FATE 11

NAGPATAWAG ng pagpupulong si Kai at habang naghihintay na makumpleto ang lahat ay nasa tabi nito si Shanella habang magkahawak sila ng kamay. He is sitting on a big wooden chair or his throne while Shanella is also sitting on hers. Besides the torches in every corner, the full moon serves also as their light.

Nang matipon na ang lahat sa gitna sa harapan nina Kai, tumayo na ito upang magsalita.

"Dumating na ang araw. Ang araw na nagbibigay pangamba at takot sa ating lahat. Ngunit ang araw din na ating pinaghandaan," pagsisimula ni Kai.

Tahimik lang ang lahat na nakikinig. Sina Thallon at Gara ang tanging kakikitaan ng kalmadong mukha ng mga sandaling iyon.

"Anytime tonight, tomorrow, or the coming days, Sturgeon will surge in. We need to be prepared," pagpapatuloy ni Kai. "I want us all not to prepare only for the coming war, but I want you all to prepare for a loss."

Nagkaroon nang mahinang bulungan matapos iyong sabihin ni Kai.

"Sa isang labanan, mayroon at mayroong natatalo. Maaari rin tayong mawalan ng minamahal sa buhay. Matagal na natin itong inaasahan. Pero anumang mangyari, ipinapangako kong hindi mabubura ang Gibbous," pahayag ni Kai.

"Hindi mabubura ang Gibbous!" bigla ay malakas na sigaw ni Thallon at nagsunuran na nga rin ng sigaw ang mga nandoon.

"Alpha Kai, nandito kami para ilaban ang ating lahi. Kahit kapalit ay buhay ko, basta't mabuhay lamang ang aking mga anak," matibay namang sabi ng isang babae.

"Maging handa ang lahat anumang oras. Dadagdagan ang mga bantay sa umaga lalong-lalo na sa gabi. Sa umaga ay si Shanella ang inyong kasama at ako naman sa mga bantay ng gabi," turan ni Kai na bahagya pang binalingan si Shanella.

"Kaya natin ito! Pasasaan ba't matatapos din ang digmaan at naniniwala akong sa atin ang tagumpay," wika naman ni Gara.

Matapos ang pagpupulong na iyon ay lumapit si Kai sa mga magulang habang nanatili naman sa kinauupuan si Shanella.

"Ayos lang ba kayo, ama, ina?" Ang pagtanong ni Kai sa mga ito.

Napatawa naman nang bahagya si Thallon. "Don't worry about us, Kai. Ayos lang kami at handang-handa na kami sa pagdating ng Sturgeon," tila walang makitang katiting na takot o pangamba sa mga mata nito na mas lalong nagpataka kay Kai.

"You two seemed..." Kai tried searching for the right words, "relax? Or should I say, parang pakiramdam ko ay sigurado kayong sa atin ang tagumpay..."

Nagkatinginan sina Thallon at Gara.

"Anak," humakbang si Gara upang mas makalapit kay Kai at saka nito hinaplos ang pisngi ng anak, "ipinapakita lang namin sa lahat lalo na sa 'yo, na matapos ka naming hilingin kay Serena na maging ligtas sa kamay ng mga Gibbous ay nakatitiyak na kaming magtatagumpay tayo..." may lamlam ang mga matang anito sa anak.

Napangiti na lamang si Kai.

"Pagpahingahin mo na si Shanella at baka kanina pa siya hinihintay ng mga bata," pagkuway turan ni Thallon.

Tumango si Kai at binalikan na nito si Shanella. Ang iba rin ay nakapuwesto na para bantayan ang paligid sa gabing iyon. Ang mga nagsipagpasok na sa kani-kanilang kubo ay ang mga bantay naman sa kinaumagahan.

Inihatid lang ni Kai si Shanella sa kanilang kubo na mas malaki kumpara sa iba at napapalibutan na rin ng mga bantay.

"Mommyyyy!"

"Daddy!"

"Mom! Dad!"

Sabay-sabay na sinalubong ng tatlong bata sina Kai at Shanella.

"My sweet angels!" tuwang-tuwa namang binuhat ni Kai ang dalawang batang babae na nagsabi ng mommy at daddy.

