KABANATA 49

Madison’s POV.

"Ang ibig mo bang sabihin kaya lang binili ng mga Silverio yung club house ko, ay dahil sayo? Sigurado ka ba talaga diyan?" tiya Lany asked me with a creased forehead. I have managed to give her a curt nod as my respond.

"Binlockmail ako ng nanay ni Russel, tiya. Kung hindi ko raw lalayuan yung anak niya ay dudurugin niya ng pinongpino yung clubhouse mo sa harap ko. I have no idea that she already did a detailed background check on me. Alam na din niyang dati akong mananayaw sa clubhouse mo noon at espesyal na tao ka sa buhay ko, dahil para ka ng nagsilbing pangalawang magulang ko. Noong malaman niya yung relasyon mo sa akin ay agad niyang tinarget yung building, upang gantihan at takutin ako," pagkukuwento ko sa kanya. Noong matapos kong ikuwento ang buong pangyayari ay nabakas ko sa mukha niya yung gulat na animo ay hindi magawang paniwalaan yung kanyang mga narinig mula sa akin.

"Kung ganoon ay anong plano mo, anak? Hindi mo kayang kalabanin ang katulad ng nanay niya. Mayaman siya at makapangyarihan," mahinang saad ni tiya Lany sabay hinawakan ng mahigpit yung dalawang mga kamay ko.

Napakagat labi na lamang ako habang nakayuko upang pigilan ang aking sarili na huwag maiyak sa kanyang harapan. Sa totoo lang ay hirap ako makapagdesisyon dahil alam kong kahit ano pa man ang aking piliin ay isa sa kanila ang talagang masasaktan ko ng sobra. Ayokong mamili sa pagitan ni tiya Lany at Russel dahil pareho silang may napakaespesyal na lugar dito sa puso ko. Hindi ko kayang makitang magdusa si tiya at ang naghihingalong anak nitong si Irene, dahil lang sa pagmamatigas kong bitiwan si Russel.

Ikamamatay naman ng puso ko oras na si Russel naman ang pakawalan ko. Ngayon lamang ako nagmahal ng sobra at hindi ko kayang iwanan ang natatanging lalaki na tinanggap ako ng buo, at minahal ako ng labis. Higit sa lahat ay iniisip ko rin ang kinabukasan ng magiging anak namin ni Russel. Ayokong lumaki siya na walang tatay na kinagisnan. Paano ko magagawang ipaliwanag balang araw sa anak ko kung bakit wala siyang kinilalang tatay? Hindi ko alam kung anong rason ang ibibigay ko sa anak namin kung sakaling si Russel naman ang iniwan ko.

"H-hindi ko din po alam ang gagawin ko, tiya. Mas nahihirapan po akong gumawa ng desisyon ngayon lalo na ngayon dahil..."

"Dahil ano?" tiya Lany asked as her eyebrows drawn into a concerned look.

"D-dahil nagdalang tao po ako," nautal na pag amin ko sa kanya habang umaagos na parang rumaragasang ilog yung mga luha mula sa aking mga mata. A sudden fear floods throughout my spine and I nearly drop my knees to the floor.

"Ano kamo? Buntis ka?" pagtatanong niya na halatang nagulat siya sa sumunod na sekretong inamin ko. Tiya lany stared at me, completely shock. I bow down my head and gave her a nod.

Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita. Marahil ay sobra siyang nagulat sa dalawang malalaking rebelasyon na ibinahagi ko sa kanya ngayong gabi. Tahimik lamang ako nakakapit sa magkabilang mga hita ko noong madinig ko siyang magsalita uli.

"Alam na ba ito ni Russel? Ano ang naging kanyang reaksyon matapos niyang malaman na nagdadalang tao kana?" she asked me in a concern tone of voice. I shook my head while staring at the floor blankly.

“Hindi ko pa po nagagawang sabihin sa kanya yung totoo, tiya. Ikaw pa lang po at isang malapit na kaibigan ko ang nakakaalam ng tungkol sa pagbubuntis ko,” sagot ko naman sa kanya.

"Why didn’t you tell him? Kung may dapat man na unang makaalam tungkol sa batang nasa sinapupunan mo ngayon, hindi ba dapat ay si Russel iyon, anak?" she muttered as her brows drew together in concern.

"Tiya, hindi ko pa po alam kung anong susunod na plano ko. Kaya po hindi ko pa sinasabi sa kanya," saad ko noong titign ko siya.

"But he has all the right to know, anak. Siya pa rin yung tatay niyang batang dinadala mo ngayon," she sat up straight while pointing at my stomach.

"Kaya nga may inilaan na isang tao sa atin ang Diyos, hindi ba? Para may sasalo sa mga problemang hindi na natin kayang saluhin. Kaya tayo binigyan ng taong makakasama ng Diyos ay dahil alam niyang hindi lahat ng laban ay kaya nating harapin ng mag-isa. Anak, iyan ang papel ni Russel sa buhay mo. Ang maging katuwang mo sa hirap at ginhawa," saad ni tiya Lany sa akin.

“Alam ko po iyon, tiya. Pero paano ko naman po sasabihin sa kanya yung problema ko, kung gagawan ito ng pamilya niya? Ayoko ko pong makapagtanim siya ng sama ng loob sa kanyang ina. Ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nilang mag-ina. Magiging nanay din po ako matapos ang siyam na buwan. Ayoko pong ipakita sa magiging anak ko yung panget na relasyon ng kanyang ama sa nanay niya,” sagot ko naman sa kanya habang ako ay nakayuko.

