FATE 19
BASANG-BASA ng luha ang mukha ni Shanella matapos marinig ang buong kuwento ni Thallon. She wanted to unhear everything but it's the truth...
"Y-you allowed this to happen? H-hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko?" disappointment were all over Kai's face while looking at his father Thallon.
"W-Wala na kaming ibang maisip na paraan ng iyong ina, anak... W-we j-just need to survive Rome's greediness..." paliwanag ni Thallon.
Then Rome chuckled while still looking at Logan's head. "Siguro nga ay wala talagang kabutihang para sa ating mga lobo. You're talking about my greediness but look at what you've done too. Sa tingin mo ba ay mabuti na kayo sa lagay na ito?" pagpapatungkol niya kay Thallon.
"I never wanted this... Kung sa tingin mo ay sang-ayon ako sa lahat ng nangyari ngayon, nagkakamali ka. Ikinahihiya ko ang maging isang Gibbous at maging isang ama ang katulad mo," Kai gritted his teeth. Gusto niyang pakawalan ang galit na nararamdaman sa ama.
"Y-you a-are my real father? T-then... W-what's the truth about Serena?" tanong ni Shanella na hindi pa rin maintindihan kung bakit kailangan nilang pagdaanan ni Kai ang mga iyon. Hindi sila parte ng nakaraan ng mga Sturgeon at Gibbous kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang masaktan nang sobra.
"You are my daughter... Which means..." muling napahinga nang malalim si Rome.
"Doreene. Siya ang tunay mong ina at si Rome ang iyong tunay na ama. Parte si Serena ng planong paniwalain ka. Siya na lang isang paraan upang makumbinsi kang parte ka ng Gibbous at kapalaran mong maging breeder ni Kai..." si Thallon ang sumagot.
"I can't believe you can still talk na para bang sinasabi mong tama ang lahat ng ginawa ninyo ni ina," hindi makapaniwalang umiling-iling si Kai.
"G-gaya nga ng sabi ko... I need to save our race..." yuko ang ulong sambit ni Thallon.
Napayuko si Shanella at tila hindi na nito alintana ang sugat na nakamit kay Logan. "K-kaya p-pala n-noong una kong m-makita s-si Serena ay hindi ko maramdamang anak niya ako... A-akala k-ko d-dahil g-galit l-lang a-ako... I-iyon pala..." her voice started to break. "A-and n-now... P-pinatay k-ko pa ang kapatid ko..."
Dali-daling lumapit si Kai kay Shanella. "Hey..." iniangat niya ang ulo ni Shanella at saka niya ito masuyong hinagkan sa noo.
"I-If this is all true and Niah i-is no longer a-alive... T-then..." nanginginig ang mga labing napatitig si Desa kina Kai at Shanella na kasalukuyang magkayakap ng mga oras na iyon.
"M-maililigtas na ni Kai ang Gibbous nang walang hadlang..." pagdugtong ni Rome na nakatingin din kina Kai at Shanella. Kung nakakakilos lang sana siya nang maayos ay kanina niya pa nilapitan si Shanella at niyakap. Ngunit kung mangyari man, hindi pa rin niyon mapapawi ang katotohanang napatay ni Shanella ang kapatid nitong si Logan...
"W-which a-also m-means..." napapikit at napailing si Desa.
"K-kapalaran ni Kai ang tatapos ng lahat..." pagpapatuloy muli ni Rome.
Napaangat ng tingin si Kai kina Rome at Desa. "Ano na naman bang ibig ninyong sabihin?"
"Ang kapalaran mo na lang ang nagsisilbing tunay na kuwento sa mga oras na ito, Kai... Maililigtas mo na nang tuluyan ang Gibbous laban sa kapalarang binago ko sa libro ng tadhana. Kailangan mo kaming pataying mga Sturgeon upang matiyak ang inyong kaligtasan..." napalunok si Rome. May isang bagay itong hindi niya magawang sabihin.
"Shanella is a Sturgeon... K-kasama siya sa kailangan mong patayin..." walang emosyong saad ni Desa.
Tigagal sa narinig si Kai.
"H-hindi na kailangan iyon... A-alam na ninyong mga Sturgeon na wala ng makakapatay kay Kai kaya ititigil na ninyo ang pagtatangka sa amin, hindi ba?" sansala naman ni Thallon.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Rome. "Ang naisulat ko sa libro ng tadhana ay hindi na magbabago. Ang paraan namang ginawa ninyo ni Gara ay hindi rin mababago. It's a war, Thallon. It's us, Sturgeons, or you, Gibbouses..."
"Kalokohan!" galit na napatayo si Kai. "Ang lahat ay maaaring mapag-usapan! Kung dito pa lang ay aayusin na natin ang gusot, lahat tayo ay makakapamuhay nang maayos!"