"I thought you're already asleep, Kasper," pinupog naman ni Shanella ng halik ang batang bumigkas ng mom, dad.

"Shin woke me up," cute na sagot ni Kasper habang nakapulupot ang kanang kamay nito sa leeg ni Shanella.

"Hmm, Shin, why did you wake up Kasper?" may kwela namang tanong ni Kai sa mas maliit na batang babae at may kulay brown na buhok.

"Gising din ako Kassie, eh..." cute ring sagot ni Shin na nasa buhat ni Kai sa bandang kaliwa nito.

"Let's just all go to sleep!" malakas namang sabi ni Kassie na nasa bandang kanan ni Kai.

Sabay namang natawa sina Kai at Shanella.

Sina Kassie, Shin, at Kasper ay ang triplets na anak nina Kai at Shanella. It's been two years since Shanella gave birth to them. Kaya naman tumawag ng pagpupulong si Kai dahil sa oras na sumapit na ang ika-dalawampu't isang kaarawan niya, anumang araw o oras ay manghihina siya at walang anumang kapangyarihan maging ang kakayahang magbagong anyo ay wala.

Iyon ay hudyat na maaari na silang sugurin ng Sturgeon. Kung saan tanging pagkakataon ng Sturgeon upang mapatay si Kai. Kapag nangyari iyon ay tuluyang mauubos ng mga Sturgeon ang Gibbous. Kaya naman todo ang naging paghahanda ng mga Gibbous upang maprotektahan nila si Kai ng isang araw sa oras ng panghihina nito. Isang araw o isang gabi lamang iyon at magbabalik na ang lakas ni Kai at hindi na kailanman mauulit ang panghihinang iyon kaya naman wala ng tsansang mapatay ng Sturgeon lahat ng Gibbous.

"Okay, girls, dadalhin ko na kayo sa kama at tatabihan na kayo ng mommy ninyo kasama si Kasper," saad ni Kai na nagsimula ng humakbang papunta sa king size bed nila na gawa lang din nila roon.

"Ikaw dad?" tanong naman ni Kasper.

"There's some things I need to do tonight, Kasper. Kailangan kong samahan sila sa pagbabantay kaya si Mommy muna ang katabi ninyong matutulog," mabilis namang sagot ni Kai kasabay ng paglapag nito kina Kassie at Shin.

"Bakit kasi laging may bantay?" inosente namang tanong ni Shin.

"Ganoon talaga kasi mga anak. Maiintindihan niyo rin pagdating ng araw. Sa ngayon ay i-enjoy niyo lang muna ang pagiging bata ninyo," mabilis muli ang naging pagsagot ni Kai.

Sa loob ng dalawang taon mula ng isilang sila ni Shanella, napaghandaan na nila ang sagot sa mga posibleng magiging katanungan ng mga anak nila. Hindi nila sinasabi sa triplets ang tungkol sa pagsugot ng mga Sturgeon kaya naman nang magpulong kanina ay wala roon ang triplets at nasa kanilang kubo kasama ang mga bantay.

"O, sige na, kailangan na ninyong matulog para mabilis kayong lumaki!" pag-iiba naman ni Shanella ng usapan.

Matapos ngang mapahiga ni Shanella ang triplets ay inihatid pa muna nito si Kai hanggang pintuan.

"Palagi mo kasing sinasabing para mabilis silang lumaki kaya nagiging matanong na rin," pagbibiro ni Kai kay Shanella.

Natawa naman si Shanella sa birong iyon ng kabiyak. "Sige na, baka hinahanap ka na sa labas," pagtataboy na lamang nito rito.

Hinalikan pa muna ni Kai sa noo si Shanella bago ito tuluyang lumabas.

Nang mahiga na si Shanella sa tabi ng triplets ay nangulit pa ang tatlo sa kaniya bago niya tuluyang napatulog ang mga ito. Saka siya umayos ng higa at napaisip sa mga mangyayari. Alam niya namang darating talaga ang araw na iyon ngunit matindi ang takot na nararamdaman niya sa kaniyang puso para kay Kai at sa kanilang mga anak. Kailangan nilang maprotektahan si Kai ng bente-kuwatro oras o hanggang bumalik ang lakas nito kapag dumating na nga ang pangyayaring iyon.

