FATE 18
GULAT na gulat si Rome habang nagbabagong anyo si Kai. Ngunit hindi siya gulat dahil sa nagaganap kay Kai kundi sa isang munting liwanag na nakikita niya sa bandang batok ni Shanella na panaka-nakang nagkukulay berde. Kahit na nasa ilalim ng balahibo sa batok ni Shanella ang liwanag na iyon ay sigurado siyang iyon ay isang tanda na tinataglay ng isang tunay na Luna ng mga Sturgeon. Ibig sabihin, si Shanella ay anak ng isang Alpha at Luna. Anak niya si Shanella.
Kahit na hirap sa paghinga at halo-halong emosyon, sinubukang tawagin ni Rome ang pangalan ni Logan. Kailangang malaman ni Logan na kapatid nito si Shanella o si Niah. Kung ano man ang tunay na kuwento ay hindi muna mahalaga. Kailangang mabalaan niya si Logan bago pa sila magkapatayan ng kapatid nito. Buong akala niya ay patay na ang bunsong anak nila ni Doreene ngunit malinaw na nakikita ng kaniyang mga mata na buhay ang kanilang anak at iyon ay si Shanella.
Pinilit na Rome ang sariling gumapang na lamang palapit sa kinaroroonan nina Kai, Shanella, at Logan. Subalit nasaksihan niya ang pinakamasakit na senaryo. Kung paanong nahigit ni Shanella ang ulo ni Logan sa pamamagitan ng mga pangil nito. Isang senaryong hindi niya na mababago hindi gaya sa libro ng tadhana.
"H-Hindi..." pumatak ang luha sa mga mata ni Rome.
Ramdam ni Shanella ang sakit na nararamdaman ni Rome. Bilang ina, masakit makita ang kamatayan ng iyong anak ngunit wala siyang magagawa. She needs to defend herself from his son.
Ngunit nanlamig ang buong katawan ni Shanella nang marinig sa bibig ni Rome ang mga katagang 'magkapatid kayo'. Hindi niya maintindihan ngunit bakit iyon sasabihin ng ama ni Rome? O kung mali lang ba siya ng dinig...
"Stop your nonsense..." Kai said after hearing also what Rome said.
Maging sina Desa at Thallon gulat na gulat rin sa pagkakapatay ni Shanella kay Logan. Nanlulumong bumagsak si Desa matapos makita ang paggulong ng ulo ni Logan.
"H-Hindi... H-Hindi ito dapat m-mangyari..." sambit naman ni Thallon na pinamumuohan ng luha sa mga mata.
Lalong lumakas ang pagtangis ni Rome dahil hindi niya malaman ang gagawin. Shanella is her daughter too. Logan is his son. Ano nga ba ang maaaring gawin ng isang ama kapag nasaksihan niya ang pagpatay ng kaniyang anak sa isa pa niyang anak? It was clear to him that Shanella and Logan didn't know that they're siblings.
"P-patawarin n-niyo a-ako..." bumalik sa anyong tao si Thallon at napaluhod na lamang sa lupa dahil wala na siyang magagawa sa nangyari. He didn't see it coming...
Lahat ng Gibbous at Sturgeon ay pawang natigil din sa labanan dahil sa tensiyong nabuo. They are clueless too about what is really happening.
Si Shanella rin ay bumalik na sa anyong-tao nito. She was looking at Rome and waiting for an answer. There's no need for her to ask, she just needs an answer, an explanation.
"H-Hindi k-ko a-alam k-kung anong nangyayari... P-pero... T-taglay mo a-ang t-tanda ng i-isang t-tunay n-na l-luna..." luhaang sambit ni Rome.
"H-Hindi r-rin a-alam ang sinasabi n-ninyo... I-itigil n-niyo n-na ang kalokohang ito..." Shanella was holding back her tears. She was hoping that Rome was just trying to deceive them.
Nilingon ni Rome si Thallon. "Bakit hindi na lang siya ang tanungin natin?" anas niya. Naniniwala siyang kay Thallon sila makakakuha ng mga kasagutan.
Ang lahat nga ay tumingin kay Thallon. They were all waiting for him to talk.
