EPILOGUE

Shanella

Hindi ko alam kung may isang oras o mahigit na ba akong nandito sa sementeryo. Kanina ko pa hinahaplos ang lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng una at huling lalaking mamahalin ko. Si Kai Leo Harrison, ang ama ng aking tatlong mga anak.

"Mommy!"

Napalingon ako sa pagtawag na iyon ng aking mga anak. Judging by their looks, I can tell that they're feeling sad for me again. Paano ba naman ay araw-arawin ko ang pagdalaw dito sa puntod ni Kai.

"You've been here for hours again, mom," nakapamulsang wika ni Kasper sa akin.

"And we've been waiting for you for hours," saad naman ni Kassie.

"Dapat sinasama mo na lang ako, mommy. Kasi kapag sa bahay binubully lang naman ako nina Kasper at Kassie," nakasimangot namang sambit ni Shin.

Napangiti ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula nang mamatay si Kai? Sampung taon. Ganoon na katagal ngunit napakasariwa pa rin ng sugat sa aking puso. That's how Kai left me, with deep wounds. Na kahit panahon ay hindi kayang gamutin ang aking pagdadalamhati. Ang buong akala ko kasi noong araw na iyon, ako ang mamamatay. Pumikit akong masaya dahil hindi na mahihirapan si Kai na magdesisyon noon kung sino ang ililigtas niya, kung ang Sturgeons ba o kung ang Gibbous. Kung buhay kasi ako, tiyak na hindi niya gugustuhing wakasan ang mga Sturgeon dahil isa ako sa kanila. Mas magiging mahirap dahil nga tadhana iyon ni Kai. Mapapagod lang kaming iwasan ang itinakda at malabo rin namang iwasan. That's why I decided to end my life so he can save his clan, Gibbous, without thinking about me. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muli akong nagising, muli akong nabuhay. Ngunit para lamang makita ang wala ng buhay na katawan ni Kai sa aking tabi. What's funny is, I can hear the exact words Kai said to Serena even if I'm already dead those hours. Ang mga sinabi niyang patutunayan niyang karapat-dapat din kami sa tunay na pagmamahal. Na hindi lamang mga mortal ang may karapatan doon. He sacrificed his life just to prove that.

"Hay naku, mommy, kaharap ka namin pero hindi mo naman kami pinapansin," napapapadyak na saad ni Shin.

Muli akong ngumiti. "Let's go home." yakag ko na sa kanila.

Pareho kong inakbayan sina Kasper at Kassie. Nasa gitna nila ako habang si Shin naman ay nasa tabi ni Kasper. Ang lalaki na nila. Mas matangkad pa nga sa akin si Kasper kahit na labing dalawang taong gulang pa lamang sila.

"Bakit lagi na lang yata ako ang nasa gilid. Paano kapag may mabilis na sasakyan, eh, di ako ang unang mamamatay?" pagmamaktol ni Shin.

Sabay kaming natawang tatlo sa sinabi ni Shin.

"Huwag ka ng mag-alala kasi hindi ka naman masasagasaan dahil hahatakin kaagad kita," malambing namang sabi ni Kasper.

"Talaga? Totoo ba 'yan? Baka niloloko mo na naman ako, Kasper at may nakahanda ka na naman palang pang-aasar diyan!" simangot ni Shin at siniko pa sa tagiliran si Kasper.

"Tama, Shin, huwag maniwala riyan kay Kasper na love ka niya," tumatawa namang saad ni Kassie.

"Hindi talaga!" halukipkip naman ni Shin.

Masaya kong pinagmamasdan ang mga anak namin ni Kai. Para ring kami noong bago ko pa lang nakikilala si Kai. Mahilig kaming magsagutan at madalas ay nagkakaasaran.

I took a deep breath and tried to hold back my tears. I really miss him. So much.

Inalala kong muli ang araw na nawala sa amin si Kai. Wala ng gulong mangyayari mula nang mamatay siya. Nang araw din kasing iyon, matapos malaman ng mga Sturgeon na patay na si Kai, kaagad nilang nilusob ang mga Gibbous. Pinatay ng mga Sturgeon ang lahat ng Gibbous kabilang nga ang ama ni Kai, si Thallon.

Nang dumating ako buhat ang katawan ni Kai, patay na ang lahat ng Gibbous at nagdidiwang na ang buong Sturgeon. I just stood there because there was nothing more I can do. Then I saw Gara. She was crying because she knew she both lost her husband and son. Labis ang pagdadalamhati niya. Hindi rin siya pumayag na walang gawin o hindi maipaghiganti ang pagkamatay ng kaniyang asawa at anak. Nilapitan niya ang nanghihina pa rin noon na si Rome. Hindi kasama si Rome sa pagpatay sa buong Gibbous dahil nga sa kalagayan nito. At dahil doon, sinamantala iyon ni Gara. Pinatay ni Gara si Rome. Then, I saw Desa. She killed Gara. Walang katapusang paghihiganti ang nasasaksihan ko ng araw na iyon.

Right that moment, nagsimula akong mapaisip. What if Thallon and Gara did not kill Doreene, my real mother? What if they didn't ask for Kai to be their savior? Hindi ba mas mabuting ang hiniling na lamang nila kay Serena ay maging mortal na lamang ang lahat ng Gibbous if possible? They said they only wanted to escape from Rome's greediness. Pero hindi nila alam, maging sila ay naging sakim din. Nang baguhin ni Rome ang nakasulat sa libro ng tadhana, dapat ay isinuko na lamang nila ang pagiging Gibbous nila. That way, Rome will not kill them at all. Dahil ano ba ang gusto ni Rome? Ang mamuno. Na Sturgeons ang mamuno at tanging lahing matitira sa mga lobo upang makamit niya ang kapangyarihang taglay din ni Serena. Kung sana ay iyon na lamang ang paraang naisip nina Thallon at Gata. Pero lahat ayaw magpatalo. Lahat gustong mamuno. Lahat gustong maging malakas at makapangyarihan.

Nang makita ko noon na tumatakbo ang mga anak ko papunta sa akin, nakaramdam ako ng takot para sa kanila. They are half-Gibbous and half-Sturgeon. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa kanila. Kaya naman nagdesisyon ako ng araw na iyon. After the Gibbous were killed by the Sturgeons, I decided to kill the Sturgeons too, including Desa. Wala rin akong itinira. This world is no longer fit for Sturgeon. Isa pa, sila dapat ang patay na kung hindi lang isinakripisiyo ni Kai ang buhay niya para sa akin.

Now, my kids and I were living in the city. With humans. Kami na lang din ang natirang mga lobo at sinabi ko sa mga anak ko na kailangan nilang kalimutan na ang pagiging lobo. Nais kong mamuhay na lamang kami bilang mga tao lalo na at wala naman na kaming dapat katakutan.

"Mom, were here," untag ni Shin.

Nakauwi na pala kami nang hindi ko namamalayan.

"Mauna na kayo sa loob," ani ko sa kanila.

Nang makapasok na nga sila sa loob ng bahay ay tumingala ako sa kalangitan.

"Until we meet again, Kai, my love..." bulong ko sa hangin.