FATE 12
MASAYANG pinagmamasdan ni Kai ang kaniyang mag-iina na naghahabulan habang nakaupo naman siya di-kalayuan sa mga ito. Maulap ng mga sandaling iyon kaya naman masarap ang paglalaro ng mga bata.
"Daddy, join us!" mayamaya ay malakas na sigaw ni Kassie.
Nakangiting kumaway si Kai sa anak.
"Come on!" sunod namang sumigaw si Shanella.
Natatawa na lang ngang tumayo si Kai at bigla ay nag-anyong lobo ito at singbilis ng kidlat na tumakbo papunta sa kaniyang mag-iina.
Malakas ang naging pagtili ni Shin nang maramdaman niya ang pagbuhat ng ama sa kaniya. Paglingon niya ay ang mukha ng ama ang nasilayan niya.
"How can you go back to your human form so fast!" giggled Shin.
"It's a secret..." Kai was just teasing his daughter.
"I can do that, too," singit naman ni Kasper na nag-anyong lobo rin at saka nag-anyong tao muli.
"Daddy is faster than you," komento naman ni Kassie.
"Haynaku, tama na 'yan. Pumasok na kayo sa loob at mukhang uulan ngayon," nakatawa namang sabi ni Shanella.
"Hmm... Oo nga. Sumunod na tayo sa utos ni mommy," sang-ayon naman ni Kai na tumingala pa sa kalangitan.
Sabay na nagtakbuhan ang triplets pabalik sa kanilang kubo habang si Shanella naman ay hinawakan muna sa kaliwang palad si Kai.
"Hey, hindi puwede ngayon. Gising ang mga bata," pilyong ngiti ni Kai.
"What?!" ang lakas ng naging pagtawa ni Shanella.
"You can't deny it. Miss na miss mo na akong makatabi," sabay kindat ni Kai.
"Stop it, Kai," tumatawa pa ring ani Shanella.
"Maybe I'm the one who really missed you," paglamlam naman bigla ng mga mata ni Kai.
Shanella sighed. "Matatapos na rin ito at makakapamuhay na tayo ng normal kasama ang mga bata..."
"Sana nga matapos na..."
Niyakap ni Shanella si Kai. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang kumulog.
"Bakit biglaan naman yata ang pagsusungit ng panahon?" kumalas mula sa pagkakayakap si Shanella.
"Baka may bagyo lang na parating," sagot naman ni Kai.
"Ang mabuti pa ay pumasok ka na sa loob at samahan na ang mga bata. Alam mo naman si Kasper, madaling matakot sa kulog at kidlat. Mas matapang pa ang dalawang babae sa kaniya," nakatawang ani Shanella.
Hapon pa lang kasi noon at kasama sa pagbabantay si Shanella kapag araw at sa gabi nga si Kai.
"I really want to end this war, now. I want us to live a normal and happy family..." pagbuntonghininga muli ni Kai. Nalulungkot ito sa tuwing magapapalitan na sila ni Shanella ng pagbabantay. Kapag nasa kubo siya kasama ang mga bata ay hindi naman siya nakakapagrelax o pahinga nang ayos dahil sa pag-aalala kay Shanella at sa kaniyang nasasakupan. Pakiramdam niya ay susugod ang mga Sturgeon sa sandaling pumikit siya.
"Just think positive..." wika ni Shanella at saka ginawaran ng halik sa labi si Kai.
Dumeretso na nga sa kanilang kubo si Kai. Si Shanella naman ay tumingala pang muli sa kalangitan bago ito naglakad upang pumuwesto na sa pagbabantay.
LUMABAS ng mansiyon si Logan at nakangiting tumingala sa kalangitan. Hinintay niya ang pagbagsak ng ulan at saka siya napangiti sa sarili.
"Mukhang excited ka na sa mga nakatakdang mangyari, anak," sumulpot mula sa likuran ni Logan ang amang si Rome.
"Para kay ina ang magiging tagumpay na ito..." seryosong sagot ni Logan sa ama.
Naglakad si Rome upang pantayan ang kinatatayuan ni Logan pagkatapos ay idinantay nito ang kanang kamay sa kaliwang balikat ng anak.
"Makakamit ni Doreene ang hustisiyang hinahanap natin para sa kaniya, anak... Ang lahat ng ito ay hindi mababalewala," paniniyak ni Rome.
"Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pagkamatay ni ina... Kaya tinitiyak kong hindi lang kamatayan ang makakamtan ng anak ni Thallon at Gara kundi ang labis na sakit... Mamamatay si Kai na puno ng kalungkutan..." puno ng galit na sambit ni Logan.
