FATE 10
TAHIMIK na ang paligid ngunit dilat pa rin ang mga mata ni Shanella. Pinakikiramdaman niya si Kai sa kaniyang tabi. Since she became her mate, or Luna, or breeder, nothing yet happened between them. Kai tried before, but she asked him to give her more time. Pakiramdam niya kasi ay nagmimistula siyang bayarang babae na mapipilitan lamang makisiping upang makapagbayad utang. She doesn't want that. Pero matapos niyang makita kung paano siya alagaan at kung paano nirespeto ni Kai ang hiling niya, humanga siya rito. Kahit pa nga madalas silang magtalo o madalas siyang mainis dito, tila lalo namang tumitindi ang kakaiba niyang nararamdaman para rito. Nasabi niya na sa sarili dati na anak ito ng lobong pumatay sa kaniyang kinilalang mga magulang kaya hindi dapat siya mahulog. Ngunit hindi niya rin napigilan ang sarili lalo pa at palagi niya itong nakikita at nakakasama...
"Can't sleep?"
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig si Kai.
'Hindi rin ba siya makatulog?!'
"I know it's hard being in this situation... I know, labag sa kalooban mo ang lahat ng mga nangyayari kaya hindi na ako magtataka kung ginusto mong pumunta o balikan sandali ang dati mong buhay o ang mga alaala mo sa kapatagan..." mahina ang boses na saad ni Kai ngunit sapat para marinig at maintindihan niya.
Bakit pakiramdam niya ay malungkot ang boses nito?
"That's why I decided to give you a choice..." patuloy ni Kai.
Napakunot-noo siya. Hindi niya pa masyadong naintindihan ang ibig sabihin ng lalaki.
"You can run away from here, from us, from me... I won't stop you. I'll help you instead. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa lahat. Ang mahalaga, hindi ka na mapipilitang gawin ang ayaw mong gawin. Kalimutan mo na ang sinasabi naming kapalaran mo. Doon ka sa kung saan ka magiging masaya at magiging masaya rin ako..." pagpapatuloy pa rin ni Kai.
Doon na siya humarap sa lalaki. Nakaharap na rin pala talaga ito sa kaniya habang nakatalikod siya rito. Marahil ay dinig nito ang bawat pagbuntonghininga niya kanina habang nagmumuni-muni.
"You don't have to carry this burden..." ngumiti si Kai sa kaniya.
"How will you explain to them?" nagawa niyang itanong dito.
Kai chuckled. "As their alpha, it is my duty to save them with or without your help. Isa pa, madami pa sa aking nasasakupan ang maaari kong maging breeder na papayag. So why would I force you? Hindi ko rin naisip noong una na bakit kailangang ikaw kung puwede naman ang iba? Bakit nga ba hinintay pa kita? Kung ang basehan lang naman ay ang iyong lakas, enerhiya, at kapangyarihan bilang anak ka ni Serene, maaari ko namang hintaying maglakihan ang mga batang tunay na Sturgeon..." mahaba nitong paliwanag.
"What about the Gibbous? You know that they will still hunt me, right?" tanong niya muli kay Kai.
Para lang silang nag-le-late night talks ng mga sandaling iyon dahil sa ayos nila. Nakahiga sila pareho na magkaharapan at walang gustong magbaling ng tingin. Titig na titig lang sila sa isa't-isa habang pinapakinggan ang bawat isa.
Umiling si Kai na tila ba siguradong-sigurado. "They won't. Kaya ka lang naman nila hinahabol o hinahanap ay dahil ikaw ang magbibigay ng mga supling sa akin. Dahil ikaw ang Luna ng Sturgeon sa ngayon. Pero kapag hindi na ikaw, sa tingin mo ba ay mag-aaksaya pa sila ng oras para hanapin ka?"
Matapos sabihin iyon ni Kai ay nagulat na lamang ito nang biglang tawirin ni Shanella ang pagitan ng mga mukha nila. Naramdaman nito ang malambot na labi ng babae at masuyo na rin niya iyong tinugon. Ramdam niyang unang halik iyon ni Shanella dahil hindi sumasabay ang buka o galaw ng bibig nito sa bibig niya kaya naman siya na ang gumawa ng paraan upang maging ayos ang unang halik na iyon ng babae.
Ilang sandali pa ay naghiwalay ang mga labi nila at napangiti si Kai nang bahagya dahil sa tila paghahabol ni Shanella ng hininga. Ngunit nagulat muli si Kai nang halikan siyang muli ni Shanella. Sa pagkakataong iyon ay mas naging mainit ang pinagsaluhan nilang halik.
Kusang kumalas si Kai at pinakatitigan si Shanella.
"What?" tila nawalan ng hiya na tanong ni Shanella.
"I've given you a choice..." tanging sambit ni Kai.
"Yes... Hindi ba halata kung ano ang pinipili ko?" walang pangingiming wika ni Shanella.
Sukat doon ay si Kai na ang gumalaw upang angkinin muli ang labi ni Shanella.
"Are you sure about this?" inilayo muli ni Kai ang sarili upang tanungin si Shanella.
"I'm not just your breeder, I'm your luna and your mate. There's nothing for me to be afraid of. Besides, wala na rin naman akong babalikang pamilya," may ningning sa mga matang pahayag ni Shanella.
Doon na nga natapos ang usapan sa pagitan nilang dalawa. Unti-unting tinanggal ni Kai ang mga saplot sa katawan ni Shanella habang masuyo pa rin itong hinahalikan.
Impit na napaungol si Shanella nang maramdaman ang masuyong pagpisil ni Kai sa kanan niyang dibdib. Wala na siyang suot na blusa noon at ibinaba lang ni Kai ang strap ng kaniyang bra hanggang kusa ng iluwa ang mayabong niyang dibdib.
Hindi na alam ni Shanella kung paano natanggal lahat ng kaniyang suot. Naramdaman na lamang niya ang bigat ng katawan ni Kai sa kaniyang ibabaw habang pinagpapala pa rin nito ang kaniyang mga dibdib. Pakiramdam niya rin ay lalagnatin siya sa ginagawang iyon sa kaniya ni Kai. Hindi niya malaman kung ibabaling ang ulo at halos mabaliw na siya nang pigilan ni Kai ang dalawa niyang mga kamay habang hinahalikan siya nito sa dibdib pababa sa kaniyang pusod at saka muling bumalik upang angkinin naman ang kaniyang mga labi.
Hanggang sa may maramdaman na siyang kung anong matigas sa pagitan ng kaniyang mga hita.
"From now on, you are officially my girl, my Luna, my mate, my love..." anas ni Kai sa punongtainga niya bago ito tuluyang umindayog sa ibabaw niya.
May luhang bumagsak sa mga mata niya dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman. Ngunit mas nangibabaw ang saya sa kaniyang puso. Sinungaling siya kung sasabihin niya sa sariling wala siyang nararamdamang pagmamahal kay Kai...