KABANATA 57

Russel's POV.

The bodyguards loosed up their grip after they brought me inside my old room at the mansion. I smoothened the wrinkles on my suite and stood tall before them. I narrowed my eyes with my eyebrows crossed as I stared at them. My eyes widen when they suddenly snatched my phone from me.

"HEY! GIVE MY PHONE BACK TO ME!" I yelled but they didn't listen.

"What am I doing here? Are you going to lock me inside this room?" I asked them with dead seriousness. I crossed my arms while glaring at them. I took a deep breath while trying to sound collected.

"I am deeply sorry for doing this to you, young master. We do not have any choice but to follow the chairwoman's order," he said with an apologetic expression on his face, and they immediately bowed their heads in front of me.

"My mother is going too far. She can't do this to me when I am already at this age! Can you at least give me back my phone? Please? I need to call someone," pagmamakaawa ko sa kanila pero umiling-iling lamang yung ulo ng head butler sa'kin.

"I'm sorry, young master. Hindi din naman namin gustong gawin ito sa’yo. We are just following orders," he said.

"Now lock him up. We still have a lot of things to do." Nang sabihin niya iyon ay agad na siyang tumalikod at lumabas mula sa kuwarto.

"P-please! Please don't do this to me! Argh! Fuck those orders!" pasigaw na saad ko. Any flickers of hope that I held inside, died as they closed the door and locked me inside the room. I kept on banging the door and asking for help, but no one is answering.

"LET ME GO! PLEASE! Hindi na ako bata para ikulong niyo pa ako ng ganito!" sigaw ko pa pero boses ko lamang yung tanging nadidinig ko sa loob ng aming malaking mansion.

A scrawl tugged at my mouth as I let out an infuriated growl and sat up beside the door. I sucked in my breath in anticipation while formulating a plan on what should I do to escape from this fucking prison.

Hindi ko maiwaglit sa aking isipan ko yung ginawang paninira ni Lucia kay Madison sa buong eskwelahan. Sa tuwing sasagi sa isipan ko yung artikulong nabasa ko kanina ay nag-iinit sa galit yung aking buong katawan.

I badly wanted to call Madison at this very moment, but that even that is impossible! How can I reached her out when they snatched my phone and locked me inside this dark, old room? I cannot imagine how she must be feeling right now after Lucia did that to her.

Iisipin ko pa lang na uuwi siya ng bahay at hindi niya ako madadatnan doon para yakapin siya matapos ang nangyari ay parang dinurdurog na agad ng pinong-pino yung puso ko. Sasagi pa lamang sa utak ko na naghihintay siya ng tawag mula sa akin dahil hindi ko siya nagawang sunduin sa school kanina ay hindi na ako mapakali sa kinalalagyan ko ngayon.

I pressed my head against my knees as I ran my fingers over my grief-stricken face. I heaved a deep sigh for feeling hopeless and helpless of my situation. I was so disappointed of myself for not being able to protect my woman against Lucia. I failed to protect my woman again and it frustrates me.

"Hindi mo na naman nagawang protektahan yung babaeng mahal mo, Russel. For the second fucking time... you are worthless again," galit na saad ko sa aking sarili sabay malakas na inuntog yung ulo ko sa may pinto na may halong panggigigil.

"I guess... I-I will forever be my mom's prisoner," malungkot na bulong ko habang nakatitig sa kawalan.

Buong buhay ko ay nakatali lang yung leeg ko sa mga kamay ng aking ina. Hindi ako nagkaroon ng kalayaan na makipagkaibigan sa ibang mga bata noon, lalong lalo na kung hindi kasingyaman ng pamilya ko yung pamilya nila. Ni minsan ay hindi rin ako nagkaroon ng kalayaan na gawin yung talagang nagpapasaya sa akin. Pinalaki ako ni mommy na takot lumabas sa comfort zone ko. Pinalaki niya ako na takot habulin yung mga pangarap ko. Pinalaki niya akong takot na magsabi ng isinisigaw ng puso ko. Pinalaki niya akong masunurin sa lahat ng gusto niya at takot na galitin siya.

Naalala ko pa noong minsang sinubukan kong sumali sa isang art competition noong Foundation Day namin sa school. Nagchampion ako at masayang masaya na umuwi, ngunit noong malaman ng aking ina na gumuguhit din pala ako gaya ng aking ama ay labis ang kanyang naging galit.

Pinunit ni mommy sa harap ko yung obramaestra na gawa ko. Hindi ko maipaliwanag yung pagkadurog ng puso ko dahil sa hindi niya pagsuporta sa bagay na gusto kong gawin. Sinabi niya sa akin na wala akong ibang dapat na gagawin, kundi ang pag-aralan yung negosyo namin. Takot na takot ang batang si Russel noong makita sa kauna-unahang pagkakataon yung dismayado at galit na mukha ng kanyang ina.

