Kabanata 7: Heat
"L-Luke! L-Lukariah!" impit na sigaw ko nang maramdaman ang pagsakit sa aking likuran. Sumabay pa ang pagsakit ng ulo ko dahilan para mas lalo akong mapapikit ng mariin. Nanoood lang ako ng TV e. Tapos bigla nalang mangyayari 'to. I was enjoying the movie pa naman.
I saw Luke immediately came running towards me. Galing pa ito sa kusina at nagluluto. Inutusan ko kasi itong magluto ng spicy shrimp. I've been craving for it for a week. Nagluluto naman ito pero kakaonti lang kung kaya ay lagi akong bitin sa kinakain. Ang daming bawal na kainin at lahat kailangan pang limitado. Di ba dapat pag buntis hayaan nalang sa pagkain? Psh. Okay lang sana kung iisa lang ang dinadala ko e. Kaya lang apat 'to.
Mag-iisang buwan na simula noong pumirma ako bilang official writer under the publishing company that was owned by Luke. Six months na itong dinadala ko, at araw araw parami ng parami ang sakit na nararamdaman ko.
"Babe! What happened hm?! What do you need? Do you want me to massage your back? Or your feet? Tell me what should I do, babe." nagpapanic nitong tanong. Namamawis ang noo nito habang sinisipat ang buong katawan kong nakasandal sa couch bed na binili niya. Pwedeng pwede itong maging upuan at higaan at kailangan lang na i-adjust. Pero ding i-activate ang sandalan nito at bahagya kang mahiga at mas komportable ako sa ganon.
"M-masakit ang likod at paa ko..." naiiyak kong tugon. I am still seeing the panic in his eyes as he sat on the edge of the couch bed. He gently reached for my feet before massaging it gently.
"Your ankles are swollen, baby..." masuyo nitong saad habang patuloy pa rin sa pagmamasahe.
I sighed before closing my eyes. Ang sabi ng doctor ay normal lang daw 'yon e. Normal nga pero sobrang nakakasakit.
"Do you want to sleep, baby?"
"Hmm..." ani ko nalang. Naramdaman ko ang paghinto niya sa ginagawa. Bahagya nitong inangat ang ulo ko bago ipahiga ang kanina ay sinasandalan ko lang. Kumuha siya ng unan sa gilid ko at inilagay sa aking ulo bago tuluyang ihiga doon.
"Thank you..." I whispered softly habang nakapikit. Naramdaman ko ang pagdapo ng malambot niyang labi sa noo ko bago sinimulang i-massage na naman ang sentido ko.
He's really caring. Isang buwan na kaming ganito pero hindi ko siya nakitaan ng ugaling ikaka-turn off ko... and I admit... I like him. I do like him so much pero hindi ko alam kung worth it ba ako sa kaniya gayong... buntis ako ng apat.... at hindi ko pa alam kung sinong ama.
Sa tuwing naiisip ko 'yon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaonting pagsisisi e. Kung bakit ba kasi naisipan ko ang bagay na 'yon? Pwede naman kasing magka-anak sa ibang paraan e. Ang bobo ko ba sa lagay na 'yon?
Pero... hindi ko kailanman pinagsisihang may nabuong apat na bulinggit sa loob ko. Hindi ako nagsisising narito sila sa loob ko. Mali man ang paraan ko pero...
Silang apat, ang quadruplets ang patunay na kahit papaano ay may tama akong nagawa sa kabila ng maling pamamaraan ko.
And Luke... I don't think I deserve someone like him e. He's a billionaire, a young and successful businessman and I don't think that he deserves to be involved with someone like me. He... could do better.
Maganda lang ako, matalino, talented at sexy pero... may anak na ako e. Magkaka-anak na ako and I don't think, he deserves someone like me. He deserves someone... better.
Pero,
I like him e. I don't think I'll be able to let go of him this soon. Magiging makasarili muna ako ngayon. At pag dumating ang panahon na may mahanap na akong babaeng karapat-dapat sa kaniya ay ako na mismo ang aalis sa tabi niya. I will let him go...
Nakatulugan ko na ganon pa rin ang iniisip. Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga basta nagising nalang ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Paula.
