KABANATA 53
Madison’s POV.
“MADISON! MADISON!” Nabaling yung atensyon ko kay Gabbie na kumakaripas ng takbo palapit sa direksyon ko. Si Gabbie ay malapit na kaibigan ko at kaklase ko rin sa Arts and Appreciation subject.
“G-gab? Why are you in such a hurry?” pag-aalalang tanong ko sa kanya noong tuluyan na siyang makalapit sa akin. Her chest heaved in and out and her breath clouded the air in front of her face.
“H-have you seen the post?” pagtatanong niya sa akin habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.
“Post? Hindi pa. Bakit?” I asked her in a puzzled facial expression.
“Go and check it. The post is all about you!” aniya. Awtomatikong kumunot yung noo ko dahil sa pagtataka kung papaanong naging tungkol sa akin yung post na pinagkakaguluhan ngayon ng mga estudyante.
‘Madison Noelle Espinosa, a fine arts university student at Oxland Philippines is Russel Yosef Silverio’s hidden mistress! She is a gold digger, a shameless social climber and a former club stripper at Octagon clubhouse…’
My vision darkened as I have read the first and second sentences of the article posted on the Facebook page of our university. I felt that my knees weakened like soft noodles but luckily, Gabbie held my hand. Pakiramdam ko ay umikot ng mabilis yung buong paligid ko at para bang nauubusan ako ng hininga.
Bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba noong tignan ko ang aking paligid at nasaksihan ko ang mapanghusgang mga mata ng mga tao. Wala akong ideya sa kung sino ang taong nagsulat sa likod facebook post na iyon. Hindi ko alam kung saan niya nahukay yung mga litratong matagal ko ng ibinaon sa aking nakaraan.
“M-madi… are you okay?” pagtatanong ni Gabbie sa akin na may halong pag-aalala sa tinig ng kanyang boses.
“P-paano nangyari ‘to? S-sinong nagsulat ng article tungkol sa akin?” mahinang pagtatanong ko kay Gabbie habang nanlalambot ng sobra ang magkabilang mga tuhod ko. Nang akmang sasagutin pa lamang ni Gabbie yung tanong ko ay nakadinig kami ng babaeng nagsalita sa aming likuran.
“Did you like the article I wrote about you, honey?” Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobrang gulat noong makita ko si Lucia na nakatayo sa likod ko. Ngumiti siya sa akin sabay itiniklop yung magkabilang mga braso niya sa harap ng kanyang dibdib.
“I-IKAW?”
“Si Lucia yung tinaguriang Qeen bee ng unibersidad na ‘to. Isa siya sa mga alumni ng Oxland Philippines Univerisity at direktor ng eskwelahan yung lolo niya, kung kaya’t takot na takot sa kanya yung mga estudyante noong nag-aaral pa siya dito,” pabulong na pagkukuwento ni Gabbie sa akin.
“Did you like it? I could say that the article is well-written, precise and I also made sure that my sources are very reliable. So, the credits are all to me,” Lucia said as if she is even proud of the horrible thing, she did to me in public. Panic flowed throughout my spine as anger enveloped my whole system.
"P-paano mo nagawa sa akin yung bagay na iyon, Lucia? Ganyan ba talaga kalaki yung galit mo sa akin para siraan mo ako sa publiko?!" Hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi mapasigaw dahil sa tindi ng emosyon na bumabalot sa aking katawan ngayon.
"Wait. Siraan?! Whoa! Girl, hindi kita siniraan. Sinabi ko lang sa kanila ang totoo. Sinabi ko lang sa publiko na huwag magpapalinlang sa babaeng gaya mo dahil ang katulad mo ay may mabaho pa lang nakaraan na inilibig mo diyan sa loob ng katawan mo! Kung nagawa mong lokohin at paikutin ang kawawang si Russel, hindi mo maloloko ang mga tao dito," saad ni Lucia tapos ay marahas niya akong itinulak sa harap ng napakadaming tao.
"Alam mo, Madi? Ang kapal ng mukha ng babaeng mababa ang lipad na gaya mo na pangarapin ang isang edukado, propesyonal, at tanyag na lalaking gaya ni Russel. Ano bang ipinakain mo sa kanya para mabaliw siya ng sobra sayo, ha?!" dagdag pa niya at malakas pa rin akong itinutulak palayo.
“Ikaw ang totoong baliw, Lucia. Ang buong akala mo ba ay pag siniraan mo ako ay mapapasa’yo siya?! Kahit na kalian ay hindi mo makukuha yung puso ni Russel kahit limusin mo pa ito sa kanya!” giit ko na may halong mga diin yung bawat mga salitang binitawan ko. Nakita ko ang awtomatikong paniningkit ng kanyang mga mata noong magbitaw ako ng masasakit na salita sa kanya.
“HOW DARE YOU!” galit na sambit niya at noong akmang sasampalin na niya ako ay agad kong pinigilan yung kanyang kamay sabay binigyan siya ng matalim na titig.
