KABANATA 54

Madison’s POV.

When I was able to open my eyes, I was shocked to see Giselle sitting next to me. She sat on the side of my bed while she holding my hand tightly. As I have moved my finger, she immediately stood up with mixed concern filled into her eyes.

“G-gi? B-bakit andito ka? Nasaan ako ngayon?” mahinang pagtatanong ko sa kanya dahil ramdam ko parin yung panghihina ng bawat parte ng aking katawan. Hindi ko magawang igalaw ng maayos yung aking likod at balakang. Pakiramdam ko ay may napakalaking bato ang nakadagan sa akin sa mga oras na ‘to.

“Tinawagan ako ni Trevor at sinabi niya sa akin yung nangyari. Sinugod ka raw ni Lucia sa eskwelahan. Nagkagulo raw kayo at nawalan ka ng malay pagkatapos,” pagkukuwento ni Giselle sa akin. Noong madinig ko ang kanyang kwento ay agad na nagbalik tanaw yung isipan ko sa mga nangyari kanina. Awtomatiko akong napabangon sa pagkakahiga at agad na napahaplos sa maliit na tiyan ko, sabay tinitigan si Giselle na may namumuo ng mga luha sa ilalim ng aking mga mata.

“G-gi, y-yung baby ko? A-anong nangyari sa baby ko?” pagtatanong ko agad sa kanya habang magkasalubong yung aking mga kilay. Naupo siya sa gilid ko sabay hinaplos yung braso ko. Pakiramdam ko ay sasabog na yung puso ko dahil sa kaba noong ilang segundo na ang lumipas ay hindi niya ako nabigyan ng kasagutan.

“Gi, napano yung baby ko? Please, magsalita ka naman oh,” pag-uulit kong tanong kay Giselle. Nararamdaman ko na yung nalalapit na pagbagsak ng aking mga luha dahil sa takot at kaba.

“Your baby is fine, Madi. According to the doctor, it was just implantation bleeding. It may occur shortly after conception, and it is a normal bleeding in early pregnancy. Masuwerte ka raw at malakas yung kapit ng bata sa matres mo, kung kaya’t hindi ka nakunan. But you should be very careful the next time around,” aniya. Nang matapos makapagpaliwanag si Giselle ay doon ko lamang naramdaman yung pagluwag ng dibdib ko.

“Salamat naman sa Diyos,” saad ko habang nakahilamos yung aking mukha sa magkabilang mga palad ko. Nakahinga ako ng malalim dahil sa sobrang pasasalamat na walang nangyaring masama sa baby namin ni Russel.

“Pero kung iisipin, delikado yung nangyari sayo kanina, Madi. Mabuti na lamang at agad kang nadala ni Trevor sa ospital dahil kung hindi, ay pareho kayo ng baby mo na malalagay sa alanganin,” saad pa niya na seryosong nakatitig sa aking mga mata.

“I know. Utang ko kay Trevor yung buhay ng baby ko. Teka, nasaan na ba siya ngayon?” pagtatanong ko kay Giselle dahil hindi ko mahanap sa loob ng kuwarto ni anino man lang ni Trevor.

“He is now talking to your doctor. You don’t have to worry. Everything will be fine,” she said. Giselle’s reassuring words had somehow calmed my whole system.

“I… I am very sorry to bother you at this hour, Gi. Alam kong busy ka. H-hindi mo naman kailangang sumugod pa rito sa ospi-“ I was not able to finish my sentence when Giselle cut me off.

“That isn’t the thing you should be sorry about. I do not mind rushing here just to see you because you are my friend, Madi and I care about you. Ang dapat mong ihingi sa akin ng tawad ay yung hindi mo pagsasabi sa akin na nagdadalang tao ka pala,” aniya. Nabakas ko sa expresyon ng kanyang mukhang sumama sa akin yung loob niya. Hindi ko nagawang makapagsalita noong unang beses kong masilayan yung lungkot sa labi niya na palaging nababalutan ng kanyang magandang mga ngiti.

“Akala ko ba ay kaibigan mo’ko? Kasi tunay na kaibigan yung turing ko sayo, Madison. Alam mo ba kung gaano kasakit sa parte ko na malalaman ko pa kay Trevor yung pagbubuntis mo?” sambit ni Giselle at bakas ko sa expresyon ng kanyang mukha na nasaktan ko yung damdamin dahil pati sa kanya ay itinago ko yung tungkol sa aking pagbubuntis.

