KABANATA 47

Madison’s POV.

Pumasok ako ng aking kuwarto sabay naupo sa may paanan ng kama. Nang mapatitig ako sa repleksyon ko sa salamin ay agad na napako yung mga mata ko sa maliit kong tyan. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsi-sink in sa utak ko na may bata na akong dinadala sa mga oras na ito.

I rose from the bed then pulled out three pregnancy testers I personally bought from the pharmacy before I came home. I closed my eyes, took a deep breath to gather up my courage and test. I have no plans on having a baby this early that is why I am having a difficult time to believe it, despite of the doctor’s announcement earlier. Although I wasn’t expecting to have a baby at the age of twenty-one, it doesn’t mean I am not going to acknowledge it. I just don’t know how should I tell Russel about my pregnancy.

Gusto kong makasiguradong hindi nga talaga ako nananaginip kung kaya’t gusto kong subukan pa rin yung pregnancy test. Nakatitig ako sa mga testers na hawak ko ngayon sabay napalunok. Magkahalong kaba, saya at takot yung nararamdaman ko ngayon. Masaya man akong nagbunga ng isang supling yung pagmamahalan naming dalawa, pero hindi ko alam kung tama ba ang panahon para magkababy kami ni Russel, lalo na’t hindi ako gusto ng kanyang ina para sa kanya.

Pumasok ako ng banyo sabay agad na sinubukan yung isang tester. Nang ilapag ko ito sa lababo ay nagsimula ng pumintig ng sobrang lakas yung dibdib ko. Naramdaman ko ang biglang panlalamig ng aking mga palad habang nangangatog sa kaba yung magkabila kong mga tuhod. Naghintay ako ng mahigit tatlong minuto sa loob ng banyo. Pakiramdam ko ay iyon na yung pinaka matagal na tatlong minuto sa buong buhay ko.

Nakailang lunok ako noong makita kong nagsisimula ng lumabas yung resulta mula sa pregnancy test na ginawa ko. I was out of oxygen and was about to collapse on the floor when I saw two clear red lines on the tester. Panic flowed throughout my body as my hands began to shake vigorously.

“N-no… this cannot be true. I need another test to be sure,” natatarantang saad ko sa aking sarili sabay inilabas yung natitirang dalawang tester mula sa kani-kanilang mga kahon.

Nang matapos ang tatlong minuto ay nag positive din yung dalawang tests na ginawa ko. Gulong-gulo yung isipan ko at hindi ko alam ang gagawin. Pakiramdam ko ang nawalan ng lakas yung mga hita ko kung kaya’t bumagsak na lamang ako sa inidoro habang sinasabunutan ko ang aking sarili.

“A-anong gagawin ko? Buntis nga ako,” bulong ko sa aking sarili.

Ang kaunting saya na nararamdaman ko kanina ko ay biglang napalitan lahat ng takot at pangamba. Nanginginig yung buo kong katawan habang nakatitig ako sa may pader ng banyo. Naramdaman ko na lamang yung biglang paghapdi ng aking mga mata. Napahilamos ako sa aking mga palad habang nababalot ng milyon-milyong mga katanungan yung isipan ko ngayon.

Paano ko sasabihin kay Russel na nagdadalang tao na ako?

Kung hindi nga ako kayang matanggap ng kanyang ina, paano pa kaya kung malaman niyang magkakaanak kami?

Paano ako magiging isang mabuting ina, kung haggang ngayon ay magulo at hindi ko pa naisasaayos yung buhay ko?

Handa na ba kaming maging magulang ni Russel, kung punong-puno parin ng mga balakid at hadlang ang aming relasyon?

Iilan lamang iyan sa napakadaming mga tanong na nagsisiliparan sa loob ng utak ko ngayon. Napakagat labi ako habang unti unting umaagos yung mga luha sa gilid ng aking mga mata na animo ay rumaragasang tubig. Humagulgol ako ng pag-iyak sa loob ng banyo ng mag-isa. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal dahil sa magkahalo-halong mga emosyon na umaapaw mula sa puso ko ngayon.