"S-Shanella is not N-Niah..." napapikit si Thallon at bahagyang naglakad palapit kay Rome. "S-She's your daughter..."
"How could you..." naikuyom ni Rome ang kaniyang kamao but he decided to let go. Wala na rin naman siyang magagawa. Wala na si Logan.
"P-Please... I-I s-still d-don't u-understand..." at tuluyan na ngang pumatak ang luhang kanina pa pinipigil ni Shanella.
Tuluyang ikinuwento ni Thallon ang buong pangyayari. Magmula sa kung sino ba talaga si Niah, sino si Shanella, at hanggang sa kung paanong napunta sa kanila si Shanella...
Twenty years ago...
Mabilis ang pagtakbo ni Doreene upang makalayo sa dalawang lobong humahabol sa kaniya. In just a wink, she transformed into a black she-wolf. She needs to use her she-wolf strength to get away from the two wolves who are after her. Ngunit kasabay ng pagbabagong anyo niya ay ang paglitaw naman ng isa sa mga puting lobo na humahabol sa kaniya. Before she knew it, the other wolf who came back to it's human form grabbed her. Wala na siyang nagawang laban sa dalawang iyon at tuluyan siyang natangay...
Doreene doesn't know how long she fell asleep. Basta't pagdilat ng kaniyang mga mata ay ang mukha ng dalawang Gibbous ang bumungad sa kaniya.
"A-anong g-ginagawa ninyo? Nasaan ako?" inilibot ni Doreene ang paningin at nahulaan niyang nasa loob sila ng isang kuweba.
"Hindi ko akalaing papayagan ka ni Rome na gumala ng mag-isa," saad ng babaeng nasa harapan ni Doreene.
"P-papatayin ninyo ako?!" nanginginig ang boses na sambit ni Doreene. Parehong nakagapos ang mga paa at kamay niya kaya naman hindi siya makakalaban o makakakilos upang iligtas ang sarili.
"You deserve it," kalmado naman ang anyong sagot ng lalaking kasama ng babae na kumuha kay Doreene.
"Tiyak na papatayin din kayo ni Rome!" hiyaw ni Doreene at lumabas ang pangil nito at nagliwanag ang kaniyang mga mata. Ngunit ganoon lamang ang magagawa niya, ang mga lobong katulad niya ay hindi makakapagbagong anyo o makakagamit ng lakas kung nakagapos ang mga paa't kamay.
"Alam na namin iyan, Doreene. Kaya nga papatayin ka na namin bilang paunang paghihiganti," ngisi ng babae.
"Rome is too ambitious, Doreene. Pati ang libro ng tadhana ay pinakialaman niya at wala kang ginawa upang pigilan siya. Ang mga katulad ninyo ay dapat ng nawawala. Hindi kayo nararapat sa mundong ito," pagsasalita muli ng lalaki.
"Tama na. Baka hinahanap na tayo. Patayin mo na siya at siguraduhing naaagnas na siya bago pa matagpuan ni Rome," walang emosyong saad ng babae at nagmamadali na itong lumabas sa kuwebang iyon.
Malalim ang buntonghiningang pinakawalan ng babae nang makalabas na ito sa kuweba. Hindi niya gustong mapatay si Doreene, ang Luna ng mga Sturgeon. Ngunit panganib ang hatid ng mga Sturgeon sa kanilang mga Gibbous. Kaya naman kapag may pagkakataong makapatay sila ng Sturgeon ay gagawin nila. Kinukumbinsi na lamang niya ang sariling ang mga Sturgeon ang may kasalanan ng sigalot sa pagitan nila. Kung hindi naging ganid sa kapangyarihan ang asawa ni Doreene, si Rome, sana ay maayos ang samahan nilang lahat. Subalit dahil sa ginawa ni Rome na pagpapalit ng mga mangyayari sa libro ng tadhana, nagsimula ang matinding gulo sa pagitan nila. Rome wanted too much power.
"Gara!"
Napalingon siya sa lalaking kasama, ang kaniyang asawang si Thallon.