I felt very guilty for hiding the big news from her, so I immediately reached out Giselle’s hand and stared into her with apologetic eyes. I have no intention of hiding the truth from her. My mind had been just preoccupied because of various consecutive problems that I had to face alone.

“Gi, of course you are my friend. Kung may tao man akong unang pagsasabihan ng balitang iyon ay wala iba kundi ikaw. Patawarin mo ako at hindi ko nagawang sabihin sa’yo. Nitong mga nakaraang mga linggo kasi ay naharap ako sa iba’t ibang mga problema, kung kaya’t naiwaglit ko sa isipan kong ibahagi sa’yo yung tungkol sa pagbubuntis ko,” mahinang pagpapaliwanag ko sa kanya.

“T-totoo ba ‘yan? Hindi mo ba talaga sinasadya na hindi mo masabi sa akin?” pagtatanong niya habang nakabusangot. Tumango ako tapos ay ipinatong ko sa balikat niya yung ulo ko.

“Alright. Pero sa susunod, kahit ano pa man ang mangyari sa buhay mo ay magkukuwento ka sa akin. Am I clear?” mahinang giit niya habang marahang sinusuklay yung buhok.

“Yes, I will. Isa ka sa mga malalapit na tao sa buhay ko na alam kong matatakbuhan ko. Kapag nanganak ako, sisiguraduhin kong isa ka sa ninang ni baby. Garantisadong may magandang kinabukasan na yung anak ko HAHAHA!” pagbibirong sabi ko sa kanya upang mawala na kaagad yung tensyon sa pagitan namin.

“HAHAHA! Baliw! Well, I think I will be a cool ninang,” she said and then we both chuckled after we broke into a fit of laughter.

“Pero teka… si Russel ba ay alam ng buntis ka?” pagtatanong sa akin ni Giselle. Hindi ako nakasagot ng mabilis at napakagat labi na lamang sabay yumuko upang alisin sa mata niya yung titig ko.

“Wait. H-HNDI NIYA ALAM?! Pati rin pala sa kanya ay hindi mo sinabi?” Giselle asked me in a loud voice, with a creased forehead.

“Hindi ko pa nasasabi sa kanya hanggang ngayon.”

“Pero bakit? Karapatan niyang malaman na nagbubuntis ka. Maliban na lamang kung hindi siya ang tatay ng batang dinadala mo ngayon.” My eyes widen when Giselle became a bit straightforward with the choice of her words.

“Baliw ka ba? Syempre siya yung tatay ng batang ‘to,” I said.

“Kung ganoon, eh bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sa kanya sinasabi?”

“Dahil hindi ko alam kung hanggang kalian tatagal yung relasyon namin. E ano ngayon kung malaman niya? Hindi naman namin sigurado kung hanggang sa dulo ay kami pa rin sa para sa isa’t isa,” I answered as I sat up taller and stared at the wall blankly.

“What? Bakit mo naman iisipin na hindi kayo hanggang sa dulo? Hindi mo ba totoong mahal si Russel?” pagtatanong sa akin ni Giselle tapos ay noong lingunin ko siya ay magkasalubong ang magkabila niyang mga kilay.

“Saksi ang mga tala at buwan sa kalawakan kung gaano ko kamahal si Russel, Giselle. Sigurado akong siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko ngayon, bukas at hanggang sa dulo ng walang hanggan. Sigurado akong siya lang ang una at huling lalaking mamahalin ng puso ko. Ang tanging hindi ko lang sigurado ay kung sapat ba yung pagmamahalan namin para magawa naming manatili sa tabi ng isa’t isa, sa kabila ng pagtutol ng kanyang ina,” sagot ko. Nang sabihin ko iyon ay nakita kong napatulala na lamang si Giselle mulat sa kanyang mga narinig sa akin.

“Her mother is against our relationship, Gi. Hindi niya ako gusto para sa anak niya. Well… I cannot even blame his mother for opposing. S-sino ba naman ang magagawang tanggapin ang isang mababang lipad na babae at walang pinag-aralang katulad ko para sa anak niya, hindi ba? His mom just wanted the best for him, and I am not the best choice,” pagkukuwento ko pa sa kanya.

“No. Madi, please don’t say that,” Giselle said as she shook her head. Obviously, she disagreed to my statement.

“You know what? Minsan iniisip ko. Kung ipinanganak lang din sana akong kasingyaman ng pamilya nila, o kung may naabot man lang ako sa buhay kagaya mo, our situation would have been a little bit better unlike now,” I added.

