KABANATA 48
Madison’s POV.
“Why did you snatch the phone? I’m not yet done reading it,” sumeryoso bigla yung expresyon na mukha ni Russel noong magtanong siya habang nakakunot yung kanyang noo. My legs threatened to buckle as I think of an excuse.
“W-wala lang yun, babe. S-spam lang yun,” nautal pa na pagpapalusot ko pero tinaasan lamang niya ako ng kilay.
“Do you think I would believe that? How can it be a spam text when your surname is indicated in the text? At saka, mukha galing sa isang doktor yung mensaheng nabasa ko,” saad ni Russel. Halatang kahit na anong gawin kong pagpapalusot ay hindi na niya ako paniniwalaan. Hindi ko nagawang makasagot matapos niya akong mahuli sa aking pagsisinungaling.
“Are you hiding something from me, Madison?” Nang tanungin niya ako habang nakatitig ng seryoso sa aking mga mata ay tuluyang nanlambot yung lahat ng mga buto ko sa katawan. I felt that my tongue had suddenly grew so thick to formulate a verbal answer. My knees weakened like soft noodles while he was looking at me with a suspicious expression drawn against his face.
Nanlamig na animo ay yelo yung mga binti ko sa paa at para bang naestatwa ako sa pagkakatayo. Nanuyo yung lalamunan ko na siyang naging sanhi kung bakit ni isang letra ay wala akong naisagot sa kanya.
“Madi, I’m asking you. Are you hiding something from me?” pagtatanong niya uli pero hindi ko pa rin siya magawang bigyan ng sagot.
My palms grew slick as cold drop of sweats ran down through my back. I cannot even manage to stare into his eyes for he might be able to unfold the truth I kept on hiding from him for almost a month. When Russel’s mouth was about to utter a word again, my phone suddenly rang. I immediately answered the call even if we are still in the middle of a serious confrontation. Russel’s lips twitches as if he still wants to say something but chose to withdraw himself into the conversation.
“Hello? Madison speaking,” pagtatanong ko mula sa kabilang linya.
“Hello, Madi. Si Shendy ‘to.”
“Shen, bakit napatawag ka? May nangyari ba?” pagtatanong ko sa kanya sa kabilang linya. Awtomatikong nabalot ng takot at pag-aalala yung tuno ng boses ko noong madinig kong si Shendy pala ang kausap ko ngayon sa telepono.
“Madi… nakibalita ako kina tiya Lany kagabi. Unti-unting pinatatanggal na raw sa kanila ng bagong may-ari yung mga gamit na nasa loob ng building,” kwento niya. My eyes widen in disbelieve as I heard the news from Shendy.
“Are you sure about that?” I asked her with my brows crossed. Russel looked serious and bothered but he just stayed silent while I am still on the phone speaking with someone else.
“Siguradong sigurado ako. Si tiya Lany pa mismo yung nagkwento sa akin,” sagot naman niya.
I just sucked in a frustrated lungful of air and closed my eyes. Napahilamos na lamang ako sa aking palad dahil hindi ko na alam ang aking gagawin. Naupo ako sa upuan dahil hindi ko na halos maramdaman yung magkabilang mga binti ko. Humakbang naman palapit sa akin si Russel tapos ay lumuhod sa aking harapan. Napako yung titig ng aking mga mata sa kanya noong hawakan niya yung kanang kamay ko.
Alam kong ang pagpapalayas sa kanila ng chairwoman ay direktang mensahe niya para sa akin. Minamadali na niya akong magdesisyon dahil kung hindi ay ang mga mahal ko naman sa buhay yung tiyak na pahihirapan niya. Pakiramdam ko ay maiiyak na lamang ako dahil masyado ng magulo yung isipan ko sa samu’t saring mga problemang dapat ko pang hanapan ng solusyon. Namumuo na yung luha sa gilid ng aking mga mata habang nakatitig ako sa nag-aalalang mukha ng tatay ng batang dinadala ko ngayon.
“Madi? Hindi ba at kilala mo naman yung nag-iisang anak na lalaki ng mga Silverio? Hindi mo ba siya pwedeng kausapin para pakiusapan yung pamilya niya na ibalik na lamang kay tiya yung building na binili nila? Tutal ay regular customer naman siya ng club house pati na rin yung mga kaibigan niya. Naawa na kasi ako kay tiya Lany, Madi. Alam mo namang mahal yung gastusin sa ospital lalo na’t may malubhang sakit yung anak niya,” saad pa ni Shendy sa telepono. Napakagat labi na lamang ako noong madinig ko ang mga salitang iyon mula kay Shendy.