Sa dalawang taon na nagdaan, natutunan na ngang mahalin ni Shanella si Kai at ganoon din ang huli sa kaniya. Mas lalo pa ngang pinagtibay ang kanilang pagmamahalan nang dumating na ang triplets sa kanilang buhay.

Dalawang taon na ang triplets at sa edad ng mga ito ay taglay nila ang mga katangiang hindi tinataglay ng normal na bata. Iyon ay dahil mga lobo nga sila idagdag pa ang katotohanang alpha at luna ang kanilang mga magulang. Tinuruan sila ni Shanella na mommy at daddy ang itawag sa kanila bilang alaala ni Shanella sa mga kinilala nitong mga magulang na normal na mga tao.

'God, help us...' usal ni Shanella sa isipan bago ito tuluyang pumikit.

MATULIN ang naging pagtakbo ni Kai habang hinahabol ang isang maliit pa na lobo. Napilitan siyang magbagong anyo upang mas makasabay at maabutan ang pagtakbo ng maliit na lobong iyon.

Nang malapit na nga siya sa likuran ng maliit na lobo ay tumalon na siya upang mahuli ito. Kasabay ng pagtalon niya ay ang pagbalik niya sa anyong tao. Kaya naman nang mahuli niya ang maliit na lobo ay nasa anyong tao siya.

"No! You cheated!" malakas na sigaw at kawag ng maliit na lobo ng mayakap at mahuli na siya ni Kai.

Kai just laughed before he puts down the little werewolf that eventually came back to his human form.

"I'm sorry, Kasper, I need to do it so I can catch you already," tumatawa pa ring paliwanag ni Kai sa anak.

"Gusto ko na rin pong maranasan ang ginagawa ni Kasper," bigla ay sulpot naman ni Kassie.

"Kassie, why are you here?" nagtakang tanong ni Kai. "Where's mommy?"

"I'm here," pagdating naman ni Shanella na mahahalatang galing sa pagtakbo o paghabol kay Kassie.

Napakunot-noo si Kai.

"Don't give me that look," namewang naman si Shanella. "Nang makita niya kayong paalis kanina para maghabulan dito, tumakbo rin siya. Of course, ginamit na naman niya ang galing niyang magtago dahil wala pa siyang kakayahang magbagong anyo katulad ni Kasper," patuloy nito.

"Mommy couldn't catch Kassie. She couldn't see her," patalon-talon at amazed namang komento ni Shin na nakasabit pala sa likod ni Shanella.

"Oh, god..." napatampal na lang naman sa noong sambit ni Kai.

"It was because you rode at my back, Shin. I can't just change because you might fall," pag-irap kunwari ni Shanella matapos ibaba nang dahan-dahan si Shin.

"Let's all go back. Ang dami pala nating napagod ngayong araw dahil sa kakulitan ng mga batang ito," at isa-isang pinisil ni Kai ang pisngi nina Kassie at Shin.

Isa kasi sa larong ginagawa nina Kai at Kasper ay ang maghabulan sa mas mataas na bahagi ng kabundukang iyon at mayroon silang mga kasamang lobo na siyang sumusunod at nagbabantay sa kanila. Si Kasper kasi ay naiiba sa triplets, ito ang kauna-unahang lobo na nakakapagbagong anyo sa edad nitong dalawang taon. Hindi siya kagaya ng mga normal na lobo na hinihintay ang tamang edad bago magkaroon ng kakayahang maging ganap na lobo. Natatangi ang kasong iyon ni Kasper kaya naman mas nabuo ang takot sa puso nina Kai at Shanella para sa isa sa mga triplets. Ang paglalarong iyon nina Kai at Kasper ay isa ring paraan upang makita nila kung ano pa ang mga kakaiba sa kanilang anak.

"No, dad. Ulitin natin because you cheated. Dapat ay huhulihin mo ako in your human form only," paghalukipkip ni Kasper.

"Just give me a punishment. Promise, next time I won't do it anymore," itinaas pa nga ni Kai ang kanang kamay nito.

"Okay, fine," sabi na lamang ni Kasper bago ito bumalik muli sa pagiging lobo at nakahanda ng tumakbo ulit.