“I am sorry to hear that, Madi. Pinagbabantaan ka ba ng chairwoman?” she asked me in a concerned tone of voice. I have managed to give her a curt nod as a respond. Nakita kong napabuntong hininga siya sabay niyakap ako ng mahigpit.

“She threatens me for the past few weeks. Pero ang masakit doon? Hindi kaya ng sikmura kong aminin kay Russel yung ginagawa sa akin ng nanay niya dahil ayokong mas lalo silang magkasira na dalawa. And now, Lucia almost killed the life of our baby. Hindi ko alam, Gi… minsan napapatanong na lamang ako sa sarili ko kung bakit ang hirap-hirap mahalin ang isang Russel Yosef Silverio,” saad ko sa kanya na halatang pagod na yung mga mata ko dulot sa ilang baldeng nailuha ko na ng mga nakaraang linggo.

It was not long enough before we heard a soft knock on the door. When the door clicked open, we saw Trevor standing at the doorway. He saw Giselle and I sitting beside each other on the bed.

"I'm sorry. Am I interrupting something important?" he asked us softly.

"No. Come in," sagot ni Giselle tapos ay kinaway niya si Trevor para pumasok.

Trevor made his way inside the hospital room and stood tall before us. When he turned his head to face me, his eyes were like steel. I squirmed under his gaze that is now steady and serious.

"Ano raw ang sabi ng doktor?" mahinang pagtatanong ko sa kanya noong umayos ako ng pagkakaupo. Huminga siya ng malalim na animo ay pinipigilan ang sariling huwag magalit sa akin.

"Your doctor told me that you did not came to have your prenatal checkup last week. Also, you have a weak immune system, so you need to be monitored from time to time," seryosong saad niya sabay itiniklop yung magkabilang mga braso niya sa harap namin ni Giselle.

"Bakit hindi ka nagpunta ng ospital? Gusto mo bang ilagay sa alanganing sitwasyon yung buhay niyong dalawa?" My heart did a backflip as I get frightened by the tone of his voice. Trevor's blatant dare in his eyes, had caught me off guard and made me bite my lips.

"N-nawala sa isipan ko yung check—" Hindi ko nagawang matapos yung dapat sana ay sasabihin ko noong bigla akong barahin sa pagsasalita ni Trevor.

"How can you forget the most important thing right now? You and your baby's life would have been in a greater risk if I was just a minute late. You should be cautious and careful from now on, Madi. Hindi lang buhay mo yung nakasalalay dito. Pati na rin iyang buhay ng dinadala mo ngayon." Nakadinig ako ng malalim na sermon mula kay Trevor. He is frustrated and disappointed of me being irresponsible, and I know he is also just worried like Giselle.

"I'm sorry. Next time bibigyan ko na ng oras yung checkup ko. Sorry na dahil pinag-alala ko kayo," paghingi ko ng tawad sa kanila na ngayon nakatitig sa akin. Punong-puno ng pag-aalala yung kani-kanilang mga mata.

Tumango si Giselle sabay ngumiti sa akin at inakbayan ako sa balikat. Samantalang nagbuntong hininga lamang si Trevor sabay napahilamos yung kanyang mukha sa mga palad niya. Hindi ko siya masisisi na hindi magalit sa akin dahil alam kong naging pabaya ako. Sa dami kasi ng mga nangyari ay hindi ko namalayang nakakaligtaan kong nagdadalang tao nga pala ako.

Having Giselle and Trevor as my friends is like a God's gift from heaven. Nang masaksihan ko mismo yung pag-aalala nila ay napagtanto ko na kahit di man ako sinuwerte sa pera o alinmang klase ng kayamanan dito sa mundo, sinuwerte naman akong makatagpo ng mga tapat at maaasahang kaibigan. Mga kaibigang alam kong matatakbuhan ko oras na pakiramdam ko ay kailangan ko ng mga brasong masasandalan.

"Okay. So, how about I give you a ride home? Baka nag-aalala na sa’yo si Russel sa mga oras na 'to," Trevor said.

"Is she now allowed to go home?" Giselle asked him with a creased forehead.

"Yup. The doctor said it will be best for her to have a rest at home. You should come with us, Giselle. Ihahatid na rin kita sa condo mo," Trevor answered.

"Hindi na. Si Madison na lang alalahanin mo. I brought my own car. But thanks for the offer," pagtanggi ni Giselle sa alok ni Trevor na ihatid siya.

"Okay, that's good to know. Pero huwag mong kakalimutang magtext. Mapapatay ako ng kapatid ko oras na may nangyaring masama sa’yo. Si Madison na lang muna ang ihahatid ko ngayon," aniya sabay tumango.