"I wish it was that easy... Pero ang tadhana ay mahirap kalaban kahit pa anong buti mo. Huwag mo ring aasahan na maaaring mabago ng pagmamahal mo kay Shanella ang iyong tadhana katulad ng inakala namin noong hindi ka galawin ni Shanella. Dito sa ating mundo, kapalaran o tadhana ang mananaig at hindi ang tunay na pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal ay para lamang sa mga mortal..." mahaba at emosyonal na pahayag ni Rome.
"N-no... I-I can still change it... Hindi ako naniniwalang para lamang sa mga mortal ang tunay na pagmamahal. May puso rin tayo at iyon ang susundin natin upang labanan ang tadhanang sinasabi mo..." Hindi nawawalan ng pag-asang wika ni Kai.
"I-I'm a-already d-dying, Kai... It's okay..." pinilit ni Shanella ang ngumiti sa kabila ng pinaghalong pisikal at emosyonal na sakit na kaniyang nararamdaman.
"Huwag kang magsalita ng ganiyan!" tuluyan na ngang napaiyak si Kai at muling niyakap si Shanella na halos mapahiga na sa lupa dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo mula sa likod nito.
"K-Kai, h-hindi ko ito gustong sabihin, p-pero... H-habang maaga p-pa... K-kailangan mo ng mamili kung Sturgeon ba o Gibbous ang magpapatuloy sa mundong ito... H-huwag mo ng patagalin o hintaying muling magkaroon ng ganitong senaryo... P-para na l-lamang sa mga a-anak natin..." bulong ni Shanella sa tainga ni Kai.
Ibig sabihin ni Shanella ay magdesisyon na si Kai sa mismong araw na iyon.
"T-tama n-na... H-hindi k-ko maintindihan..." paghikbi ni Kai.
"Umpisa pa lang ay hindi na tayo bagay... Panay kasinungalingan ang dahilan kung bakit tayo nagtagpo. Ang mga anak natin... Mabubuhay pa rin sila kahit anong maging desisyon mo dahil pinagsamang Sturgeon at Gibbous ang dugong nananalaytay sa kanilang ugat..." paliwanag ni Shanella.
"Dadalhin kita kay Serena," pambabalewala ni Kai sa mga sinasabi ni Shanella. Binuhat niya ito at mabilis na siyang tumakbo palayo roon upang dalhin ang babaeng pinakamamahal kay Serena. Kayang pagalingin ni Serena ang anumang sugat ng mga lobo basta't hindi pa huli ang lahat.
"M-makinig ka sa akin, mahal ko... H-hindi tayo puwede. Kahit maligtas man ako ngayon, hahanapin at papatayin mo pa rin ako dahil iyon ang iyong kapalaran. Sa pagkakataong ito, ikaw ang may tunay na misyon, hindi ako..." patuloy sa pagsasalitang wika ni Shanella.
Habang tumatakbo si Kai at buhat si Shanella sa kaniyang mga bisig, nag-uunahan din ang pagpatak ng luha mula sa kaniyang mga mata kasabay din ng pagpatak ng dugo ni Shanella sa daanan.
"Masasaktan lang tayo lalo kapag pinilit pa at pinatagal pa natin, mahal ko... Ikaw o ako lang ang puwedeng mabuhay. Kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong ikaw dahil ikaw ang itinakda... Ikaw ang may pinakamalinis na puso sa ating dalawa at tiyak na mas maaalagaan mo ang ating mga anak..." patuloy pa rin sa pagsasalita si Shanella.
"M-malapit na tayo..." humihingal na sambit ni Kai.
Ilang sandali pa nga ay natanaw na ni Kai ang tahanan ni Serena. Ibinaba niya si Shanella upang hanapin at tawagin si Serena.
"Serena!" sigaw nito habang palinga-linga sa paligid.
"Serena, nasaan ka! Kailangan ko ang tulong mo! Kailangan ka ni Shanella!" muling hiyaw ni Kai. Alam naman na niyang hindi tunay na anak ni Serena si Shanella ngunit naniniwala siyang may dating pa rin iyon kay Serena.
Mayamaya ay bahagyang gumalaw ang tubig sa ilog na naroon. Maging ang mga puno ay tila nagsayawan at kasabay niyon ay ang paglabas ng liwanag kasama si Serena.
"Serena, salamat at dumating ka! Tulungan mo si Shanella!" hindi magkandatutong sambit ni Kai.
Bahagyang kumunot ang noo ni Serena at naglakad palapit sa nakalapag na si Shanella.
"Anong ginagawa mo, Kai? Alam mo naman na kung ano ang totoo, hindi ba?" pagtanong ni Serena.
