KABANATA 56

Madison’s POV.

Trevor and I sat in silence inside his car while he drives. He insisted to take me home just to make sure that I will be safe. Pagtingin ko ng aking telepono ay ilang missed calls galing kay Russel yung agad na bumungad sa akin. Mabilis pa sa alas kuwatro noong agad kong tinipa sa keyboard yung numero niya pero siya naman ngayon ang hindi sumasagot ng tawag ko. Kaagad akong nagpadala ng mensahe sa kanya upang sabihin na pauwi na ako ng bahay. Nagsinungaling ako sa kanya na madami akong tinapos na school requirements sa library kung kaya’t ginabi na ako ng uwi.

“Is he not answering your call?” Napalingon ako kay Trevor na ngayon ay seryosong nakatutok lamang sa pagmamaneho.

“Yeah, he wasn’t able to answer my call. I guess he is still in a meeting with a curator right now,” sagot ko sa kanya.

“Are you going to tell him what happened today?” Trevor asked me.

Hindi ako agad na nakapagsalita dahil wala akong balak na ikuwento pa sa kanya yung ginawang paninira at pagpapahiya ni Lucia sa akin. Napayuko yung ulo ko sabay napahilamos ako sa magkabilang mga palad ko. Noong mapansin ni Trevor yung mahabang katahimikan ko ay nagsalita uli siya. “Madi, you don’t trust him do you?” pagtatanong niya sa akin.

“Of course I do. When you love the person, you also trust him,” sagot ko noong akin na siyang lingunin.

“Pero hindi ganoon yung nakikita ko. You do love him, but you don’t trust him,” aniya.

“What? What do you mean?”

“Kung talagang nagtitiwala ka sa kanya, ibabahagi mo sa kanya yung mga pinagdadaanan mo. Hindi mo ito sosolohin, dahil ang laban mo ay laban niya rin. Madi, oras na nagmahal ka, dapat ay handa ka ring buksan para sa kanya ang lahat ng pinto at mga bintanang hindi mo binubuksan sa iba. That is what will make him special among other people,” Trevor said.

“Bakit naman parang anlalim ng pinanghugutan ng mga salita mong ‘yan? Hindi mo ba naramdaman na espesyal ka sa taong mahal mo?” pagtatanong ko kay Trevor.

“How can I ever feel special if even though she loves me, she haven’t fully opened to me her doors and windows? Masasabi mo bang mahal mo ang taong ‘yon, kung hindi mo siya kayang pagkatiwalaan? Kung hindi mo siya hinayaang makapasok sa mundo mo? Kung hindi mo siya hinayaang makasama sa bawat digmaang hinaharap mo? Can you really love a person without trusting him?” mahinang saad niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil tinamaan ako sa mga pangungusap na binitiwan sa akin ni Trevor. Am I really not trusting him? Iyon ang katanungang sumagi sa aking isipan.

“I was dating Elise for four years without telling me that she is suffering from cancer. I really thought that we already shared everything to each other. I thought we already poured our thoughts, trust and depend on each other. I thought we have already unfolded painful pages of our stories but I was wrong,” pagkukuwento ni Trevor. Sa unang pagkakataon ay nagulat ako ng masaksihan ko ang kakaibang side ngayon ni Trevor. I was used to his goofy and cheerful side which is why this new side I am seeing right now is very unusual and unfamiliar to me.

“Are you guys still together?” pagtatanong ko tapos ay nilingon niya ako upang titigan ako sa mga mata.

“How can we still be together when my little angle is now in heaven?” Hindi ko nagawang makapagsalita noong sabihin niya sa aking wala na si Elise. Nakangiti man sa akin si Trevor ay hindi niya pa rin maitatago mula sa akin yung bakas ng kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga mata.

“She never told me that she is battling from cancer. She broke up with me on our fourth year anniversary without even telling me the reason why. She disappeared and flew to New York for her chemotherapy. I had no idea what is going on. You know what really killed me, Madison? Yung malaman kong may sakit pala siyang nilalabanan pero hindi niya nagawang sabihin sa akin. We only spent a week with each other before she passed away. Noong mga panahong iyon, natanong ko ang sarili ko kung mahal ba talaga niya ako? Kasi kung mahal niya ako, hahayaan niya akong hawakan yung kamay niya at hindi siya lalaban ng mag-isa dahil iyon ang papel ko sa buhay niya. Ang hawakan ang kamay niya at iparamdam sa kanya na hindi siya mag-isa sa laban niya ay ang papel na dapat sana’y gagampanan ko pero ipinagkait niya iyon sa akin,” dagdag pa ni Trevor.

“So, please learn from our story, Madison. Huwag mong hayaan na matanong din ni Russel yung sarili niya kung mahal mo ba talaga siya dahil lang sa hindi mo siya kayang pagkatiwalaan. Huwag mong hayaan na sisihin ni Russel yung sarili niya dahil lang sa hindi mo siya hinayaang gampanan niya yung papel na hawakan yung kamay mo sa tuwing may pinagdadaanan ka. Please, don’t let him question his capacity of being your partner, “ Trevor added.

******

Hindi ko na tinawagan uli si Russel dahil baka maabala ko lamang siya sa kanyang pagtatrabaho. Hindi nagtagal ay napascroll ako sa aking social media account hanggang sa mapako yung titig ko doon sa post na isinulat ni Lucia sa Facebook page ng unibersidad. Napapikit yung mga mata ko sabay napasinghap ng malalim dahil gusto ko na lamang iwaglit sa aking isipan ang nangyari kanina. Ayoko man na silipin yung comment section sa post ay para bang nagkusa yung daliri ko at pinindot ito.