Para akong mahihibang sa kakaisip at kakahanap ng mga kasagutan sa mga katanungan sa aking isipan. Tinatanong ko ang aking sarili kong bubuhayin ko pa ba ang bata sa loob ng sinapupunan ko ngayon. Masaya ako sa kanyang pagdating pero natatakot akong baka ay hindi namin siya mabigyan ni Russel ng magandang buhay dahil kahit nga yung kanya-kanya naming mga buhay ay hindi namin kayang ayusin.

“Anong gagawin ko ngayon? Sasabihin ko ba sa kanya na buntis ako?” humihikbing pagtatanong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam pero mas nangibabaw sa akin yung takot kaysa maging masaya sa balitang nalaman ko. Natatakot ako dahil hindi pa ako lubos na handang maging isang ina. Nagsisimula pa lamang akong bumuo ng mga pangarap para sa sarili ko ngayon, at hindi ako sigurado kung kaya ko bang isantabi yung mga pangarap na iyon para sa batang mabubuo sa loob ng tiyan ko. Natatakot ako sa posibilidad na baka mas maging mahirap sa amin ni Russel yung sitwasyon naming dalawa dahil sa pagdating ng hindi inaasahang biyaya sa amin.

Hindi ko sinisisi ang batang nasa sinapupunan ko ngayon. Alam ko namang kasalanan naming dalawa ni Russel dahil hindi kami nag-ingat at gumamit ng proteksyon sa tuwing kami ay magtatalik. Sa sobrang pananabik namin sa init ng isa’t isa ay tila ba nawawala na lamang kami sa aming mga sarili at hindi na nagagawang makapag isip ng tama. Kung may ibang sisisihin man ako ay walang iba kundi ang aking sarili.

******

Dalawang linggo na ang lumipas magmula noong malaman kong buntis ako. Hanggang ngayon ay naduduwag pa rin akong aminin kay Russel ang totoo. Pinili ko munang isekreto mula sa kanya yung pagdadalang tao ko dahil magulo pa yung isipan ko ngayon. Ayoko ding abalahin siya dahil ilang linggo na ang nakakaraan magmula noong umpisahan niyang ipinta yung susunod na portrait niya.

Minsan ko na lamang din siyang makatabi sa kama ngayon dahil binibigyan niya ng malaking oras ang iginugugol niya sa pagtatrabaho sa loob ng kanyang studio. Naiintindihan ko naman iyon at abala din ako sa samu’t saring mga school requirements na dapat ko ding matapos bago sumapit ang first prelim examination. Nang makapaghanda ako ng agahan ay kinatok ko si Russel sa kanyang studio upang sabay kaming kumain ng agahan.

“Wow! Babe, ansarap naman ng luto mo. Mukhang handa ka ng maging misis ko ah. HAHAHA! Napaka housewife material na,” pabirong sabi niya habang masayang kinakain yung mga pagkaing inihanda ko para sa kanya.

“Masarap ba talaga? o baka kasi gutom ka lang?” pagtatanong ko sabay inilapag sa gilid niya yung baso ng mainit niyang kape.

“Kumain ka din ng prutas para di ka madaling magkasakit,” saad ko sabay turo ng mga hiniwa kong mansanas para sa kanya. Umupo ako sa kabilang bahagi ng mesa tapos ay sumubo din ng pagkain.

“Masarap nga. Pero mukhang mas masarap ka,” he said while giving me a malicious grin on his face.

Pakiramdam ko ay nanindig yung lahat ng mga balahibo ko sa katawan noong biglang himasin ng kanyang binti yung aking binti sa ilalim ng mesa. Inabot niya yung aking kamay at marahan itong pinisil pisil. Sa mga kilos pa lang niya ay alam ko na ang balak niya. Umatras ako sabay hinawi yung kamay kong hawak niya. “Babe, stop. We are still eating. Also, it is not the right time to play around. Kailangan mong magfocus sa portrait mo,” saway ko sa kanya sabay umayos ng pagkakaupo at inilayo yung aking mga binti mula sa kanya.

“Why? Are you not in the mood? We never spent that much time with each other because we both became so busy for the past weeks and now, I want you so bad. Di mo ba ako pwedeng pagbigyan? Just a quick make out, sweetheart. We will be really quick. I promise,” aniya habang nakabusangot sa harap ko na halatang nagpapacute pa sa akin upang bumigay ako sa gusto niyang mangyari.