“H-huwag na natin siyang idawit dito, Shendy. Ayokong magtanim siya ng galit at hinanakit sa pamilya niya oras na malaman niya yung nangyari. Hindi ko gustong dumating yung araw na ikahihiya niya yung apledyedong dala-dala niya dahil lang sa gawain ng pamilya niya,” malungkot na sagot ko mula sa kabilang linya.
“Alam ko naman ‘yun. Pero kasi… buhay ng anak naman ni tiya yung manganganib. Alam mo namang wala siyang ibang pinagkukunan ng perang pambayad sa mga gastusin sa ospital kundi yung kinikita lang ng Octagon Club House. Yung club house lang na iyon yung tanging pag-asa nila. Hindi pwedeng manahimik na lamang tayo at hindi tumulong. Yung club house na ‘yon, iyon ang buhay sa ating lahat at iyon din yung nagsilbing pangalawang tahanan natin, lalo na noong mga araw na pinagsarahan tayo ng pinto ng mundo,” sambit niya. Pakiramdam ko ay durog na durog yung puso ko sa labis na pagkaawa ko kay tiya.
I was not able to hold back the tears while looking sincerely at Russel who had no idea on what is going on right now. He held my hand then he wiped the tears on my crimson cheeks. He had no idea that I was talking about him and his family. I wanted to keep the issues circulating around me and his mother from him as much as possible. I do not want him to plant hatred and anger against his mom so if I can still take it, I am willing to prolong my silence.
Hanggang sa kaya ko pang magtiis, ay magtitiis ako. Hindi ko kaya na ipaliwanag lang sa simpleng mga salita yung pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Mahal na mahal ko si Russel higit pa sa lahat ng materyal na bagay dito sa mundo. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdam na parang gusto ko munang maging maramot mula sa mundo. Pakiramdam ko ay gusto ko munang unahin yung sarili kong pag-ibig bago ang ibang tao.
Malaking kasalanan ba kung na magiging maramot muna ako, kahit ngayon lang? Magagalit ba ang langit sa akin kung isasantabi ko muna yung ideya na pwede akong makasakit ng damdamin ng ibang tao, kapag na pinili kong ipagpatuloy yung pagmamahal ko para sa lalaking minamahal ko?
Oras na nagmatigas pa ako at hindi iniwan si Russel gaya ng gustong mangyari ng kanyang ina, paniguradong si tiya Lany, na siyang nagsilbing pangalawang nanay ko yung kailangang magdusa kapalit ng pagiging maramot at hindi ko pagpapalaya. As I stared into his admiring eyes, a question enveloped inside my mind. Kakayanin ba ng sikmura ko na patuloy siyang mahalin, kahit pa alam kong may ibang tao akong masasaktan?
******
(Few days later…)
Russel stopped the car in front of Basilica hospital. We sat in silence for a few moments. I was just staring outside the window while gathering the courage to go and see tiya Lany, who is probably now taking caring her sick daughter. Russel’s hand reached over to me and placed his hand on my knee.
“We’re here, babe. Are you sure you don’t want me to come with you?” Russel said softly. When I turned around to face him, his gaze was serious and steady.
“It’s okay, honey. I will be fine. Also, you are already running late. You need to be at dinner with your mom and Lucia by now,” sagot ko sa kanya. Noong ipaalala ko sa kanya iyon ay nadinig ko siyang nagbuntong hininga sabay iniwas sa akin yung kanyang mga mata. Bakas ko sa expresyon ng kanyang mukha na ayaw niyang siputin sa hapunan yung kanyang ina kasama si Lucia at ang daddy nito.
“If you hadn’t just really begged me these past few days, I really had no intention of going on a dinner with them tonight,” giit ni Russel na halatang napipilitan lamang siya.
Ilang araw ko siyang sinuyo at pinakiusapan na siputin sa hapunan yung nanay niya at sina Lucia dahil natatakot na ako sa mga susunod hakbang ng kanyang ina laban sa akin. Hindi ko na siguro kakayanin pa kung isa na naman sa mga mahal ko sa buhay yung pahihirapan niya dahil lang sa pagmamahal na mayroon ako para sa kanyang anak.
Ilang araw na ang nagdaan noong sunod-sunod akong makatanggap ng mga mensahe mula sa kanyang ina. Inuutasan ako ng chairwoman na pilitin si Russel na makipagkita sa kanila ngayong gabi dahil kung hindi, ay tiyak na hindi ko raw magugustuhan yung susunod na mababalitaan ko.