"Ayoko po munang isipin yung tungkol sa pagbubuntis ko. Ang pinoproblema ko ay kung papaano kita matutulungang makuha mo uli yung building mula sa mga Silverio. Lalaban tayo, tiya. Kahit pa umabot tayo sa korte ay-" Hindi ko nagawang ituloy yung dapat sanang sasabihin ko noong napailing-iling yung ulo niya sabay hinaplos yung magkabilang mga braso ko.

"Madi, hayaan na lamang natin yung clubhouse. Durugin na nila kung gusto nilang durugin, anak. Hindi na rin naman iyan yung importante para sa akin ngayon," mahinang giit niya tapos ay saglit siyang nahinto sa pagsasalita. Lumingon siya hanggang sa mapako yung titig niya sa kanyang dalagang anak na babae na ngayon ay nakaratay sa banig ng kamatayan.

"Wala ng ibang mas importante pa sa akin, maliban sa anak ko. Si Irene lamang yung pinakaimportante sa akin ngayon, Madison. Mawawalan lahat ng saysay yung bawat paghinga ko dito sa mundo, oras na iwanan niya ako," dagdag pang sabi niya. Nang bitawan niya sa akin yung mga salitang iyon ay nasaksihan ng mismong mga mata ko yung pananabik niya para sa kanyang nag-iisang anak.

As she swings around to face me, tears are streaming down her grief-stricken face. My throat tightens and I also felt the sting of tears when I saw her crying in agony. I looked at her sad and tired eyes as I realized how much she loves her daughter.

Si tiya Lany yung natatanging tao na nagpatatag sa dating mahinang puso ko. Siya yung nagturo sa akin na huwag iiyak sa tuwing babatuhin ako ng mundo ng samu't saring mga problema. Ayon sa kanya ay hindi raw malulutas ng pag-iyak yung problemang dala-dala ko, kung kaya't palagi niyang sinasabi sa akin na oras na umiyak ako ay parang inaamin ko na rin daw yung pagkatalo ko.

"M-madi... Bilang na lamang yung mga araw ni Irene. Hinihintay ko na lamang ngayon yung tuluyang pamamaalam niya." I heaved a deep sigh after hearing the sad news from her. I abruptly rose from my seat and embraced her in my arms.

Ni minsan ay hindi ko pa nakitang napaiyak si tiya Lany ng mga problema niya. Siya na siguro yung pinakamatatag na taong kilala ko. Pero ngayong makita ko siyang humahagulgol ng pagiyak sa bisig ko, napagtanto kong kahit gaano pala katatag ang isang tao ay darating pa rin yung panahon na matitibag siya ng mga pagsubok na ibabato sa kanya ng mundo.

Ang mawalan ng mahal sa buhay ay katumbas na rin sa tuwing mananakawan ka ng importanteng bagay na pagmamay-ari mo. Magmula ng mamaalam ng maaga sina mama at papa, pakiramdam ko ay kusang sumama na din yung puso ko sa libingan nila. Ang mawalan ng taong minamahal ay parang unang kamatayan mo habang nabubuhay ka pa sa mundong 'to.

"Madi, minsan tinanong ko ang Diyos. Hindi kaya si Irene yung pinagbabayad niya ng mga kasalanan ko dito sa mundo? Karma ko ba ito dahil sa pagiging isang bayarang babae ko noon?" sunod-sunod na pagtatanong niya habang umiiyak.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na huwag umiyak kasama siya. Labis na nasasaktan at nadudurog yung puso ko habang pinagmamasdan ko si tiya Lany na umiiyak dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Humihikbi ako habang umiiling-iling ulo ko tapos ay pinunasan ko yung mga luha sa kanyang mga mata.

"Tiya... alam mo ba na noong magkasabay na ninakaw sa akin ng Diyos yung mga magulang ko ay napatanong din ako sa kanya? May kasalanan ba ako para bawiin niya sa akin ng ganoon kaaga yung mga magulang ko? Kinarma kaya ako dahil sa pagiging sutil ko? Hindi ba ako mahal ng panginoon? Iyon ang ilan lamang sa mga tanong na bumalot sa isipan ko habang umiiyak ako at tatalon na sana ng tulay upang wakasan na ng tuluyan yung buhay ko," pagkukuwento ko sa kanya habang patuloy yung pagragasa ng maiinit na luha sa gilid ng aking mga mata.

"Pero noong dumating ka at nagawa mo akong pigilan... tiya, nasabi ko sa sarili ko na mahal pa rin pala talaga ako ng Diyos. Bayarang babae ka man noon, pero para sa akin ay nagsilbi kang anghel na hinulog mula sa akin ng kalawakan. Hindi tayo kinarma tiya Lany dahil lang sa tayo ay mga babaeng mababa ang lipad. Nagkataon lang na ito yung klase ng pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos dahil alam niya kung gaano tayo katatag at malalagpasan natin yung pagsubok na binigay niya," saad ko sa kanya habang seryosong nakatitig sa kanyang mga mata.

"Mahal tayo ng Diyos, tiya. At alam kong hindi niya tayo pababayaan," dagdag ko pa habang patuloy na pinupunasan yung mga luhang nakabalandra sa kanyang mga pisnge.