Narinig naman ni Desa ang usapan ng mag-ama. Sa ilang taon na hindi nila kasama si Logan ay wala rin siyang ibang hinangad kundi ang maibigay ang hustisiyang nais nito at ni Rome.
Tahimik siyang bumalik sa kuwarto nila ni Rome. Ayaw niyang abalahin pa ang usapan ng mag-ama. She's not Logan's biological mother. It was Doreene, Rome's first Luna. Siya lamang ang sumunod na inibig ni Rome matapos mamatay si Doreene mula sa kamay ng mga Gibbous.
Malinaw niya pang naaalala noong mga panahong natagpuan ang bangkay ni Doreene. Kumalat iyon sa balita dahil nga kilala ng mayamang pamilya sina Rome at siya naman noon ay matalik na kaibigan lamang ni Doreene...
Napaluhod si Rome sa tabi ng bangkay ng kaniyang asawang si Doreene. Naliligo ito sa sariling dugo at isa na itong malamig na bangkay. Kung titingnan, masasabing matindi muna ang pinagdaanang hirap ni Doreene bago ito nalagutan ng hininga.
"Magbabayad kayo..." mahinang paghikbi ni Rome.
Nanghihina namang napaiyak si Desa habang nakatingin din sa kaawa-awang bangkay ni Doreene.
"Magbabayad kayo!" malakas na sigaw ni Rome habang kuyom ang mga kamao at nakatingala sa kalangitan.
Matapos madala sa morgue si Doreene ay nagulat si Desa nang malamang dadalhin ni Rome si Logan sa morgue.
"Alpha Rome, tama po ba ang narinig kong dadalhin niyo si Logan sa morgue?" lakas-loob na tanong ni Desa.
"Tatlong taon na si Logan. Hindi na siya sanggol para hindi makita ang mga nangyayari," tigas na sabi ni Rome.
"Ngunit—"
"Gusto ko ay ayos na ang magiging burol ni Doreene pagbalik namin ni Logan," putol ni Rome at iniwan na nito si Desa.
Wala na ngang nagawa pa si Desa.
Sa morgue naman ay puno ng pagtataka ang mukha ni Logan nang makita ang inang nakahiga at natatakpan ng tela ang buong katawan nito at tanging ulo lang ang litaw.
"Ama, ano pong ginagawa ni ina?" inosenteng tanong ng tatlong taong gulang pa lamang na si Logan.
"Wala na ang iyong ina, Logan. Pinatay siya ng mga Gibbous," walang prenong sambit ni Rome.
Tigagal ang bata sa narinig. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata nito at napalingon sa amang nasa kaniyang likuran.
"Y-you're l-lying..." garalgal ang boses na sambit ni Logan.
Bumalagsik naman ang mukha ni Rome at pagalit na hinawakan ang kaliwang braso ni Logan. Binuhat niya ito at kulang na lang ay isubsob niya ang anak sa bangkay ni Doreene.
"Tingnan mo! Tingnan mo ang iyong ina at saka mo sabihing nagsisinungaling ako!" galit na galit na hiyaw ni Rome.
"Ina!" malakas na palahaw ni Logan.
Nang maibaba na ni Rome si Logan ay saka ito yumukod upang pumantay sa mukha ng anak. Tinitigan niya itong mabuti.
"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, Logan. Magpapalakas tayo lalo ka na. Sa pagdating ng takdang panahon, uubusin natin ang Gibbous. Bago patayin ni Niah si Kai, nais kong paslangin mo rin muna ang kaniyang mga magulang sa harapan niya. Doble ang sakit na ibibigay natin sa kaniya. Naiintindihan mo ba?!" malakas na sabi ni Rome.
Marahang tumango si Logan habang patuloy ang pagragasa ng luha sa magkabilaang pisngi nito.
Mayamaya ay pumasok naman sa morgue si Desa at nakita ang senaryong iyon.
"Tapos na ba ang pinapagawa ko, Desa?" tanong ni Rome nang hindi tumitingin kay Desa.
"Tapos na, Alpha Kai..." mabilis na sagot ni Desa.
"Ikaw na ang bahala kay Doreene," ani Rome bago nito hawakan sa kamay si Logan at ilabas doon.
"Ina... Ina..." Mahina at puno ng sakit na bigkas ni Logan habang palabas sa morgue.
Napapikit na lang naman si Desa dahil sa awa sa bata...