Takot na takot ako sa mga bantang natatanggap ko mula sa kanya dahil alam ko na siya ay isang makapangyarihan na tao dito sa bansa, kung kaya’t may kakayahan siyang baguhin ang mga bagay-bagay na naaayon sa gusto niya. Ilang gabing umiiyak ako ng mag-isa sa loob ng banyo sa tuwing nasisigurado kong mahimbing ng natutulog si Russel.
“Babe, kahit siputin mo lang sila ngayong gabi, okay? Dinner lang naman yung mangyayari. Pag hindi ka nagpunta, susugurin na naman tayo ng nanay mo sa bahay at magaalburuto na naman iyon sa galit. Ayoko na ng gulo, Russel. Please, baby. Para na lamang sa peace of mind nating dalawa,” saad ko sa kanya upang mapilit siyang pumunta sa hapunan.
“Pero alam mong hindi lang simpleng dinner iyon. She is pairing me up with someone else, Madi. Kaya ayokong pumunta,” pagmamatigas na sabi niya sabay napabuntong hininga at tumitig sa labas ng bintana. Inabot ko yung kamay niya sabay hinalikan ko ito, kaya naman ay nilingon niya uli ako.
“I know what she’s up to. Pero hayaan na muna natin siya sa gusto niyang mangyari, Russel. Pagbigyan na muna natin siya ngayon. Please, honey. Hmm?” pagpupumilit na sabi ko. Napahilamos na lamang siya sa kanyang mga palad dahil sa pagiging makulit ko.
“Argh! Fine. Pero ngayon ko lang siya pagbibigyan dahil nagmakaawa ka sa akin. Hindi na ako papayag sa susunod, mahal,” aniya. Nang sabihin niya iyon ay agad akong tumango upang ipaalam sa kanya na naiintindihan ko yung kanyang desisyon at nirerespeto ko yung gusto niya.
“Thanks, baby. I love you so much,”
“I love you more, baby,” Russel said.
I walked straight until I reached the front door of tiya Lany's daughter. My gaze got locked into the glass window as I saw her sitting beside her sleeping daughter. I stood on the doorway for a few more minutes, still not being able to release a knock.
Pakiramdam ko ay nadurog yung puso ko ng pinong-pino matapos masaksihan ng mismong magkabilang mga mata ko yung sitwasyon ngayon ni tiya Lany. Tanaw ko yung lungkot at kawalan ng pag-asa mula sa mukha nito habang nakatitig siya sa kanyang anak na natutulog.
My eyes widen in surprise when she suddenly catches my presence at the front door of her daughter's room. Her smile broadened while looking at me from a far. She gave me a wave to tell me to come inside and join her. I sucked in a lungful of air before I opened the door.
"Tiya," mahinang tawag ko sa kanya noong makapasok na ako sa loob.
"Madi, anak what are you doing here? Come and sit beside me," tawag niya. Nakangiti man itong nakatitig sa akin ngayon ay hindi parin nito kayang maitago mula sa akin yung pagod at lungkot na bumabalot sa kanyang mga mata ngayon.
I cleared my throat as I felt the sting of tears beneath my eyes. I was not able to utter even a single word to her, but instead I ran towards her direction and enveloped myself in her arms. Silent crying was followed by heavy sobbing which I failed to hold back.
"Why are you crying? Hindi ba at sinabi ko na sa’yo noon na pag umiyak ka ay talo ka?" aniya. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot yung lakas ng loob na ipinapakita niya sa akin ngayon, sa kabila ng malaking problemang nakapatong sa mga balikat niya.
"T-tiya Lany, I'm sorry. It is all my fault. You have the right to blame everything to me," humahagulgol na sabi ko habang nakakapit ako ng mahigpit sa mga braso niya.
"Bakit mo ba laging sinasabi na kasalanan mo? Ano ba kasi talagang nangyari?" pagtatakang tanong niya sa akin noong tuluyan ng naglayo yung aming mga katawan matapos ang mainit na yakap.
She held my hand and clasped it together. I cannot look straight in her eyes because of guilt and shame. Napayuko na lamang ako habang humihikbi sa pag-iyak. Noong pisilin niya yung aking mga kamay ay nagsalita uli siya. "Madi, anak. Magsabi ka nga ng totoo. Bakit mo ba sinasabing kasalanan mo ang lahat? May nangyari ba?" pag-uulit niyang tanong sa akin.