Business related course yung kursong pinili ko nang ako ay magkolehiyo. Hindi man malapit sa puso ko yung kursong inaral ko ay sinikap ko pa din na mag-excel dahil gusto kong maging proud siya. I was just in my two years of college when she forced me to marry Giselle.

Hindi ako pumayag noong umpisa, pero noong sabihin niya sa akin na pakasalan ko lang daw si Giselle at hahayaan na niya akong kumuha ng fine arts degree sa Paris ay hindi na agad ako nagdalawang isip. Matapos kong takasan yung mga responsibilidad at obligasyon ko sa pamilya ay si Giselle ang lahat ng umako ng mga bagay na dapat sana ay bitbit ko sa mga balikat ko.

(FLASHBACK)

2 years ago…

“Hindi ka aalis ng Pilipinas! Tatapusin mo rito yung business course mo at pareho kayong dalawa ni Giselle na hahawak ng kumpanya. Kalimutan mo na yung pangarap mong maging isang pintor dahil hindi iyon ang para sa’yo,” galit na saad ni mommy noong mapatayo siya sa harap ng hapagkainan.

“How can you tell me that a career is not for me? Mama, hindi na ako bata para hindi ko malaman yung gusto kong gawin sa buhay ko. At saka, ipinangako mo sa akin na magpakasal lang ako kay Giselle ay hahayaan mo na akong gawin ko ang gusto ko. Gusto kong maging isang pintor, mama! Iyon ang isinisigaw ng puso ko!” sagot ko sa kanya.

“PAG SINABI KONG HINDI, HINDI! Kalimutan mo na ‘yang pangarap mo na ‘yan at huwag ka ng tumulad pa sa tatay mo!”

“Tumulad kay daddy? Anong masama kung tumulad ako sa kanya, mama? Ayaw mo lang ba talaga akong maging isang pintor? O naaalala mo lang sa akin si daddy at yung pagtataksil na ginawa niya sa’yo, kaya tutol ka sa pangarap ko?” Noong tanungin ko siya ay hindi agad siya nakapagsalita.

“Ma, mahal ka ni daddy.”

“Russel, please huwag na nating pag-usapan ‘yang tatay mo. Ilang dekada na ang nakakaraan mulat ng magdivorce kami. Matagal ko ng ibinaon sa limot ang tungkol sa amin,” saad ng aking ina at umiwas ng titig sa akin.

“Noong maghiwalay kayo at nalaman ko ang kanyang naging pagtataksil, nagalit at nagtanim ako ng sama ng loob sa kanya. Hindi ko lubos maintindihan noon ang kanyang dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Pero ngayong malaki na ako ay napagtanto ko ang lahat. Naintindihan ko yung rason niya, mama. Ang hirap hirap pa lang magmahal ng taong hindi ka kayang supportahan sa mga bagay na nagpapasaya sa’yo. My dad had been a very supportive husband to you. Pinili niyang supportahan ka sa kumpanya at isantabi yung pangarap niyang maging isang pintor dahil alam niyang hindi ka magiging masaya para sa kanya. Ang hirap hirap mahalin ng taong walang ibang ginawa kundi ang punahin yung pagkakamali at pagkukulang mo. Ang hirap hirap mahalin ng taong hindi ka kayang ipagmalaki sa mundo. Maha ka namin ni daddy, mama. Ikaw lang ang nagtutulak sa amin na lumayo at iwan ka,” saad ko habang umaagos na paran rumaragasang ilog yung mga luha sa aking mga mata. Matapos kong sabihin ang mga pangungusap na iyon ay hindi siya nakapagsalita.

Umakyat ako kaagad ng kuwarto at mabilis pa sa alas kuwatro noong damputin ko ang aking maleta at ilapag ito sa ibabaw ng kama. Pinagdadampot ko na ang aking mga damit mula sa aparador noong sakto namang pumasok sa aming kuwarto ang asawa kong si Giselle. Isang linggo pa lamang kaming magkasama sa iisang bubong matapos kaming ikasal ng aming mga pamilya.

“R-russel, aalis ka? Iiwananan mo ba ako dito?” mahinang pagtatanong ni Giselle sa akin noong maupo siya sa paanan ng kama. Nahinto ako sa pag-iimpake ng aking mga damit at nilingon ko siya. Nabakas ko ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata noong magkatitigan kami.

“P-paano na ako? Oras na iniwan mo’ko dito kasama ng mama mo, h-hindi ko alam kung kakayanin ko,” aniya kasabay ang biglang pag-agos ng kanyang mga luha sa harap ko.

“I’m so sorry, Giselle. Ito yung totoong mukha ng pamilya ng lalaking pinakasalan mo. Malungkot at nababalot ng puot at galit. Hindi kami perpektong pamilya gaya ng napapanood mo sa telebisyon o nababasa mo sa dyaryo. I am prison of my own mother. I am just her puppet in her manipulative stage play,” mahinang saad ko sa kanya.