"Sorry. Nagising ba kita, beh?" ani nito. Naupo ito sa gilid ko bago ako inalalayan upang makasandal.
"Where's... Where's Luke?" I asked matapos ako nitong maalalayan paupo. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago hinaplos ang aking tiyan.
"Lumabas lang sandali. May bibilhin daw siya. Kaya nga narito ako e. Alam mo namang araw nong umaalis nang walang nagbabantay sayo." ani nito.
Napangiwi ako nang maramdaman ang pagsipa ng isa sa aking tiyan. Maya maya pa ay nasundan na ito ng sunod sunod na sipa dahilan para mapahawak ako sa braso ni Paula. Mukhang napansin nito 'yon kaya bahagya nitong hinaplos ang aking tiyan na para bang pinapakalma niya ang patuloy na pangungulit ng apat sa aking tiyan.
"Good sign to, beh. They're very active."
"Y-yeah..." I whispered. Good sign nga pero sobrang sakit ng mga sipa nila. Pakiramdam ko ay gusto na nilang lumabas e. Natatakot nga ako na baka bigla nalang lumusot ang mga paa nila dito sa tiyan ko.
"May gusto ka bang kainin, beh? Gusto mo bang iinit ko ang niluto ng Luke mo na spicy shrimp?" I pouted before shaking my head.
"Gusto kong kumain kasama siya..."
Pinandilatan ako nito bago ngumisi. "Arte arte naman ng buntis na 'to e. Porque may Luke e, no?"
I only grinned at her. Nagkwentuhan lang kami ni Paula hanggang sa dumating si Luke. May dala na itong paper bag na. Mukhang dumaan pa yata ito sa department store kaya siguro medyo natagalan. Pumasok naman si Pau sa kusina para ihanda ang lunch namin.
Luke took his long-sleeved shirt off. Nanatili lang akong nakatitig sa katawan nito. Sanay na ako e. Kumuha ito ng alcohol na nasa side ko lang. Halos ibuhos pa nito ang alcohol sa katawan bago kinuha ang isang bagong puting t-shirt at isinuot. Naglagay rin ito ng alcohol sa kaniyang kamay bago lumapit sa akin.
I smiled softly.
That's what he always do everytime na lalabas siya ng bahay. He said na kailangan daw niyang mag-disinfect pagkatapos lumabas bago lumapit sa akin para iwas virus daw lalo na at pregnant ako. But the truth is, I know that he's low-key cleanliness... at maarte rin. Ginagawa pa akong rason sa kaartehan at ka-OA-han niya e.
He kissed my forehead nang makaupo sa gilid ng couch bed.
"I bought an epsom salt for you, babe." He said before handing me the paper bag na dala niya kanina.
My eyebrows furrowed. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung ano ang nasa loob.
"What's this?"
"It helps in easing sore muscles and back pain. It treats leg cramps too." Hinaplos nito ang buhok ko habang masuyo ang mga matang nakatingin sa akin.
"You have to soak in this for at least 15 minutes, babe. This will reduce the swelling. And we'll not be using a water that's too hot. We'll use cold water for this to lessen the heat too. I know you've been feeling hot these days,"
My heart warmed. He really cares. I can see that. I can see how sincere he is of taking care of me.
"How did you know I always feel hot?" mahina at nakanguso kong tanong. He chuckled before settling himself beside me. Inakbayan ako nito bago hinalikan ang aking sentido.
"You always wear sleeveless baby. Sometimes, you always sleep topless."
Nanlaki ang mga mata ko bago siya marahang hinampas. "Pinapasok mo ako sa kwarto ko?!" Tuwing gabi ko lang naman 'yon ginagawa. At palagi akong nagigising na may suot ng damit! Akala ko ay si Paula ang nagbibihis sa akin, siya pala?!
"Naiinitan kasi ako..." ani ko nalang bago siya niyakap. Hindi iyon mahigpit dahil baka maipit ang apat sa loob ko.
"Mas naiinitan ako ngayon, Sadhbh." paos nitong saad. Nag-init ang mukha ko at dahan dahang humiwalay rito.
"H-ha?"
"Your boobs were pressing on me awhile ago, babe. Of course, I'll feel hot."
My jaw dropped.
It's just my boobs?! How could he be turned on by that?!