lang siya rito.

"UMALIS KA NA SABI! ANO BA! BAKIT BA ANG KULIT MO?! GUSTO MO BA TALAGANG MASAKTAN?!" Namumula na dahil sa galit at pagkainis yung isang guwardyang nagtulak sa akin.

"P-parang awa niyo na po, manong guard. Hayaan niyo lang po sana akong makausap si Russel. Kahit limang minuto lang po. Limang minuto lang yung hinihingi ko," pagmamakaawang giit ko sa kanya habang umiiyak. Yung galit na kanina'y nananalantay sa dugo't kaluluwa ko ay bigla na lamang naglaho, matapos kong maramdaman yung panlalambot ng aking mga tuhod.

Hindi ko na nagawang isipin yung kahihiyang sasapitin ko matapos akong mapaluhod sa kanilang harapan. Nakita ko ang magkahalong gulat at pagkailang ng mga taong nakatitig sa amin. Nagsimula silang magbulong bulungan sa harap ko pero tila ba ay wala ng ibang pumapasok sa isipan ko ngayon kundi ang makausap ang anak ng chairwoman.

"Parang awa niyo na po. Malaman man lang sana niya na siya yung ama ng batang dinadala ko ngayon. Hayaan niyo man lang na makapagpaalam yung anak ko sa tatay niya," umiiyak na sabi ko habang mahinang hinihimas yung tiyan ko.

Humahagulgol ako sa pag-iyak habang nagmamakaawa ako sa kanila. Natahimik silang lahat tapos ay nagkatitigan sa isa't isa. Nabakas ko yung awa sa kanilang mga mata noong malaman nilang nagdadalang tao ako. Naramdaman ko ang pagkahabag nila sa akin noong hindi na ako nagdalawang isip na lumuhod sa kanilang harapan at lunukin yung lahat ng pride ko sa katawan, kung mayroon man. Inisip ko na lamang na para sa anak ko ang ginagawa kong ito.

"Pasensya ka na, ija. Hindi ka talaga namin matutulungan. Mahigpit na ipinag utos sa amin ng chairwoman na huwag ka naming papapasukin sa loob. Kapag hinayaan ka namin sa gusto mo, ay yung mga trabaho naman namin yung malalagay sa alanganin. Pasensya na pero may pamilya din kaming pinapakain," mahinang sabi ng isang matandang guwardya sa akin. Tinitigan niya ako na may halong lungkot sa kanyang mga mata.