Inilapag ko sa kama yung nakatiklop na mga damit ko sabay humakbang palapit sa kanya. Lumuhod ako sa harapan ni Giselle at hinawakan ko yung kanyang mga kamay na ngayon ay nanginginig dahil sa takot. Tinitigan ko siya ng seryoso sa maganda niyang mga mata bago tuluyang nagsalita. “Just give me two years, Giselle. Dalawang taon lang ‘yong hinihingi ko. Hintayin mo’ko sa loob ng dalawang taon tapos ay pangako kong magbabalik ako. Maranasan ko man lang na lumipad ng malaya gamit ‘yong mga pakpak ko. Hayaan mo lang muna akong mabuo ko yung sarili ko, upang magawa kong ihanda ang aking sarili na mahalin ka ng buong-buo. I think it would not be too much if I ask two years of freedom over twenty-one years of being a prisoner,” saad ko sa kanya na may halong pagmamakaawa sa aking mga mata.

(END OF FLASHBACK)

Iyon ang naging malaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. Aaminin kong naging sakim at maramot ako sa panahong iyon, dahil alam kong minsan lamang darating sa buhay ko yung pagkakataon na makakalaya ako mula sa kadena at mga rehas na itinali sa leeg ko simula noong ako ay bata pa lamang.

"History repeats itself. Mauulit na naman yung pagkakamaling nagawa ko noon. Isang babae na naman ang magdurusa dahil minahal niya ang isang tulad ko," mahinang nasambit ko sa aking saili.

Magmula noong dumating si Madison sa buhay ko, ipinangako ko na sa sarili kong hinding hindi ko na uulitin yung kasalanang nagawa ko noon kay Giselle. Ipinangako kong poprotektahan ko siya laban kay mommy at Lucia. Ngunit dahil sa paninirang ginawa ni Luci kay Madi, napagtanto kong nabigo akong tuparin yung pangakong iyon.

"Sa pangalawang pagkakataon, may isang babae na naman akong nasaktan dahil isa akong Silverio. Sa pangalawang pagkakataon... Russel, may babae na naman ang nagsisisi ngayon dahil pinili niyang mahalin ang isang gaya mo." Noong sabihin ko iyon ay naramdaman ko yung unti unting pagragasa ng mga luha sa gilid ng aking mga mata.

******

Madison's POV.

"Thanks for driving me home, Trevor. Utang ko sayo yung pangalawang buhay ng anak ko," giit ko kay Trevor noong maihatid na niya ako sa gate ng bahay.

"Make sure to have some rest tonight. Also, be present on each and every checkup. The baby needs it," pagpapaalalang sabi niya sa akin.

"I will. Stop nagging me already. Have a tight sleep."

Ngumiti siya sa akin tapos ay kumaway naman ako sa kanya. Tumalikod na siya sabay pumasok sa loob ng kanyang kotse. Nang tuluyan na siyang makaalis ay agad na din akong pumasok sa loob ng bahay.

"Russel? Babe, I'm home," saad ko sabay binuksan yung pinto ng bahay.

Laking gulat ko noong nanatiling nakapatay pa din yung mga ilaw. Pagsara ko ng pinto ay agad kong binuksan ang mga ilaw. Wala ni bakas ng anino ni Russel ang sumalubong sa akin, tanda na hindi pa siya nakakauwi hanggang ngayon. I sat in the couch and dialed Russel's number again.

"You call is converted into voicemail..."

"Where is he? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya ako tinatawagan uli? May masama kayang nangyari sa kanya?" pabulong na tanong ko sa aking sarili. Kung saan-saang lupalop na ng daigdig napadpad yung utak ko habang kinakagat ko yung aking mga kuko dahil sa sobrang pag-iisip ng pwedeng maging dahilan kung bakit hindi pa din siya nakakauwi hanggang ngayon.

Huminga ako ng malalim sabay sinubukang pakalmahin ang aking sarili upang hindi na ako makapag-isip ng kung ano-ano. Pumikit ako at ilang saglit na tumahimik habang sinusubukan ko na hindi na lumawak pa yung aking imahenasyon sa pwedeng nangyari kay Russel.

"Hayss! Wag ka ngang nag-iisip ng masama, Madi! Baka abala lang talaga siya sa trabaho. Ang mabuti pa ay magluluto na lang ako ng dinner. Panigurado akong nagugutom na—" Hindi ko nagawang matapos yung dapat sana'y sasabihin ko noong mapako yung titig sa sobreng nakalapag sa ibabaw ng coffee table.

Noong buksan ko na yung sobre ay naglalaman pala ito ng isang liham na galing kay Russel. Huminga ako ng malalim bago ko sinimulang basahin yung liham niya. Naghal-halo yung kakaibang takot at kaba sa puso ko dahil wala akong ka-ideya ideya sa kung anuman ang nilalaman ng liham.

Dear Madison,

(TO BE CONTINUED…)