"P-patay na ba siya?" huminga muli nang malalim si Gara. Nagsisikip ang kaniyang dibdib sa klase ng tanong niyang iyon kay Thallon.
"I can't kill her..." sagot ni Thallon na titig na titig kay Gara.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi puwedeng hindi mo siya patayin. Anong plano mo? Pakawalan siya? Pagkatapos ay ano? Sasabihin niya kay Rome ang pagtatangka natin at tiyak na hindi na hihintayin ni Rome ang takdang panahong isinulat niya sa libro ng tadhana dahil tiyak na hahanapin na kaagad niya tayo upang patayin! Sa tingin mo kapag nangyari iyon paano ang anak natin? Akala mo ba dahil lang sa ligtas siya sa mga kamay ng Sturgeon ay hindi na nga manganganib ang buhay niya sa hinaharap? Sanggol pa lang si Kai at-"
"Hey, hey, listen to me first..." putol ni Thallon sa haba ng pagsasalita ni Gara. "I'm not saying that I don't want to kill her. Pero may sinabi siya at na tiyak na magagamit natin..."
"At anong sinabi niya na nakapagpabago ng isipan mo?" tanong kaagad ni Gara.
"She's pregnant... Which means, we can use her child someday, in any ways!" may galak sa mga matang saad ni Thallon.
Naningkit naman ang mga mata ni Gara. "And you believe her?!" at nagmamadali itong naglakad pabalik sa loob ng kuweba.
"Gara, just listen!" paghabol naman ni Thallon.
"Ano ka ba naman, Thallon! Paano kung niloko ka lang niya at sa pag-alis mo kanina ay nagawa na pala niyang makatakas!" galit na wika ni Gara.
Napasapo na lamang sa kaniyang noo si Thallon dahil hindi nakikinig sa kaniya ang asawa.
"See?!" galit pa ring sambit ni Gara nang madatnan nila si Doreene na sinusubukang kalagin ang tali sa mga kamay nito.
"P-please... J-just let me go... Tatanawin kong utang na loob kapag pinakawalan ninyo ako at hinding-hindi ko sasabihin kay Rome o kahit kanino ang insidenteng ito," nagmamakaawa ang mga matang saad ni Doreene.
"Buntis ka ba talaga?" pagkuwa'y tanong ni Thallon.
Sunod-sunod ang naging pagtango ni Doreene habang bakas sa mukha nito ang takot.
"She's lying..." giit naman ni Gara.
"H-Hindi, G-Gara... Nagsasabi ako ng totoo! Buntis talaga ako!" malakas na sabi ni Doreene.
Tinitigang mabuti ni Gara si Doreene. Pagkatapos ay nilingon nito si Thallon at saka siya marahang tumango...
Eight months later
Buong akala ni Doreene ay papakawalan siya nina Thallon at Gara ngunit nagkamali siya. They abducted her. They were the ones who took care of her while pregnant. Now, she's about to give birth and she feels afraid for her pup. Hindi niya alam kung ano ang plano nina Thallon at Gara sa kaniya. Sa walong buwan din niyang wala sa Sturgeon ay umaasa siyang mahahanap siya ni Rome ngunit bigo siya. Itinago siya nina Gara sa isang probinsiya. Malayo sa siyudad kung saan sila naninirahang mga Sturgeon. Hindi rin siya isinama o dinala nina Gara sa mga kasamahan ng mga ito, sa Gibbous. Tanging sina Gara lamang ang nakakaalam ng tungkol sa kaniya.
"Aahhhh!" malakas na pag-iri ni Doreene hanggang sa lumabas na nga ang kaniyang sanggol.
Tuwang-tuwa si Gara habang pinagmamasdan ang sanggol ni Doreene. "Isang babae... Isang Luna..."
"A-akin n-na a-ang anak k-ko..." umiiyak na sambit ni Doreene. Bukod sa nanghihina siya, nakagapos pa ang kaniyang mga kamay sa kama kaya wala siyang magawa.
"I told you, we can use her," sumilay din ang isang ngiti sa mga labi ni Thallon.
"Alam ko kung anong iniisip mo..." pagngiti rin ni Gara.
Nang araw na iyon, tuluyan na ngang pinatay ni Thallon si Doreene.
