Chapter 61: KABANATA 60

Madison’s POV.

Five years later…

I was awakened from a deep sleep when I heard the loud annoying sound of my alarm clock. A groan tugged at my mouth as I violently smashed the clock in the side drawer. I let out an infuriated growl and sat up straight in the bed while doing some sort of light stretching. When I glanced outside the window, I felt the breeze wafts the smell of sweet sunflowers from the garden that somewhat relaxed my whole system. It was not long enough before I heard a soft knock on the door. A smile had automatically flashed across my face when the door clicked open.

“Mommy! Mommy! Good morning!” masayang napatakbo sa loob ng kuwarto ang malambing na bulilit kong si Randall.

“Good morning, honey,” masayang bati ko din sa kanya na abot hanggang tenga yung ngiti sa labi ko noong salubungin ko siya sa bisig ko. Nang mapalundag sa kama si Randall ay agad niya akong pinaghahalikan sa lahat ng parte ng aking pagmumukha.

“Mwa! Mwa! Mwa!”

“Andami namang good morning kisses iyan, anak. HAHAHA!” sambit ko sabay humagikgik ako ng tawa noong akapin ko siya mahigpit.

“That is what I call Randall’s power kiss, mommy. I know you will going to need that today at work. Hehe!” Randall said while giggling. Argh! My son is such a goddamn cute baby angel. His crimson cheeks are as fluffy as dumplings and looks very edible to eat.

“Can also mommy get have a power hug?” I asked him softly. His face lit up in delight as he jumped into my arms. I smell the lovely scent of my little angel when he wrapped his short arms around my neck.

“Ako, wala bang power hug diyan? HAHAHAHA!” Napalingon kaming dalawa noong makita namin si Trevor na kanina pa pala kami sinisilip sa may pintuan. Nakasandal siya sa may pintuan habang nakatiklop ang magkabila niyang mga braso sa kanyang dibdib.

“Manahimik ka diyan. Puyat na naman ‘tong bulilit ko dahil inaya mo na namang mag video game kagabi,” pagtataray na sabi ko sa kanya tapos ay kunwaring inirapan siya. Natawa na lamang siya sabay pumasok sa loob ng kuwarto ko.

“Hindi ah. Ang aga nga naming natulog kagabi eh. Right, buddy?” pagtatanong niya sa anak ko at kunwaring kinikindatan pa ito upang sabayan siya sa kanyang pagsisinungaling.

“No. Tito Trevor is big fat liar. Nauna akong nakatulog sa kanya. Siya yung magdamag na nagvideo game sa sala, mommy,” sambit ni Randall. Natawa kaming dalawa ni Trevor dahil sa pagsasabi niya ng totoo.

“Tignan mo na! Tignan mo na! Kaya pala anlaki laki ng bill namin sa kuryente eh!” saad ko at itinapon kay Trevor yung unan na may halong panggigigil. Humagalpak naman ito sa kakatawa sabay napalundag rin sa kama.

“Ito kasing anak mo, napaka honest. Dinaig pa si Santino sa pagsasabi ng totoo. Di na tayo bati, Randall. Nilaglag mo ako sa mommy mo. BWAHAHA!” saad njya tapos ay pareho silang dalawa na bumungisngis sa kakatawa.

“Mommy, wag ka na po magalit. Si tito na ang magbabayad ng kuryente natin. Hihi!” panunuksong sambit ni Randall sa tito niya sabay bumungisngis rin sa kakatawa yung maliit na bulilit ko.

“Aba! Loko ‘tong batang ‘to ah. HAHAHA! Sino ba kasing nagturong maging sobrang wais ‘to?” pagtatanong ni Trevor habang natatawang itinuturo si Randall tapos ay marahang ginulo yung buhok ng bata Tumawa lamang yung anak ko habang nakapulupot yung maliit niyang katawan sa akin.

“Syempre! Mana kaya iyan sa nanay niyang wais din. Diba, anak?” pagtatanong ko kay Randall tapos ay ngumiti ito sa amin habang itinatango niya yung ulo niya.

Matalik na matalik na magkaibigan sina Randall at ang tito niyang si Trevor. Nakahiligan na nilang dalawa ang maglaro ng basketball sa court ng subdivision kung saan kami nakatira, magcamping sa garden, at maglaro ng video games sa tuwing walang pasok si Trevor sa University. Kambal-tuko ang dalawa at halos hindi na mapaghiwalay dahil sa sobrang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Magmula noong ipagbuntis ko si Randall, ni minsan ay hindi binitiwan ni Trevor yung mga kamay ko. Palagi niya akong sinasamahan noon sa lahat ng checkups ko sa ospital. Parati pa nga siyang napagkakamalang tatay ng batang ipinagbubuntis ko noon. Tinulungan ako nina Giselle at Trevor na makabalik uli sa pag-aaral at matapos ko yung degree ko sa fine arts. Hindi nila ako pinabayaan lalong lalo na noong maipanganak ko na ang malusog na sanggol na si Randall.

******

"Yaya, pakipaliguan naman sa akin si Randall oh. Ihahanda ko lang saglit yung lunch box niya," utos ko kay manang.

"Sige po, ma'am. Halika na, baby boy at paliliguan na kita."

"Bye, mommy! Love you, mommy," saad ni Randall tapos ay kumaway siya sa akin bago tuluyang hinawakan yung kamay ni manang at pumasok sa loob ng banyo.

Napasinghap na lamang ako ng malalim na may guhit ng ngiti sa labi ko. Hindi man ako sinuwerte sa buhay pag-ibig ko noon, alam kung nakabawi naman ako ng sobra dahil nakapagpalaki ako ng masunurin, malambing, at matalinong bata na gaya ni Randall.