"Wala akong pakialam sa tadhana ninyo... Iligtas mo na siya..." pinilit ni Kai maging mahinahon ang pananalita.
"Pero—"
"Iligtas mo na siya!" galit ng sigaw ni Kai.
Natigilan naman si Serena. Ramdam na ramdam niya ang magkakahalong galit at lungkot ni Kai.
"P-parang awa mo na..." lumuhod pa nga si Kai sa harapan ni Serena.
Bumuntonghininga si Serena at bahagyang lumuhod sa tabi ni Shanella. Hinaplos niya ang pisngi ni Shanella. Gumalaw ang kaniyang palad papunta sa likod ni Shanella kung nasaan ang sugat nito. Subalit walang nangyayari sa sugat ni Shanella. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa tiyan ng babae.
"She wanted to die..." anas ni Serena habang pinagmamasdan ang tiyan ni Shanella.
Nalilitong tiningnan din ni Kai ang tinitingnan ni Serena. Doon niya nga nakita ang nakabaong mga mahahabang kuko ni Shanella sa sarili nitong tiyan. Hindi niya pala napansin o namalayan ang ginawang iyon ni Shanella kanina habang buhat niya ito.
"H-Hindi..."
Malakas ang naging pag-iyak ni Kai na umabot kung nasaan ang Sturgeon at Gibbous. Nahulaan kaagad nina Rome, Desa, at Thallon na patay na si Shanella. Maging sa kinaroroonan ni Gara kasama ang triplets ay dinig ang pagtangis na iyon ni Kai. Nagtanong ang triplets kay Gara ngunit hindi makasagot si Gara.
Mayamaya ay huminto na sa pag-iyak si Kai at nakakatakot ang mga matang tumingin ito kay Serena.
Napasinghap naman si Serena sa nababasa sa mga mata ni Kai.
"I will never accept our fate... Patutunayan ko sa lahat na may karapatan din tayo sa tunay na pagmamahal. Na hindi lang iyon para sa mga mortal..." malamig ang boses na pahayag ni Kai habang yakap-yakap pa rin ang wala ng buhay na katawan ni Shanella.
"H-Huwag... M-mababalewala ang lahat ng ginawa ng iyong mga magulang..." pag-iling ni Serena kay Kai.
"Kailanman ay hindi ko matatanggap ang kanilang ginawa. Ang kasakimang ipinakita ni Rome ay hindi sapat na dahilan upang gumawa sila ng karima-rimarim na bagay. Hindi ko kailanman maiintindihan kung paano nila nakayang patayin ang sanggol na si Niah at ang tunay na ina ni Shanella," matigas na saad ni Kai.
"Ngunit nais lamang din nilang iligtas ang inyong lahi. Nakatakdang patayin ng mga Sturgeon ang mga Gibbous kaya gumawa lang din sila ng paraan. Si Rome ang naunang pumatay, Kai..." pagpapaliwanag ni Serena.
"Pare-pareho na kaming nasaktan... Bawat isa ay may mabuti at masamang puso. At kung kasamaan man ang gagawin ko ngayon, hindi ko ito ikahihiya..." wika ni Kai at saka nito mariing niyakap ang katawan ni Shanella.
Kitang-kita ni Serena ang mga nangyari. Nagliwanag ang buong katawan ni Kai at ang hindi niya binitiwan ang katawan ni Shanella sa kabila ng nararamdamang sakit dahil sa ginagawa. Ilang sandali lamang ay makikita ang pagsalin ni Kai ng kaniyang lakas at kapangyarihan kay Shanella.
"Pinagtagumpay niya lang ang mga Sturgeon..." anas ni Serena kasabay ng paglaho nito roon.
Mayamaya ay gumalaw ang katawan ni Shanella. Unti-unting dumilat ang mga mata nito. Nagtaka siya sa kakaibang lakas na nararamdaman. Napatingin din siya sa kaniyang tiyan at wala na ang sugat na nilikha niya roon.
"A-anong n-nangyari?"
Tatayo na sana si Shanella nang biglang may masanggi ang kaniyang kamay. Sa paglingon niya ay nakita niya si Kai. Nakahiga. Tila wala ng buhay.
"Kai? Kai!" mabilis na hinatak ni Shanella ang katawan ni Kai at pilit itong ginigising ngunit hindi ito magising.
Hanggang sa parang may flashbacks na nagpakita kay Shanella sa kung ano ang nangyari kay Kai.
"H-Hindi... K-Kai... M-mahal ko..." umiiyak na niyakap ni Shanella ang katawan ni Kai.
'I will never accept our fate... Patutunayan ko sa lahat na may karapatan din tayo sa tunay na pagmamahal. Na hindi lang iyon para sa mga mortal...' paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa pandinig ni Shanella habang yakap-yakap ang wala ng buhay na katawan ni Kai...