Pagkasapit ng gabi ay nagpunta naman sina Gara sa isang bahay-ampunan. Alam nila ang tungkol sa sanggol na si Niah. Ang nakatakdang makapatay sa anak nilang si Kai. Matagal na silang nag-iisip ng paraan kung paano masisira ang planong iyon ng mga Sturgeon. Gusto sana ni Gara na patayin na noon ang sanggol na si Niah ngunit pinigilan siya ni Thallon. Sinabi ni Thallon na hindi sila maaaring gumawa ng isang hakbang na maaaring magpahamak sa kanila. Kapag pinatay kasi nila si Niah ay malalaman iyon ng mga Sturgeon at tiyak na babalikan sila ni Rome upang patayin. Hindi sila puwedeng mamatay dahil walang aalalay sa kanilang anak na si Kai na isang taong gulang pa lamang noon.
Ngayon nga ay nagkaroon na ng pag-asa sina Gara. Sa pamamagitan ng anak ni Doreene ay maaari na nilang mapatay si Niah nang hindi magsususpetsa o nang hindi nalalaman ng mga Sturgeon. Papatayin nila si Niah at ipapalit ang sanggol ni Doreene.
Iyon nga ang ginawa nina Thallon at Gara nang gabing iyon. Matapos patayin si Doreene, sunod naman nilang pinatay si Niah, ang nakatakda sanang pumatay kay Kai. Pagkatapos ay ipinalit nila ang sanggol ni Doreene.
Kinabukasan nga ay natagpuan ang bangkay ni Doreene at labis ang hinagpis ni Rome. Hindi nito pinagtuunan ng pansin ang patay na ring sanggol sa tabi ng asawa. Dahil sa labis na galit ay hindi na niya pinagdudahan kung ano talaga ang nangyari sa kaniyang asawa. Basta't ang nasa isipan niya ay pinahirapan lamang ang kaniyang asawa at saka pinatay kasabay ng bagong silang nilang anak upang mas masaktan siya. Alam niya ring Gibbous ang may gawa niyon kaya naman mas lalo niyang pinagbuti ang paghahanap sa mga ito. Ngunit sadyang hindi niya matagpuan ang mga Gibbous dahil malinaw ang isinulat niya sa libro ng tadhana. Malinaw na nakalagay doon kung kailan nila mapapatay ang buong Gibbous at kung maaari lamang sanang mapaaga ay ginawa na niya. Dahil din sa nangyaring iyon kaya ipinadala niya muna sa ibang bansa ang panganay nilang anak ni Doreene, si Logan.
Hindi pa nagtatagal ang sanggol ni Doreene sa bahay-ampunan nang may dumating ngang mag-asawa na nais mag-ampon ng sanggol. Dahil ang anak ni Doreene ang nagkataong sanggol pa lamang noon ay ito ang naampon ng mag-asawa at naging pabor iyon kina Thallon at Gara. Alam kasi nilang ang Niah'ng dinala ng mga Sturgeon sa bahay-ampunan ay dapat na inosente at walang alam sa buhay ng mga lobo hanggang sa tumuntong lang ito sa ika-labing walong kaarawan nito. Kaya naman sinamantala iyon nina Gara. Bago nga maglabingwalong taong gulang ang anak ni Doreene sa poder ng mga umampon dito, doon nila ito kinuha. Napaniwala nila ang anak ni Doreene, si Shanella, na ang kapalaran nito ay maging breeder ni Kai. Ngunit ang totoong plano, magkakaroon ng anak si Kai sa isang tunay na Luna at nangangahulugan na mas mapapalakas pa ang kanilang lahi. Bukod doon, wala na ang Niah na dapat ay makakapatay kay Kai.
Sa parte naman ng mga Sturgeon, inakala nilang sila ang nakaloko sa mga Gibbous. Inakala nilang basta lamang nalaman ng mga Gibbous na may isang lobong hindi alam ang tunay na pagkatao at basta lamang kinuha ng mga Gibbous upang maging paanakan o breeder ni Kai. Ni hindi sila nakahalata na sila pala ang naloko nina Thallon at Gara...