“Ayaw mo na ba ka sa akin? Nagsasawa ka na ba, sweetheart?” pagtatanong niya sa akin.

“No. Of course not. Huwag mo ngang isipin ‘yan. Iyan na siguro ang pinakaimposibleng mangyari sa mundo. I will never fall out of love, Russel. Hinding hindi mangyayari, ‘yan.”

I inhaled a gasp of air and closed my eyes. When I our eyes met, I shook my head. “Babe, I still have a lot of reaction papers to submit. I also need to prepare for my upcoming exami-“ Hindi ko nagawang matapos yung dapat sana ay sasabihin ko noong bigla kong maramdaman na parang bumaliktad yung sikmura ko at maduduwal ako ng wala sa oras.

Mabilis pa sa alas kuwatro noong mapatayo ako mula sa aking pagkakaupo at dali-daling napatakbo sa lababo upang magsuka. Tarantang- tarantang sinundan naman ako ni Russel sabay inabutan ako ng isang basong tubig habang marahang hinihimas yung likod ko. Fuck! I’m starting to experience morning sickness. Napakapit ako ng mabuti sa lababo habang kagat labing nakapikit.

“Baby, are you okay? Do you want me to bring you at the hospital?” pagtatanong niya sa akin noong matapos akong magsuka. Noong mapako yung titig ko sa kanyang mga mata ay nabakas ko yung kanyang pag-aalala para sa akin.

“I-I’m fine, baby. Hindi lang maganda yung pakiramdam ko ngayon. Wala kang dapat ipag alala, okay?” paliwanag ko sa kanya.

“But you look so pale and weak. At saka isa pa, hindi ka na ganado kung kumain ngayon. Hindi katulad dati,” he said with dead seriousness.

“You don’t have to worry. Nai-stress lang siguro ako sa dami ng mga school requirements ko sa school. Madami lang akong dapat na gawin at habulin na mga deadlines kaya siguro ay naninibago lang yung sistema ko. But I’m okay. I promise,” I lied. He released a heavy sighed while looking so worried to me.

“Fine. But please do not overwork yourself. I do not want you to be sick,” Russel said with his brows in near proximity. I have managed to give him a curt nod as my respond.

“Let’s go and I will just escort you to our room,” giit niya. Nang sabihin niya iyon ay mahigpit niyang hinawakan yung kamay ko upang dalhin ako sa kuwarto.

Nakakailang hakbang pa lamang kami noong biglang tumunog yung telepono ko, bilang tanda na ako ay nakatanggap ng isang mensahe. Agad niyang dinampot mula sa lamesa yung telepono at nang silipin niya ito ay kanyang binasa para sa akin.

“Good day miss Espinosa. This is doctor Rivera and I would like to remind you the schedule of your sono-“Nanlaki ang aking mata sa sobrang gulat noong mapagtanto kong galing pala sa doctor ko yung mensaheng natanggap ko. Mabilis pa sa alas kuwatro noong mahablot ko mula sa kamay ni Russel yung aking telepono, bago pa niya tuluyang mabasa yung kabuuan ng mensahe.

“Why did you snatch the phone? I’m not yet done reading it,” sumeryoso bigla yung expresyon na mukha ni Russel noong magtanong siya habang nakakunot yung kanyang noo. My legs threatened to buckle as I think of an excuse.

“W-wala lang yun, babe. S-spam lang yun,” nautal pa na pagpapalusot ko pero tinaasan lamang niya ako ng kilay.

“Do you think I would believe that? How can it be a spam text when your surname is indicated in the text? At saka, mukha galing sa isang doktor yung mensaheng nabasa ko,” saad ni Russel. Halatang kahit na anong gawin kong pagpapalusot ay hindi na niya ako paniniwalaan. Hindi ko nagawang makasagot matapos niya akong mahuli sa aking pagsisinungaling.

“Are you hiding something from me, Madison?” Nang tanungin niya ako habang nakatitig ng seryoso sa aking mga mata ay tuluyang nanlambot yung lahat ng mga buto ko sa katawan. I felt that my tongue had suddenly grew so thick to formulate a verbal answer. My knees weakened like soft noodles while he was looking at me with a suspicious expression drawn against his face.