"Masuwerte ka at ayokong mageskadalo dito dahil kung hindi—" Hindi ko nagawang tapusin yung dapat sanang sasabihin ko noong barahin ako ni Lucia. Mabilis pa sa alas kuwatro noong nagawa niyang bawiin yung kamay niya sa pagkakagapos ko.
"Dahil kung hindi ano?!" sigaw niya habang nakataas yung kanyang mga kilay.
Sasagot pa sana ako pero piniglan ko ang aking sarili noong mapansin ko na may iilang mga estudyanteng kinukunan na pala kaming dalawa ng video. Pinili kong manahimik dahil alam kong mas magiging malaking gulo oras na kumalat sa social media ang naging pag-aaway namin. Ayokong madawit ng pangalan ko yung malinis na imahe ni Russel at yung pamilya niya, kung kaya’t nilunok ko lahat yung mga salitang nais ko pa sanang sabihin.
"Ano?! Ipakita mo sa amin iyang pagiging asal kalye mo, Madison! YOU'RE A TWO-FACED BITCH!" galit na galit na sigaw niya tapos ay itinulak niya ako ng sobrang lakas hanggang sa naramdaman ko na lamang na tumama sa sahig yung balakang ko.
Namilipit ako sa sobrang sakit at noong makita kong may umaagos na sariwang dugo sa gitna ng mga hita ko ay nanlaki yung aking mga mata. Umagos yung mga luha ko na parang rumaragasang ilog noong mapatitig ako sa kanilang lahat. Nanginginig yung kamay ko noong haplusin ko yung dugo sabay nanikip yung aking dibdib dahil sa takot na baka ay nakunan ako. Agad na pumasok sa isipan ko yung kondisyon ng baby namin ni Russel.
"Oh fuck! Madi!" tarantang napatakbo palapit sa akin si Gabbie.
"We need to bring you at the hospital. TULONG! PLEASE TULUNGAN NIYO KAMI!"
Nakatitig lamang sa aming dalawa yung mga estudyante na animo ay ayaw makisawsaw sa kaguluhan namin. Wala ni isa sa kanila ang lumapit upang abutan kami ng tulog.
"G-gab... t-tulong, Gab," mahinang sabi ko kay Gabbie habang umiiyak at nanginginig yung buong katawan ko.
"What is this commotion all ab—M-madison?!" Nakita ko si Trevor na nagtatanong sa mga estudyante tungkol sa kaguluhang nagaganap.
Nanlaki yung kanyang mga mata sa gulat noong magtama yung aming mga titig hanggang sa mapako yung kanyang mga mata sa dugong umaagos sa sahig. Agad na napatakbo palapit sa amin ni Gabbie si Trevor. Naihagis niya sa sahig yung mga libro at class record na bitbit niya kanina, sabay napaluhod sa aking harapan.
"W-what happen? Why are you bleeding so bad?!" punong-puno ng pag-aalala yung kanyang mga mata nang tanungin niya ako. Pakiramdam ko ay nanuyo yung aking lalamunan at hindi na magawang makapagsalita.
"Fuck! WHAT ARE YOU ALL LOOKING AT?! GO BACK TO YOUR RESPECTIVE CLASSES NOW!" galit na utos ni Trevor sa mga estudyanteng walang ibang ginawa kundi ang panoorin lamang yung buong pangyayari. Mabilis pa sa alas kuwatro noong magsikalat ulit yung mga estudyante at lumakad palayo sa amin.
Hindi nagdalawang isip si Trevor na buhatin ako sa bisig niya. Inalalayan naman kami ni Gabbie na siyang nagbitbit ng bag at mga gamit ko na nahulog sa sahig. Napansin ni Trevor na may iilang mga estudyante pa rin ang patuloy na kinukunan kami ng video at mga litrato kaya tinignan niya sila ng may panlilisik sa kanyang mga mata.
“Delete the recordings now or else I will not hesitate to call a meeting with the disciplinary committee.” Noong magbanta si Trevor ay agad-agad na huminto yung mga estudyante sa pagkuha ng mga litrato sa akin.
Mabilis na inilabas ako ng campus nina Trevor at Gabbie upang ipasok ako sa loob kanyang kotse. Patuloy pa rin yung pagdurugo ko hanggang sa maramdaman ko yung unti-unting pagdilim ng aking paningin. Hinawakan ni Trevor yung kamay ko habang abala yung mga mata niya sa kakatitig sa kalsada habang siya ay nagmamaneho.
“Don’t close your eyes, Madi. I am now bringing you to the hospital.” Nadinig sabi niya pero wala na akong lakas upang mabigyan ko pa siya ng sagot. Naramdaman ko yung panghihina at panlalamig ng aking buong katawan sabay tuluyan kong naipikit yung aking mga mata.
"Madi? Madi!" Ang pagtawag niya sa aking pangalan ay ang pinakahuling salitang nadinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.