"Kassie, hindi ka na magtatago sa pagtakbo dahil hindi naman na kita hahabulin, okay?" nilapitan naman ni Shanella si Kassie.

"Kassie, you won't do that again, clear?" si Kai naman ang lumapit kay Kassie.

Inosente namang tumango si Kassie.

Nakahinga nang maluwag sina Kai at Shanella. Isa kasi sa pangamba nila ang galing ni Kassie na magtago sa mga puno habang tumatakbo. Maaari kasing mawala si Kassie nang hindi nila nakikita at basta na lamang makuha ng mga Sturgeon.

"Let's go!" masigla namang sigaw ni Kasper at nagsimula na itong tumakbo kaya naman mabilis na ring nagbagong anyo si Kai upang masabayan ang anak.

Sumunod na nga sa pagtakbo si Shanella kasabay si Kassie habang si Shin naman ay sumabit o sumakay muli sa likod niya. Ilang sandali pa nga ay nasa kanilang village o nayon na nila sila. Ang nayon na nabuo nila sa kabundukang iyon na nagsisilbi nilang tahanan...

PINAGMAMASDAN ni Kai ang malaking cage sa harapan niya. Kasya ang hanggang tatlong tao sa loob niyon. Gawa ang cage sa matibay at makakapal na bakal.

"What is that for, daddy?" biglang sulpot ni Kassie sa tabi ni Kai.

"Hey," natutuwang binuhat ni Kai ang anak.

"Papasok ka ba sa loob niyan, daddy?" pagtatanong muli ni Kassie.

"Hmm... Maybe..." kunwari ay nag-iisip na sagot ni Kai.

"Why?" sunod na tanong ni Kassie.

"While waiting for your father to get his ultimate strength and power, Kassie."

Sabay na napalingon ang mag-ama sa nagsalita. It was Gara.

"Grandma!" mabilis na bumaba si Kassie mula sa pagkakabuhat sa kaniya ni Kai at kay Gara naman nagpabuhat.

"Hinahanap ka ng mommy mo. You should go there. Mukhang may kasalanan ka," pagpisil ni Gara sa ilong ng apo nito.

"What is it?" nagmake face na tanong ni Kassie.

Tumikhim naman si Kai. "Puntahan mo na lang ang mommy mo, Kassie. You can ask her," anito sa anak. Alam din nito na may nais sabihin sa kaniya ang ina kaya pinapaalis nito ang anak.

Bumaba nga si Kassie sa pagkakabuhat sa kaniya ni Gara at patakbo ng nagpunta sa kanilang kubo.

"Shanella is really looking for her," wika ni Gara kay Kai.

Bahagya lang ang naging pagtango ni Kai.

"That will be your protection from the Sturgeons. Then after that, you won't need that anymore. After you get back your strength and power doubled than before," pahayag ni Gara at hinaplos pa ang malaking cage.

Sa sandali kasing maharang o mapigilan ng mga Gibbous ang Sturgeon na makalapit kay Kai, paglitaw ng malaking buwan sa mga oras na iyon ay madodoble na ang dating lakas nito. Kaya ang cage na naroon ay ang paglalagyan kay Kai kapag dumating na ang mga Sturgeon. Hindi iyon basta-basta masisira ng mga Sturgeon hanggang sa lumitaw ang buwan na magbabalik ng lakas at magbibigay pa ng lakas kay Kai. Isa iyon sa kaloob ni Serene kay Kai noong hilingin nga nina Thallon at Gara na maging ligtas si Kai sa kamay ng mga Sturgeon. Ngunit hindi nga alam ni Kai na mayroong isang Niah na nakatakdang makapatay sa kaniya at ang Niah na iyon ay walang iba kundi si Shanella...

"Ina, sabihin mo nga sa akin, mayroon ba kayong ginagawa na hindi ko alam?" bigla ay tanong ni Kai.

Sandaling natigilan si Gara ngunit sinagot naman nito ang anak, "Like what? I mean, wala kaming gagawin o ginagawang hindi namin ipapaalam sa 'yo, 'di ba?"

"You and father is so calm..."

Napangiti si Gara. "Ganyan na rin ang sinabi mo sa amin noong gabing magtawag ka ng pagpupulong."

"Just tell me that you don't have other plans."

"Wala, Kai."