Masaya akong bumaba ng hagdan upang ipaghanda na siya ng agahan at lunch box. Pagkapasok ko ng kusina ay nadatnan kong kumakain ng mansanas si Trevor habang nakatutok ito sa kanyang telepono. Nakaupo siya sa isa sa mga stool sa kitchen counter na nakapajama pa.

Noong tapikin ko siya sa kanyang balikat ay mabilis pa sa alas kuwatro noong ilayo niya mula sa akin yung telepono niya. Tinignan niya ako na may sindak sa kanyang mga mata. Natawa na lamang ako dahil sa naging expresyon ng kanyang pagmukha.

"Bakit gulat na gulat ka? Nakakita ka ba ng multo?" I chuckled as I strolled around the kitchen with my rope and fluffy slippers.

Trevor had quickly sat up taller and took a deep while cleansing his breath. He shrugged his shoulders as he ran his fingers through his hair. I looked at him with a malicious grin on my face.

"Nanonood ka siguro ng porn kanina, ano? HAHAHA!" I suddenly teased him. His eyes widen in disbelieve and gave me surprised look on his face.

"Seryoso ka ba? Ganyan talaga ka-baboy tingin mo sa akin?" aniya tapos ay natawa din siya dahil sa sinabi ko.

"Huwag ka ngang magmalinis. Limang taon na tayong magkaibigan, Trevor. Alam kong hindi lang mabibilang sa sampung daliri ko yung files diyan sa telepono mo," natatawang sambit ko sa kanya. Noong sabihin ko sa kanya iyon ay nabilaukan siya at naubo ng malakas.

Mabilis siyang napatakbo sabay binuksan yung refrigerator upang kumuha ng maiinom. Nilingon niya ako na may paniningkit sa kanyang mga mata noong matapos siyang makainom ng tubig. Natawa ako ng bahagya sabay napailing-iling yung ulo ko.

"Hey, how did you know? Did you look at my phone?" he asked me with a creased forehead.

"Me? I never did. Tanong mo kay Randall kung papaano siya nakakuha ng access sa secret files diyan sa telepono mo," sagot ko habang abala akong naglalatag sa lamesa ng mga pinggan at kubyertos.

"Dati bang secret agent ‘yang anak mo? Parang wala na ata akong sekreto na naitatago sa kanya," saad ni Trevor tapos ay napakamot sa kanyang ulo. Natawa ako ng sobra noong bigla siyang magbiro tapos ay marahan siyang hinampas sa kanyang braso.

"Who knows? Baka nagtraining na pala siya noong nasa loob pa lang siya ng matres ko. HAHAHA!" pagbibirong sabi ko tapos ay humagalpak kaming dalawa sa kakatawa.

"BWAHAHAHA! Seriously that is so silly," he said still laughing like an idiot.

"Anyways, bawas bawasan mo na nga yung kakadalaw mo dito sa bahay," saad ko habang pilit na inaabot yung bento box sa itaas ng drawer. Kailangan ko pang tumingkayad dahil hindi sapat yung tangkad ko para maabot yung kinalalagyan ng box.

Lumapit si Trevor sabay kinuha yung bento box at inabot ito sa akin. Noong inangat ko yung titig ko ay biglang nagtama yung mga mata namin sa isa't isa. Napako yung malalim at mapupugay niyang mga mata sa akin. Napalunok ako at hindi agad nakakilos dahil parang naestatwa yung katawan ko sa kinatatayuan ko malapit sa kanya.

I squirmed under his gaze as his dazzling bright eyes stared at me. Trevor's gaze was steady and serious. A chill crawled up to my spine when I noticed that we are just an inch away from each other. I immediately averted my gaze as I withdraw myself away from him. He leaned against the counter, silently watching me as I prepared Randall's bento box.

"Bakit ayaw mo ba na akong nakikita dito sa bahay mo? Fine. Sagot ko na lang yung bill ng kuryente. Mamaya sabihin mong napakaburaot ko. haha!" he said then he laughed softly.

"You know that's not what I mean, Trevor. Welcome na welcome ka dito sa bahay ko at alam mo 'yan. Kulang na nga lang ay dito ka tumira dahil sa dalas mong matulog dito. Halos ikaw na nga yung may-ari ng guest room."

"Kung ganoon, eh ano? Bakit pinagbabawalan mo na akong huwag mapadalas ang dalaw dito?" pagtatanong niya habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Ang akin lang... masyadong mong inuubos sa amin ni Randall yung oras mo. Ni hindi mo na nga nasisipot yung mga blind dates na personal pang inaayos nina Giselle at Zachary para sa’yo," seryosong sagot ko sa kanya. Nakita kong napakamot siya sa ulo niya sabay nagbuntong hininga.

"Wala naman kasi talaga akong balak na siputin yung mga babaeng nirereto nila sa'kin. At saka, mas gugustuhin ko pang makipaglaro ng video games sa anak mo, kaysa makipagdate." Nang madinig ko sa kanya iyon ay agad na napangiwi yung expresyon sa aking mukha.

"Trevor, hindi na tayo bumabata pa. Engaged na ngayon yung kapatid mo at si Giselle. Pero ikaw napaka pihikan mo pa rin sa babae. Huwag mong sabihin sa akin na hanggang ngayon ay si Elise pa rin? Ayaw mo bang mag-asawa? Ayaw mo bang bumuo ng sarili mong pamilya?" pagtatanong ko habang napapailing iling yung ulo ko at nakakunot yung aking noo na nakatingin sa kanya.

"Eh sa’yo lang naman nakasalalay yung pag-aasawa ko," he said with dead seriousness.

Kumunot ang aking noo taposy ay tinitigan siya na magkasalubong ang aking mga kilay. “What?”