“Fuck! KADIRI NAMAN IYANG BABAENG IYAN!”

“Sa likod ng napakaamong mukha ay MANDURUGAS PALA! WAHAHAHA!”

“Yuck. Gold digger! Ginawang sugar daddy yung nag-iisang anak na lalaki ng Silverio family.”

“Taas naman niya mangarap e mas malinis pa ata ko sa kanya HAHAHAHAHA!”

“Nagtatrabaho pa ba iyan sa Octagon club house? Magkano ba renta niya? Matikman ko nga BWAHAHAHA!”

“Maitim na siguro pekpek niyan. Sa dami ba naman ng nakatikim sa kanya, baka bulok at mabaho na HAHAHAHA!”

I felt the tightness of my chest after I have read some of the hurtful comments from people. My palms grew slick as I stared blankly on the screen bewildered. The comments on the said post hit me like tons of bricks. All the comments written on the comments section are all nasty and toxic. I sat up straight, sniffling and trying to think of something positive despite of the negative vibe I saw on social media. As I was about to look at the screen again, Trevor suddenly snatched the phone from me.

“Stop reading hate comments. It is not good for your mental health and for the baby as well,” he said with dead seriousness. My mouth cocks to the side as I drew a heavy sigh and just let my protest to drift away on the breeze instead. I just chose not to be stubborn and listened to him because I know he only wants the best for me.

"Nabasa mo na din ba yung mga komento ng mga tao sa akin?" mahinang pagtatanong ko kay Trevor. Ilang minuto siyang hindi ako nagawang bigyan ng sagot ngunit naghintay pa rin ako. Ilang munto lamang ay inihinto niya yung kotse sa gilid ng klasada tapos ay tumitig sa mga mata ko.

"Yeah I did. But don't worry. I will take disciplinary action laban sa mga estudyanteng nagsulat ng malalaswang komento tungkol say—" Hindi pa lamang siya natatapos sa dapat sana ay sasabihin niya noong barahin ko siya bigla tapos umiling-iling yung ulo ko.

"You don't have to, Trevor. Kahit pa magawa mong ipabura yung nasabing post, kung may sasabihin na masama sa akin yung mga tao, magagawan pa din nila iyon sa ibang paraan," seryosong saad ko sa kanya.

"Yung tao Trevor... may masasabi at masasabi talaga silang masama tungkol sa’yo. You can't please anyone. And you know what? That's totally fine. You don't have to explain yourself to everyone or justify your point of view to them," I added and gave him a smile on my face.

"How can you just say that? The comments were all nasty and rude," Trevor said. Obviously, he was triggered by the hate comments.

"I know. Pero hindi lang naman iyan yung unang beses na masabihan ako ng pokpok, maduming babae o kung ano pa. Sa sobrang dalas na nadidinig ko iyan sa ibang tao, nasanay na lamang yung tenga ko," sagot ko sa kanya sabay bahagyang natawa.

"But their comments are below the belt already. If I were you, I will sue them for cyber bullying." Noong sabihin niya iyon ay iritadong napasuntok siya sa manebela ng kotse.

"Tapos ay magsasayang lang ako ng pera para ipakulong sila isa-isa? They can hate me all they want. Nagpatong patong na yung mga problema ko ngayon at pagod na din ako sobra. Hindi ko uubusin sa kanila yung natitirang lakas ko, Trevor. Napakadami pa akong laban na dapat kung harapin, kaya wala na akong oras para isipin pa yung mga sinasabi nila. Kung sa pananakit ng damdamin ng iba tao sila sasaya, wala na akong magagawa doon. Hahanapin ko na lamang din yung magpapasaya sa akin." Noong sabihin ko iyon ay ngumiti na lamang ako.

Nakita kong napasinghap na lamang ng malalim si Trevor sabay napabuntong hininga. Kinagat na lamang niya yung ibabang parte ng labi niya upang pigilan ang kanyang sarili na makapagsalita pa uli.

"Thank you," I said to him softly. He turned his head towards my direction with a lifted brow.

"For what?" Trevor asked with a creased forehead.

"Dahil hindi mo ako hinusgahan sa kabila ng mga nalaman mo sa'kin. Hindi mo ako tinignan na may pandidiri sa mga mata mo, gaya ng ibang tao," mahinang sagot ko sa kanya habang nakatitig ako sa malalim niyang mga mata.

"Why would I? Eh kilala ko yung totoong Madison na hinuhusgahan ng mga tao ngayon. Alam kong hindi totoo lahat yung mga parating na ibinabato sa kanya, dahil kilala ko kung sino talaga siya. Atsaka, wala rin ako posisyon para husgahan ko yung pagkatao at naging desisyon niya, sapagkat alam kong may rason ang lahat." Pakiramdam ko ay nanlambot ng sobra yung puso ko matapos kong madinig ang mga salitang iyon mula kay Trevor.

Hindi ko akalaing maliban kay Russel at Giselle ay makakakilala pa ako ng isang mabuting tao na kailanman ay hindi ako magagawang husgahan sa kabila ng aking maruming nakaraan. Ang buong akala ko ay magbabago yung trato at respeto niya sa akin oras na matuklasan niya yung totoo kong pagkatao.

Pero masaya ako dahil nagkamali ako tungkol kay Trevor. Hindi niya ako hinusgahan, bagkus ay siya pa itong unang nagtanggol at nagalit sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang padalhan ako ng masasakit na mga salita. Sobrang nakakataba ng puso na may mga tao pa rin palang gaya niya, ni Giselle at lalong lalo na si Russel na nakita pa rin yung halaga ko bilang isang babae, sa kabila ng aking naging trabaho noon.